“Elisa, umalis ba si Yzabella?”, turan ni Ginang De Los Santos sa isa nilang kasambahay sapagkat maghapon niyang hindi nakikita ang anak.“Hindi naman po ma’am, hindi pa nga siya lumalabas mula pa kaninang umaga.”, tugon ni Elisa kung kayat nahiwagaan ang ginang. Napuyat ba ng sobra ang kanyang anak sa pagdalo nito sa party at hapon na ay hindi pa lumalabas?‘Ganon ba? Baka napuyat kagabi, hayaan na lamang muna natin siya upang makapagpahinga. Ipaghanda mo na lang ng paborito niyang pagkain para sa hapunan, natitiyak kong lalabas din yun para kumain.”, ang ginang at magalang namang tumango ang kanilang kasama. Ngunit pagdating ng hapunan ay hindi sumalo si Yzabella sa kanyang mga magulang kung kayat pinatawag ni Ginang Delos Santos ang dalaga sa kuwarto ngunit hindi man lamang ito nagbukas ng pintuan. Biglang nag-alala ang ginang sa dalaga, pinakuha nito ang susi ng kuwarto ni Yzabella at nang mabuksan ay nagmamadali siyang pumasok upang hagilapin ang anak. Nakahinga ito ng maluwang p
Last Updated : 2024-08-12 Read more