Share

Imbitasyon mula kay Adan

Author: Lilybluems
last update Last Updated: 2024-06-05 20:38:11

Napamulat si Laura sa sunod-sunod na vibrate ng cellphone niya, agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Nasaan ka?" Galit ang boses na tanong ng nasa kabilang linya, walang iba kundi ang ex niyang si Elijah.

"Ano naman sa iyo?" Paos ang boses ni Laura, dahan-dahan siyang tumayo ngunit agad gumuhit ang sakit sa pagkababae niya at maging sa balakang.

"Kasama mo ba ang lawyer na yun?! Sabihin mo, anong ginagawa nyo ngayon?" Hindi nagbago ang tono ng boses ni Elijah, mataas pa rin na parang galit na galit kay Laura.

Napalinga naman si Laura sa paligid, wala kahit anino ng lalaking nakaniig ang andoon.

Malamig na rin ang gilid ng kama, patunay na hindi siya tinabihan nito sa pagtulog.

"Hindi ko alam kung bakit tumatawag ka at tinatanong ako ng walang kwentang bagay, hindi ba ikaw na ang nagsabing tapos na tayo? Kung may kasama akong ibang lalaki ngayon at may ginagawa kami ay wala ka na doon, bakit hindi ka magpakasasa sa bago mo?"

"Laura, hindi ko akalain na ganiyan ka na babae. Sana nung una palang ay sinabi mo na, kung lumuhod ka sa harapan ko ay tutulungan ko ang daddy mo." Muling untag ni Elijah sa kabilang linya.

Hindi mapigilan ni Laura na mapatawa ng pagak, naiintindihan na niya kung ano ang ikinagagalit nito.

Sa tagal ng relasyon nila ay walang nangyari sa kanilang dalawa, "sorry not sorry, Elijah. Pero hindi ko gagawin iyon, mas masaya ako sa desisyon ko ngayon. Isa pa ay nakawala ako sa lalaking tulad mo, mabuti nalang talaga at hindi ko binigay ang sarili ko sa iyo." Madiin ang bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon bago pinatay ang tawag.

Pinatay ni Laura ang cellphone niya at hinilamos ang dalawang kamay sa mukha, "anong karapatan niyang pagsalitaan ako ng ganoon, kung hindi dahil sa pinaggagawa niya ay hindi mangyayari ang mga ito. Minahal ko siya ng sobra, hindi ko man lang napansin na ginamit lang niya ako para sa sarili niyang gusto." Unti-unting pumatak ang mga luha ni Laura.

Ilang araw niyang pinigilan ang sarili na umiyak, hanggang maari ay ayaw niyang makita siya ng kahit sino na magmukhang mahina.

Sa apat na taon nilang pagsasama ni Elijah ay binigay niya lahat ng tulong na pwede niyang maibigay.

Napagpasyahan niya nalang muna na umuwi para kahit papano ay makapagpahinga siya ng maayos.

~

Pag pasok palang niya sa bahay ay agad siyang nakatanggap ng sampal muna sa step mother niya.

"Anong sabi ko sayong malanding babae ka?! Ikaw nag magdadala ng malas sa pamilya, sinabi ko nang hindi para sayo ang lalaking iyon pero hindi ka narinig! Tignan mo ngayon kung ano ang ginawa niya sa daddy mo at sa pamilya natin!" Galit na galit nitong sigaw sa kaniya.

Ninamnam niya ang lasa ng dugo sa bibig dahil sa lakas ng sampal, "Tita Janet, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para ilabas si daddy sa detention center. Hindi mo na kailangan na himudin ng asin kung anong mali na nagawa ko dahil ako mismo ay alam na alam ko yun." Nagpipigil niyang sagot.

Hindi naman niya tinatanggi na malaki ang pagkakamali niya, alam niyang may kasalanan rin siya kung bakit napunta sa ganoong sitwasyon ang ama.

