Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER / Chapter 231 - Chapter 240

All Chapters of THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER: Chapter 231 - Chapter 240

247 Chapters

PART 228 - HULING LUHA

Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more

PART 229 - FLUMAYSUNG ANG BADENG

“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more

PART 230 - SHOCKING!

Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
last updateLast Updated : 2025-01-21
Read more

PART 231 - LUNCH TABLE

“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
last updateLast Updated : 2025-01-21
Read more

PART 232 - WALK-OUT

Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
last updateLast Updated : 2025-01-22
Read more

PART 233 - GARDEN WEDDING

Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
last updateLast Updated : 2025-01-22
Read more

PART 234 - TSISMISAN

“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
last updateLast Updated : 2025-01-22
Read more

PART 235 - UFC

“Sabi mo h’wag tumulong, edi hindi tumulong…” bulong ko naman. Inismiran ko sya nang bonggang-bongga. Si Seiji minsan nakakapag-init ng ulo kung magsalita lalo na kapag pagod. Iniintindi ko na lang dahil hindi nga naman biro ang nangyari sa kanya mula nang mag-umpisa syang maghanda para sa kasal na isinabay nya sa pag-aasikaso ng enrolment sa school at pagma-manage ng kanyang bar. “Sa’n ba ang masakit?” buntung-hininga nya tapos lumuhod sa harapan ko at minasahe ang aking binti. “Dito ba?” Dagli naman naparam ang yamot ko. Pumikit ako at dinama ang naiibsang paninigas ng mga binti ko. “Oo, d’yan nga, hmmm…” mahinang usal ko. “Eh, dito masakit din?” inakyat nya ang hilot nya hita ko.“Hmm… masarap…” tumukod ang mga kamay ko sa magkabilaan kong gilid. “Eh, ito?” ngisi nya pagdating nya sa bandang puno ng hita ko sabay daklot nya sa matambok na laman sa gitna ng aking mga hita.“Uy, kanina pa ‘yan tanghali pinagpapawisan, panis na ‘yan,” natawa ako sabay iwas ko nang ma-conscious ak
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

PART 236 - AFTER-PARTY PARTY

“Salamat po, Tito Miguel, ah, D-dad,” nabulunan pa ako nang mailang sa gusto nyang itawag namin sa kanya. “Hindi naman po kasi talaga kelangan. Okay naman na kami dito sa kwarto ko.” “No, I insist. It’s my gift for your wedding. It’s better na sa mas malaki kayong kwarto. You need more space lalo na kapag nagkaanak na kayo. Ayokong magsiksikan kayo rito sa loob. Tsaka kapag dumating ang Ahya mo, maingay na naman, laging nakainom. Baka makulitan lang kayo kaya mas maganda nang nakahiwalay kayo. Alam mo naman ang asawa no’n…” naiiling na pinutol nya ang kung anong sasabihin nya na naintindihan ko naman ang ibig sabihin. Napaka-hopeful talaga ni Tito Miguel na one of these days darating ang anak nyang magaling kahit matindi ang pag-aaway nila bago ito umalis. Lagi nya pa rin nya itong binabanggit. Isinabay pa nya sa pagpapa-renovate ng ikatlong palapag ang pagpapaayos ng banyo ni Knives para mas maging malaki at malagyan ng bathtub. Hindi sya nagtanim ng kahit na katiting na galit
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

PART 237 - NEWLY-WEDS

“Nakatulog na ‘ko, nagising lang ako nu’ng umakyat si Miguel. Lasing na lasing din, inasikaso ko muna. Pag-akyat n’yo si Seiji, pagkapehin mo, pakainin mo ng may sabaw. Hilamusan mo tapos unasan mo para mapreskuhan tapos palitan mo ng damit bago mo patulugin. Tanghali na gigising ‘yan kaya dapat may laman ang tiyan.”Lumaki ang butas ng ilong ko. “Edi wow! Ako nga mukhang hindi na makakapaghilamos sa sobrang antok eh, mag-aasikaso pa pala ako ng lasing?!” naiimbyernang tugon ko. “Sa sahig na sya matutulog!”“Anong patutulugin sa sahig ang sinasabi mo d’yan? Tinuturuan ka na nga ng dapat mong gawin eh,” pakli ni Mama. “Hindi na pwede ‘yang mindset mong gan’yan, hindi ka na dalaga. Pinanindigan ka ni Seiji kaya dapat gano’n ka rin sa kanya. Hindi lang dapat ikaw ang laging iniintindi; dapat ikaw rin marunong makaramdam. Magpasakop ka sa asawa mo. Kung hindi, mag-aaway at mag-aaway lang kayo. I-example na lang natin sina Knives at si Divine, kapag nag-uusap laging may nakabara ang isa sa
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more
PREV
1
...
202122232425
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status