“Frank? My god! Finally, you came!” lumapit si Yassie sa binata at yumakap. “Akala ko ay hindi ka na darating, but you did. Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, babe!” Kumunot ang noo ni Frank. Kung gano’n ay imbitado si Yassie sa party na ito? Sa party ng mga Montefalco? Pinasadahan ni Yassie ng tingin ang kabuohan ng nobyo. “Really, Frank? Leather jacket for a party? Are you insane?” hindi maitago ang pagkairita sa tinig na sita ni Yassie. Kilala siya bilang isang sikat na fashion designer. Masisira ang kanyang imahe kung hahayaan niya na magsuot ng ganito ang nobyo sa isang magara at sosyal na event kagaya nito. Besides, mayaman at kilala si Frank sa bansa. Magiging kahiya-hiya siya kung makikita ng iba na wala ang suporta nito sa mga designs na ginagawa niya. Hinila ni Yassie si Frank sa kamay, noong una ay hindi nagpadala ang binata. Ngunit ng sabihin ni Yassie na maaari na hindi sila papasukin ay hinayaan niya na igina siya ng dalaga sa kotse nito. Mula roon ay nilabas ni
“Ikaw ba ang nagdesign sa suot mo ngayon?” tumango si Yassie kay Marga. “Woah. Ang ganda! No wonder na isa ka sa pinakamagaling na designer sa bansa. Kung nagpagawa nalang sana sayo si Aika. Hindi sana siya magmumukhang…. Arghh! Nevermind. Ikaw nalang ang humusga kapag nakita mo siya. Oh, nariyan na pala siya.” nginuso niya ang paparating na kaibigan, kasama nito ang mommy niya, at katulad ng inaasahan, marami ang nagulat at nagtataka sa suot ni Aika, si Yassie ay natawa rin. “My god, Aika. ikakasal ka ba kaya ganyan ang suot mo ngayon?” mahina at natatawang tanong ni Yassie. “At least ako, sigurado na ikakasal. How about you and… Frank?” Nabura ang ngiti sa labi ni Yassie, napatikhim naman si Marga. “Oh, I’m just kidding okay. Ang gusto ko lang naman sabihin, I chose this one because I excited for our upcoming wedding. Alam niyo naman kung gaano ako katagal naghintay na maikasal kay Steve, right?” “Yeah, right.” ani Yassie sabay irap. “OH, REALLY? Ang anak mong si Aika pala a
Nang mapatingin si Yassie sa mukha ng nobyo ay nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mata nito na hindi niya nakita dito sa nagdaang mga taon. Hindi kaya… ito ang hinahanap ni Frank kanina pa? May namuong hinala sa isip niya. Si hazel, maikli ang buhok na lagpas lamang ng tenga. Wala itong salamin kaya lalong litaw ang kulay at maganda nitong mata. Ang mala-gatas at makinis na kutis nito ay bagay na bagay sa suot nitong tube red dress na lagpas talampakan ang haba na mayrong mahaba na slit sa gitna, kaya sa tuwing hahakbang ang dalaga ay halos makita ang buo ngunit napakaganda nitong mga hita. “Haze…” Pumigil sa braso ni Frank si Yassie ng subukan ng binata na puntahan si Hazel sa stage. “Babe, may problema ba?” malambing, ngunit naroon ang pagpipigil ni Yassie na huwag magpakita ng selos sa katipan. Nilalabanan ang isip na mali ang kanyang hinala kanina. Hindi sumagot si Frank, ang kanyang mata ay nakapako lamang sa dalaga na ngayon ay kayganda ng ngiti sa mukha. “I love y
SAMANTALA. Nang makita ni Arcellie ang ama at si Mr. Mendoza na nag iisa ay agad na pinuntahan niya ito. “Ano ang ibig sabihin nito, papa? Pinahiya mo kami ni Aika! All this time, buhay pala ang babaeng iyan pero hindi mo man lang ipinaalam ito sa amin? Para ano? Dahil balak mo kaming ipahiya ng ganito ng anak ko?” Kalmadong sumagot si Hnery dito. “Hindi ko kayo pinahiya, Arcellie. Kung may namahiya man sa inyo, kayo mismo iyon ng sarili mong anak.” “Papa!” “Bakit, Arcellie? Sinabi ko ba sa inyo ni Aika na kayo ang tinutukoy ko para umasa kayo ng ganito?” hindi nakasagot si Arcellie. “Hindi bat alam mo na hindi lamang si Aika ang apo ko? Bakit mo naisip na wala na akong ibang apo maliban sa anak mo?” Kumuyom ang kamao ni Arcellie, kanyang pakiwari ay may laman ang sinasabi nito. “Pero sana ay sinabi mo sa amin ng anak ko ang tungkol sa kanya! Papa, naman… hindi kami ibang tao ng anak ko. Pamilya mo din kami.” “Hindi ba’t alam mo ang tungkol kay Hazel?” nagpatuloy si Henry ng hi
BUMUNTONG HININGA si Hazel habang nakasandal sa pader at pinapakinggan ang pagatatalo sa loob. Katulad ng kanyang inasahan, hindi pumayag ang ibang kaanak ng lolo niya sa desisyon nito. Limang taon na din ang nakakalipas simula ng dalhin siya sa Amerika ng lolo niya para ipagamot. Mabuti nalang at nakalabas na siya ng gusali ng tumawag sa kanya si Steve kaya hindi siya malubha ang tinamo niyang pinsala. Pero dahil tinamaan ang binti niya, kailangan niyang dalhin sa ibang bansa para maipagamot at makalakad. Gusto niya sanang sabihin sa mga kaibigan niya na buhay siya at ligtas, ngunit tumutol si Lolo Henry. Mas makabubuti daw na ilihim muna niya na ligtas siya dahil baka muling malagay sa alanganin ang buhay niya. Naniniwala kasi ito at si Steve na sinadya ang pagsabog ba yon para mapahamak siya. Nang makaramdam ng tawag ng kalikasan ay nagtungo siya sa restroom, nagretouch na rin siya ng makeup. Tumingin siya sa daliri niya kung nasaan ang singsing na galing kay Steve. Noong un
Kumuyom ang kamao ni Yassie, hindi niya nagustuhan kung paano siya ipakilala ni Hazel. Tahimik na sinuri niya ang kapatid. Ayaw man niya aminin, inaamin niya na nagulat siya sa malaking pinagbago nito.Lalo itong gumanda. Nag-matured mana ng itsura nito, nagmistula naman itong artista, hindi lamang sa katawan, lalo din itong gumanda. Wala na ang old-fashion-style na dating nito. Nagmistula itong ibang tao ngayon kung ikukumpara sa ayos nito noon.Nang mapansin ni Hazel ang paninitig ni Yassie ay hindi niya maiwasan ang matawa. Halata naman na nagulat ito sa ginawa niya.“Come on, Katya. Hanapin na natin si Tito Samsung.” Tumango si Katya at sumunod na kay Hazel, ngunit bago iyon ay maldita itong tumingin kay Yassie. “Better watch your mouth next time, bitch. Hindi ako namimili ng sasampalin.”Inis na inis na sinundan ng tingin ni Yassie ang dalawa. Mukhang wala naman ibang nagbago kay Yassie bukod sa itsura nito. Pero nagkaroon naman ito ng kakampe ngayon. Kailangan niyang tawagan an
Nang makita ni Steve si Hazel ay nilapitan agad ito ng binata. “Where have you been? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Katya.” nang matawa si Hazel ay natawa na rin siya. “You know my sister very well, Hazel. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ka niya nahahanap.”Daig pa ng dalawa ang magkapatid. Nang nasa Amerika pa sila ay mas madalas na magkasama ang dalawa kesa sa kanila ng nobya. Paano ay walang inatupag si Katya kundi ang guluhin sila kapag may pagkakataon. Siguro dahil naghahanap ng sister figure ang dalawa, at natagpuan nila iyon sa isa’t isa.Hinawakan ni Steve ang braso ni Hazel na namumula. “Napano ito?” Saglit na nag-isip si Hazel ng maidadahilan. “Hmm, may maduming bagay kasi na dumapo sa balat ko.”“Hazel!” kumaway si Katya sa dalaga ng makita ito. “Pumayag si Kuya na pumunta tayo ng Paris next week!” masayang balikat nito. Tumingin si Hazel sa nobyo, tumango naman ito.,“Ano ang magagaw ako? Sigurado naman ako na hindi niya ako titigilan kapag hindi kita pinayaga
Nang subukan ni Frank na habulin si Hazel ay ikinawit naman ni Yassie ang kamay sa braso nito.“Come on, Frank. Mukhang marami ka ng nainom.” sinubukan niya na yakagin ang nobyo paalis ngunit hindi ito nagpadala, nasa mukha ng binata ang kagustuhan na si Hazel ay habulin pa.“Are they a lovely couple, right? Just like the two of you, Mr. Evans.”Hindi sumagot si Frank, nakapinid ang kanyang labi habang nakatingin sa apo nitong papalayo kasama si Steve. Damn! Gusto niya itong habulin.“Steve is a good man. Kung may lalaki man ako na gusto para sa aking apo, siya iyon at wala ng iba.” may riin na dugtong ni Henry, na ikinaigting ng panga ni Frank. “Nabalitaan ko na naging malapit kayo sa isa’t isa noon ng aking apo. Salamat sa pagiging parte NOON ng buhay ng aking apo, Mr. Evans. Hindi mo na siya kailangan alalahanin ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan, kasama ako, at si Steve na kanyang pakakasalan.”Noon? Pakakasalan? Dama ni Frank ang riin sa bawat katagang iyon na sinabi n