Nang kinagabihan, tinawagan ko si Layviel. Alam kong nakauwi na siya dahil nakausap na kami ni ate. Kakatawag niya lang kay Layviel, kaya ngayon ako naman ang tatawag sa babaeng yun. Nakakainis, hindi pa siya umalis pero na miss ko na agad siya.Sinagot naman agad ni Layviel ang tawag ko. Dapat lang talaga, magtatampo ako kapag nag ring ng matagal ang cellphone ko."So hindi ka na papasok bukas?" agad kong bungad sa kanya. Ngayon lang talaga ulit kami hindi magkasama, para ko na siyang kapatid, hindi na ako mapakali na malayo siya sa akin."[Mag bakasyon ako, sumunod ka sa akin,]" sabi niya sa kabilang linya."Hindi mo sinabi sa akin," nagtatampo kong sabi. Kanina ko lang din nalaman kasi noong tumawag si ate. Medyo late na kaya nagtampo ako ngayon sa kanya, pero ang totoo talaga na miss ko ma agad siya."[Kasi biglaan ko rin itong desisyon,]" mahinahong sabi niya.Alam ko at mas gusto kong lumayo ka muna para hindi ka pulutan ng mga tao dito, lasing sa issue at gusto na ng pulutan ha
Read more