All Chapters of Love me obediently, Mr. Billionaire: Chapter 21 - Chapter 27

27 Chapters

Regret?

May ilang napatingin sa lakas ng pagkakasarado ni Elijah sa pintuan, pero wala siyang pakialam. Hindi niya lubusan na matanggap ang narinig mula kay Laura, kahit anong pamimilit niya noon sa ex-girlfriend ay ayaw nitong ibigay ang sarili hanggang hindi sila kasal.Pero ngayon ay parang simpleng bagay lang ngayon na gawin ang pang-aakit sa lawyer, muli siyang napatingin sa maliit na salamin sa pintuan. Doon nakita niya kung paano hinalikan ni Laura ang lawyer ng walang pag-aalinlangan.Parang nawala ang lahat ng lakas sa tuhod niya dahil doon, ramdam niya ang panginginig ng katawan sa inis. Lalo na ng nagsimulang kumawala ang mga sexy na tunog na nagmumula sa dating kasintahan, “Damn it!”Namumula ang kamao niya, may kaunti pa na dugo na naiwan sa pader pero hindi iyon alintana ni Elijah. Wari’y hindi niya nararamdaman ang sakit doon, nanatiling seryoso at halos hindi na maipinta ang emosyon sa kaniyang mukha.Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto niyang pasukin muli ang dalawa at hilai
Read more

Stay with me

Dalawang-araw pa ang tinagal ni Laura sa hospital bago siya tuluyan na ma- discharged. Hindi na bumalik si Adan simula ng mangyari ang bagay na ‘yun, wala pa rin siyang idea kung ano ang dahilan ng pagka-bad moon bigla ng lawyer.“Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya,” bulong niya sa sarili habang hawak ang cellphone at bitbit sa kabilang kamay ang maliit na bag. Paika-ika pa man ay sinubukan na niyang maglakad sa hallway, alam niyang sa mukha ng iba ay para siyang kawawa pero wala naman siyang magagawa.Sinubukan niyang katawan ang kaibigan pero mukhang busy, wala naman siyang ibang matatawagan dahil nasa detention center pa ang daddy niya.Nakakailang hakbang palang siya ng may humawak sa braso niya at pigilan siyang maglakad, “bakit parang nagmamadali kang umalis Ms. Zapanta na parang tinatakasan? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka mag-isa ng ganyan ang sitwasyon mo?” Umagang-umaga palang ay magkasalubong na kilay agad ang bumungad sa kaniya.“Mr. Del Rosario, anong ginagawa mo dit
Read more

He want it

Paghinto palang ng kotse ay ramdam na agad ni Laura ang katahimikan ng paligid, sa totoo lang ay umaasa siyang pagdating nila ay naguunahan ang mga maid na lumabas para salubungin ang lawyer pero kabaliktaran ang lahat sa inaasahan niya.Tatlong palapag ang bahay nito ngunit sa labas palang ay masasabi na niya agad na maluwang iyon, “h’wag kang masyadong kabahan, marami ang kwarto at pwede mong piliin ang pinakamalayo sa kwarto ko, kung gugustuhin mo ay pwede tayong hindi magkita sa loob ng bahay hanggang matapos ang pag stay mo dito.”Seryoso ang mukha ni Adan habang sinasabi iyon, walang halong biro ang bawat salita. Hindi tuloy alam ni Laura kung talagang seryoso iyon o sarkastiko lamang ito.“Hindi naman ako kinakabahan, isa pa ay ikaw ang tumanggi sa akin nung nakaraan.” Pagbalik niyang sabi habang seryoso rin ang mukha, pero mabilis siyang tumingin palayo ng maramdam ang tingin ni Adan sa kaniya.“Well, hindi naman ako hayok at walang pusong lalaki. Pero kung ipipilit mo talaga
Read more