"Kung una palang ay nakinig ka na sa akin, hindi tayo nagmukhang tanga sa mata ng lalaking iyon. Ang tanga mo kasi, sarili mo lang ang pinaniniwalaan mo." Padabog itong naupo sa sofa. "Bilisan mo na gumawa ng paraan, baka unahin mo pa na lumandi ulit."

'Bakit hindi ka rin gumawa ng paraan? Andito ka lang sa bahay at walang ginagawa, puro reklamo lang ang alam at pag gastos ng pera ni daddy?'

Gustong isigaw iyon ni Laura sa kaharap pero pinili niyang lunukin ang mga salitang iyon, sobra na ang pagod na nararamdaman niya para makipag-away.

Tumango lang siya at dumiretso sa kwarto, agad niyang hinubad ang suot at tinignan ang sarili sa salamin.

Puno iyon ng kiss marks at mga bite marks mula kay Adan, tanda na totoong binigay niya ang sarili sa lawyer kapalit ng pagtulong nito sa kaso ng daddy niya.

"You did well, Laura. You did well." Marahan niyang niyakap ang sarili habang paulit-ulit na pinapagaan ang loob.

~

Nangbuksan niya ang cellphone ay sunod-sunod na mensahe mula sa iba't-ibang tao ang natanggap nila.

Isa na roon ang mensahe mula sa kay Adan, agad niya iyon na binuksan at binasa.

"8 tonight at Hotel Dan Paneo, make sure to wear an elegant dress."

Simpleng mensahe pero bolta-boltaheng kuryente ang hatid sa kaniya.

Hindi man niya alam kung ano ang meron sa hotel na iyon at agad siyang tumayo para tignan ang mga dress niya sa tokador.

Mula umpisa ay binigay na niya ang sarili sa lawyer, walang dahilan para magdalawang isip pa siya ngayon.

Related chapters

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Kilalanin kung sino ang kalaban

    Pagbaba palang ni Laura sa sasakyan ay magagarbong kotse na ang sumalubong sa kaniya, pati ang mga nagpapasukan na babae at lalaki ay pagandahan ng mga damit.Ang iba roon ay mula pa sa iba't-ibang brand.Agad siyang lumakad papasok sana sa pintuan ng may bumunggo sa kaniya."Oops, sorry! Hindi kita agad napansin," Si Sia iyon habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. "Masyado kasing simple ang suot mo, akala ko ay isa ka lang sa mga nag a-asssit."Tulad ng ginawa ni Sia ay tinignan rin ni Laura ang kaharap mula sa sapatos hanggang sa suot nitong mga alahas, hinding-hindi siya pwedeng magkamali.Ang mga Jewelries ay mula sa company ni Elijah, habang ang dress ay mula sa kilalang fashion designer na dati rin niyang kinukuhanan ng mga damit."Sorry to disappoint you, Sia. Pero sigurado ako na pareho lang ang halaga ng suot nating dalawa, hindi ba nasabi sa'yo ni Elijah na sa akin niya nakilala ang designer ng suot mo ngayon?" Ngumisi siya at tumalikod.Pero bago pa man makalayo si L

    Last Updated : 2024-06-06
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Simpleng kasunduan

    "Thank you for inviting us, Mr. Del Rosario!" Sabay-sabay at halos sunod-sunod ang mga lumalapit sa lalaki para makipag-usap.Para nga lang hangin si Laura sa mga mata ng ito, may iilan naman siyang kakilala ngunit parang iniiwasan siya ng mga ito."Ako dapat ang magpasalamat dahil nakapunta kayo kahit sobrang busy ng mga schedules natin, kumusta pala ang extension ng business mo abroad?""It's good, it's good. Tama ang payo mo na simulan ko na rin sa abroad, kung hindi dahil sa'yo ay nasayang ang pagkakataon na meron ako that time." Sagot ng matandang kausap ng lawyer.Napatingin rin ang matanda sa kaniya, "Ms. Zapanta, hindi ko akalain na pupunta ka rito. Kumusta ang daddy mo?"Saglit siyang natigilan, hindi niya akalain na may magtatanong tungkol sa daddy niya."A-ah. Sa ngayon po ay nasa detention center pa rin siya, pero nagsisimula na po ang hearing."Tumango ang matanda ang hinaplos ang braso niya, "h'wag ka mag-alala at pasasaan ba at maayos rin ang lahat. Kung kailangan mo ng

