“Good evening, Sir and Ma’am, this way, please.” Magalang na salubong sa kanila ng staff ng restaurant na mag aassist sa kanila. Tumatawang pinalo ni Hazel si Steve ng kumuha ito ng red roses sa waiter na dumaan at nilagay sa tenga niya. “Nakakahiya, ano ka ba!” Baka mamaya ay mayron may arise ang rosas na kinuha nito. “Hindi nila mapapansin, isa lang naman.” Nagtaas-baba ang dalawang kilay na dahilan nito. Habang nililibot niya ng tingin ang paligid ay hindi niya maiwasan na hindi mahiya. Sa mumurahin niya lang kasi ito nilibre. Pinakain pa niya ito ng fishball at kikiam. “Don’t you like it here? Kung gusto mo lumipat tayo sa ibang restaurant. What do you prefer? Japanese restaurant, or American?” “Naku, hindi. Nahihiya lang kasi ako dahil mukhang sobrang mahal ng mga pagkain dito. Walang-wala to sa pagkain na nilibre ko sayo.” Napanguso siya ng tumawa ito. “Anong nakakatawa? Tama naman ang sinabi ko ah. Malay ko bang sumakit pala ang tiyan mo sa pagkain na binili ko sayo
Last Updated : 2024-10-23 Read more