LIKE 👍
Samantala… nanlalamig si Arcellie habang nakatingin sa kanyang ama at sa babaeng kasama nito na kamukhang-kamukha ni Harley. Nang matanggap ng babae ang report ay nagmamadali itong bumalik ng bansa upang malaman kung tama ang report na natanggao niya sa mga tauhan. “H-hindi… tiyak ako na kamukha lamang ni Harley ang babaeng iyan! Hindi ito maaari!” Nagmamadali na nilisan ni Arcellie ang lugar. Hindi siya makapaniwala nakita ng mismong mga mata niya. Ito ba ang tinutukoy ni Aika na kamukha ni Harley? Negative ang results ng DNA ayon sa kanyang anak kaya bakit hindi parin pinuputol ng kanyang ama ang ugnayan nito sa babaeng ‘yon? Hindi kaya? “Ahhhh! Hindi!” Naisahan sila! Natitiyak ni Arcellie na naisahan sila ng mga ito at pinalabas lamang na hindi ito ang anak ni Harley. Bakit? Dahil alam ng kanyang ama na masasaktan ito sa kamay niya? “You’re a cunning man, Steve! Alam kong kayo ni Ranz ang nagplano nito! Ahhh!” Ang lahat ng mahawakan ni Arcellie ay kanyang pinagtatapo
Tinitigan ni Hazel ang picture ng nanay niya. Hindi siya makapaniwala na kamukhang kamukha niya pala ang nanay niya. Parang iisang tao lang silang dalawa. At ang higit na nakakahulat—mayaman pala ang nanay niya, malayo sa sinasabi nila Yassie na bayarang babae ang nanay niya. Pinahid niya ang luha niya at niyakap ang litrato nito. Hindi man lang niya ito nakita at nakasama ng matagal. Kung hindi siguro itong maaga nawala ay hindi siya magiging kaawaawa at mabibilanggo ng matagal ng papa niya. Hindi sana siya maghahangad ng pagmamahal ng kanyang ama. Walang patid ang pagluha niya habang nakahiga. Umuwi muna siya kasi gusto niyang mapag isa… masyadong maraming nangyari sa kanya nitong nakaraan. “Ano? Nagkita kayo ng Lolo mo?!” Magkakatabi na umupo sina Tes, Giselle at Toni sa harapan niya ng banggitin niya ang tungkol sa lolo niya. “Teka. Akala ko ba wala ka ng ibang kamang anak bukod sa papa mo at sa bruha mong kapatid?“ “Iyon din ang alam ko. Kaya nga nagulat ako dahil may kam
Hindi mabura ang ngiti sa labi ni Hazel ng lumabas siya ng silid ng lolo niya. Akala niya ay hindi sila magkakasundo agad dahil hindi naman sila nagkasama ng matagal, pero mali siya. Kahit na hindi sila matagal na nagkasama ay agad nilang napalagayan ng loob ang isa’t isa. Malayo sa pamilya ng papa niya—matagal niyang nakasama ang mga ito ngunit hindi niya naramdaman ang ganito. Napakagaan ng dibdib niya… masaya siyang kasama ang lolo niya. Gano’n yata kapag pareho niyong tanggap ang isa’t isa.. wala kang mararamdaman na bigat ng kalooban. "HAZEL." Huminto si Hazel ng marinig ang boses ni Steve. “K-kuya Steve…” Noon naman ay hindi siya nakakaramdam ng pagkailang, pero simula ng halikan siya nito ay naiilang na siya sa binata. Bumuntonghininga si Steve. Agad na napansin ng binata ang pagkailang sa mukha ng dalaga ng makita siya. “About the kiss—“ "K-kalimutan mo na 'yon, Kuya Steve. Wala naman ibang ibig sabihin yon para sakin. A-Ang totoo ay hinayaan lang kita dahil gusto
“What if sa Korea tayo magpakasal? How about Paris? Japan? Ano sa palagay mo?” Nang hindi kumibo ay Frank ay padasko na umupo si Yassie sa upuan na nasa harapan ng nobyo. “Babe, naman. Kanina pa ako nagsasalita pero parang hindi ka naman nakikinig. Daig ko pa ang nakikipag usap sa hangin. My god, Frank… makipag-cooperate ka naman. Baka nakakalimutan mo na hindi lang ako ang ikakasal!” Nanatiling nasa dokumentong nasa harapan ang paningin ni Frank. Bumuga ng hangin si Yassie bago nilapitan si Frank, kanya itong minasahe sa balikat. “Babe, it’s been 5 years since we planned this wedding. Bakit hindi natin pareho bigyan ng time ang pag-prepara ng kasal nating dalawa? Hindi ito basta event lang sa buhay natin, babe. It’s more than important than anything because it’s our wedding—“ “Will you please shut up, Yassie? Can’t you see I’m busy? Wala akong panahon sa ibang bagay ngayon maliban sa negosyon. Now go and don’t disturb me for a while.” Taboy ni Frank sa dalaga. Inalis ng bi