    Last Updated : 2024-06-08
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Mamili ka, Laura

    Pagpasok palang ng kwarto ay agad na nakatulog si Adan sa kama, agad namang nagpasalamat ni Laura sa nag assist sa kanila."Sobrang amo ng mukha pag natutulog, pero akala mo isang tigre pag gising." Mahinang bulong niya habang pinanunuod ang lalaking mahimbing ang tulog.Akmang hahaplusin sana nito ang matangos na ilong ni Adan ng biglang mag vibrate ang cellphone niya."Nasaan ka na namang magaling na babae? Alam mo ba kung anong nangyari sa papa mo?" Malakas na sigaw mula sa step mother niya agad ang bumungad sa kabilang linya.Gumuhit naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya, "A-ano po ang nangyari kay daddy?""Andito siya ngayon sa hospital, nanikip ang dibdib niya. Kanina pa raw tawag sa'yo ng tawag ang mga nasa detention center, wala ka talagang awa at pakialam sa daddy mo!""Hindi po ganoon iyon tita, hindi ko lang napansin dahil busy ako--""Busy sa lalaki?" Nangungutya nitong saad, "bilis-bilisan mo at pumunta ka na rito, alam mo naman na lagi ka hanap ng daddy mo." Hindi na s

    Last Updated : 2024-06-09
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Another offer

    Hindi na muling nagsalita ang daddy niya pagkatapos sabihin iyon, hanggang matapos ang visiting hours ay nanatili itong tahimik."Daddy, aalis na po ako. Bukas ay dadalaw nalang ulit ako--""H'wag kang babalik dito kung sasabihin mo pa rin sa akin na lalaban tayo sa kaso o hindi mo kasama ang lawyer na iyon, alam kong tayo ang nangangailangan pero ayaw ko ang ginagawa mo para sa akin." Matigas nitong sabi ng hindi man lang tumitingin kay Laura.Tumango lang siya kahit sa totoo lang ay hindi alam ni Laura kung ano ang kailangan niyang gawin.Alam naman niyang hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya, pero hindi rin naman niya hahayaan na makulong ang daddy niya ng walang laban.Alas-dos na ng madaling araw ng makarating siya sa bahay, agad niyang binagsak ang sarili sa kama. Kahit gustuhin man ni Laura na umiyak ay parang luha na mismo ang ayaw lumabas sa kaniyang mata.Bukas ay balak niyang puntahan at i-check ang company nila, hindi naman niya pwede isantabi iyon lalo na at maraming e

    Last Updated : 2024-06-10
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Just say it

    "Hindi ko maintindihan ang ibig mo na sabihin, Mr. Del Rosario. Gusto mo na mag invest sa company namin na palugi na?" Pag-uulit ni Laura."Your company has more potential to be save, Ms. Zapanta. Kailangan mo lang ng malaking investment uli para makabawi, alam ko na naiintindihan mo ang sinasabi ko." Seryoso nitong sagot at tumayo, lumakad ito papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang CEO glass nameplate.Marahan na hinaplos ito ni Adan at muling tumingin sa kaniya, "not unless you really want to lose this."Hindi maikakaila ni Laura na sobra-sobra ang kagustuhan niyang tanggapin ang alok ng lalaki, pero hindi rin maalis sa isip niya na may ibang pakay ito."Wala na akong ibang maibibigay sayo na kapalit, nabigay ko na ang pwede ko na ibigay sayo para maging lawyer ni daddy." Mahinahon ang boses ni Laura habang sinasabi iyon.Ngumisi ang lalaki, "sinong nagsabi na hihingi ako ng kapalit?" Tumayo ito at lumakad naman papunta sa upuan na dapat ay kay Laura, agad itong naupo at tumingin

