Kinaumagahan pagkabukas ni Girly ng pintuan ng silid na tinulugan niya ay nakasabayan niya si Enrico sa paglabas din nito sa sarili nitong kwarto. Bagong paligo rin ang binata tulad niya. Hindi na niya kailangan na makigamit pa ng shampoo at bodywash sa binata tulad kahapon dahil binigyan na siya ni Shiela kagabi at langhap din ni Girly ang men's perfume na ginamit nito. Nagkatinginan silang dalawa at nagkangitian. "Gandang umaga," pagbati niya kay Enrico. "Good morning, bababa ka na rin ba?" balik bati naman sa kanya. "Oo, nagsabay pa talaga tayo." aniya sa lalaki. "Tinanghali ka ba ng gising?" tanong ni Enrico habang sila ay naglalakad patungong hagdan. "Hindi naman, ang totoo ay kanina pa ako gising. Nagstretching lang muna ako at pagkatapos ay naligo na. Inayos ko na rin ang kama bago ako napagpasyang lumabas na ng room. Why?" saad ng dalaga. "Nine o'clock na kase at ngayon ka pa lang bababa." sagot ni Enrico. "Ah! Nakasanayan ko na yung kapag wala naman akong pasok sa tr
Binalikan ni Enrico si Girly na nagsisimula ng kumain ng breakfasf habang kausap din nito si Shiela. "Good morning, Sir." bati ni Shiela sa kanya. "Good morning. Nakahanda ka na?" bati at tanong ni Enrico sa kasambahay. "Yes po, Sir Enrico, nasabi ko na kagabi pa kay inay na sasamahan ko si Ma'am sa mall ngayong araw." sagot ni Shiela. Naupo si Enrico sa tabi ni Girly at ipinagtimpla siya ni Shiela ng kape matapos nun ay Inilapag ang mainit na kape sa kanyang harapan. "Salamat Shiela..," Bahagyang yumukod at lumayo si Shiela kay Enrico at si Girly naman ang nagkusang maglagay ng piniritong itlog, hotdog at tinapay sa plato ng binata. Pinagmasdan naman ni Enrico ang ginawang iyon ni Girly. Nang magtama ang kanilang mga mata ay ngumiti si Girly kay Enrico. "Thank you..," aniya sa dalaga. "Shiela, nawala kahapon ang cellphone ng ma'am mo, kaya samahan mo na rin siyang bumili ng bagong cellphone mamaya. Sa iyo na muna ako kokontak kung sakali na may maalala akong itanong sa kanya
Inihatid nga sa tapat ng mall ni Enrico ang dalawang babae. Pinaalalahanan si Shiela na wag ililigaw si Girly at ibinigay kay Girly ang pin code ng credit card niya. "Mag-iingat ka," sambit ni Enrico sa dalaga bago nito pinaandar palayo ang minamanehong kotse. "Ma'am, pwede magtanong?" wika ni Shiela ng nasa loob na sila ng mall. "Anong itatanong mo?" "Bakit ka pala nakasunglass at nakascarf sa loob ng mall? Hindi naman mainit dito." "Ah, wala lang trip ko lang. Saan ba may salon dito?" sagot ni Girly at pag iwas na rin sa tanong ng kasama. "Sa third floor maraming sikat na salon doon." "Sige magpaparlor muna tayo bago tayo mamili ng isusuot natin sa party." "Ikaw ang bahala ma'am." Umakyat silang dalawa sa third floor at pumasok sila sa nagustuhang salon ni Girly. "Hello Ma'am, good morning. Magpapaayos po kayo ng hair?" masiglang bati ng isang bakla sa kanila pagkapasok nila. "Yes, magpapamake over sana ako. Gusto ko yung total make over talaga na hindi na ako halos makik
Nakalubog na ang araw ng makarating sila sa pupuntahan nilang beach resort."Ito pala ang resort na sinasabi mo. In fairness, labas pa lang ay ang ganda na!" manghang wika ni Girly ng ihinto ni Enrico ang sasakyan sa labas."Bakit mo inihinto? Hindi ba pwedeng sa loob mag park ng kotse?" takang tanong ng dalaga."Shiela, ito ba ang resort namin?!" Imbes na sagot sa tanong ni Girly ang sabihin ni Enrico ay tanong kay Shiela ang ibinigkas ng binata. Nahalata ni Girly na parang naguguluhan si Enrico kaya nanahimik na lang siya."Yes Sir, iyan nga po ang resort ninyo. Ang ganda na ba? Mas maganda pa ang makikita natin sa loob." sagot naman ni Shiela.Nagkatinginan sa rearview mirror sina Enrico at Girly. Ang isa ay may pagtataka sa mga mata at ang isa ay walang idea kaya nagkibit balikat na lang."Madalas ka naman rito, Shiela?" tanong muli ni Enrico sa kasambahay."Oho, Sir Enrico. Minsan kasama ko ang mga kaibigan kong pumupunta rito para magswimming dito sa resort ninyo. Libre naman a
