Home / Romance / The Runaway Bride's Keeper / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Runaway Bride's Keeper: Chapter 31 - Chapter 40

124 Chapters

Chapter 31

Matapos makapagfreshen up ni Girly ay si Enrico naman ang pumalit sa kanya sa loob ng banyo. Nag ayos lang siya ng simple sa kanyang mukha at lumabas na ng silid. Hindi na niya hinintay na matapos si Enrico kaya nauna na siyang nagtungo sa reception area. "Good morning, may canteen ba kayo rito?" bati at tanong ni Girly sa nakasalubong niyang babae. Nakasuot naman ng uniporme ng resort ang babaeng pinagtanungan niya kaya sigurado siyang hindi guest ang napagtanungan niya. "Yes Ma'am, mayroon po. Sabay ka na sa akin Ma'am, doon din naman ang punta ko." saad ng babae. "That's great, hindi ako maliligaw. Thank you..," magiliw na turan niya sa napagtanungan. Pagkarating nila sa canteen ay may iilan na rin na nag aalmusal na guest ng resort. Ang iba ay namukhaan niya na kamag-anak ni Enrico. "Hi Girly, good morning. Where's Enrico?" bati ni Roselle sa kanya ng lapitan siya nito. "Good morning, Roselle. Si Enrico, nasa silid pa namin. Nainip na ako sa loob kaya nauna na akong lumaba
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more

Chapter 32

Nagpalit ng one piece shoulder cut out swimsuit si Girly na labas din ang three fourt na bahagi ng kanyang tiyan sa kanilang room ni Enrico. Dahil maganda naman ang kurbada ng katawan ni Girly at makinis din naman ang kanyang balat ay confident naman siyang lumabas ng silid at maglakad sa labas na iyon lamang ang kanyang suot. Pero bago pa man siya lumabas ng room ay nagpahid muna siya ng lotion niya na may sunscreen protection para sa kanyang balat. Hinahanap ni Girly si Enrico ng masalubong niya sa daan ang lalaking nakausap niya kagabi. Si Jordan. "Girly, Hi! Natiyempuhan din kita. Maliligo ka ba sa dagat?" tanong ni Jordan sa kanya. "Oh hi! Halata bang masyado?" birong sagot ni Girly sa lalaki na hindi yata narinig ang iba pang sinambit ni Jordan sa kanya. Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Ikaw lang ba? Wala kang kasama?" tanong ni Jordan. Sasagot na sana si Girly ng maunahan siya ni Enrico sa pagsagot sa tanong ni Jordan. "Mayroon siyang kasama. Ako," seryoso ang mukhang naka
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more

Chapter 33

Huminto sa paglalakad si Girly sa baybaying dagat, kung saan naaabot na ng alon ang kanilang mga paa ni Enrico. Naupo roon si Girly kaya tumabi na rin ng upo si Enrico sa kanya. "Bakit mo sinabi sa lalaking iyon na wala ka pa ring cellphone at nakatira ka na sa bahay ko?" panimulang wikang tanong ni Enrico. "He likes me, halata naman iyon sa kanya. Kahit hindi niya sinabi sa akin ng direct na gusto niya akong pormahan, kahit pa nga ang pagkakaalam niya talaga ay may relasyon tayong dalawa ay hindi naman ako manhid upang hindi ko iyon maramdaman." aniya kay Enrico at dumampot siya ng maliit na bato at inihagis niya rin iyon sa dagat. "Kaso hindi ko naman siya gusto. Kaya ako nagsinungaling. Mas okay ng iparamdam ko sa kanya na wala siyang aasahan sa akin kesa ang prangkahin ko pa siyang hindi ko siya type," paliwanag pang wika ni Girly. Napangiti si Enrico sa isinagot sa kanya ng dalaga. Malinaw naman sa kanyang hindi gusto ni Girly si Jordan. Nais lang talaga niyang marinig mula s
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Chapter 34