    Last Updated : 2024-06-14
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Under my care

    Tahimik na nakaupo si Laura sa loob ng kotse ni Adan, patungo sila ngayon sa hospital para muling dalawin ang daddy niya."Ano pa ang hinihintay natin, bakit hindi ka pa lumabas?" Pangalawang beses ng tanong iyon ni Adan, pero hindi niya magawang gumalaw. Labis ang kaba niya sa kung ano ang magiging reaksyon ng ama.Napaigtad niya ng malakas na bumuntong hininga si Adan at dumukwang palapit sa kaniya, "let's go, walang mangyayari kung andito lang tayo. Ako ang kakausapin ni Mr. Zapanta at hindi naman ikaw." Seryoso nitong sabi pero ramdam ni Laura na parang pinapagaan nito ang loob niya.Sa mga nakaraang araw ay may kaunting pagbabago sa pakikitungo ng lalaki sa kaniya, pero hindi rin niya masabi kung tama ba siya o masyado lang siya na nakakatanggap ng tulong at konsiderasyon galing sa lalaki."P-pero, paano kung awayin ka niya?" Nag-aalala si Laura sa mga sasabihin ng ama, paano nalang kung biglang umayaw ang lalaki sa pagtulong sa kanila."Nag-aalala ka ba sa akin?" Ngumisi ito, "h

    Last Updated : 2024-06-17
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   She's MY client

    "Anong sinabi sayo ni daddy?" Mabilis na lumapit sa Laura paglabas palang ni Adan sa kwarto.Hindi niya napigilan na hawakan ang lalaki sa braso, agad naman iyon na tinignan ng lalaki dahilan para mabilis rin niya itong bitiwan."S-sorry, hmm. So, may sinabi ba sayo si daddy?" Hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo ni Laura dahil sa pag-aalala."Tungkol sa kaso." Maikli nitong saad at naglakad na palabas ng hospital, agad sumunod si Laura na hindi pa rin mapakali.Sa tanggal na nag-usap ng dalawa ay alam niyang hindi lang iyon simpleng tungkol sa kaso, pero ayaw naman niya muling magtanong dahil halata sa lalaki na ayaw nito na magsabi ng totoo.Nanatili siyang tahimik na nakasunod hanggang makarating sila sa kotse.Pasakay na rin sana siya ng pigilan siya nito, "bakit hindi mo samahan ang daddy mo? Wala ka naman ng aayusin, balita ko ay ibabalik na siya sa detention center sa susunod na araw bago ang second hearing.""P-pero...""May aasikasuhin pa ako kaya wala rin ako na oras

    Last Updated : 2024-06-24
  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Banta

    "your honor, ito ang record ng mga perang lumabas bago ma-hospital si Mr. Zapanta. Makonsidera n'yo sana na muling i-review ang mga documents," seryoso at diretso ang boses na saad ni Adan.Wala kahit isa sa loob ng korte ang hindi napapahanga sa kaniya, andoon ang confident niya at hindi iyon nawawala."Your honor, paano mapapatunayan na totoo ang mga pinasa nila ngayon na dokumento. Pwede na gawa-gawa lang niya--""Your honor, original copy ang binigay ko sa inyo. Confident kami na hayaan na i-check mismo ng mga tauhan ninyo ang lahat sa mismong company ng Zapanta."Agad na pinutol ni Adan ang sinasabi ng nasa kabilang panig, dahil doon ay ramdam na ramdam ni Laura ang mariin na tingin sa kaniya ng mga kalaban nila sa kaso.Kitang-kita niya paano mag ngitngit ng ngipin ang isa sa mga dati nilang business partner na si Mr. Petinez."But your honor!" Aapila pa sana muli ang attorney nila Elijah ng magsalita ang nasa harapan."Silence!" Sigaw nito, "tinatanggap namin ang mga documento

    Last Updated : 2024-06-24

Latest chapter

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Akin dapat s'ya

    “Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Ano ba tayo?

    Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Selos

    “Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   With him

    Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   He want it

    Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Stay with me

    Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Regret?

    May ilang napatingin sa lakas ng pagkakasarado ni Elijah sa pintuan, pero wala siyang pakialam. Hindi niya lubusan na matanggap ang narinig mula kay Laura, kahit anong pamimilit niya noon sa ex-girlfriend ay ayaw nitong ibigay ang sarili hanggang hindi sila kasal.Pero ngayon ay parang simpleng bagay lang ngayon na gawin ang pang-aakit sa lawyer, muli siyang napatingin sa maliit na salamin sa pintuan. Doon nakita niya kung paano hinalikan ni Laura ang lawyer ng walang pag-aalinlangan.Parang nawala ang lahat ng lakas sa tuhod niya dahil doon, ramdam niya ang panginginig ng katawan sa inis. Lalo na ng nagsimulang kumawala ang mga sexy na tunog na nagmumula sa dating kasintahan, “Damn it!”Namumula ang kamao niya, may kaunti pa na dugo na naiwan sa pader pero hindi iyon alintana ni Elijah. Wari’y hindi niya nararamdaman ang sakit doon, nanatiling seryoso at halos hindi na maipinta ang emosyon sa kaniyang mukha.Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto niyang pasukin muli ang dalawa at hilai

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Moody na lawyer

    Mariin na tumingin si Adan sa kaniya, wari'y seryosong-seryoso ito sa paniningil sa kaniya.Bago pa man siya makapag-react ay inabot na nito ang cellphone niya sa gilid at binuksan, "but I dont think you can pay me with your money here, Ms. Zapanta. Mukhang lalo kang naghihirap, paano mo ako babayaran?"Ramdam ni Laura ang tingin ng dalawang lalaki sa kaniya, maging ang pag init ng kaniyang pisngi dahil sa hiya.Tanging pagkagat sa ibabang labi ang kaniyang nagawa, hindi niya magawang sumagot."May utang ka pa sa akin nung nakaraan," dagdag pa nito na parang disappointed, "bakit hindi mo nalang ako i- accompany once na ma- discharge ka?"Napaangat ng tingin si Laura dahil sa sinabi nito, marahang napatagilid ang ulo niya para tignan ang mukha nito na seryoso pa rin.Marahan niyang inangat ang dalawang kamay at niyakap sa braso ni Adan, "pwede naman kitang i- accompany ngayon na, Mr. Del Rosario." Malambing niyang sabi habang nakangiti.Lihim rin na napangisi si Adan dahil sa sinabi ni

  • Love me obediently, Mr. Billionaire   Pay me now, Ms. Zapanta

    “Pwede mo ng bitawan ang braso ko,” bumalik sa pagiging malamig at walang pakialam ang tono ng boses ni Adan ng makalayo na ang dalawa sa kaniya, agad naman napabitaw si Laura.Nahihiya siyang napahawak sa batok, “s-sorry, hindi ko lang alam ang gagawin ko. Nagulat lang rin ako na andito rin sila. Pasensya ka na at nadamay ka pa sa ginawa ko—”“Sa totoo lang ay nagtataka ako bakit kailangan mo na gawin iyon, hindi ba ay nakapagdesisyon na si Mr. Jintalan na piliin ang kasama niya kaysa sa’yo? Para saan ang pag akto ng ganoon sa harap niya kahit alam mo na wala naman siyang pakialam kung may bago ka na o wala?”Muli na naman siyang nakatanggap ng salita mula kay Adan na walang halong sugar coating, pero mukhang unti-unti na rin siyang nasasanay para masaktan pa. Isa pa ay totoo rin naman ang mga sinasabi nito at may sense, minsan ay nagiging sampal rin sa kaniya.Pagak nalang siyang natawa, “hindi ko rin alam bakit ko nga ginawa ‘yun, siguro dahil na rin may naramdam rin naman ako sa k

DMCA.com Protection Status