"Pumasok na tayong lahat sa loob. Kumpleto na ang mga Ocampo family. Ang welcome party na ito para sa iyo ay para na rin nating family reunion, Enrico." turan ng tita Remy ng binata."Makikilala mo na rin ang mga asawa at anak ng mga pinsan mo. Kasama din ng iba mong pinsan ang mga kasintahan nila." saad naman ng Tita Flor ng binata."Ibig ninyong sabihin ay nariyan din po si Caroline?" seryosong tanong ni Enrico kahit iyon naman ay inaasahan na niya.Natigilan ang dalawang tiyahin ni Enrico at nagkatinginan. Sabay din na napabaling ng tingin kay Girly na naipakilala ng girlfriend sa kanila ng pamangkin kanina."Alam ko po ang past relationship nila Enrico at Caroline. Naikwento na po sa akin ni Enrico iyon. Matagal na po silang wala at may closure naman ang paghihiwalay nila at sa tingin ko ay wala naman na pong dapat ikailang dahil ikakasal na si Caroline sa pinsan ni Enrico na si Kelvin at kami naman po ni Enrico ay nagmamahalan," nakangiting sambit ni Girly.Dahil magkahawak kamay
Pagkatapos ng batian ng mga magpipinsan at kumustahan nila ay dun lamang nakakain ng handang pagkain sina Enrico at Girly. "Hindi ko pa nakikita ang ex mo at ang pinsan mong si Kelvin. Akala ko ba ay naririto sila." mahinang saad ni Girly ng sila lang dalawa sa isang lamesa. Saglit silang iniwan ni Shiela para kumuha ng makakain pa nilang tatlo. "Nandito sila kanina pero bigla ngang nawala. Nakita ko silang nag uusap sa gilid, baka umiiwas." sagot ni Enrico. "Palagay mo nakita kaya nila tayong magkasama?" mahinang tanong ng dalaga. "Oo, kinawayan pa nga ako ni Kelvin ng makita niyang napasulyap ako sa kanilang dalawa ni Caroline." sagot ni Enrico at huminga ng malalim. "Ang lalim ng pagkakabuntong hininga mo ah! Tingin mo ba nag away silang dalawa, kaya biglang naglaho?" usisa pa ni Girly. "I don't know." matamlay na sagot sa kanya ni Enrico. "Bakit hindi mo alam, eh nakita mo naman pala sila kanina?" pangungulit ni Girly. "Hindi ko nga alam," seryosong saad ni Enrico na hala
"Huwag mo ng isipin ang babaeng iyon, Ma'am. Doon na tayo sa tabing dagat. Sayang naman ang pagpunta natin dito at ang suot natin kung hindi tayo magpipictorial dito di ba!" nakangiting turan ni Shiela ng inaaya ang dalaga. "Ikaw talaga! Sige na nga, pumunta na tayo roon." wika niya. na umiling-iling pa dahil sa kakulitan ng anak ni along Myrna. "Ayan, matutuloy na ang pictorial natin!" masayang saad ni Shiela na napapalakpak pa sa tuwa. Sabay na silang naglakad patungo sa tabing dagat ng hubarin na nila ang mga suot nilang sandals. Itinabi at iniwan nila ni Shiela ang mga iyon sa gilid ng poste. Malapit na sila sa dagat ng mapansin ni Shiela na malolowbat na ang battery ng cellphone niya. "Hala, Ma'am Ging-ging.., malapit ng maubos ang laman ng battery ng cellphone ko. Baka mabitin tayo sa pagsiselfie mamaya. Ang mabuti pa kunin ko muna yung powerbank ko sa loob ng kotse ni Sir Enrico. Saglit lang ako ma'am, promise hindi ako magtatagal. Mauna ka na sa tabing dagat at susun
