Sorry for the very late update! ❤️
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= We were sitting next time each other when someone knocked on his office door. Umayos ako ng upo. “Attorney, may urgent meeting po kayo for the case. Papasukin ko na po ba?” mahinang tanong ng secretary niya kaya matipid akong ngumiti kay Enzo na sumulyap sa akin. “Go ahead. Doon muna ako sa shop ni Tita Mayi,” nakangiting paalam ko at tumayo. “Okay babe. Papasukin mo na,” senyas niya kaya nang umalis yung babae ay natigilan ako nang paupuin ako muli ni Enzo at mabilis na halikàn sa labi dahilan para mapapikit ako. Nang may kumatok ay umayos ako kaagad. Ngunit napansin kong may lipstick sa labi ni Enzo kaya mabilis kong pinahid ‘yon. “Sutil,” bulong ko at kumaway na at mabilis na umalis. Hindi naman maipinta ang ngisi sa mga labi niya bago tumango. Paglabas ko ng opisina ni Enzo ay hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko. Ang lakas ng impact ng ginawa niya—kahit ilang beses na niya akong hinalikan, nakakakilig pa rin. Mabilis akong tu
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagdating namin sa condo, ramdam ko ang kakaibang saya sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensya ni Enzo o dahil lang sa mga nakakakilig niyang banat na hindi ko magawang isnabin. “Ano yung plan mo?” tanong ko habang sinusundan siya papasok sa unit. “Secret. Relax ka lang, Aria,” sagot niya habang naglalakad papunta sa kusina. Napansin kong may nakahanda nang hapunan sa mesa—simple pero elegante. Candles, wine, at mga paborito kong pagkain. Napakunot ang noo ko. “Enzo? Did you plan this?” tanong ko, hindi makapaniwala. “Of course. Gusto ko lang i-celebrate na nakalabas na ako ng ospital at… kasama kita,” seryoso niyang sabi habang inilalapit ako sa mesa. “Ang corny mo,” biro ko, pero hindi ko naitago ang kilig ko. “Corny na kung corny, basta ikaw ang kasama ko,” sagot niya habang hinila ako paupo. Tahimik kaming kumain, pero ramdam ang init ng bawat tinginan. Panay ang ngiti ni Enzo sa akin, at kahit anong pilit kong iwas
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang sinabi ng pulis sa tenga ko, “Enzo Fuentabella was involved in an ambush.” Mabilis kong kinuha ang coat ko at sumugod palabas ng condo. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital, pero bago ko pa man marating ang emergency room, naramdaman ko na ang bigat ng kaba sa dibdib ko. Pagdating ko doon, nakita ko ang isang grupo ng mga doktor at nars na nagmamadaling pumasok sa isang operating room. Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang nasa loob, alam kong si Enzo iyon. “Excuse me, ma’am. Are you a relative of Mr. Fuentabella?” tanong ng isang nars na tila nahirapan akong abutin sa dami ng tao. “Yes, I’m his fiancée,” mabilis kong sagot kahit na alam kong maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi totoo ang relasyon namin. No, it was real. Our feelings are real. Pero sa pagkakataong ito, wala akong pakialam. “Ma’am, he’s in critical condition. He sustained mu
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Dumating ang araw na kailangan niya ng dalhin sa ibang bansa at wala akong magawa. Hinatid ko lang sila sa airport, “Magpagaling ka doon, hihintayin kita…” “Mmm, salamat. Ingat ka. Mas mabuti kung sa bahay ka muna ninyo umuwi,” mahinahon na sabi ni Enzo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nang makaalis sila ay sumabay ako kay Tito Eros papauwi. Hinatid niya ako mismo sa bahay. Makalipas ang dalawang linggo ay sobrang namimiss ko na si Enzo. Minsan kasi at tawagan at video calls lang ang nagagawa namin. Ngunit nag-focus na lang ako sa med school. Hectic rin ang schedule at halos ang vacant ko lang ay 2 hours. Hindi ko siya magawang bisitahin man lang. Papalabas na ako ng school ngunit habang pumapara ng taxi ay nagitla ako nang parang iba ang liko ng taxi at derederetso sa akin. Nang malapit na ito sa akin ay hindi ako nakagalaw ngunit may humablot sa likuran ko dahilan para mapaupo kami sa sahig dalawa. “What the fuck dude?!” malak
