“Laura, huy!” Pag ulit na tawag ni Laila kay Laura na tulala pa rin, “sigurado ka ba talaga dito sa balak mo, ang sabi-sabi ay hindi basta-basta nagpapapasok d’yan kung walang appointment.” Nag-aalala nitong tanong.Pareho silang tumingin sa mataas na building sa harapan nila, “sa tingin mo ba ay pupunta ako rito ng hindi buo ang loob ko? Wala akong oras na pwedeng sayangin, hindi pwedeng magtagal si Daddy sa detention center. Alam mo naman ang sakit niya, hindi siya pwede na ma-stress ng sobra.”Huminga ng malalim si Laura at taas noo na naglakad papasok sa building, ilang hakbang palang ang nalalakad niya ay agad na siyang hinarang ng nasa front desk.“Excuse me, ma’am. May appointment po ba kayo?” Nakangiti ang babae, pero alam ni Laura na peke iyon.Hinawi niya ang nakalugay na buhok ng buo ng confidence, “wala, pero kailangan ko na makausap si Mr. Del Rosario.”Agad umasim ang timpla ng itsura ng babae, “sorry, ma’am. Pero hindi lang po ka’yo ang nagsabi n’yan, kung gusto n’yo po
Huling Na-update : 2024-06-05 Magbasa pa