Home / Romance / MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER : Kabanata 81 - Kabanata 90

165 Kabanata

CHAPTER 81-ARRIVE

Mabilis na nagmaneho si Devon patungo sa kanilang lumang bahay doon sa burol. Pati rin si Jameson na mabilis na pinaikot ang kanyang manobela. Parehong destinasyon lang ang kanilang pupuntahan, pero pareho silang nag-uunaan sa daan. Sabay nilang nalaman mula sa kanilang mga sekretarya na sina Brian at Kenneth na pinarusahan ng kanilang lolo si Roxanne at ipinakulong doon sa lumang bahay. Pagdating doon, ipinarada nila ang kanilang sasakyan sa tapat. Hindi naman na sila nag-imikan at dali-dali binuksan ang nakakandadong gate. Pagpasok nila sa madilim na mansyon, inilabas ni Jameson ang kanyang phone para buksan ang flashlight. Naglibot sila sa loob at natagpuan nila si Roxanne na walang malay sa malamig na sahig. Nilapitan ito ni Devon pero inunahan siya ng kapatid na kaagad binuhat si Roxanne papalabas para dalhin sa ospital. Ipinasok niya na ito sa sasakyan at nagmaneho. Bumalik na rin si Devon sa loob ng kanyang sasakyan at pumunta sa kanilang mansyon, gusto niyang makausap ang
last updateHuling Na-update : 2024-07-29
Magbasa pa

CHAPTER 82-CAFETERIA

Napahinto si Devon sa kanyang paglalakad nang makita ang text ni Roxanne na bumalik siya doon sa ward. Wala naman siyang alinlangan na bumalik doon sa loob. Pagbukas niya sa pinto, nakita niya si Roxanne na nakaupo sa kanyang kama, habang si Jameson ay nakaupo sa gilid at naka-krus ang mga braso na tumingin sa kanya. "K-kamusta ka?" Tanong ni Devon nang makalapit kay Roxanne. Tumingala si Roxanne sa kanyang gawi. Kinakabahan sa kanyang gagawin. "G-gusto ko tumigil ka na sa pagbisita sa akin. Kunin mo na ang dala mong bulaklak, H-hindi ko 'yan kailangan." Sumilay sa mga mata ni Devon ang sakit nang marinig ang kanyang sinabi. "Iyon lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag dito??" "Oo, d-dahil nagseselos ang asawa ko." Sagot ni Roxanne. Nagitla si Jameson kung bakit siya nito nilaglag, gusto niya lang na makitang tinataboy niya si Devon. Napatingin si Devon sa kapatid at napangisi, "Ganoon ba? Wala ka namang dapat na ipagselos, Jameson. Normal lang na mag-alala ako kay Rox
last updateHuling Na-update : 2024-07-29
Magbasa pa

CHAPTER 83-ADMIRER

Ngayong nakaupo sina Irene at Devon sa kanilang mesa, natahimik si Roxanne at Frizza habang patuloy na kumakain. "Hello, Ms. Roxanne." Muntik ng mailuwa ni Roxanne ang kinakain nang makita ang isang six footer na lalaking nakatayo sa kanyang gilid na may dalang bouquet ng pulang rosas. Nag-aalangan si Roxanne na magsalita pero ayaw niya naman itong mapahiya. "Y-yes?" "I'm Warren Ferrer, ipapabigay ko sana itong bulaklak sa iyo. Sana magustuhan mo." Iniabot niya ang bulaklak ngunit hindi ito kaagad tinanggap ni Roxanne. "Para saan ba ito??" "Would you mind if I ask you out on a date?" Deretsahang tanong ni Warren at napaubo si Roxanne. Marami ng nakatingin sa kanilang direksyon at agaw pansin ang pagbigay sa kanya ni Warren ng bulaklak. Napainom muna ng tubig si Roxanne tsaka sinagot ang tanong ng lalaki. "I'm already married." Aniya at ipinakita ang kanyang kamay ngunit nakita niyang hindi niya pala suot ang singsing, naiwan niya ito sa bahay. Nawala ang sigla sa mukha ni War
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 84-UNDERTAKE

