Nasa kabilang station si Secretary Kenneth na naguguluhan sa iniutos ni Devon. "Boss? Bakit niyo po ba gustong pa-imbestigan ang empleyadong ito??" "I hired you to do things, not to ask me questions." Tugon ni Devon. "Ay, yes sir. Masusunod po. Titingnan ko ito kaagad. Hehe." Wala na siyang maraming tanong at wala pang isang oras, mayroon na siyang nailimbag na impormasyon tungkol kay Warren Ferrer at dinala ito sa opisina ng CEO. "Humanap ka ng pagkakataon na ipadala siya sa isang business trip, mga isang kalahating taon, sapat na 'yun. Ayaw ko kasing makita siyang nandito sa kompanya ngayon." Seryosong sabi ni Devon matapos na mabasa ang files. Mas lalong naguluhan si Kenneth kung bakit nito biglang ipapatapon sa business trip ang isang empleyado ng ganoon katagal pero ayaw niya ng magtanong baka mapagalitan na siya nito. Susundin niya na nalang kaagad ang ipinag-uutos nito tulad ng nakasanayan. "Sige Boss. Gagawin ko agad." *** Pag-alis ni Warren Ferrer doon sa cafete
Noong humingi si Roxanne ng tulong sa asawa sa mga oras na malapit na siyang mamatay, hindi ito dumating para tulungan siya. Kaya hindi na siya umaasa dito at hahayaan siyang magkusa kung gusto niya. "By the way, gusto pala ni Mom na samahan natin siya para mag dinner bukas ng gabi." Napaisip si Roxanne na magandang makabalik siya sa Valencia at baka maari niya na iyong gamiting pagkakataon para makapasok sa office ni Lolo Gerald. "Okay, sasama ako." ***Sa isang kisap-mata, gabi na ng sumunod na araw at lumabas na si Roxanne sa laboratory papunta sa parking lot. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita ang isang tao na biglang sumulpot sa kanyang gilid. Nakita niya si Warren Ferrer na binusted niya kahapon at nagpakita ito ulit sa kanya ngayon na mayroon pa ring dalang bulaklak at maliit na cake. "Hey, Roxanne. Pinag-isipan ko ito buong gabi at ayaw kong sumuko ng ganun-ganun lang. Mahal kita at sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maka-" Kaagad siyang pinutol ni Roxann
Sa sumunod na segundo, narinig ni Roxanne ang pagtulak ng pinto. Makikita niyang pumasok si Lolo Gerald at sumunod sa kanyang likuran si Devon. "Apo, alam mong hindi ako humihingi ng tulong sayo sa loob ng maraming taon, but this time problemado talaga ang kompanya. Kakapalan ko muna ang mukha ko na humingi sayo ng tulong kahit ngayon lang at babayaran kita ng mas malaking interes sa hinaharap." Rinig niyang sabi ni Lolo Gerald. Kita niyang desperado ang mukha ng matanda at kung hindi man siya bibigyan ng tulong ng apo, siguradong itatakwil niya na naman ito sa pamilya. Magsasalita sana si Devon ngunit napatingin ito sa kanyang gawi kaya siya kinabahan pero binawi naman nito ang tingin at bumaling sa kanyang lolo. "Lolo, kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Sobrang laking halaga ang hinihingi ninyo at kailangan kong isa-alang-alang ang pagpopondo." Paliwanag niya. "Alam ko, pero napakalaki ng kompanya mo na nasa tuktok na ngayon, hindi naman makakaapekto kung hihiram ako
Pagka-alis ni Jameson, naiwan si Roxanne sa loob na inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bumaba na rin siya sa hagdan at pagbalik niya sa sala, nakita niya si Jameson na nakaupo sa mesa na hindi maipinta ang mukha. Niyaya ito ng pinsan niyang si Henry na maglaro ng chess kaya sinubukan nitong maglibang saglit. Hindi niya naman mahanap si Devon sa paligid, baka nauna na itong umalis. Matapos ang isang kalahating-oras, napagpasyahan na nilang dalawa na umuwi pabalik sa kanilang bahay. Nakarating na sila sa mansyon mga alas-diyes na ng gabi at pareho silang hindi nag-iimikan na parang mga estranghero. Nasanay na si Roxanne na ganito lang sila simula noong nahuli niya itong nagloko. "Wala ka ba talagang sasabihin, Roxanne?" Malamig na sabi ni Jameson habang naglakad sila sa loob ng sala. Lumingin naman si Roxanne sa kanyang gawi. "Anong gusto mong sabihin ko? Na nagloko ako??" Uminit ulit ang ulo ni Jameson, "Kung anong ginawa ninyo ni Jameson sa kwarto ni Lolo!" Dikta niya.Nababan
Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad. Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa. Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne. Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso. Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga. "Tama na!" Pagmamakaawa niya.Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo
Nalaman ni Irene na nabigo si Warren sa kanilang plano para gawan ng scandal si Roxanne upang pandirian ito ni Devon. Nandilim ang kanyang mukha ng malamang dinakip siya ng mga pulis at ikinulong. Nag-aalala siya ngayon na baka ilantad ni Warren na siya ang nasa likod nito pero tingin niya matatakot ito sa banta niya na sisirain niya ang pamilya nito. Habang maaga pa, kailangan niyang gumawa ng paraan para takpan ang kanyang pangalan bago pa ito malaman ni Devon Delgado.***Matapos makapagbigay ni Roxanne ng kanyang statement sa pulis, umuwi na siya ng bahay mga pasado alas-otso na ng gabi. Saktong pagdating niya sa mansyon, dumating din si Jameson na nagparada ng kanyang sasakyan sa tapat. Mabilis itong bumaba at lumapit sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan?! Bakit hindi ka sumasagot??" Natigilan bigla si Jameson nang makita ng malapitan ang namamaga niyang mukha. "A-anong nangyari sa mukha mo??" Nag-alala niyang sabi. Napatingin din siya sa naka-benda niyang kamay. "Wala nama
"Oo, hindi ako mahuhulog sa kanya." Pagsisinungaling ni Roxanne. Ngunit iba ito sa sinasabi ng kanyang puso't isipan. "M-mabuti naman kung ganoon. Gusto mo bang ako na maglapat ng ointment sa pisnge mo?" Humakbang siya ng konti pero umatras si Roxanne na nangangahulugang tumatanggi ito sa kanyang alok. "Salamat dito sa ointment, pero kaya ko na ang sarili ko." Pag-alis ni Jameson, isinara niya na ang pinto at direkta niyang itinapon sa basurahan ang binigay nitong ointment. Mayroon ng nireseta ang doctor kaya hindi niya na ito kailangan. Kinaumagahan, maagang pumunta si Roxanne sa kompanya at dumeretso siya sa opisina ni Devon. "Anong problema?" Tanong ni Devon. Nakatayo lang si Roxanne sa harapan niya at nahihiyang tumingin sa kanya ng deretso. "Devon, iniligtas mo ako kahapon, at gusto kong suklian ang kabutihan mo. K-kung hindi ka man busy mamaya, p-pwede ba kitang i-treat sa isang hapunan." Napansin niyang nakabusangot lang ito na parang walang narinig. "Busy ako, hindi mo
Napagtanto ni Roxanne na kahit siguro divorced sila ni Jameson ngayon, malabo pa rin na maging sila ni Devon dahil magulong tingnan na matapos niyang hiwalayan ang kapatid, ang nakakatanda naman ang papakasalan. "Devon, ginagawa ko lang ito hindi dahil gusto kita, pero nagpapasalamat lang ako sa mga pagkakataong niligtas mo ang buhay ko. Handa akong humingi ng tawad pero hindi para sa kapakanan ni Jameson dahil niloko niya ako." Pagkaklaro ni Roxanne. Kumislap ang mga mata ni Devon. "Kung 'yun ang desisyon mo, bahala ka pero hindi ako humihingi ng kapalit sa mga naitulong ko sayo." Napabalik siya sa kanyang mesa habang lumabas na si Roxanne na pinagpawisan na bumalik sa laboratory. "Ate? Ano na namang nangyayari sayo? Saan ka ba nanggaling?" Nakapameywang na tanong ni Frizza na inabutan siya ng tissue. Nauna pa itong nakarating ng laboratory at nagtataka kung nasaan si Roxanne.Tinanggap ni Roxanne ang tissue at ngumisi. "M-may dinaanan lang ako sa kabilang station." Magsasalita
Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dahi
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha. Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka." Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagka
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens