Atubiling sumunod sila sa utos ni Knives. Nadama nila siguro ang tensyong namumuo sa amin kahit na ngiting-ngiti ako. Binilin ni Nanay Myrna ang karneng malapit nang maluto at lumakad palayo nang pasimpleng nagbubulungan. “Hindi ka na nahihiya talaga, ano?!” marahas ko syang tinulak nang tuluyan nang makapasok sina Pearl sa likurang pintuan kung saan kami nanggaling. Tumalikod ako sa kanya at akma na ring babalik sa loob pero pinigilan nya ako, pagalit na hinatak nya ako sa isang braso. “Don’t walk away from me! Mag-uusap tayo ngayon!” “Ano ba, Knives!” inis na pumiksi ako nang may ilang metro sa kanya. “Lasing ka, baka may makakita sa ‘tin. And’yan lang ang mama ko sa loob. Sa susunod na lang tayo mag-usap,” tumalikod ako ulit sa kanya sabay lakad ko nang mabilis palayo. “Mag-uusap lang naman tayo ah! Why do you always wanna get away from arguments, Kataleia, huh?! You’re not walking away from me again. We’ll talk. Now!” hinatak nya akong muli sa braso sabay yakap nya sa
Hatinggabi na nang bumangon ako sa kama ko. Kinurap-kurap ko ang namamaga at pagod na mga mata at tinungo ang banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto ko. Tahimik na ang buong mansyon. Wala na ang malakas na tugtog ni Atsi Olivia sa living room. Tapos na ang welcome home party nina Tito Miguel. Minasdan ko ang siwang sa ibaba ng nakapinid na pinto ng kwarto ni Knives, ngayong gabi lang madilim ang kwarto nya sa lahat ng mga gabi na naaaninag ang liwanag mula sa desk lamp nyang iniiwan lang nyang bukas magdamag. Nanariwang muli sa akin ng hapdi ng pagtatalo namin kanina at ang ginawa kong pakikipaghiwalay, nabasa na na naman ng luha ang paligid ng mga mata kong saglit lang na napreskuhan nang basain ko ang aking mukha. Bumaba ako sa hagdan, kanina pa tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya kukuha ako ng maiinom. Napaatras ako nang madatnan ko si Nanay Myrna sa comedor na nakaupo at nagkakape. Ngumiti ako pero iniwas ko ang aking tingin at dumiretso sa kusina.
“Atsi! Bakit gising ka pa? Hindi na ako nakapagpaalam kasi sumakit bigla ang ulo ko.” At iyon na ang magiging opisyal na dahilan ko kung sakaling may magtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala sa inuman kagabi. “Hindi ako makatulog, sabi ni Bestie darating daw sya ng madaling araw eh. Hihintayin ko na lang,” kahit madilim ang kwarto ko ay kitang-kita ko ang mapuputi nyang ngipin sa kanyang pagngiti pati na ang nangingitim na paligid ng kanyang mga mata sa pagkakalat ng eyeliner nyang hindi pa nya natanggal. “Nakita kitang lumabas ng kwarto kaya naisip ko lang na silipin ka. Kaso, matagal kang bumalik.” “Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nanay Myrna,” sagot ko naman habang pinupungas-pungas ang mabibigat kong mga mata. Inilapag ko ang dala kong pitsel at baso sa side drawer ng kama at naupo patalikod sa kanya, sinuot ko ang salamin ko at nagkunwaring may kinakalikot ako roon para hindi nya mapansin na nag-iiyak ako mula pa kagabi. “I’m pregnant, Shobe,” mahinang sambit nya.
“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.” “Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, la
[Knives’ POV] “What are you doing?” I ask Divine when I see her moving my things onto my Tourister. “Packing up,” she softly answers. “Ako na’ng gagawa n’yan. May tinatapos lang ako, pero gagawin ko ‘yan,” I retorted, gazing not at her but at my MacBook. I really don’t like anyone touching my stuff—not even her. Our flight’s a few days away. Divine already bought the tickets; kailangan ko nang makauwi at harapin ang aberyang nangyayari sa isang site namin sa downtown Manhattan. My secretary went MIA a few days back—for no reason whatsoever. Investors keep bugging me about the construction delay, so I need to be there as soon as I can. ‘As soon as I can,’ I tell myself. But honestly, I couldn’t. My mind keeps telling me I should leave; kaya na ni Yee itayo ang mall kahit wala ako. Nasa kanya na lahat ng plano at resources para matapos ang project; in-assure na rin naman nya ako na he’ll keep in touch. But my heart keeps telling me otherwise, because it feels really empty
“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of c
Nagpasinghap-singhap sya at tinuwid ang tayo nya, winawaksi nya ang mga yakap ko sa kanya. “‘Yan ang solusyon mo? Ganyan ang naiisip mong gawin? Maglayas? Magtanan?! Dyusko, Knives, laging sarili mo lang ang iniisip mo! Naisip mo ba ako d’yan sa mga plano mong ‘yan?! May buhay ako rito, may magulang ako, may mga kaibigan, may trabaho. Gusto mo talikuran ko rin lahat ng ‘yun para lang sa ‘yo?!” “Yes! Because I know you love me! Don't deny it, Kataleia. Mahal mo ‘ko, ramdam na ramdam ko ‘yun. Nagmamahalan tayong dalawa… Kung ayaw mong umalis, sige, hindi tayo aalis. Idi-divorce ko si Divine, magpapakilala tayo sa mama mo; I know she’ll understand. I’m sure about that. Please, I can’t lose you.” Tumayo ako at hinapit ko sya ng yakap nang may luha sa mga mata ko. I tried to kiss her, but just as I expected pumipiglas sya sa akin. “Ano ba, Knives! Hindi ka makikipag-divorce kay Divine! Hindi! Hindi mangyayari ‘yun, not in your wildest dreams!” “I’ll give her the company, she’ll take i
(Background Music: Smokin' Out The Window by Bruno Mars) Nadatnan ako ni Orlie na tulalang nakalugmok sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama nya pagkatapos kong mag-amok at guluhin lahat ng gamit nya. Hawak-hawak ko ang isang malaking tipak ng basag na salamin at tumutulong dugo mula sa aking mga kamay. “My God, ano’ng nangyari sa ‘yo?!” nandidilat na sinaklolohan nya ako. Tinutulungan nya akong makatayo but I brushed him away. “No, I got this,” mahinang anas ko na medyo napaos pa. Hindi naman sya nangulit at pinagmasdan na lang ako sa aking panlulumo. Tumukod ako at lalong nadiin ang basag na salamin sa palad ko kaya lalong dumugo ‘yun, pero hindi ko ininda. Adrenaline is rushing through me that I can’t feel any hint of pain. Alalang kinuha agad ni Orlie ang salamin pagkatayo ko at pinahawak sa akin ang panyo nya. “Please get me a bottle of whiskey or beer, kahit anong meron sa comedor,” malamig at mahinang bulong ko. I blankly looked around and saw what I had done to her ro
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako