Home / Romance / The Runaway Bride's Keeper / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng The Runaway Bride's Keeper: Kabanata 11 - Kabanata 20

124 Kabanata

Chapter 11

Nang magising si Girly ay medyo madilim na sa labas ng bahay dahil pasado alas sais na rin ng gabi. Pagpasok niya uli kanina ng kwarto ay muli na naman siyang nakatulog pagkahiga niya sa malambot na kama. Palabas na sana siya ng silid ng marinig niya ang pagkatok at mahinang pagtawag sa kanya ni Enrico sa labas ng pinto. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Enrico. "Kanina ka pa ba gising?" bungad na tanong sa kanya ng binata. "Kakabangon ko lang. Bakit?" "Nagpahanda na ako ng hapunan natin kina Aling Myrna. Baka kase gutom ka na at nahihiya ka lang na lumabas ng silid mo kaya naman kumatok na ako." saad ni Enrico. "Ah, medyo nagugutom na nga ako. Actually palabas na ako ng kumatok ka." masayang turan niya na ikinangiti naman ni Enrico. "May lakad ka ba?" tanong niya sa binata ng mapansin niyang nakaporma ito. "Wala, dito lang ako sa bahay. Bakit mo natanong?" sagot ni Enrico. "Nakaporma ka eh! Tapos halatang bagong shave ka pa." pagpuna
last updateHuling Na-update : 2024-06-23
Magbasa pa

Chapter 12

"Ma'am Ging-ging, sigurado kang gusto mong gawin 'to?" napapakamot sa ulong tanong ni Shiela. "Nagtataka ka ba kung bakit ginagawa natin 'to?" sagot na patanong niya sa anak ni Aling Myrna. "Oo Ma'am eh," nahihiyang sagot ni Shiela. "Ngayong gabi lang naman ito. Ang totoo ay gusto ko lang pagtripan ang mga pinsan ng sir Enrico mo. S'yempre ipapakilala akong girlfriend ni Enrico sa mga relatives niya sa mother side niya mamaya, gusto ko makilala at makita nila akong nerd ngayong gabi. I'm sure pag uwi nila ipapamalita nila sa ibang kamag anak nila na ang girlfriend ni Enrico ay panget na nerd." Nakita niya sa salamin na napangiwi si Shiela sa isinagot niya. Tahimik naman din siyang natutuwa sa reaction ng kasambahay at ipinagpatuloy ang kanyang pagpapakapal sa kilay gamit ang eyebrow pencil. "Ma'am, wag kang magagalit sa itatanong ko ha. May something ka ba?" Natawa si Girly sa sinabi ni Shiela. "Something what? straight to the point, Shiela. What do you mean?" aniya na nakang
last updateHuling Na-update : 2024-06-26
Magbasa pa

Chapter 13

Samantala si Enrico naman ay nasa ibaba pa rin at iniisip ang pinag-usapan nila kanina ni Girly habang sila ay naghahapunan. Ang mga gawa-gawang kwento na hinabi nila para maging katotohanan ang pag arte nila mamaya at sa mga susunod pang araw. Napag-usapan nila ang mga ilang bagay na maaaring itanong sa kanilang dalawa na dapat ay pareho sila ng maisasagot. Kung sakali na hindi magtutugma ay dapat malusutan nila ng maayos upang hindi sila paghinalaan na nagsisinungaling. Sinabi sa kanya ni Girly na magpapakita muna siyang nerd sa mga pinsan niya mamaya at bukas ay gagawin na nila ang plano ng dalaga na make over. Pumayag siya sa plano ni Girly dahil ayaw niya munang makipagtalo sa dalaga dahil maraming gumugulo sa isipan niya ngayon. Natawagan at nakausap na niya si Lynette at nasabi na niya sa babae na hindi na niya itutuloy ang plano nila dahil may iba siyang naisip na magandang idea. Hindi niya ipinaalam kay Lynette ang tungkol kay Girly dahil hahaba lang ang kanilang usapan.
last updateHuling Na-update : 2024-06-27
Magbasa pa

Chapter 14

"Bebe Labs, ayos ba?" tanong ni Girly na mabilis na nilapitan si Enrico. "Ano yang itsura mo? bakit naman ganyan?" takang tanong niya sa dalaga na naiiling pa ang ulo at nakangiti. "Huwag kang aangal, pinaghirapan ko ito." angil ni Girly. "Hindi kaya ako pagtawanan nung dalawa kapag nakita ka. Akala ko simpleng ayos lang ang gagawin mo. Bakit naman ganyan, Girly?" reklamo ni Enrico. "Sabi ko sa iyo Ma'am, hindi magugustuhan ni Sir ang ayos mo." sabat ni Shiela na ikinatawa ni Girly ng mahina. "Hayaan mo na, babawi ako bukas. Wala akong preparation para makipagkilala sa mga relatives mo ng hindi nila ako mamumukhaan eh! nag iingat lang ako, okay!" pabulong na usal ni Girly kay Enrico. "Ay may pagbulong!" wika ni Shiela na hindi pinansin ng dalawa. "Ma'am, Sir Enrico, okay lang naman kayo, ano?" tanong ni Shiela ng mapansin niyang sumeryoso na ang amo. Napasulyap ng sabay kay Shiela sina Girly at Enrico. "Nakita mo ang kakulitan ng girlfriend ko Shiela, wag mong idadaldal yan s
last updateHuling Na-update : 2024-06-27
Magbasa pa

Chapter 15

Pag akyat ni Girly sa itaas ay inalis na niya ang ginawa niyang make up sa mukha kanina at nagpalit na siya uli ng damit. Kakatapos lang niya na maghilamos ng marinig niya ang pagkatok ni Enrico sa pinto. Inaasahan naman niya ang binata dahil may usapan nga sila. Nakapameywang na binuksan ni Girly ang pintuan. "Akala ko ay nakalimutan mo na, pasok ka." wika niya. "Maari ba naman kalimutan ko ang pinag-usapan natin kanina. Ngayon pa na naumpisahan na natin ang pagpapanggap." Isinara ni Girly ang pinto ng makapasok na ang binata. "Bakit pala may dala kang alak? may binabalak ka sa akin noh?!" pagsita niya kay Enrico na may bitbit na isang bote ng whisky at dalawang baso. "Bakit natatakot ka na ba sa akin?" tanong ni Enrico na talagang nilapit pa ang katawan sa dalaga. Kahit na bumilis ang pintig ng puso ni Girly ay dagli rin nawala ang kabang nadama niya ng tawanan siya ni Enrico. Naningkit ang bilogan niyang mata ng dahil sa pagbibiro ng binata. "Pasaway! hindi ako iinom. Ku
last updateHuling Na-update : 2024-07-02
Magbasa pa

Chapter 16

Kinaumagahan pagkabukas ni Girly ng pintuan ng silid na tinulugan niya ay nakasabayan niya si Enrico sa paglabas din nito sa sarili nitong kwarto. Bagong paligo rin ang binata tulad niya. Hindi na niya kailangan na makigamit pa ng shampoo at bodywash sa binata tulad kahapon dahil binigyan na siya ni Shiela kagabi at langhap din ni Girly ang men's perfume na ginamit nito. Nagkatinginan silang dalawa at nagkangitian. "Gandang umaga," pagbati niya kay Enrico. "Good morning, bababa ka na rin ba?" balik bati naman sa kanya. "Oo, nagsabay pa talaga tayo." aniya sa lalaki. "Tinanghali ka ba ng gising?" tanong ni Enrico habang sila ay naglalakad patungong hagdan. "Hindi naman, ang totoo ay kanina pa ako gising. Nagstretching lang muna ako at pagkatapos ay naligo na. Inayos ko na rin ang kama bago ako napagpasyang lumabas na ng room. Why?" saad ng dalaga. "Nine o'clock na kase at ngayon ka pa lang bababa." sagot ni Enrico. "Ah! Nakasanayan ko na yung kapag wala naman akong pasok sa tr
last updateHuling Na-update : 2024-07-04
Magbasa pa

Chapter 17

Binalikan ni Enrico si Girly na nagsisimula ng kumain ng breakfasf habang kausap din nito si Shiela. "Good morning, Sir." bati ni Shiela sa kanya. "Good morning. Nakahanda ka na?" bati at tanong ni Enrico sa kasambahay. "Yes po, Sir Enrico, nasabi ko na kagabi pa kay inay na sasamahan ko si Ma'am sa mall ngayong araw." sagot ni Shiela. Naupo si Enrico sa tabi ni Girly at ipinagtimpla siya ni Shiela ng kape matapos nun ay Inilapag ang mainit na kape sa kanyang harapan. "Salamat Shiela..," Bahagyang yumukod at lumayo si Shiela kay Enrico at si Girly naman ang nagkusang maglagay ng piniritong itlog, hotdog at tinapay sa plato ng binata. Pinagmasdan naman ni Enrico ang ginawang iyon ni Girly. Nang magtama ang kanilang mga mata ay ngumiti si Girly kay Enrico. "Thank you..," aniya sa dalaga. "Shiela, nawala kahapon ang cellphone ng ma'am mo, kaya samahan mo na rin siyang bumili ng bagong cellphone mamaya. Sa iyo na muna ako kokontak kung sakali na may maalala akong itanong sa kanya
last updateHuling Na-update : 2024-07-06
Magbasa pa