Kinabukasan, habang papasok ako sa school, muli kong naramdaman ang mga matang nakatingin sa akin. Binilisan ko ang lakad ko, pero hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ang paligid. May nakita akong lalaking nakatayo sa kanto, parang hinihintay ang bawat galaw ko. Agad akong nag-message kay Marco. Aria: Marco, sunduin mo ako. Parang may sumusunod sa akin. Hindi nagtagal, dumating siya sa tapat ng building. Agad akong sumakay sa kotse niya, nanginginig pa rin sa takot. “Kanina ka pa tinitiktikan, Aria,” sabi niya nang makapasok ako sa kotse. “Tama na ‘to. Sabihin mo na kay Enzo.” “Marco, sinabi ko nang ayoko siyang mag-alala,” madiin kong sagot. Pero sa totoo lang, nasasakal na rin ako sa lahat ng nangyayari. Pag-uwi ko ng bahay, tahimik akong nakaupo sa sofa. Hindi ko napigilang magtanong sa sarili. Hanggang kailan ko ito maitatago kay Enzo? At hanggang kailan ko kakayanin nang mag-isa? Habang nakatulala, tumunog ang telepono ko. Nang sagutin ko, narinig ko ang bose
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Habang nag-aaral ay natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko at naka-receive ako ng text mula kay Enzo. Tatlong araw na siyang walang reply sa akin. Hinawakan ko ang cellphone at pag-open ko ng convi namin ay nanlamig ang kamay ko. Matagal akong napatitig sa iilang pirasong salitang iniwan niya sa akin. Enzo: Tapusin na natin, Aria. Let’s end this fake setup. I want a breakup. Natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Naramdaman ko ang pagbabadya ng mainit na likido sa aking mata at ang panlalabo nito. Mariin akong napapikit. I tried calling him to confirm what he just said, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. ‘B-Bakit? Bakit siya nakikipaghiwalay? O-Okay naman kami ah?’ Dahil doon ay tinadtad ko siya ng text message. Aria: Ano bang sinasabi mo? Bakit bigla mong sinabi ‘yan? Aria: Seryoso ka ba Enzo? Aria: Uy mag-reply ka naman. Hinihintay kita oh, nakakabigla ka naman... Aria: Enzo! Enzo: I got tired
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nang makalapit siya sa table namin ay nalanghap ko kaagad ang expensive smell of perfume ni Enzo. Napalunok ako ng ilang beses at hindi makatingin sa kanya. “How’s your therapy, Enzo?” tanong ni dad sa kanya. “It’s okay now, tito. I’m cured,” kalmadong sagot ni Enzo kaya nang bahagya ko siyang sulyapan ay lumunok ako dahil nakatingin siya sa akin. ‘’wag daw siyang iwan, pero ako yung iniwan niya… Ayos ba, tsk.’ Inirapan ko siya at napansin kong nagitla siya sa ginawa ko. Parang hindi kami naging mag-bestfriend kung makipaghiwalay siya. Sa text?! Ni hindi man lang sa call? Tsk. Later on, pinapunta ako sa stage ni daddy just to introduce me to his constituency. “I’m introducing you mu daughter, my unica hija. Aria Maeve! She’s a medical student, yes, studying to be a doctor. I’m planning to create a company for hospital machinery,” nakangiting sabi ni daddy at tila proud na proud sa akin. After the introduction a lot of families came
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nang makarami ng alak ay huminto na ako, alam ko pa naman ang limitasyon ko. Ngunit pagkatayo ay nahilo ako, natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Tiningala ko ito at halos bawiin ko kaagad ang braso nang makilala na si Enzo ito. Ang gwapo niya ngayong gabi but I hate him so bad. “Don’t touch me,” mahinang sabi ko dahilan para maglapat ang labi niya at tumango. Dahil sa hilo at inalalayan na ako ni daddy papalabas kasabay ang pamilyang Fuentabella. “Ate you’re wasted,” bulong ni Elysia sa akin. “Not yet, hindi ako ganito ma-wasted, Ely. ‘Di ba dad?” Tiningala ko pa si daddy na alanganin na natawa at sumangayon sa akin. “Tito Veyn’s probably lying,” singit ng isang paepal sa buhay ko dahilan para mas matawa si daddy. Sinamaan ko ng tingin ang asul na mata ni Enzo. Then I mouthed, “Fuck you.” Umawang ang labi niya sa pagkabigla at gwapong napailing. Napangisi ang labi niya and may sinabi rin sa parehas na pamamaraan ng akin. “Wh
