All Chapters of The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Chapter 611 - Chapter 620

646 Chapters

Chapter 12.2

SA MGA SANDALING iyon ay nasa garden ang mag-asawang Dankworth. Pasalampak na nakaupo sa bakuran na nalalatagan ng bermuda grass. Libang na libang silang pinagmamasdan habang panaka-nakang nakikipaglaro sa kanilang apong si Brian. Makikita sa kislap ng kanilang mga mata ang galak na kaharap ang pangalawang apo. Nakapangtulog pa ang mag-asawa at halatang walang planong umalis ng mansion ng araw na iyon para sa makasama lang ang kanilang apo sa bunsong anak. May bakas ng kaunting pagsisisi na hindi nila ito nagawang kargahin at alagaan noong sanggol pa lang ito gaya ng kanilang naranasan noon sa unang apokay Gavin na si Gabe. Nagkalat ang maraming laruan ni Brian sa paligid na animo ginawang carpet nilang tatlo ang nakalatag na damong bermuda. Ang pinaka-paborito niya doon ay ang bola na pinapagulong habang dinadaganan niya ng kanyang marungis ng katawan. May iilang dahon na ng bermuda ang kanyang katawan at buhok. Sumasama sa mahinang ihip ng hangin ang bawat halakhak ni Mrs. Dankwort
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 12.3

HINDI NAMAN IYON pinansin ng Gobernador na ang isipan ay gumagala na sa paligid. Hinahanap ang dating nobya kahit pa alam niyang malabo itong magpakita. Nakapunta na siya sa mansion ng mga Dankworth pero hindi niya pa nagawang galugarin ang buong paligid noon. Gaya ng ina ay ngumiti lang din siya sa mga maid na hindi niya maintindihan kung bakit panay ang sulyap sa kanya tapos titingin sa mga kasamahan nila na para bang ang kanilang mga mata ay nag-uusap ng mga bagay na hindi niya magawang maunawaan kung tungkol iyon sa kung saan. Lingid sa kaalaman niya na lowkey na siyang pinag-uusapan ng mga mata nila sa pagkakaroon ng malaking hawig kay Brian. Pilit na iwinaglit iyon sa isipan ni Giovanni kahit na medyo naiilang. Kung maid lang nila ang gagawa noon sa kanya, baka nagawa na niyang sisantehin ang lahat ng iyon dahil pakiramdam niya ay wala silang modo sa kanya. “Wala pong anuman, Donya Livia.”Ginaya ni Giovanni ang inang kumuha ng maiinom upang libangin ang kanyang sariling habang
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 12.4

NAGNGALIT NA ANG mga ngipin ni Giovanni upang supilin ang baha ng kanyang strangherong emosyon. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung tama bang iusal niya iyon gayong wala naman doon ang kanyang dating nakarelasyon na magbibigay ng linaw sa lahat ng mga iyon. Kumibot-kibot na ang kanyang nangangatal na bibig. Humapdi na rin ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Abot-abot na rin ang kanyang kaba na para bang nasa harapan siya ng mga kalaban at makikipag-debate rito sa kanila. Nakita niya kung paano matakot sa kanya ang mga mata ng bata sa mas humigpit na hawak nito sa damit ng kanyang Lolo na kulang na lang ay mahubaran sa ginawa niyang paglapit. Tumayo pa ang bata upang talikuran lang siya na ilang hakbang na lang ang layo ay tuluyang makakalapit na siya sa kanila. Bahagya itong umingit na nangunyapit na sa leeg ni Mr. Dankworth. Hindi na itinuloy pa ni Giovanni ang paglapit. Sa tanawing iyon ay parang nahahati ang kanyang puso. Gusto na niya itong mayakap. Hindi niya
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 13.1