Chapter 18

Inihatid nga sa tapat ng mall ni Enrico ang dalawang babae. Pinaalalahanan si Shiela na wag ililigaw si Girly at ibinigay kay Girly ang pin code ng credit card niya. "Mag-iingat ka," sambit ni Enrico sa dalaga bago nito pinaandar palayo ang minamanehong kotse. "Ma'am, pwede magtanong?" wika ni Shiela ng nasa loob na sila ng mall. "Anong itatanong mo?" "Bakit ka pala nakasunglass at nakascarf sa loob ng mall? Hindi naman mainit dito." "Ah, wala lang trip ko lang. Saan ba may salon dito?" sagot ni Girly at pag iwas na rin sa tanong ng kasama. "Sa third floor maraming sikat na salon doon." "Sige magpaparlor muna tayo bago tayo mamili ng isusuot natin sa party." "Ikaw ang bahala ma'am." Umakyat silang dalawa sa third floor at pumasok sila sa nagustuhang salon ni Girly. "Hello Ma'am, good morning. Magpapaayos po kayo ng hair?" masiglang bati ng isang bakla sa kanila pagkapasok nila. "Yes, magpapamake over sana ako. Gusto ko yung total make over talaga na hindi na ako halos makik
last updateHuling Na-update : 2024-07-06
Magbasa pa

Chapter 19

Nakalubog na ang araw ng makarating sila sa pupuntahan nilang beach resort."Ito pala ang resort na sinasabi mo. In fairness, labas pa lang ay ang ganda na!" manghang wika ni Girly ng ihinto ni Enrico ang sasakyan sa labas."Bakit mo inihinto? Hindi ba pwedeng sa loob mag park ng kotse?" takang tanong ng dalaga."Shiela, ito ba ang resort namin?!" Imbes na sagot sa tanong ni Girly ang sabihin ni Enrico ay tanong kay Shiela ang ibinigkas ng binata. Nahalata ni Girly na parang naguguluhan si Enrico kaya nanahimik na lang siya."Yes Sir, iyan nga po ang resort ninyo. Ang ganda na ba? Mas maganda pa ang makikita natin sa loob." sagot naman ni Shiela.Nagkatinginan sa rearview mirror sina Enrico at Girly. Ang isa ay may pagtataka sa mga mata at ang isa ay walang idea kaya nagkibit balikat na lang."Madalas ka naman rito, Shiela?" tanong muli ni Enrico sa kasambahay."Oho, Sir Enrico. Minsan kasama ko ang mga kaibigan kong pumupunta rito para magswimming dito sa resort ninyo. Libre naman a
last updateHuling Na-update : 2024-07-09
Magbasa pa

Chapter 20

"Pumasok na tayong lahat sa loob. Kumpleto na ang mga Ocampo family. Ang welcome party na ito para sa iyo ay para na rin nating family reunion, Enrico." turan ng tita Remy ng binata."Makikilala mo na rin ang mga asawa at anak ng mga pinsan mo. Kasama din ng iba mong pinsan ang mga kasintahan nila." saad naman ng Tita Flor ng binata."Ibig ninyong sabihin ay nariyan din po si Caroline?" seryosong tanong ni Enrico kahit iyon naman ay inaasahan na niya.Natigilan ang dalawang tiyahin ni Enrico at nagkatinginan. Sabay din na napabaling ng tingin kay Girly na naipakilala ng girlfriend sa kanila ng pamangkin kanina."Alam ko po ang past relationship nila Enrico at Caroline. Naikwento na po sa akin ni Enrico iyon. Matagal na po silang wala at may closure naman ang paghihiwalay nila at sa tingin ko ay wala naman na pong dapat ikailang dahil ikakasal na si Caroline sa pinsan ni Enrico na si Kelvin at kami naman po ni Enrico ay nagmamahalan," nakangiting sambit ni Girly.Dahil magkahawak kamay
last updateHuling Na-update : 2024-07-09
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status