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Then suddenly, for a moment, I was reminded of the fiancé he’s been hiding before. Are they married now? While we are eating, I suddenly wanted to ask him. “How are you and your wife?” malumanay ang pananalita ko ngunit napahinto siya. “Wife?” pag-uulit niya na tila ba nabingi siya sa aking inulat. Ang asul niyang mata ay nakatuon sa akin ngunit ang tingin niya ay nangengwestyon. “Y-You had a fiance before I left,” pabulong na asik ko. Napahinto siya lalo at tila naunawaan ang sinabi ko. “Oh, about that. My fiance left, so we didn’t really got married.” On his remarks, napahinto ako. Iniwan rin siya? Is it because of me? Napatingin ako sa kanya, pilit iniintindi ang sinabi niya. “Your fiancée left?” mahinahon kong ulit, pero sa totoo lang, may kung anong bigat ang bumagsak sa dibdib ko. Tumango siya at muling sumubo ng pagkain, parang kaswal lang ang usapan na ‘to para sa kanya. “Yeah. She left, just like that.” May bahagyang pait sa
=Aria Maeve Sienna’s Point of View= Putangina. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. “As if,” masungit kong sagot habang ibinaba ang folder sa mesa niya nang may diin. “Nandito lang ako kasi baka kailangan mo ‘to sa kaso mo. Period.” Tumango-tango siya, pero halata sa ngisi niya na hindi siya naniniwala. “Right. And you just happened to pass by my law firm with those records in hand?” Nagtaas ako ng kilay. “Exactly.” “And that totally doesn’t sound like an excuse?” Huminga ako nang malalim at tumingala, pilit pinipigilan ang sarili ko na sipain ang lamesa niya. “Enzo, putangina ka talaga. If you don’t need the records, I’ll leave.” “Woah, woah.” Pinatong niya ang siko niya sa mesa, nakangisi pa rin. “Don’t be so defensive, doc. You’re starting to sound guilty.” “Guilty saan?” “Missing me.” Binigyan ko siya ng deadly glare, pero mukhang mas lalo lang siyang na-eentertain. “Alam mo, attorney, gusto talaga kitang suntukin minsan.” “Go ahead. Pero baka lalo kan
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan namin ni Enzo, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiwas sa paraan ng pagtitig niya—masyadong sigurado, masyadong kampante na kaya ko ang lahat, kahit ako mismo kanina lang ay muntik nang matalo ng kaba. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa lounge. Pagod na pagod ako, pero alam kong hindi pa tapos ang araw ko. Saktong pag-upo ko pa lang sa couch ay naramdaman ko ang presensya ni Enzo sa tabi ko. Hindi ko na rin nagawang magulat. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta, parang may radar siya pagdating sa akin. “Stress reliever?” tanong niya sabay abot ng isang boteng tubig. Tinanggap ko iyon nang hindi siya tinitingnan. “Hindi mo ba ako bibigyan ng energy drink? Alam mo namang hindi ko kailangan ng tubig lang.” “You’re a doctor. Alam mong hindi maganda ang sobrang caffeine.” Napanguso ako at uminom ng tubig bago siya sinulyapan. Nakasa
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Ilang araw ang lumipas, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, pero parang sinadya ni Enzo na guluhin ang sistema ko. Tuwing may meeting kami tungkol sa kaso, hindi ko alam kung paano niya nagagawang balansehin ang pagiging seryosong abogado at pagiging panggulo sa isipan ko. Katulad ngayon. Nakaupo kami sa isang pribadong restaurant kung saan niya ako dinala para pag-usapan ang magiging approach namin sa deposition. Ang kaso? Hindi ako makapag-focus dahil sa paraan niyang tumitig sa akin—parang may ibang agenda maliban sa kaso. “Can you stop looking at me like that?” iritable kong sabi habang binubuklat ang folder sa harap ko. Nag-angat siya ng tingin mula sa baso ng whiskey niya at ngumiti. “Like what?” Napairap ako. “Like you’re thinking of something other than work.” “Hmm, guilty,” walang kahirap-hirap niyang inamin. “Pero sino bang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong maadik sa presensya mo, doc.” Napaat
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Nagtagal pa kami sa opisina niya, hindi nagmamadaling tapusin ang usapan, hindi rin nagmamadaling umalis. Parang kahit wala kaming sinasabi, may sariling paraan ang hangin sa pagitan naming dalawa para magkaintindihan. “So,” basag niya ulit sa katahimikan. “What now, doc?” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” Umayos siya ng upo, ini-cross ang isang paa sa ibabaw ng tuhod niya, all casual and confident—Enzo Fuentabella in his natural state. “You’re cleared from the case. Wala ka nang dapat ipag-alala. Pwede ka nang bumalik sa dati mong routine, wala nang istorbo na kagaya ko.” Nagkibit-balikat ako, nag-aalangan kung dapat ko ba siyang seryosohin. “That’s good, right?” Ngumiti siya, pero hindi ito ‘yong usual na mapang-asar niyang ngiti. “Right.” Tumingin siya sa akin nang matagal, as if waiting for something. Nang hindi ako nagsalita, siya na ulit ang nagpatuloy. “Pero tell me honestly, doc… did you really want me gone?” Napalunok a
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=Dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng bahagyang hiya at pagkailang sa kanyang presensya. Tila sasabog ang mukha ko sa sobrang init nito sa tuwing nasusulyapan ko ang mukha niya at nararamdaman ko ang presensya niya.One day, I was summoned to his office due to his busy schedules. Busy rin naman ako sa ospital pero kaso ko ang hawak niya kaya dapat lang siguro… Tama lang naman na ako ang pumunta ‘di ba?While I was waiting outside his office, I heard kasi nagbibihis siya. ‘Yon ang habilin niya sa secretary niya kaya wala akong pagpipilian.“Come in!” malakas na sabi niya kaya binuksan ko ang pinto papasok sa opisina niya at napalunok ako nang bahagyang makita ang dibdib niya dahil sinasarado niya ang ilan sa mga butones na hindi natapos.Umiwas tingin ako kaagad nang nakatingin siya sa akin habang sinasarado iyon. Ang asul niyang mata ay matalim at makahulugan na nakatitig.Sinong hindi maiilang sa gwapo niyang mukha lalo na’t may pinagsamahan kami k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= A day later, hinarap ako ni Enzo. “It seems like the hospital is at fault, and the doctor. I found out that both of them are cooperating to ruin you huh?” Hinarap niya sa akin ang tablet na dala niya. “What did you do? Why do they hate you so much?” kwestyon ni Enzo at nakapandekwatrong naupo sa harapan ko. “Ewan. I’m just doing my best as a doctor, and maybe they hated that I’m determined,” walang ganang sagot ko. Pasimple kong nahilot ang sintido, inaamin kong nas-stress ako. Aside from my case, hawak ko rin ang kaso ng ibang mga doctor dito sa hospital ko. “Hmm, then let’s do this. I won’t be back in a while, doc…” Napatitig ako kay Enzo sa sinabi niya, ba’t kailangan pa niya sabihin sa akin? ‘Ano ‘yan update?!’ “You might miss me, but please don’t. I’ll investigate about your case,” mayabang niyang sabi kaya napangiwi ang mukha ko. Alam ko naman gwapo siya pero anong sinasabi sabi niyang mamimiss ko siya?! “Kapal. Kahit mawala k
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=“It seems that you found a new and persistent enemy, doc.” Tumaas kaagad ang kilay ko sa bungad ni Enzo na dala-dala ang apat na folder.“Ano na naman ‘yan?” pagod na pagod kong sabi at napaupo na lang sa harap ng desk ko.Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim. “Another 4 cases of malpractice, and one is done by you.” “Ako? Wala akong mali sa mga operasyon na nagawa ko, never in my life that I will make a mistake.” I was so confident not until he opened up the folder and placed it in front of me.Napahinto ako nang makilala ang pasyenteng iyon, but t-that was from abroad pa… Kinuha ko ang papel at tinitigan.“C-Care to elaborate?” nangatal ang labi ko dahil ang pasyenteng iyon ay ipinasa ko na sa ibang doctor dahil aalis na ako sa bansa at babalik sa Pinas.“You seem disturbed, did you really not made a mistake?” he sarcastically said but then hindi ako nakasagot.“J-Just elaborate.”“This patient died yesterday, her parents came here and sue
=Aria Maeve Sienna’s Point Of View= Meanwhile… Kaharap ko na naman si Enzo, handing me a piece of folder with important documents inside. “Abogado ka ‘di ba? Why don’t you try talking about it the easy way I can understand?” nauubos pasensya kong sabi. Mahina siyang natawa. “I thought you’re a genius?” asar niya. “Yeah, but I don’t have the time to process those terms when I’m a doctor. Kaya ka nga ginawang abogado ‘di ba?” sarkasmo kong sagot. Ngumisi ang labi niya at tumango tango. “Tawang tawa? Ilahad mo na kaya yung kaso?” napipikon kong sumbat kay Enzo na gwapong gwapo na nakangisi habang nakatitig sa mukha ko na para bang nag-eenjoy siya na naiinis ako. Napangisi si Enzo, halatang inaasar ako sa bawat salita niya. “Relax, doc. Akala ko ba sanay ka sa pressure? Or is it different kapag ako ang kaharap mo?” Napasinghap ako sa inis. “Kahit sino pa ang kaharap ko, hindi mo ako kayang ilagay sa alanganin, Atty. Fuentabella. Kung gusto mong pag-usapan ang kaso, pag-usapa