“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.” “Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, la
Last Updated : 2025-01-09 Read more