PARANG SINAMPAL NG malakas sa kaliwa at kanang pisngi niya si Giovanni ng naging mga katagang iyon ni Briel. Nanunuot ito hindi lang sa kanyang kalamnan kundi sa kanyang mga buto lalo pa at sa pasigaw na paraan iyon sinabi ng dating nobya. Dama niya ang frustration nito, ang sama ng loob na namuo nang dahil sa ginawa niya. Tama nga naman si Briel, kung pakaiisipin iyong mabuti. Natiis niya ang dating nobya na hindi makita ng dalawang taon, doon pa lang ipinakita na niyang wala nga siyang pakialam na sa kanyang nararamdaman. Ipinaramdam niyang hindi ito kawalan at mahalaga tapos ngayon ay harap-harapang sasabihin niyang minahal niya ang dalaga? Isang kahibangan nga naman niya iyon! Kumalat na ang mapait na pakiramdam sa sikmura ni Giovanni na alam niyang hindi normal. Malamang hindi talaga siya ni Briel papaniwalaan. Kahit na ginawa lang naman niya iyon, dahil ito ang alam niyang tama at makakabuti sa kanilang dalawa. Kung patuloy niya naman itong papasubaybayan sa mga tauhan niya at
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 13.2

AKMANG PAMARTSANG TATALIKURAN na sana ni Briel ang mga kaharap pagkasabi noon nang bigla siyang matigilan nang makita ang pagdating ng kanyang kapatid sa pavilion, kasunod nito ang kanyang asawa na may seryoso ng mga tingin sa kanya. Alam ni Briel na narinig ng kapatid ang mga sinabi niya. Hindi pa man nakakarating sa pavilion sila ay dama na ni Briel ang pagiging seryoso at dominante ng kapatid taliwas sa nakangiting puno ng concern na mukha ng asawa nitong si Bethany. Iyong tipong lahat ng sabihin nito ay kailangan niyang sundin. Ilang saglit pa ay nabaling na rin sa mag-asawang bagong dating ang paningin nina Donya Livia, at ng mag-asawang Dankworth na seryosong-seryoso. Tanging si Giovanni ang hindi nagbaling ng tingin na nanatiling parang estatwang nakatayo. Malayo ang lipad ng isipan ng Gobernador na prino-proseso pa rin ang katotohanang kanyang mga nalaman. Hindi niya pa rin lubos maisip na nagkaroon sila ng anak nang hindi niya agad natunugan. Anong klase siyang ama? Bakit hi
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 13.3

SAMANTALA, GUSTONG YAKAPIN ni Briel ang ama nang dahil sa pagiging prangka nito at pananatili sa side niya. Hindi kasi nito iginiit na magpakasal siya kahit na alam niyang iyon ang tumatakbo sa isipan ng Daddy niya. Matanda itong tao, ma-prinsipyo. May reputasyon din at pangalang iniingatan ang kanilang pamilya hindi lang ang mga Bianchi kung kaya naman marapat lang na pilitin siyang magpakasal nang walang masabi ang mga taong nasa palibot nila. Higit pa roon ay nang hindi ito ma-bully ng iba nilang relatives kapag nalaman na disgrasyada siya.“Kung magpapakasal man sila in the future, sila ang may kagustuhan noon at hindi lang napipilitan dahil sa responsibilidad nilang nasa balikat bilang magulang ni Brian. Kung hindi man iyon ang kapalaran nilang dalawa, hayaan na lang natin. Baka iba ang nakatadhana sa kanila. Maging casual na lang sila para sa ating apong si Brian.”Lihim na naikuyom ni Giovanni ang kanyang kamao. Lumalaban ang kanyang damdamin. Wala pa man ay nagagalit na siya s
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 13.4

LABAG MAN SA loob ay piniling makinig ni Gavin sa kanyang asawa, dahil kung hindi ay siya naman ang paniguradong malilintikan dito mamaya. Mabuti nang sundin na lang niya ang kagustuhan ng kanyang asawa.“Fine, pero pwede bang tama na ang sumbatan?” mungkahi ng dating abogado na halatang problemado na rin, nanatili ang kanyang mga mata sa kapatid at kay Giovanni. “Tapos na rin naman iyon. Nangyari na. May magbabago pa ba kung patuloy kayong magsisigawan? Babalik ba kayo sa nakaraan upang itama ang ugat ng problema niyo ngayon? Pareho lang lang naman kayong nagkamali. Bakit hindi niyo pa rin matanggap iyon? Briel? Sa halip na ayusin niyo na lang ang mga dapat niyong ayusin. Magkasundo kayo para sa kapakanan kay Brian na lumalaki na.”Pilit na inayos ni Giovanni ang kanyang tayo. Hindi niya alam kung iyon ba ang tama ngunit gusto niyang makausap si Briel nang sila lang nito. Bukod sa nahihiya siya na patulan ang mga sinasabi ni Briel, dala na lang din iyon ng respeto niya sa pamilya Dan
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 14.1

NANATILING KALMADO ANG reaction ni Giovanni habang ang mga mata ay nakatingin pa rin kay Briel na nakaharap na sa kanya at nakahawak na ang dalawang kamay sa magkabila niyang beywang. Sa dami ng kanyang mga napagdaanan ng problema, normal na sa kanya ang maging kalmado sa lahat ng oras. Umihip ang hangin at nagulo ang buhok ni Briel na ang ilang hibla ay walang habas na tumakip sa kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa banda kung saan nanggaling ang hangin. Parang may sariling buhay ang katawan ni Giovanni na humakbang papalapit kay Briel. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang mag-react ng babae. Natagpuan na lang niya na ilang pulgada na ang layo ng katawan ng Gobernador sa kanya. Nakahawak na sa mukha niya. Pinapalis na ang ilang hibla ng kanyang buhok na dumikit sa kanyang nanlalagkit na mukha. Napamulagat na ang mata niya. “Anong ginagawa mo?!” sigaw niya sabay sampal sa kamay nitong dumikit sa kanyang balat. Parang nahimasmasan naman si Giovanni na mabil
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 14.2

NABULABOG ANG MAHIMBING na pagtulog ni Briel ng tawag ng kanyang hipag kinabukasan. Pagdilat ng kanyang mga mata ay wala na sa kanyang tabi si Brian. Lingid sa kanyang kaalaman ay maaga itong kinuha ng kanyang ina upang ibaba at makasama nila ni Donya Livia sa garden upang magbilad sa hindi pa masakit na sikat ng araw. Kumamot siya sa ulo at nakapikit na sinagot ang kanyang cellphone. Wala pa siyang planong ibangon ang sarili niya.“Tulog ka pa?” “Hmm, bakit ang aga mo namang tumawag Bethany?” Mahinang tumawa si Bethany sa kabilang linya. “Anong maaga pa? Alas diyes na kaya Briel. Huhulaan ko napuyat ka kakaisip kay Tito, ano?” Awtomatikong bumukas na ang mga mata ni Briel nang mabanggit iyon ni Bethany sa kanya. Totoo naman iyon, hindi niya rin kailangang itanggi. Ganunpaman ay hindi niya kinumpirmang iyon nga ang dahilan ng pagkapuyat. “Bangon na. Papunta na ako diyan. Samahan mo akong magsukat at mamili ng isusuot nating gown.” “Bakit?” lutang na tanong ni Briel, wala siyang
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 14.3

HINDI NA HININTAY pa ni Briel na sumagot si Bethany at mabilis na siyang lumabas ng fitting room upang ipakita ang kanyang sarili sa dati niyang fiance. Napag-alaman ni Briel na may kasama itong babae na kilalang rising actress ng bansa na saglit na tumingin sa ginawang padabog na paglabas niya sa fitting room. Bahagya siya nitong pinagtaasan ng kilay, bagay na hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin. Sa puntong iyon ay nabaling na ang tingin ni Albert sa kanyang bulto na ikinatikwas ng isang kilay ni Briel. Sa panlalaki ng mga mata nito ay bakas ang pagkagulat na nakita siya doon. Ang buong akala ni Albert ay si Bethany lang ang naroon, nakalimutan niya na hipag nga pala ito ng dati niyang fiancee. Hindi naman alam ni Briel kung dahil sa biglang paglitaw niya o ng dahil sa hitsura niya kung kaya gulantang ang hitsura nito. Matagal na panahon na rin nang huli siyang makita ni Briel. Wala naman na siyang natitirang galit dito. Nabura na iyon ng mga taong dumaan dahil nabaling na iyon k
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more
PREV
1
...
606162636465
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status