Halos malukot ang magandang mukha ni Laura ng mapag-alamang hindi si Eric ang nasa baba kundi isa na naman sa kanyang mga alagad. Ilang araw na ang nakalipas ng maging fiance niya ito ngunit simula ng gabing ideclare nila ang kanilang relationship bilang magfiance sa harap ng dalawang grupo ay never na niya nakita ang anino nito. Ang obligasyon nito sa kanya ay ipinapagawa nito sa mga alipores nito. Alam niyang napilitan lamang ito sa kanilang engagement dahil sa pagsasanib pwersa ng grupo ng kanilang mga magulang ngunit sobrang naiinis siya sa pambabalewala nito sa kanya kahit wala siyang pagtingin dito. Gwapo ang lalaki ngunit hindi niya type ang napakaseryosong pagmumukha nito na tila hindi marunong ngumiti. Kung hindi lamang sa kanyang ama ay never siyang pumayag na maging fiancé niya ito. Mangani ngani niyang sabihin sa tatay na hindi niya nakikita ang sariling maging masaya sa piling ni Eric ngunit ayaw naman niyang bumalik sa Italy sapagkat hindi niya nagagawa ang gusto. Nag-ii
Halos hindi mapuknat ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Yzabella habang lihim na inoobserbahan ang kapatid at ang ipinakilalang girlfriend nito. Although nagulat silang lahat dahil ngayon lang nangyaring may ipinakilalang nobya ang kanyang kuya Yzekiel ay parang excited din siya sa lovelife ng kapatid. Wala din kasi itong inatupag kundi ang tulungan ang kanilang ama na pangasiwaan ang kanilang negosyo lalo at agad naman siyang pumasok sa kumbento pagkatapos ng graduation niya sa college. They seem perfect together, kahit kapatid niya ang kanyang kuya ay nakikita naman na magandang lalaki din sapagkat mukha itong mestizo; yun nga lang mukhang suplado. Hindi rin kasi ito palangiti kaya masungit tignan ngunit sa panlabas lang naman, mapagmahal ang kanyang kuya Yzekiel at sweet. Samantalang si Florence naman ay nangingibawbaw din ang taglay nitong kagandahan, sexy at moderno kung manamit. Sa kilos at pananalita nito ay isa itong babaing mataas ang kumpiyansa sa sarili ngunit mukhang ma
“Papunta na yung tinawagan kong doctor but it takes time bago makarating dahil malakas ang buhos ng ulan. I hope hindi magpepenetrate sa loob ang kanyang allergy na magcacause ng mahirap niyang paghinga.”, si Alkins pagbalik nito mula sa labas. Tapos na rin niyang napahiran ng ointment ang katawan ni Eric at inaayos na lamang niya ito upang komportable sa paghiga.“Hindi ba siya aware na may allergy siya sa alcohol?”, turan niya dito kasabay ng pagbitbit sa tinanggal na sapatos ng binata at inilagay sa shoe rack sa may corner.“He knows but he keeps on drinking more than his body needs. Ang tigas ng ulo, gusto na yata niyang mamatay.”, tugon ni Alkins kung kayat bigla siyang napatingin dito. Kahit hindi maganda ang naging ending nila ni Eric ay hindi naman niya naiisip na matitigok ito.“Ilang ulit na yang rinerescue ng doctor dahil sa katigasan ng ulo. I can’t believe Eric would be this miserable, wala nang ginawa kundi lunurin ang sarili sa alak.”, pabuntung hiningang pahayag ni Alk
Pagmulat ni Yzabella ay payapa ng natutulog si Eric. Stable na ang temperature nito ngunit hindi pa rin mapuknat ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Umasa kasi ang kanyang puso na sana totoo ang mga sinasabi ng binata ngunit nagising siya sa katotohanang nagdedeliryo lamang ito dahil sa taas ng lagnat. Kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay engaged pa rin ito sa iba at iyon ang kailangan niyang isaksak sa kanyang isip. Maybe Eric felt a little guilty dahil sa pagdudumped sa kanya kaya lumabas siya sa hallucination nito. “Men usually utter sweet words just to get what they like, but they don’t actually mean it. Next time, do not believe them.’, napangiti na lamang ng mapait sa sarili si Yzabella pagkaalala sa sinabi nito. Tama, kung ano man ang narinig niya mula dito ay part lamang ng mataas na lagnat nito at hindi niya dapat paniwalaan. It hurts pero she must endure, it’s all part of the process. Tanging dasal na lamang niya sa Panginoon ay maging maayos ito at masaya.“Sorry, Yzabel