"Bakit ka pa bumalik dito sa probinsya, Enrico?" tanong ng babae. "What do you think, Caroline? Bakit pa nga ba ako nagbalik dito?" balik tanong na sagot ni Enrico na kay Girly pa rin nakatuon ang paningin. "Ayoko mag assume, Enrico. Pero gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit, kung kailan malapit na akong ikasal tsaka ka nagpasyang muling magpakita sa akin." saad na sagot ni Caroline na tumabi na sa pwesto ng binata. "Mahal mo ba si Kelvin, Caroline?" ang tanong ni Enrico na humarap na sa dating nobya. "Matagal kang nawala, hindi ka nagparamdam ng mahabang panahon. Kahit sulat hindi mo man lang ako pinadalhan para tanungin kung kumusta na ako. Hindi ka rin gumawa ng paraan upang matawagan ako o magkaroon muli ng komunikasyon sa iyo. Tingin mo maghihintay ako sa iyo ng napakaraming taon? Nangako ka sa akin na babalikan mo ako pagnakatapos ka na ng pag-aaral sa abroad. Ilang taon na ang nakalipas ng makagraduate ka, bumalik ka ba? hindi naman di ba! Nabalitaan kong mayroon ng
Matapos ang araw ng libing ng daddy ni Girly ay binasa na ng abogado ng kanilang ama ang last will and testament nito. Hinati ang seventy percent na naiwang yaman ng former Mayor Francisco kina Girly at Andrei Adrian. Ang natirang thirty percent ay sa kanilang mommy at ang mga naipundar na bahay. Ang mga negosyong nakapangalan sa kanilang ama ay nailipat na sa pangalan ni Girly at Andrei. Naiyak si Girly sa nalaman niya. Dahil hindi niya na inasahan na pareho pa sila ng kapatid niya ng matatanggap na yaman. Ang ini-expect niya ay mas lamang ang ibibigay ng daddy niya kay Andrei. Ang totoo ay hindi na talaga siya umasa na may makukuha pa siyang mana buhat sa kanyang daddy. Nang matapos basahin nang abogado ang testamento ay umalis na ito. Tatayo na sana si Girly nang awatin siya ng mommy niya at may inabot sa kanyang puting papel. "Sulat iyan ng daddy mo para sa 'yo. Basahin mo," Kinakabahang binuklat ni Girly ang papel at tahimik na binasa ang sulat. Bumagsak ang namuong luha niy
"Nandito na tayo," wika ni Enrico sa katabi niyang halatang kinakabahan. "Gusto mo bang palapitin ko muna rito ang best friend mong si Marina. Baka makatulong s'ya sa iyo kapag kayo munang dalawa ang mag-uusap." suhest'yon ni Enrico kay Girly. Matipid na ngiti ang itinugon ni Girly kay Enrico at tinawagan naman agad ni Enrico si Marina. "Hello, Marina. Narito kami ni Girly sa labas ng funeral chapel. Pwede bang puntahan mo siya dito at kausapin? Okay, thank you..," pakikipag-usap ni Enrico sa kaibigan ni Girly. "Pupunta raw ba?" tanong ni Girly. "Oo, palabas na siguro yun. O ayan na pala siya. Lalabas muna ako. Kumustahin ko lang sina Moralez." "Huwag kang lalayo ah!" pakiusap ni Girly na hinawakan ang braso ni Enrico nang akma na itong lalabas ng sasakyan. Ngumiti si Enrico sa kanya. "Hindi ako lalayo, sa labas lang ako ng sasakyan." "O-okay!" saad ni Girly at binitiwan na si Enrico. Pagkalabas ni Enrico sa sasakyan ay lumabas din ang driver nila na si Mang Cardo at naiwang
"Can't sleep?" mahinang tanong ni Enrico nang nakapikit pa ang mga mata. "Huh!" nagtakang reaksyon ni Girly. Ang alam niya kase ay tulog na si Enrico kanina pa. Nang sulyapan niya ang katabi ay dumilat ito at ibinangon ang katawan. "Hindi ka makatulog?" muling tanong ni Enrico kay Girly na panay ang baling ng katawan sa kama at sunud-sunod ang pagbuntong hininga, kaya siya nagising. "Nagising ba kita? Sorry ha, hindi ako makatulog eh! Hindi maalis sa isip ko ang pangamba na baka biglang sumulpot si Vincent sa burol ni Daddy kapag nakarating sa kanyang bumalik na ako sa amin." hinging paumanhin ni Girly at pag-amin kay Enrico. "Di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ka na niya magagambala pa. Kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa iyong tabi." pagpapakalma naman ni Enrico sa kanya. "Alam ko naman yun, Bebelabs. At iyon kanina pa ang ginagawa ko pero wala ring epekto." saad ni Girly. "May alam akong paraan para madistract ang isipan mo sa naiisip mo." mahinang usal ni Enrico.