With him

Tulad ng pinagkasunduan at alok na serbisyo ni Laura, nung hapon rin na ‘yun ay agad siyang naghanda para magluto ng hapunan.“Sinabi ko na ipagluluto ko siya ng pagkain, pero paano ko gagawin yun kung ganito lang ang laman ng refrigerator niya?” Stress na tinignan ni Laura ang mga can beer, bottled water, at iilan na pack food na kailangan na lang iinit.Hindi naman niya magawang guluhin ang lawyer na ngayon ay nakatalikod sa kaniya habang suot ang reading glass nito at isa-isang binabasa ang mga papel na nakakalat sa lamesa.Ilang saglit pa ay lumingon ito sa kaniya dahilan para mapaigtad siya, “baka mabutas ang likod ko sa titig mo, kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na.”Hindi ganoon kalamig ang tono ng boses nito, pero dahil sa suot niyang reading glass ay mas lalong naging intimidating ang aura niya. Hindi agad nakakibo si Laura, nagdadalawang -isip pa rin kung sasabihin niya ang kaniya pa niyang problema.Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang umamin, “hmm, sa totoo la
Read more

Selos

“Hurry, can’t you move faster?” Inip na tanong ni Adan habang nakasandal sa kotse at paulit-ulit na tinitignan ang oras sa relong suot niya, “sabi mo ay ayaw mong makatanggap ng maraming atensyon sa pupuntahan natin, pero sa tagal mong gumalaw ay baka tayo ang pinaka-late doon.”Napaikot naman ang mata ni Laura, gusto niyang magreklamo at sabihin na ang lalaki rin naman ang dahilan bakit sila natagalan. “Ito na nga, nagmamadali na.”~Mabuti nalang rin at hindi traffic ng mga oras na iyon dahilan para agad silang makarating sa venue, pagpasok palang nila ng building ay marami na agad ang sumalubong sa lalaking kasama niya. Isa na roon ang isang babaeng naka velvet red dress na talagang bumagay sa maputi nitong balat.“Adan,” matamis nitong tawag sa pangalan ng lawyer habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, “akala ko ay hindi ka darating, ngayon ka lang na-late sa mga ganitong event.”Ilang minuto pa na tinitigan ni Laura ang babae bago niya makilala ito, Ang female arti
Read more

Ano ba tayo?

Ang tanawin sa labas ng veranda ay talagang maganda, pero hindi maitatago ni Laura na mas higit doon ang ngiting sumilay sa labi ng lawyer. Sobrang sarap noon sa mata na parang kinikiliti ang puso niya.Nabalik lang ang kaniyang atensyon ng umihip ang malamig na hangin, agad niyang hinaplos ang expose na mga braso. Nakasuot lamang siya ng cocktail dress, nagsimula na rin na mamula ang kaniyang ilong, pisngi, hanggang leeg. Mas lalong lumabas ang maputi niyang balat.Napabuntong hininga naman si Adan at maingat na hinubad ang suit jacket at walang pasabing pinatong ito sa balikat niya, “gamitin mo, hindi kita dinala dito para ma- hospital na naman.”Hindi iyon tinanggihan ni Laura, sa halip ay binalot niya iyon sa sarili. Sa paraan na iyon ay mas amoy niya ang lawyer muna sa jacket nito, hindi niya maiwasan na mas lalong mamula ang pisngi dahil sa kaniyang ginawa.“Thank you.” Bulong niya, halos makagat pa niya ang dila sa kaba. Ayaw niyang malaman ni Adan ang ginagawa niya, pero hindi
Read more

Akin dapat s'ya

“Mr. Jintalan, mabuti naman at dumating ka.” Nakangiti ang mga matatandang businessman habang palapit si Elijah sa table kung nasaan sila, “akala namin ay hindi ka sisipot, lalo na at hindi mo naman na kailangan ang ganitong mga okasyon.” Makahulugan pa na sabi ng isa.Napangisi naman si Elijah dahil sa narinig, umiling siya at umakto na parang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda. “Nako, bakit naman hindi ako a-attend sa ganitong okasyon lalo na at alam ko na andito kayo?”Muli silang nagtawanan, nanatili ang ngiti sa labi ni Elijah. Ang mga matatanda na ang tingin lang sa kaniya dati ay boyfriend ni Laura ay sa wakas alam na kung paano siya tawagin sa kung sino talaga siya.Napapailing nalang siya sa isip habang sumisimsim ang wine sa kupita na hawak, alam niyang iba ang nagagawa ng kapangyarihan at pera kung paano ang pakikitungo ng tao. Ngayon na meron na siya pareho, labis ang pagbabago ng mga ito.“Magkakaroon ako ng branch sa Singapore, baka gusto mo na makita ang pl
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status