LABAG MAN SA loob ay piniling makinig ni Gavin sa kanyang asawa, dahil kung hindi ay siya naman ang paniguradong malilintikan dito mamaya. Mabuti nang sundin na lang niya ang kagustuhan ng kanyang asawa.“Fine, pero pwede bang tama na ang sumbatan?” mungkahi ng dating abogado na halatang problemado na rin, nanatili ang kanyang mga mata sa kapatid at kay Giovanni. “Tapos na rin naman iyon. Nangyari na. May magbabago pa ba kung patuloy kayong magsisigawan? Babalik ba kayo sa nakaraan upang itama ang ugat ng problema niyo ngayon? Pareho lang lang naman kayong nagkamali. Bakit hindi niyo pa rin matanggap iyon? Briel? Sa halip na ayusin niyo na lang ang mga dapat niyong ayusin. Magkasundo kayo para sa kapakanan kay Brian na lumalaki na.”Pilit na inayos ni Giovanni ang kanyang tayo. Hindi niya alam kung iyon ba ang tama ngunit gusto niyang makausap si Briel nang sila lang nito. Bukod sa nahihiya siya na patulan ang mga sinasabi ni Briel, dala na lang din iyon ng respeto niya sa pamilya Dan
NANATILING KALMADO ANG reaction ni Giovanni habang ang mga mata ay nakatingin pa rin kay Briel na nakaharap na sa kanya at nakahawak na ang dalawang kamay sa magkabila niyang beywang. Sa dami ng kanyang mga napagdaanan ng problema, normal na sa kanya ang maging kalmado sa lahat ng oras. Umihip ang hangin at nagulo ang buhok ni Briel na ang ilang hibla ay walang habas na tumakip sa kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa banda kung saan nanggaling ang hangin. Parang may sariling buhay ang katawan ni Giovanni na humakbang papalapit kay Briel. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang mag-react ng babae. Natagpuan na lang niya na ilang pulgada na ang layo ng katawan ng Gobernador sa kanya. Nakahawak na sa mukha niya. Pinapalis na ang ilang hibla ng kanyang buhok na dumikit sa kanyang nanlalagkit na mukha. Napamulagat na ang mata niya. “Anong ginagawa mo?!” sigaw niya sabay sampal sa kamay nitong dumikit sa kanyang balat. Parang nahimasmasan naman si Giovanni na mabil
NABULABOG ANG MAHIMBING na pagtulog ni Briel ng tawag ng kanyang hipag kinabukasan. Pagdilat ng kanyang mga mata ay wala na sa kanyang tabi si Brian. Lingid sa kanyang kaalaman ay maaga itong kinuha ng kanyang ina upang ibaba at makasama nila ni Donya Livia sa garden upang magbilad sa hindi pa masakit na sikat ng araw. Kumamot siya sa ulo at nakapikit na sinagot ang kanyang cellphone. Wala pa siyang planong ibangon ang sarili niya.“Tulog ka pa?” “Hmm, bakit ang aga mo namang tumawag Bethany?” Mahinang tumawa si Bethany sa kabilang linya. “Anong maaga pa? Alas diyes na kaya Briel. Huhulaan ko napuyat ka kakaisip kay Tito, ano?” Awtomatikong bumukas na ang mga mata ni Briel nang mabanggit iyon ni Bethany sa kanya. Totoo naman iyon, hindi niya rin kailangang itanggi. Ganunpaman ay hindi niya kinumpirmang iyon nga ang dahilan ng pagkapuyat. “Bangon na. Papunta na ako diyan. Samahan mo akong magsukat at mamili ng isusuot nating gown.” “Bakit?” lutang na tanong ni Briel, wala siyang
HINDI NA HININTAY pa ni Briel na sumagot si Bethany at mabilis na siyang lumabas ng fitting room upang ipakita ang kanyang sarili sa dati niyang fiance. Napag-alaman ni Briel na may kasama itong babae na kilalang rising actress ng bansa na saglit na tumingin sa ginawang padabog na paglabas niya sa fitting room. Bahagya siya nitong pinagtaasan ng kilay, bagay na hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin. Sa puntong iyon ay nabaling na ang tingin ni Albert sa kanyang bulto na ikinatikwas ng isang kilay ni Briel. Sa panlalaki ng mga mata nito ay bakas ang pagkagulat na nakita siya doon. Ang buong akala ni Albert ay si Bethany lang ang naroon, nakalimutan niya na hipag nga pala ito ng dati niyang fiancee. Hindi naman alam ni Briel kung dahil sa biglang paglitaw niya o ng dahil sa hitsura niya kung kaya gulantang ang hitsura nito. Matagal na panahon na rin nang huli siyang makita ni Briel. Wala naman na siyang natitirang galit dito. Nabura na iyon ng mga taong dumaan dahil nabaling na iyon k