Matapos ang mainit na sagupaan nila sa kama ay sinabi na rin ni Enrico kay Girly ang nangyari sa ama nito. "Kailan pa?!" nagdadalamhati at lumuluhang tanong ni Girly. "Kahapon daw, inatake sa puso ang daddy mo." sagot ni Enrico. "Paano mo nalaman? Si Marina ba ang nagsabi sa iyo? Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Nag message rin ako pero hindi niya pa rin ata nabasa." "Hindi siya, si Moralez ang tumawag sa akin at nagbalitang nakaburol na nga ang daddy mo. Anong plano mo ngayon?" "Gusto kong makita si Dad. Gusto kong damayan at alalayan si Mommy sa pagluluksa niya sa pagkamatày ni Daddy. Pero natatakot akong baka manggulo sina Vincent sa burol ng daddy ko." "Hindi ka na n'ya magagawan uli ng masama dahil pinaghahanap na s'ya ng mga pulis at nagtatago pa siya ngayon. Ako ang bahala sa iyo, sa inyo ng baby natin. Sasamahan kitang bumalik sa pamilya mo at magpapakilala na rin ako ng pormal sa mommy mo at sa kapatid mo." Walang balak si Enrico na ipaal
Buong araw na hindi nakasama ni Girly si Enrico at pagabi na ng dumating sa resort ang lalaking mahal niya. "Sa wakas nakabalik ka na!" salubong ni Girly sabay yakap sa baywang ni Enrico ng makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ito. "Na miss mo talaga ako ah!" nakangiting saad ni Enrico sa kanya na itinaas pa ang hinawakang baba niya para magtama ang kanilang mga mata. "S'yempre naman! Kahit na magkausap tayo kanina sa phone ng matagal iba pa rin yung nasa tabi kita. Bakit ikaw, hindi ba?" saad niya at tanong. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong paliparin ang sasakyan makapiling ka lang muli. I miss you so much, Loves!" lambing ni Enrico sa kanya at mabilis siya nitong hinalìkan sa labi. Nahampas ni Girly sa balikat si Enrico dahil naalala niyang naroon pala sa tabi nila si Sheila na ngiting-ngiti na pinagmamasdan sila. "Nahihiya ka pa kay Sheila? Alam naman niyang madalas natin gawin ito. Di ba, Sheila?" wika ni Enrico. "Oo nga naman, Ate Girly. Magkaka-baby na n
Ilang oras ang lumipas at nagising si Vincent na may kakaibang pakiramdam. Nakahiga siya sa surgery operation table kung saan doon din itinali, pinagsamantalahan at binawian ng buhay si Caroline kanina. "Anong ginawa ninyo sa akin? Nasaan ako? Bakit ako narito?" mga tanong ni Vincent na nanghihina pa rin. Napansin niyang may tatlong lalaki na nasa tabi niya. "Nasaan si Briones, nasaan siya?!" galit na sigaw ni Vincent. Babangon sana siya ng madama niyang may kakaiba o mali sa katawan niya. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya at laking gulat niya ng makita niyang wala na siyang mga binti. "Aaahhh!!" sigaw ni Vincent at humagulhol ng iyak. "Ang mga paa ko! Mga hayop kayo, pinutol ninyo ang mga binti ko. Napakawalanghiya mo, Briones!" gigil na sigaw ni Vincent na naririnig ni Enrico. Kinontak ni Enrico ang doctor na initusan niyang pumutol ng mga binti ni Vincent. "Oras na para ang mga braso naman niya ang putulin mo, Doc." seryosong utos muli ni Enrico. "Sige!" sag