Hindi maiwasan ni Yzabella ang mainis kay Eric, matatanggap niya ang paninita ng binata kung bakit nandito siya sa condo nito ngunit ang pagduduhan ang inihanda niyang pagkain ay nakakapagpakulo ng dugo. Ganon ba siya kasama sa paningin nito samantalang wala siyang ginawa kundi mahalin ito ng taos sa kanyang puso. Sa inis niya ay pinamaywangan niya ito.“Mr. Madrigal, I made that ramen with all effort and concern. Kung nagdududa ka na nalagyan ng poison yan bahala ka sa buhay mo.”, gigil na turan niya pagkatapos ay halos padabog siyang nagmartsa palayo. He is too much, hindi pa bai to satisfied sa ginawang panloloko sa kanyang damdamin at akusahan pa siyang mamamatay tao? Nagpupuyos ang kanyang dibdib at ipinangako niyang hinding hindi na siya lalapit sa lalaking ito. Subalit mabilis na hinawakan ni Eric ang kanyang kamay at hinila siyang pabalik kung kayat halos mapasubsob siya sa dibdib nito. Nagulat siya sa ginawa ng binata ngunit hindi pa niya nailalayo ang mukha sa dibdib nito a
Pagkatapos tumila ang malakas na hangin at ulan dahil sa bagyo ay bumalik agad si Alkins sa condo ni Eric. Hindi rin kasi siya nakapagsinungaling kay Yzekiel na nasa bahay ni Eric ang kapatid nito at halos pagmumurahin siya nito sa galit. Naiintindihan niyang masakit pa rin ang loob nito kay Eric dahil sa pag-iwan nito sa kapatid sa kabila ng nangyaring engagement ng dalawa. Kahit naman sila ng dalawa pa nilang kaibigan ay sumama din ang loob kay Eric sapagkat hindi na iba si Yzabella sa kanila pero hindi naman iyon ang rason kung bakit nila tutuldukan ang kanilang pagkakaibigan. Bagkus ay sinikap nilang unawain ang huli lalo at tila sinisira nito ang sariling buhay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Hindi naman nito masabi ang problema kung kayat palagi na lamang siyang nakasuporta dito sa abot ng kanyang makakaya, wala pa naman itong matatawag na pamilya sapagkat matagal ng humimlay ang kanyang ina at mayroon na ding ibang pamilya ang kanyang ama. Kung tutuusin ay sila ang itinut
“Hey! Cheer up, kung kailan okey na kayong dalawa ni Eric saka naman parang namatayan ang mukha mo diyan.”, si Alkins kay Yzabella na kanina pa tahimik at tila kay lalim ang iniisip habang palayo sila sa condo ni Eric. Tuluyan ng tumila ang ulan at kailangan na ring umuwi ni Yzabella, baka maghisterka ang kanyang ina kung hindi pa ito magpapakita. Ngumiti ng bahagya ang dalaga ngunit kapansin pansin ang malalim nitong pagbungtunghininga.“Iniisip ko lang si Eric, okey lang ba siyang iniwan nating mag-isa doon?”, turan ng dalagang may nasa himig ang pag-aalala sa naiwang binata.“I guess he’s fine now; tsaka pupunta yun sa office dahil maraming nakatambak na dokumento sa kanyang mesa kaya huwag mo na lang siyang masyadong alalahanin.”, pagchecheer up ni Alkins sa dalaga kung kayat napilitan itong tumango. Parang hindi matanggal tanggal ang lungkot na nadarama sa pagkakawalay niya sa tabi ni Eric. Namimiss niya kasi agad ang binata; mas naging close at clingy kasi sila sa isa’t isa pagk
Pagbaba ni Yzabella sa harap ng rezto ay halos takbuhin niya ang pintuan papasok. Late na siya sa pinag-usapang oras at baka naiinip na ang kanyang mga kasama. Paano hindi naman niya basta iwanan o paalisin si Eric dahil miss din niya ito. Kung hindi lng siya nakaoo ng mas maaga kay Florence hindi niya pipiliing malayo sa piling ng binata ng ganon kadali. Mabuti na lamang at nagprinsinta itong idaan siya sa rezto kaya nakasama pa niya ito sa daan. Nakahinto na ang sasakyan nila sa harap ng rezto kanina ay tila walang may gustong bumitaw sa kanilang pagkakaholding hands na animoy hindi na magkikita o di kaya ay magtatawagan. Sa isiping iyon ay napapangiti si Yzabella habang nagmamadaling binabaybay ang pasilyo kung saan naroon ang reservation ni Florence. Pagpasok niya sa pribadong rezto room ay nagtaka siya dahil si Florence lamang ang naroon, nilinga niya ang paligid upang hanapin sa ibang sulok ang anino ng kanyang kapatid ngunit tila wala pa din ito.„Hi, sorry I’m late.”, magiliw