NAKANGITING umikot si Aika sa harap ng salamin habang suot ang isang white dress. “Mommy, isnt it beautiful?” may ngiti sa labi na tanong niya sa mommy niya. Narito sila ngayon sa isang Boutique shop upang pumili ng disenyo na susuotin sa darating na sabado. “Absolutely, my dear. Bagay na bagay sayo, you look stunning!” Tinitigan ni Aika ang sarili sa salamin. Tama ang mommy niya. Napakaganda niya sa suot niya. Para siyang ikakasal sa suot niya. Well, malapit na rin naman silang ikasal ni Steve. Alam niya na ang anunsyo na sasabihin ng Lolo niya sa party sa darating na linggo ay tungkol sa pagpasa ng posisyon nito sa mommy niya at kasal nilang dalawa ni Steve. Noong nakaraang dalawang linggo lang ay nanggaling silang mag ina sa Amerika para bisitahin ang lolo niya sa hospital. 5 year ago kasi ay nagpalipat ito sa ibang bansa kaya naroon na ito ngayon at nanirahan doon ng halos limang taon. Iyon na nga. Sinabi nito na ililipat na posisyon at i-aanunsyo ang kasal ng apo nito kay S
Mapanuyang tumawa si Aika. “Tingnan mo nga naman kung saan siya dinala ng yabang niya. Nasaan na ang sinasabi niya na papakasalan siya ni Frank? Mukhang mauuna pa ako sa kanya. Poor, Yassie… mukhang kakainin niya ang lahat ng kayabangan niya noon. kaya mahirap magsalita ng tapos… minsan magugulat ka nalang na resulta ng mga sinabi mo.” pakiramdam ng dalaga ay nakaganti siya sa kayabangan noon ni Yassie sa kanya. Samantala, tahimik naman si Arcellie na nakamasid sa gusaling sumabog limang taon na ang nakakaraan. Ang hatid ng sirang gusali sa iba ay kalungkutan dahil sa halos limampu na namatay, ngunit ang hatid nito sa kanya ay tagumpay… dahil kung hindi sa pagsabog na ito ay hindi nila makukuha ng kanyang anak ang matagal na nilang minimithi. TINAPIK ni Toni ang balikat ni Aling Fatima na ngayon ay emosyonal na lumuluha. Kahit sina Giselle at Tes ay hindi mapigilan na malungkot habang nakatingin sa mga kandila at bulaklak para sa mga taong namatay limang taon na ang nakakaraan. “H-
MALUNGKOT na nilapag ni Rose ang bagong eyeglass na dala para kay Hazel. Sa tuwing pupunta sila dito ng kanyang ina ay hindi niya kinakalimutan na bumuli nito para sa dalaga na naging malapit na rin sa kanila. Maging si Freya ay nabalot ng lungkot ang puso habang nakatingin sa mga bulaklak at kandila na nagkalat sa paligid. Nalulungkot ang ginang hindi lamang para kay Hazel, maging sa iba pang namatay at nawalan ng buhay sa lugar. Katulad ng nagdaan na taon, napansin ng mag inang sina Freya at Rose na tahimik lamang si Frank na nakatayo sa gilid, walang emosyon o ekspresyon ang mukha at walang pakialam. “Siya nga pala, anak. Totoo ba ang nabalitaan ko na ikakasal na kayo ni Yassie next month?” Kumunot ang noo ni Frank. “Who told you that?” Si Freya naman ang kumunot ang noo. “Why? Hindi ba totoo?” Hindi kumibo si Frank, ngunit nakasalamin sa mukha ng binata na ayaw pag usapan ang kasal kaya naman nakakaunawa na tumango na lamang ang kanyang ina. “So, para saan pa na nagpaalam ka
“Frank? My god! Finally, you came!” lumapit si Yassie sa binata at yumakap. “Akala ko ay hindi ka na darating, but you did. Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, babe!” Kumunot ang noo ni Frank. Kung gano’n ay imbitado si Yassie sa party na ito? Sa party ng mga Montefalco? Pinasadahan ni Yassie ng tingin ang kabuohan ng nobyo. “Really, Frank? Leather jacket for a party? Are you insane?” hindi maitago ang pagkairita sa tinig na sita ni Yassie. Kilala siya bilang isang sikat na fashion designer. Masisira ang kanyang imahe kung hahayaan niya na magsuot ng ganito ang nobyo sa isang magara at sosyal na event kagaya nito. Besides, mayaman at kilala si Frank sa bansa. Magiging kahiya-hiya siya kung makikita ng iba na wala ang suporta nito sa mga designs na ginagawa niya. Hinila ni Yassie si Frank sa kamay, noong una ay hindi nagpadala ang binata. Ngunit ng sabihin ni Yassie na maaari na hindi sila papasukin ay hinayaan niya na igina siya ng dalaga sa kotse nito. Mula roon ay nilabas ni