"Oo na?! as in sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita?!" reaksyong natutuwa ni Enrico ng pumayag na si Girly na maging magkasintahan sila kahit na alam niyang may agam-agam sa isipan ang dalaga. "Gusto mo, bawiin ko?" wika ni Girly na nagulat sa biglang pagyakap sa kanya ni Enrico ng mahigpit. "Walang bawian, kakasagot mo lang sa akin ina-under mo na ako agad, Mine." pag angal ng binata. "Mine?!" natatawang tanong ni Girly. "Bakit ayaw mo bang tawagin kitang Mine? Maganda naman di ba? Akin ka na, kaya Mine ang gusto kong i-endearment sa iyo. Tulad ng gusto mong pagtawag sa akin ng BebeLabs." "Hindi naman sa ayaw ko, pero Mine talaga?! Para naman akong isang bagay na pagmamay-ari mo lang. Hindi naman ako bagay, tao kaya ako." natatawang saad ni Girly. "Palitan ko na nga lang at pinagtatawanan mo ko. Loves na lang?" "Uhm.., parang mas masarap pakinggan ang Loves kesa sa Mine. Kahit na gusto mo lang ako kapag Loves ang tawag mo sa akin parang mahal mo na nga rin ako." malapad an
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

Chapter 35

Lumipas ang dalawang araw na masayang magkasama buong araw sina Girly at Enrico. Dalawang araw na rin ang relasyon nila at sa two days na iyon ay hanggang halik lang talaga si Enrico sa dalaga. Kasalukuyan silang nasa loob ng room nila ng maalala ni Girly na tignan ang cellphone niya kung mayroong ipinadalang message sa kanya si Marina. Abala kase si Enrico kaya lumayo muna si Girly sa nobyo. Nakikipag-videocall si Enrico sa mga board member ng kumpanya. Kailangan ang presensiya ng CEO kaya kahit thru videocall nga ay nakipagmeeting pa rin ito. Upang hindi nga maistorbo si Enrico sa pakikipagmeeting ay nagkulong na nga lang muna si Girly sa loob ng pinaka-kwarto ng silid. Nang mabuksan niya ang cellphone niya ay nabasa niya agad ang mga pumasok na notification na may ilang message na nga si Marina sa kanya. Binasa niya iyon isa-isa at nanlumo siya sa kanyang nalaman. Ang Daddy niya ay nasa hospital dahil sa na mild stroke raw ito. Dalawang araw na rin mula ng isugod sa ospital a
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 36

"Girly, dahil kase sa nawalan na ng kakayahan si Mayor na gampanan ang pagiging alkalde ng bayan natin at malapit na ngang matapos ang termino ng Daddy mo bilang mayor ay malabo ng makabalik pa sa opisina niya sa munisipyo ang ama mo. Sa ngayon ang Acting Mayor sa bayan ay si Vice Mayor Estrella na ang bali-balita ay tatakbo na rin na mayor. Tagilid na ang political career ng ama mo, hindi pa man natatapos ang termino niya ay gusto na siyang tanggalan ng karapatang mamuno sa buong bayan. Siguradong didibdibin ng husto ng Daddy mo ang naging desisyon ng lokal na gobyerno. Sabi mo nga mas mahalaga sa ama mo ang pagiging politiko niya kesa ang maging ama ninyo ni Adrian di ba, Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon niya kapag nasabi na sa kanya ang desisyon?" saad ng kaibigan ni Girly na hindi masaya sa nangyari.Napabuga ng malakas si Girly. Alam niya ang ibig sabihin ni Marina. Sa kabila ng pagiging walang pusong ama ng Daddy niya sa kanya ay naging mabuting alkalde naman ito ng bayan
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 37

"Love, tell me what happen. Anong dahilan ng iyong pag iyak?" tanong muli ni Enrico ng paulit-ulit kay Girly dahil hindi sinasagot ng dalaga ang kanyang tanong.Bumitiw sa pagkakayakap sa kanya si Girly at naupo ito sa gilid ng kama."Nasa ospital ang Daddy ko, Enrico. Dalawang araw na." saad ni Girly at pinahid ang luha sa mata gamit ang kamay.Lumapit si Enrico sa bed side table at kumuha ng tissue. Nilapitan niya si Girly at siya mismo ang nagpunas ng luha sa mukha ng nobya.Inagaw ni Girly ang tissue sa kamay ni Enrico at siya na ang nagpatuloy sa pagpunas sa mukha niya."Bakit daw naospital ang Daddy mo?" usisa ni Enrico."Na mild stroke raw si Dad. Ang sabi sa akin ni Marina, yung bestfriend ko na nakausap ko kanina sa cellphone. Bigla raw inatake ng stroke ang Daddy ko after makipag-argue kay Mommy." pahayag ni Girly."Sorry to hear that! How is he? Your Dad, kumusta na raw siya?" tanong ni Enrico na kay Girly talaga nag aalala."Still in the hospital. Naka-admit pa rin siya at
last updateLast Updated : 2024-07-26
Read more

Chapter 38

"Ano namang paraan ang gagawin mo? Magrerenta ka ng chopper o helicopter para sumundo sa atin dito?!" seryosong saad ni Girly na ikina-snap ng mga daliri ni Enrico."Good suggestion! Bakit ba hindi ko iyan agad naisip. Napakaganda ng naisip mo, Loves. Hindi ko naisip ang pinakamadaling paraan para makarating tayo ng Manila na hindi sasakit ang ating pang upo sa haba nang oras na byahe." natutuwang turan ng binata."Hindi nga?! Totoo ba, na gagawin mo yun? Nagbibiro lang naman ako, Enrico. Ang mahal kayang magrenta ng chopper, dapat alam mo yun." namilog ang mga mata ni Girly dahil hindi niya inaasahan na totoohanin ni Enrico na gawin ang ibinigay niyang idea."Kung iyon ang inaalala mo, don't worry about it. Wala naman akong babayaran kahit na magkanong halaga." saad ng binata."Huh?! May sarili kang chopper?" tanong bigla ni Girly."Wala, pero may kilala akong mayroon." sagot ni Enrico na hindi mawala-wala ang nakasilay na ngiti sa kanyang mga labi."Si Nick na kaibigan ko ay isang p
last updateLast Updated : 2024-07-26
Read more

Chapter 39

Napailing na lamang ng ulo niya si Enrico. Batid na niyang pinagtitripan nga lang siya ni Girly. Nagpaalam siya sa nobya na aalis muna at bibisitahin lang ang kanyang mga tito at tita para makapagpaalam sa mga ito. Sinabi rin niyang dadaan na rin siya sa pabrika upang makausap ang uncle niya na siyang nagsu-supervise at nagma-manage doon. Pumayag naman si Girly na maiwan sa resort dahil balak niyang ayusin ang mga gamit nila ni Enrico na iuuwi na sa bahay nito. Pagkalabas ng sasakyan ni Enrico sa gate ng resort ay hindi niya inaasahan na makikita niya roon si Caroline. Pinahinto siya sa pagda-drive ng babae ng humarang na lang ito bigla sa daraanan niya. Inihinto naman ni Enrico ang kanyang sasakyan. "Caroline.., anong ginagawa mo?! Hindi mo ba naisip na delikado ang iyong ginawa? Paano kung hindi ako agad nakapagpreno?!" singhal niya sa babae ng maibaba niya ang salamin ng bintana ng sasakyan at ilabas niya roon ng bahagya ang ulo niya. Hindi naman pinansin ni Caroline ang pani
last updateLast Updated : 2024-07-27
Read more

Chapter 40

"Hindi ka ba natatakot na malaman ng pinsan ko na kasama kita ngayon?" seryosong tanong ni Enrico. "Bakit ikaw ba natatakot kay Kelvin?" balik tanong ang isinagot ni Caroline sa kanya. "Hindi." walang patumpik-tumpik naman niyang sagot. "Sinigurado ko namang hindi niya malalaman na nagkausap tayo ngayon. Wala siya dito dahil nagsabi siya sa akin kagabi na may aasikasuhin sa kabilang bayan. Kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkita sa iyo." "Ano pa ba ang gusto mong pag usapan nating dalawa, Caroline? Nakapag usap na tayo sa resort nung isang gabi di ba," nababagot na tanong ni Enrico. "Hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko, palagay ko mahal pa rin kita." "Ikakasal ka na, Caroline at may karelasyon na rin ako, si Girly." "Alam ko yun, Enrico. Pero kase Enrico, hindi pa rin pala kita talaga nalilimutan. Ngayong nagbalik ka, napagtanto kong ikaw pa rin pala ang minamahal ko." "Caroline, pinsan ko si Kelvin. Hindi man kami close na mag pinsan ay malaki naman ang respet
last updateLast Updated : 2024-07-27
Read more
PREV
123456
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status