“What are you doing in here?” namemeywang na tanong ni Divine. Sabay kaming tumuwid nang tayo at nagpormal pagkakita namin sa kanya. Inayos ko ang pagkakapakat ng aking salamin at itinago ko sa aking likuran ang robe na hawak ko. Nilukot ko pa ‘tong maigi sa isa kong kamay para hindi nya ito mapansin. Hindi naman nga nya napansin ‘yung robe kasi bukod sa medyo dim light ang hallway ay busy ang kanyang mga matang magpalipat-lipat ng nagtatanong na tingin sa aming dalawa. Hindi ko alam kung para kanino nga ba ang tanong nyang iyon pero dahil natural na sa akin ang pagiging defensive nagkaroon ako ng urge na sumagot agad. “Chi-chineck ko lang po ang buffet area, Ate. Kumain po ako ro’n,” nahihilawang ngiti ko. “Pumunta ako sa buffet but you’re not there… just right after you came downstairs,” maang na turan nya sabay baling nya kay Knives. “Shouldn’t you be in the sauna or getting a massage right now? Where’s Seiji? Aren’t you supposed to be with him?” “Hindi kami magkasama ni Seiji.
“I just asked him why he has two phones, galit na sya agad. Why? Mali na ba ‘yun? Wala na akong K magtanong?” magkasunod na tanong nya sa akin. Iniisip pa rin pala nya ang nangyaring pagsinghal sa kanya ni Knives kanina. “Hindi ko po alam eh, baka wala lang sa mood,” pagrarason ko sa inasal ni Knives. Na-realize ko kung gaano na katagal na nawawala ‘yung dalawang babaeng gagawa sa amin. Parang nalalasing na nga ako sa iniinom namin dahil medyo umiinit na ang pakiramdam ko. “Nagtatawanan kayo kanina, dumating lang ako wala na sya sa mood?” nahimigan ko ang hinanakit sa tono ng boses nya. “Ah, eh… uhm...” napakamot na lang ako sa gilid ng aking noo nang hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Inaamin ko nawalan ako ng time for him. I’ve been very busy sa business namin. Tamad akong magluto, hindi ako maasikasong asawa, mas inuuna ko ang social gatherings kesa sa humarap sa kusina, mamalantsa at maglinis ng penthouse. I’m not a ‘perfect wife’ —I mean, meron ba talaga no’n?” isinandal
“Konti na lang, miss, konting tiis pa,” natatawang turan sa matabang aesthetician. Paano, sa tuwing ipapahid nya ang mainit-init na wax sa balat ko ay talagang naninigas ang mga hita at binti ko para labanan ang sakit. “'Eto na, ididikit ko na ‘tong strip, after nito konting linis na lang para masimot lahat,” dagdag pa nya. Akala naman nya magbabago nya ang nararamdaman ko sa sinabi nyang malapit na akong makatapos sa pagdurusa ko na ito para mapagbigyan ko lang si Divine. Idinikit nya ang wax strip sa ibabaw ng malagkit na amoy honey na wax sa may bandang tumbong ko, minasa-masahe ang kabuuan ng nadikitan ng papel sabay bumuwelo ng hila. “Skrrrtt!!!” “Ugh!” malakas na daing ko. Naangat ko ang likod ko sa sobrang sakit. Tangina talaga nitong buhay na ‘to! Literal na tiis-ganda! Dapat ito ang parusang iginagawad sa mga manyakis na lalake eh, paulit-ulit na iwa-wax ang bayäg hanggang sa magsisi sila sa ginawa nilang kasalanan. “Good girl! Last na ‘to, miss, tapos linis na tayo,”
Lumabas ako ng kwarto at dali-daling bumaba ng hagdan. Nagtatahip ang aking dibdib sa kakapigil ko sa emosyong nag-uumalpas sa dibdib ko. Ang kapal ng mukha ni Divine! Nagngingitngit ako sa asar. Sa akin pa sya magpapatulong talaga para makuha nya ang loob ni Knives. Sa dinami-rami ng pabor na pwede nyang hingin sa akin, ‘yun pa talaga! Pagdaan ko sa isang napakaganda at napakaliwanag na kwarto na may ilang mga taong nagpapa-mani pedi ay namataan ko si Seiji na nakaupo sa isa sa mga reclining chairs, nakataas ang mga paa at pasipol-sipol habang nagbabasa ng magazine. “Nagpapa-pedicure ka?” tanong ko paglapit ko sa kanya. “Huh? Hi, love!” gulat na bati nya paglingon nya sa akin. Minasdan nya ang tangan kong bag at ang aking mga damit at sapatos. “Tapos ka na sa spa mo?” “Oo, magpapalit na ako ng damit. Uhm, may malapit kayang boutique dito o kahit tiyangge? Kelangan ko kasi ng skirt.” “Merong mabibilhan sa malapit,” nahihiwagaang sagot nya. “Sige, iche-check ko na la
