“Konti na lang, miss, konting tiis pa,” natatawang turan sa matabang aesthetician. Paano, sa tuwing ipapahid nya ang mainit-init na wax sa balat ko ay talagang naninigas ang mga hita at binti ko para labanan ang sakit. “'Eto na, ididikit ko na ‘tong strip, after nito konting linis na lang para masimot lahat,” dagdag pa nya. Akala naman nya magbabago nya ang nararamdaman ko sa sinabi nyang malapit na akong makatapos sa pagdurusa ko na ito para mapagbigyan ko lang si Divine. Idinikit nya ang wax strip sa ibabaw ng malagkit na amoy honey na wax sa may bandang tumbong ko, minasa-masahe ang kabuuan ng nadikitan ng papel sabay bumuwelo ng hila. “Skrrrtt!!!”“Ugh!” malakas na daing ko. Naangat ko ang likod ko sa sobrang sakit. Tangina talaga nitong buhay na ‘to! Literal na tiis-ganda!Dapat ito ang parusang iginagawad sa mga manyakis na lalake eh, paulit-ulit na iwa-wax ang bayäg hanggang sa magsisi sila sa ginawa nilang kasalanan. “Good girl! Last na ‘to, miss, tapos linis na tayo,” ngit
Last Updated : 2025-01-04 Read more