Nasa kabilang station si Secretary Kenneth na naguguluhan sa iniutos ni Devon. "Boss? Bakit niyo po ba gustong pa-imbestigan ang empleyadong ito??" "I hired you to do things, not to ask me questions." Tugon ni Devon. "Ay, yes sir. Masusunod po. Titingnan ko ito kaagad. Hehe." Wala na siyang maraming tanong at wala pang isang oras, mayroon na siyang nailimbag na impormasyon tungkol kay Warren Ferrer at dinala ito sa opisina ng CEO. "Humanap ka ng pagkakataon na ipadala siya sa isang business trip, mga isang kalahating taon, sapat na 'yun. Ayaw ko kasing makita siyang nandito sa kompanya ngayon." Seryosong sabi ni Devon matapos na mabasa ang files. Mas lalong naguluhan si Kenneth kung bakit nito biglang ipapatapon sa business trip ang isang empleyado ng ganoon katagal pero ayaw niya ng magtanong baka mapagalitan na siya nito. Susundin niya na nalang kaagad ang ipinag-uutos nito tulad ng nakasanayan. "Sige Boss. Gagawin ko agad." *** Pag-alis ni Warren Ferrer doon sa cafete
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 85-SNEAK

Noong humingi si Roxanne ng tulong sa asawa sa mga oras na malapit na siyang mamatay, hindi ito dumating para tulungan siya. Kaya hindi na siya umaasa dito at hahayaan siyang magkusa kung gusto niya. "By the way, gusto pala ni Mom na samahan natin siya para mag dinner bukas ng gabi." Napaisip si Roxanne na magandang makabalik siya sa Valencia at baka maari niya na iyong gamiting pagkakataon para makapasok sa office ni Lolo Gerald. "Okay, sasama ako." ***Sa isang kisap-mata, gabi na ng sumunod na araw at lumabas na si Roxanne sa laboratory papunta sa parking lot. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita ang isang tao na biglang sumulpot sa kanyang gilid. Nakita niya si Warren Ferrer na binusted niya kahapon at nagpakita ito ulit sa kanya ngayon na mayroon pa ring dalang bulaklak at maliit na cake. "Hey, Roxanne. Pinag-isipan ko ito buong gabi at ayaw kong sumuko ng ganun-ganun lang. Mahal kita at sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maka-" Kaagad siyang pinutol ni Roxann
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 86-HIDE

Sa sumunod na segundo, narinig ni Roxanne ang pagtulak ng pinto. Makikita niyang pumasok si Lolo Gerald at sumunod sa kanyang likuran si Devon. "Apo, alam mong hindi ako humihingi ng tulong sayo sa loob ng maraming taon, but this time problemado talaga ang kompanya. Kakapalan ko muna ang mukha ko na humingi sayo ng tulong kahit ngayon lang at babayaran kita ng mas malaking interes sa hinaharap." Rinig niyang sabi ni Lolo Gerald. Kita niyang desperado ang mukha ng matanda at kung hindi man siya bibigyan ng tulong ng apo, siguradong itatakwil niya na naman ito sa pamilya. Magsasalita sana si Devon ngunit napatingin ito sa kanyang gawi kaya siya kinabahan pero binawi naman nito ang tingin at bumaling sa kanyang lolo. "Lolo, kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Sobrang laking halaga ang hinihingi ninyo at kailangan kong isa-alang-alang ang pagpopondo." Paliwanag niya. "Alam ko, pero napakalaki ng kompanya mo na nasa tuktok na ngayon, hindi naman makakaapekto kung hihiram ako
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 87-PESTER

Pagka-alis ni Jameson, naiwan si Roxanne sa loob na inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bumaba na rin siya sa hagdan at pagbalik niya sa sala, nakita niya si Jameson na nakaupo sa mesa na hindi maipinta ang mukha. Niyaya ito ng pinsan niyang si Henry na maglaro ng chess kaya sinubukan nitong maglibang saglit. Hindi niya naman mahanap si Devon sa paligid, baka nauna na itong umalis. Matapos ang isang kalahating-oras, napagpasyahan na nilang dalawa na umuwi pabalik sa kanilang bahay. Nakarating na sila sa mansyon mga alas-diyes na ng gabi at pareho silang hindi nag-iimikan na parang mga estranghero. Nasanay na si Roxanne na ganito lang sila simula noong nahuli niya itong nagloko. "Wala ka ba talagang sasabihin, Roxanne?" Malamig na sabi ni Jameson habang naglakad sila sa loob ng sala. Lumingin naman si Roxanne sa kanyang gawi. "Anong gusto mong sabihin ko? Na nagloko ako??" Uminit ulit ang ulo ni Jameson, "Kung anong ginawa ninyo ni Jameson sa kwarto ni Lolo!" Dikta niya.Nababan
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 88-OBSESSED

Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad. Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa. Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne. Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso. Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga. "Tama na!" Pagmamakaawa niya.Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 89-PARANOID

Nalaman ni Irene na nabigo si Warren sa kanilang plano para gawan ng scandal si Roxanne upang pandirian ito ni Devon. Nandilim ang kanyang mukha ng malamang dinakip siya ng mga pulis at ikinulong. Nag-aalala siya ngayon na baka ilantad ni Warren na siya ang nasa likod nito pero tingin niya matatakot ito sa banta niya na sisirain niya ang pamilya nito. Habang maaga pa, kailangan niyang gumawa ng paraan para takpan ang kanyang pangalan bago pa ito malaman ni Devon Delgado.***Matapos makapagbigay ni Roxanne ng kanyang statement sa pulis, umuwi na siya ng bahay mga pasado alas-otso na ng gabi. Saktong pagdating niya sa mansyon, dumating din si Jameson na nagparada ng kanyang sasakyan sa tapat. Mabilis itong bumaba at lumapit sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan?! Bakit hindi ka sumasagot??" Natigilan bigla si Jameson nang makita ng malapitan ang namamaga niyang mukha. "A-anong nangyari sa mukha mo??" Nag-alala niyang sabi. Napatingin din siya sa naka-benda niyang kamay. "Wala nama
last updateHuling Na-update : 2024-07-30
Magbasa pa

CHAPTER 90-TROUBLED

"Oo, hindi ako mahuhulog sa kanya." Pagsisinungaling ni Roxanne. Ngunit iba ito sa sinasabi ng kanyang puso't isipan. "M-mabuti naman kung ganoon. Gusto mo bang ako na maglapat ng ointment sa pisnge mo?" Humakbang siya ng konti pero umatras si Roxanne na nangangahulugang tumatanggi ito sa kanyang alok. "Salamat dito sa ointment, pero kaya ko na ang sarili ko." Pag-alis ni Jameson, isinara niya na ang pinto at direkta niyang itinapon sa basurahan ang binigay nitong ointment. Mayroon ng nireseta ang doctor kaya hindi niya na ito kailangan. Kinaumagahan, maagang pumunta si Roxanne sa kompanya at dumeretso siya sa opisina ni Devon. "Anong problema?" Tanong ni Devon. Nakatayo lang si Roxanne sa harapan niya at nahihiyang tumingin sa kanya ng deretso. "Devon, iniligtas mo ako kahapon, at gusto kong suklian ang kabutihan mo. K-kung hindi ka man busy mamaya, p-pwede ba kitang i-treat sa isang hapunan." Napansin niyang nakabusangot lang ito na parang walang narinig. "Busy ako, hindi mo
last updateHuling Na-update : 2024-07-31
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
17
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status