Mataas na ang araw ng magising si Yzabella. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagising ng lampas lampas sa alas singko. Matagal silang nag-usap at nagkwentuhan ni Eric kagabi at sa ilang buwang napupuyat dahil sa kaiisip dito ay ngayon lamang siya nakatulog ng nakangiti at matiwasay. She was wrapped by Eric’s arm the whole night kung kayat umaapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Inextend niya ang braso sa katabi upang siya naman ang magbigay ng mainit at mahigpit na yakap dito ngunit naimulat niya ng bahagya ang mata sapagkat wala naman ang binata sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumaling sa kabilang side and came to realized na napagitnaan siya ng dalawang unan na malalaki.“Eric?!”, agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap sa loob ng kuwarto ang bulto ng binata. Tinignan niya sa ibat ibang sulok ng kuwarto, sa likod ng mga kurtina at maging sa ilalim ng kama ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Sapo ang ulo ay napaupo siya sa gilid ng higaan kasabay ng pa
“I’m sorry, sweetheart; I’m really sorry!”, si Eric na pinupog ng halik ang ulo ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Akala niya hindi tanggap ni Yzabella ang kanyang pagkatao kaya bigla itong nagdesisyong lumayo sa kanya. Si Yzabella ang una at tanging babaing kanyang minahal kaya sobra siyang nagalit sa gainagalawang mundo, feeling niya siya ang pinakamasamang tao sa mundo at hindi siya nararapat sa pagmamahal nito. Pero mahal na mahal niya ang dalaga at kaya niyang talikuran ang lahat upang maging karapat dapat lamang siya dito.“I love you so much, hindi ko na alam ang mabuhay kung wala ka.”, madamdaming turan niya dito. Sa halos mahigit dalawang buwan nilang hindi pagkikita ay tila walang saysay ang kanyang buhay dahil walang oras na lumipas na hindi niya ito iniisip.“Wait lang, anong pinagsasabi mo?”, ang dalagang biglang kumawala mula sa kanyang pagkakayakap at bahagyang idinistansiya ang sarili. Sa inasal ng dalaga ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. Still, t
After 5 minutes’ drive ay narating din nila ang maraming kabahayan, hindi niya inexpect na may malaking community na nakatago sa loob ng isang private property. Halatang may magaganap na special occasion dahil maraming nakasabit na banderitas at nagkalat sa paligid ang maraming tao. Nang makitang parating ang kanilang sasakyan ay nagsipagtabi ang mga ito upang bigyan ng madadaanan hanggang sa kung saan nagpark ang binata.“We’re here, I hope you’ll enjoy.”, bago tinanggal ang seatbelt ay tumingin muna sa kanya ang binata.“Surely, I will.”, pahayag naman niya habang nakangiti. Ngayon lamang siya mkaattend ng pista sa bayan at kanina pa siya naeexcite ng makakita ng banderitas at maraming tao.“I’m happy to hear that because this will be your home.”, nakangiting wika ng binata at bahagya siyang natawa dito.“Baba na tayo, kanina pa yata namamaga ang mga mata ng mga tao sa kahihintay saiyo , ilang minuto na lang mahihigblood ang mga yan saiyo.”, turan niya pagkatapos ay binalingan na an
Mula sa pagkaidlip ay nagisng si Yzabella ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok. Parang ayaw pa niyang ibuka ang mga mata dahil feeling niya ay gusto pa ng kanyang katawan ang magpahinga at matulog. Ngunit hindi tumitigil ang humahaplos sa kanyang buhok kung kayat unti unti niyang ibinuka ang mga mata; napakunot siya ngunit bigla ring pinanlakihan ng mata ng mamulatan si Earl Rick habang nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatunghay sa kanya.“Time to get up sweetie, were going to attend the program in the farm.”, saad nito habang hindi matanggal tanggal ang magandang pagkakangiti sa mga mukha. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon ngunit ng maramdamang walang siyang kahit na anumang saplot sa katawan ay mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili. Ngunit ng maalala ang mga nangyari ay agad siyang bumaba sa higaan at kumaripas ng takbong tinungo ang banyo at naglock ng pinto.Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasandal sa likod ng dahon ng pinto n