DUMILIM ANG MUKHA ni Giovanni nang marinig ang huling sinabi ng investigator. Hindi niya nagustuhan na naging ex-boyfriend ito ng pamangkin at lalong hindi niya mapapalampas ang pagiging ex-fiance nito ni Gabriella. Anong tingin ng asshole na iyon sa mukha niya? Gold? Hindi naman ito kagwapuhan sa kanyang paningin. Oo, bata sa kanya pero kung hitsura ang pagbabaehan nila malayong-malayo ito sa mukha niya. Tumingin pa siya sa salamin upang ikumpara ang kanyang hitsura sa dating fiance ni Briel. Ilang beses niya pang sinipat ang kanyang mukha. “Hindi ko maintindihan ang taste ng mag-hipag. Mabuti na lang at hindi iyon ang nakatuluyan ng pamangkin ko.”Sa palagay niya ay kailangan niyang turuan ito ng leksyon. Ang huling tanda niya ay nasa ibang bansa na ito noong minsang mapag-usapan nila iyon ni Briel. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan pa nitong bumalik. Hindi na lang naglagi at piniling tumanda kung saan man ito tumambay na bansa. At talagang sinadya pang makipagkita s
BAKAS ANG PANGHIHINAYANG sa boses ni Bethany nang sumapit ang araw ng banquet party at malaman niyang hindi makakapunta si Briel dahil umano sa biglaang pagsama ng kanyang pakiramdam. Ano pa nga bang magagawa niya doon? Hindi niya naman pwedeng pilitin ang hipag lalo na kung kalusugan iyon. Iba naman ang naging ngisi ni Gavin nang malaman at marinig iyon; nakakaloko na halatang mayroong ibang plano ang dating abogado. Hindi niya ipinaalam sa asawang si Bethany na tinawagan niya si Giovanni matapos na malaman iyon upang sabihin na may available na invitation slot para sa kanya sa gaganaping anniversary ng kanyang kumpanya. Iimbitahin niya ang Gobernador dahil wala naman ang kapatid dito. Wala pa man ay nagdiriwang na sa galak si Gavin. Nakikinita na niya ang pagkabigo sa mukha ni Giovanni oras na malaman nitong wala naman pala sa party ang kanyang kapatid. Another points niya rin iyon.“Anong nagpabago ng isip mo, hijo?” puno ng pagdududang tanong ni Giovanni nang sagutin niya ang tawag
NAKANGITI NA SIYANG sinipat ng Ginang mula ulo hanggang paa. Bakas sa mukha ng ina ang pagiging proud sa kanyang hitsura ngayon na nagawa pang bigyan siya ng kakaibang ngiti sa kanyang labi. May panunukso iyon na hindi pinansin ni Briel. Pakiramdam ng ina ay unti-unting bumabalik ang bunso nila. Bagay na hinihintay nilang mangyari ng kanyang asawa; ang muling maka-adopt sa buhay nila si Briel. “Pupunta na ako, Mommy. Sayang naman ang gown ko saka baka magtampo sa akin si Bethany.“ tugon ni Briel na ipinakita pa ang kanyang kabuohan na para bang sayang naman kung hindi siya pupunta, “Ngayon lang din naman ako pa-party after two years. Reward ko na sa sarili. Hindi rin naman ako magtatagal.”Tumang-tango ang Ginang sa kanyang sinabi. Tama nga naman ang kanyang anak. Reward niya iyon.“Hindi iyon magtatampo, nauunawaan naman niya na masama ang pakiramdam mo. Well, kung okay ka naman na better attend na rin para suportahan ang Kuya Gav mo. Hindi kami pupunta ng Daddy mo eh. We choose to
TUMANGO LANG SI Bethany kahit na marami pa siyang gustong sabihin sa tiyuhin. Nabaling na ang mga mata ng lahat ng bisita sa stage nang umakyat na doon si Gavin matapos na iinvite ng emcee para sa magiging speech nito bago ang simula ng party. Abot-tainga ang ngiti ng dating abogado na para bang iyon ang unang taon na itinatag ang kumpanya niya. Mababakas ang kaligayahan na salamin ng ngiti niya.“Uupo na kami ni Gabe, Tito.” paalam ni Bethany nang tanggapin na ni Gavin ang microphone.Kinuha na ni Bethany si Gabe sa bisig ng tiyuhin na agad naman nitong ibinigay. Nag-upuan na ang karamihan sa mga guest sa designated nilang table, ngunit may mangilan-ngilan pa ‘ring nakatayo. Bakas sa mukha ni Giovanni na wala siyang planong gawin iyon. Hindi siya uupo. Hahanapin niya pa si Briel.“Maupo ka na rin…Tito...” habilin pa ni Bethany bago tuluyang talikuran siya, nasa dulo na ng dila niya ang sabihin na hindi darating si Briel pero pinili na lang niyang tumahimik. Ayaw niyang masira ang gab
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi