Kinabukasan, habang papasok ako sa school, muli kong naramdaman ang mga matang nakatingin sa akin. Binilisan ko ang lakad ko, pero hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ang paligid. May nakita akong lalaking nakatayo sa kanto, parang hinihintay ang bawat galaw ko. Agad akong nag-message kay Marco. Aria: Marco, sunduin mo ako. Parang may sumusunod sa akin. Hindi nagtagal, dumating siya sa tapat ng building. Agad akong sumakay sa kotse niya, nanginginig pa rin sa takot. “Kanina ka pa tinitiktikan, Aria,” sabi niya nang makapasok ako sa kotse. “Tama na ‘to. Sabihin mo na kay Enzo.” “Marco, sinabi ko nang ayoko siyang mag-alala,” madiin kong sagot. Pero sa totoo lang, nasasakal na rin ako sa lahat ng nangyayari. Pag-uwi ko ng bahay, tahimik akong nakaupo sa sofa. Hindi ko napigilang magtanong sa sarili. Hanggang kailan ko ito maitatago kay Enzo? At hanggang kailan ko kakayanin nang mag-isa? Habang nakatulala, tumunog ang telepono ko. Nang sagutin ko, narinig ko ang bose
Last Updated : 2024-12-11 Read more