"Tama na nga itong paglolokohan natin. Seryoso na tayo, ayoko ng makipagbiruan. Matutuloy ba tayo bukas?" saad ni Girly na umiwas na sa pinag-uusapan nila ni Enrico. "Girly, hindi ako naķikipagbiruan o nakikipaglokohan. Seryoso ako sa sinabi kong mahak na kita." usal ni Enrico na ayaw ng sayangin ang pagkakataon. "Hindi mo ako maloloko, Enrico. Bumangon ka nga muna, nangangalay na ang hita ko. Ang bigat kaya ng ulo mo." wika ni Girly na halatang ayaw paniwalaan ang sinabi ni Enrico. "Alam kong nabibilisan ka sa pangyayari sa atin, ako rin naman, Girly. Wala pang isang linggo mula ng magkakilala tayo kaya nauunawaan ko ang reaksyon mo. Pero anong gusto mong gawin ko, itago sa iyo ang tunay kong nararamdaman?" Umayos ng posisyon si Enrico. Naupo siya sa tabi ni Girly, ngunit hindi niya binitiwan ang isang kamay ng dalaga bagkus ay inabot pa niya ang isang kamay nito at mahigpit niya iyong hinawakan. "Baka masyado ka lang nagmamadaling kalimutan si Caroline, kaya ka nagkakaganyan. Y
Last Updated : 2024-08-01 Read more