Pinaling ko ang aking ulo sa kanan nang maramdaman ko ang mainit na buga ng hinga nya sa likuran ng balikat ko habang banayad at dahan-dahan na inilalapat nya ang bra sa ilalim ng susø ko hanggang sa makarating sya sa likod ko at pagsugpungin ang magkabilaang dulo nito. “Hmmm, Kat,” malambing na usal nya ng pangalan ko na punumpuno ng pagnanasa. Inayos nyang maigi ang pagkakapakat ng strap at hinalikan ako sa balikat. ‘Yung halik na hindi lang basta dampi— nagtagal ng ilang segundo ang labi nya na nakadikit at nagpapasinghot-singhot sa mabango at makinis kong balat buhat sa spa. Pumikit ako at dinama kung may kuryente bang tumutulay papunta sa akin sa pagkakadama ko ng hininga nya sa leeg ko na tulad noong una kaming nagkadikit at naghalikan. Pero wala. Wala akong madama. Namanhid ako siguro ng sakit ng keps ko at sa matalim na tumusok sa puso ko sa tinuran ni Divine kanina. “Kung gaano kalaki ang pagkagusto ko sa ‘yo, gano’n din kita nirerespeto. Ayokong gumawa ng bagay na wa
“Papasok tayo,” buntung-hininga ni Seiji pagsakay nya ulit ng kotse at naghanda sa pagpasok sa loob ng mansyon. “Bakit daw?” maang na tanong ko sa kabila ng pagtatambol ng dibdib ko na isang kibit lang ng balikat ang isinagot nya. Ipinarada ni Seiji ang kotse nya sa mismong tapat ng malaking pinto ng main living room samantalang ang SUV ni Tito Miguel ay dumiretso sa garahe sa likuran. “Hindi mo nabanggit na darating ngayon sina Mama mo, wala tuloy akong brief,” ngisi nya. “At wala rin akong panty. Bulshit talaga!” hindi ko maiwasang hindi makapagmura. Kinuyumos ko ang mga namamasa kong kamay at ipinahid iyon sa laylayan ng aking bestidang amoy na amoy patahian pa. “‘Edi bagay talaga tayo?” sabay bunghalit nya ng tawa. “Oh, seryoso ka na naman,” untag nya nang hindi ko makuhang tumawa sa walang kwentang joke nya. “Ngitian mo naman ako, love. Kahit konti lang?” Nanunudyong pakiusap nya sa akin na naglulumagkit na irap lang ang isinagot ko. Nilingon ko ang loob ng livin
“Welcome back, Mrs. Tuazon! So nice to finally meet you,” bati ni Seiji na ngiting-ngiti. Kinuha nya ang kanang kamay ni Mama at humalik sa likod ng palad nya. Pinagmamasdan ko ang blankong expression ng mukha ni Mama na nakatitig kay Seiji. Inaasahan kong babawiin nya ang kamay nya at magsusungit, pero hindi, hinayaan lang nyang madampian ito ni Seiji ng halik. “Uhm, ‘Ma? Si Seiji po, ka-work ko,” pakilala ko kay Seiji. “Ka-work?” blanko rin ang expression ni Mama pagsulyap nya sa akin tapos ibinalik nya ulit ang tingin kay Seiji. “‘Kala ko boyfriend mo na itong matangkad at poging lalakeng ‘to.” Napaismid ako. Kung hindi rin ako nagkakamali ng hula ay kasalukuyang name-mesmerize si Mama ng lalakeng nasa harapan nya ngayon. Sa edad kong ito ngayon ko lang nakitang namangha si Mama sa lalakeng pinakikilala ko. Literal na galit kasi sya sa lahat ng lalakeng dumadalaw sa bahay namin noon kaya nga nasanay na akong sa mga relasyong lihim lang sa kaalaman nya. “Kataleia, I missed
“Thank you for driving her home safe, Seiji. Pero sana nagpaalam kayo para hindi ako naghanap kay Kataleia, but anyways, thank you,” saad nya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalutan ako ng tensyon sa pasaring nyang iyon. Siguradong makakarinig na naman ako ng dramatic na litanya ni Knives once na makapag-solo kami. +++++ Inip na inip na ako sa paghuhuntahan nila sa dining table pero mukhang wala pang balak tapusin ni Tito Miguel ang gabing ito, ganyak na ganyak pa rin sya sa pagkukwento nya roon. Nakipag-shot pa sya ng isang whiskey sa mga lalake, kami namang mga babae, wine ang tinitira. Wala rin ni isa ang tumayo sa lamesa, nagpatuloy lang ang paghahain nina Nanay Myrna ng pika-pika at kung anu-ano pang pinapaluto ni Tito Miguel sa kanya. Parang hindi napagod si Tito Miguel sa biyahe nila. Samantalang ako, parang sinisilihan ang pwet ko sa pagkakaupo sa harap ng hapag. Nag-excuse na nga ako na pupunta na sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Mama kasi mayroon pa raw bisita.
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako