Home / Romance / Isang gabi sa piling ni Bakla / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Isang gabi sa piling ni Bakla: Chapter 21 - Chapter 30

34 Chapters

Chapter 21

BASHAAng isang gabi na hindi niya paguwi ay nasundan pa ng ilang araw. Hindi lang yun pati ang trabaho niya sa kompanya ay naapektuhan na rin. Kapag umuuwi siya dito madaling araw na at umaalis naman siya ay maaga pa. Kaya hindi na rin kami nakakapagusap. Naging opisina at hospital ang naging buhay niya at ako? Ito, naghihintay na magkaroon siya ng oras para sa akin. Gusto kong magalit sa kanya dahil kahit tex or tawag di niya magawa. Pero gusto ko din malaman kung anong lagay ni Sir Diego. Napatayo ako sa sofa nang bumukas ang pinto at pumasok siya. “Thadd…” “Thaddeus, sumunod ka sa akin. Magusap tayo.” Wika ni lolo sa kanya na Kakababa lamang sa hagdan. Ngayon na lamang ulit siya umuwi ng maaga pagkatapos ng tatlong araw ng pagkaka accident ni Sir Diego. Hindi man lang niya ako kinausap or kahit bumati man lang…nakakapanlumo.Pumanhik ako sa room namin at inayos ang kama namin. Nagulat pa ako nang bigla siyang pumasok dahil sa pagbagsak ng pinto. Hinubad niya ang kanyang necktie
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 22

THADDEUS“Itabi mo yan ayokong kainin yan!” Singh4l niya sa akin nang ilapit ko sa kanya ang pagkain na hinanda ni Basha. Tumayo ako at inilapag sa katabing mesa ang tray. “Diego, tinutulungan kita para makabangon ka sa nangyari sa'yo pero dapat tulungan mo din ang sarili mo. Diba nangako ako sa'yo na tutulungan kitang makalakad ulit? Kung kailangan na kumuha ako ng mas magaling na doctor or dalhin ka sa america gagawin ko para tuparin yun–”“Para saan pa? Gusto mo akong makalakad ulit para ma-iwanan mo ako at maging masaya na kayo ng babaeng yun diba? Diba?!” Igt!ng ang pangang sabi niya sa akin kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.“Tama na! Sinabi ko na kay Basha na titigilan na naming yung relasyon naming dalawa para sa'yo hindi ba? Bakit parang hindi ka pa rin masaya? Halos araw-araw na akong nandito para lamang alagaan ka. Kahit busy ako sa kompanya sinisigurado ko na hindi kita napapabayaan. Halos palayasin ko na si Basha sa bahay para lamang masunod ang gusto mo kulan
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 23

BASHA“Siya si Monica, cocktail server sa second floor para sa mga VIP Players namin. Madalas ko siyang nakikitang katabi sa table ni Sir Diego. Minsan ko na rin siyang nakitang sumakay sa kotse nito kapag ina-abot ng shifting si Sir Diego sa Casino.” Paliwanag niya sa amin. Pagkatapos niyang ipakita sa akin sa phone ang mga kasama niya sa casino dahil may pictures silang lahat na nagtatrabaho doon. Hindi ako maaaring humingi ng tulong kay Myla dahil ayoko siyang mapahamak at isa pa naka-duty siya as floor runner sa VIP section. Sila yung mga nag-aasist sa mga players. “You mean, isa siya sa mga babae ni Diego?” Sabat ni Thaddeus na biglang sumingit at tinignan ang larawan sa phone ni Myla. “Yes, sir Thaddeus…pero madalas po ay si Monica po ang katabi niya sa paglalaro at wala pong sumisita sa kanya. Minsan po si Monica pa ang naghahatid kay Sir Diego sa hotel room nito tapos hindi na nakakabalik sa puwesto niya.” Dagdag pa ni Myla. Napatingin ako kay Thaddues na gumalaw pa ang kan
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 24

BASHANandito kami ngayon sa Winford Resort and Casino. Kumuha kami ng isang room para makapagpalit ako dito ng uniporme. Bukod sa suot kong red uniform ay nagsuot din ako ng maiksing black na wig na abot lang sa ibaba ng aking tenga. At pinagamit din sa akin ni Myla ang old I'D niya noong hindi pa siya regular dito. Para makalusot ako sa mga scanner door.“Bash, sobrang iksi sayo ng uniporme mo. Ibang tao na lang kaya ang pakuhanin natin ng camcorder?” Nag-aalala na wika ni Thadd. Naka-upo lang siya sa gilid ng kama at panay ang sulyap sa akin habang ina-ayos ko ang make-up ko. Retouch na lang naman dahil ginawa na ito kanina ni Myla sa bahay. Habang si Dave naman ay nandoon na sa C4sino at naglalaro na. Mabuti na lamang at may alam din siya sa ganun kaya kahit paano mababantayan namin si Monica. “Thadd, andito na tayo. Wala naman mawawala kung susubok tayo eh. Saka kapag may nakahuli sa akin ikaw na ang bahala. Kaya mo na yan okay?” Narinig ko siyang bumuntong hininga. Pagkatapos
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 25

BASHAMabilis ang naging kilos namin palabas ng hotel. Kaagad kaming nagtungo sa parking lot bago pa nila kami balikan at hulihin. Sinalubong kami ni Dave namamaga pa ang mukha nito at puro galos.“Dave, okay ka lang ba? Dumaan muna tayo sa hospital para magamot ka.” nag-aalala na sabi ni Thad.“Okay lang sir, malayo ito sa bituka.” sagot ni Dave sa kanya at pina-andar na ang sasakyan. Nang makalabas kami sa Casino ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Nang makalayo na kami ay binuksan na ni Thadd ang camcorder. Hindi ko na sinilip dahil alam ko naman kung ano ang nakalagay doon na pinapanuod niya ngayon. Pagkatapos niyang panuorin ay kinuha niya sd card at ibinalik ang camcorder sa lagayan. Binuksan niya ang bintana at itinapon ito sa labas. “Wala na siyang magagamit laban sa akin. Pero sana totoo yung sinabi niya na ito lang ang kopya na meron siya.” ani niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Sumandal ako sa kanyang dibdib.“Ina-antok na ako, puwede ba akong umidlip?”
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 26

BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 27

BASHA"Sana hindi ka na lamang sumama sa akin, sana nagpaiwan ka na lamang sa mansyon kasama si Grandpa. Mas mapapaganda pa ang buhay mo at ng magiging anak natin..." sambit niya na ikinatingin ko sa kanya. Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis kami sa mansyon. Nanatili kami sa hotel habang tinatawagan ni Thadd ang mga kilala niya at connection para lamang bigyan siya ng trabaho ngunit kahit isa ay walang nagreplay sa kanya. Lahat ng card niya at bank account ay naka freeze kahit pa ang gamit naming kotse ay ipinakuha ni Grandpa. Walang natira sa kanya kundi mga damit lamang. Pati si Pingky at si Badeus ay iniwanan namin kay Aling Meding dahil ipinaiwan ni Lolo. Ang tanging natira na lamang sa amin ay damit at ang tirang pera ko sa bangko na isang milyon. "Thadd, mas gugustuhin mo pa bang hindi ako sumama sayo? Hindi naman mahalaga sa akin ang ari-arian ng lolo mo. Paano ka? Ako mas sanay ako sa hirap pero ikaw?" nag-aalalang sagot ko sa kanya. Alam ko naman na ina
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 28

BASHATilaok ng manok ang gumising sa akin. Ngunit napabangon ako nang wala na si Thadd sa tabi ko. Inayos ko ang higaan at lumabas na ako. "Ma? Si Thadd po?" usisa ko nang maabutan ko siyang nagluluto sa kusina. "Nasa poso nag-iigib ng tubig. Nakita niya kasi akong may bitbit na timba para sa banyo. Ayon siya na lang daw--""Po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaagad akong lumabas ng bahay upang magtungo sa poso na may kalayuan dito. Wala kasi kaming sariling linya ng tubig kaya sa poso talaga ang igiban namin. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko siya sa poso. Nilalagyan niya ng laman ang mga balde. Mga balde ng kapitbahay? "Pogi, kami din!" bulalas ng isang babae na parang sinubsub sa kamatis ang pisngi. "Sige isunod mo na lang sa dulo." magiliw na sabi ni Thadd sa kanila at nagsipila nga naman sila. Napahawak ako sa beywang ko at nanghahaba ang nguso na lumapit. "Anong ginagawa mo?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Basha, look diba
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 29

BASHANalibot na namin ang kalahati ng isla pero wala pa rin sa mode si Thadd. Kapag tinatanong ko naman siya kung ano pa ang iniisip niya ayaw naman niyang sabihin sa akin kaya inaya ko na lamang siyang umuwi. Derecho siya sa kuwarto samantalang derecho naman ako sa kusina. "Anak, nagluto na ako ng kalamares, yung paborito mo? May dala kasi si Dan." wika ni mama nang madatnan ko siya sa kusina. "Talaga po" excited na tinangal ko ang takip sa lamesa namin at nakita ko ngang madami ang niluto ni mama. "Naubos na yung pangatong natin kaya pinagsibak ko muna."Kukuha sana ako ng isang piraso ngunit nang madinig ko si mama ay agad ko siyang nilapitan. "Ma, puwede po bang huwag muna ninyong utusan si Dan? Nagseselos kasi si Thadd..." mahinang bulong ko. "Ang sabi niya sa akin tangap naman daw niyang may asawa ka na."Sasagot na sana ako ngunit bigla naman pumasok si Dan bitbit ang pangatong namin. "Nakabalik ka na pala. Gusto mong pumunta sa mangahan?Season ng indian mango ngayon. M
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 30

BASHA"Paano na yan? Nasira na nang tuluyan, anong sasabihin natin kay mama? Ikaw kasi eh! Sabi ko dahan-dahan lang ayaw mong magpapigil." paninisi ko sa kanya. Sigurado akong kapag nakita to ni mama magtataka din yun. "Dahan-dahan na nga yun eh, sa tingin ko sadyang marupok itong papag mo kaya bumagsak kaagad."Yumuko siya at kinuha ang dalawang paa. "See? I told you." Pinakita niya sa akin yung dugtungan at binukbok na nga ito at maraming butas. "Mabuti pa, magpalit na tayo. Bukas na lamang natin gagawan ng paraan ang higaan natin." Wala kaming nagawa kundi ang tumuloy na sa bahay ni ninang. Pagkarating ko doon ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang tumulong sa kanilang magluto. Habang si Thadd naman ay hinarang ng kapatid ni ninang sa harapan para sumali sa kanilang mag-inuman. Hindi sana papayag kaya lang nakumbinsi naman nila akong payagan si Thadd para na rin sa pakikisama. "Naku mamaya, tawagin mo na yun si Thadd. Alam mo naman kung gaano ka-l4singero si Lolong." paalal
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status