"Ilabas n'yo ko rito.., Palabasin n'yo ko!" sigaw ng isang lalaking pakay ni Enrico sa underground ng bahay niya. "Buksan mo," utos ni Rolly sa isang lalaking nakabantay sa labas ng parang selda kung saan naroon sa loob si Vincent. "Nice place ah! Matagal na ba itong secret underground ninyo?" naa-amaze na turan ni Henry ng makita ang ilalim ng bahay nila Enrico sa Baguio. "Si Lolo ang nagpagawa nitong secret underground at nalaman ko lang ito bago ako pag-aralin sa Amerika. Sina Rolly at ang ibang tauhan ang madalas na narito. Actually, this is my third time na tumapak sa bahay na ito." saad ni Enrico na seryosong-seryoso. "Sino ang lalaking nasa loob?" tanong ni Henry. "Hulaan mo," nakangising wika ni Enrico. "Don't tell me Briones, na ang nag iisang anak na lalaki ni Governor Maceda ang nariyan?!" hula naman ni Torres. "Ano naman kung siya nga, Torres?" pagkumpirma ni Enrico sa hinala ni Henry. Napaawang ang bibig ng abogado. "What?! Alam mo ba na malakas si Governor Maceda
"Tama na! Parang awa n'yo na!" mahinang usal ni Caroline na nakatingin sa dalawang lalaking nagbaba ng suot na brief matapos ipakita sa kanya na may pinainom na alak sa dalawang lalaki na hinaluan ng sex drugs ang inumin. Habang nagpapakaligaya ang dalawang lalaki sa katawan ni Caroline ang iba naman ay nakuha pang magsugal ng baraha na panaka-nakang tumitingin sa pwesto ni Caroline. Hindi pa nakakabawi ng lakas si Caroline sa kakatapos lang na pagpapasasa sa kanya nung dalawa ay muli na namang binuhusan ng tubig ang katawan niya. Napapikit na lang si Caroline sa masaklap na sinapit niya. Ubos na ang lakas niya para magsusumigaw pa siya at magmakaawa. Nang ipakita sa kanya uli na may pinainum na naman na alak na may sex drugs na halo sa iba namang dalawang lalaki ay hiniling niya na patayìn na siya ng mga ito. "Patayìn na ninyo ako, ayoko na!" mahinang usal ni Caroline. "Huwag kang mag-alala, pagbibigyan namin ang hiling mo. Lima pa kaming hindi tapos sa iyo. Ano, sila lang ang n
"Boss, gising na ang bihag." aning wika ng lalaking nagngangalang Rolly na tauhan ni Enrico. "Maaari na ninyong simulan ang palabas." maawtoridad na utos niya kay Rolly. Ini-on ni Enrico ang malaking screen monitor pagkatapos nai-off ang lahat ng ilaw sa silid na kinalalagyan niya. Kasama niya sa silid na iyon ang kanang kamay niya at ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang abogado na miyembro rin ng kanilang organisasyon. "Ang akala ko ay iba ka sa Lolo mo, Briones. Ngayon ka lang mananakit ng isang babae." saad ng abogadong nasa tabi ni Enrico na hawak ang baso na may lamang alak. "Pinahamak niya ang aking mag ina. Muntik na akong mawalan ng minamahal ng dahil sa kanya, Torres. Hindi ko papalagpasin ang mga ginawa niya sa amin pati na rin kay Kelvin na pinaasa niya at ginawa niyang miserable ang buhay." aniyang may pagngingitngit. "Hindi ba't first love mo ang babaeng 'yan. Wala ka bang nadaramang awa para sa kanya? Minsan mo rin naman siyang minahal di ba?" komento nang a