Pagdating nila sa malawak na komedor ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nakahain, ang sasarap at iba’t ibang putahe. May tinolang manok, may inihaw na isda, may hipon, meron ding alimango, mga gulay. Parang may pista sa dami ng pagkain at parang gusto niya agad maupo at kumain.“Wow! ang mga paborito kong pagkain, ang sasarap.”, tila hindi rin napigilan ni Eric ang sarili, tinungo niya agad ang gripo at naghugas ng kamay pagkatapos ay tila hindi na nakapaghintay na kumurot ng inihaw na hito at isinawsaw sa nagawang sawsawan. Natuwa naman si Yzabella sa sobrang excitement ng binata sa pagkain kung kayat di niya napigiling mapangiti habang pinagmamasdan ito. Maya maya lamang ay bigla itong bumaling sa kanya at inilapit sa kanyang bunganga ang kinurot na isda.“Sobrang sarap, tikman mo.”, saad nito at hindi siya nakahindi, bagkus ay ibinuka niya ang bibig at kinain ang isinubo nito.“Masarap?”, masayang tanong nito pagkatapos niyang magnguya at tumango tango siya dahil totoo namang
“Feeling better?”, bigla ay nagising ang diwa ni Yzabella mula sa pagkakayakap sa lalaking inaakalang si Eric. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at dahan dahang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito at pasimpleng inilayo ang sarili. Nang humarap ito sa kanya ay parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan.“So…sorry, pa…sensiya na kasi...”, halos nawala ang kanyang dila at maging ang kanyang isip ay hindi makapagprocess ng sasabihin. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng labis na pagkapahiya dahil nakangiti ito na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaction niya.“It’s alright.”, turan nito na tila tuwang tuwa at wala siyang nagawa kundi tawanan na lamang ang sarili habang napapailing na hinawakan ang noo.“Sorry talaga.”, saad niya at tumango tango ito habang hindi maialis ang tuwa sa mukha.“And I said it’s alright, you can hug me day and night if you want.”, panunukso nito at napailang siya habang nakatawa.“Bakit ka nga pala nandito?”, maya ma
Pagkatapos niyang malinisan ni Yzabella si Maya mula sa pagCR nito ay ipinasama niya ito sa kasamahan niyang papunta sa gym. Naiiyak pa rin siya dahil sa nakitang kamukha ni Eric kung kayat minabuti na niyang huwag bumalik doon habang naroon ang lalaki. Bagkus ay tinungo niya ang pinakachapel ng shelter at lumuhod sa harap ng altar upang ipagdasal ang kululuwa ni Eric at humingi guidance at lakas sa Panginoon upang mapagtagumpayan niya ang lahat ng pinagdadaanang pagsubok kanyang buhay.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ginagawang taimtim na pagdarasal ngunit naramdaman niyang lumuhod sa kanyang tabi at agad siyang kinilabutan ng maamoy ang hindi makalimutang amoy ng pabango ni Eric. Natigil siya sa ginagawang pagdarasal at dahan dahang iminulat ang mata upang tignan kung sino ang nasa lumuhod sa kanyang tabi ngunit laking gulat niya ng makita ang lalaking nasa gymnasium. Napatakip pa siya ng makita ang hawak nitong pink na rosary, kahawig nito ang iniwan niyang rosary kay Er
Simula ng malaman ni Yzabella na wala na si Eric ay halos araw araw siyang nagagawi sa simbahan upang ipagdasal ang kaluluwa nito. Hindi man lamang niya ito nasilayan kahit sa mga huling sandali nito dahil ayon sa balita ay nacremate din ito kinabukasan pagkatapos madead on arrival sa hospital mula sa pagkakabaril. Kung alam lamang niyang mawawala ito ay sana nakipag-ayos na lamang siya sa binata at piniling makasama ito kesa lumayo dito. Mahal na mahal niya si Eric at sa palagay niya habang buhay niyang ipagluluksa ang pagkawala nito.“Yzabella?”, palabas na siya sa loob ng simbahan ng marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya ay nagulat siya ng makita si Adrian habang nakasuot ng polo shirt ng pari.“Adrian?”, hindi makapaniwalang turan niya pagkakita dito.“Father Adrian!”, nakangiting wika ni Adrian. Nagulat man ngunit hindi naman naitago ang sobrang kasiyahan para dito.“Talaga po?”, excited niyang pahayag kahit naguguluhan pa rin kung paanong nangyari lalo a
“I want to build my own empire.”, si Eric at sa unang pagkakataon ay sinadya niyang harapin ang ama.“What do you mean?”, ang kanyang ama na tila nagulat sa kanyang ekpresiyon. He is quite serious and as cold as ice that even the bond of father and son cannot break.“I don’t want to be a Mafia anymore!”, saad niya na hindi nagbabago ang expression ng mukha."That’s impossible; you can’t get away with that!”, hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang ama.“Yes, I can!”, matigas niyang pahayag kasabay ng pangingislap ng mga mata. Halatang may tinitimping galit at ora mismo ay sasabog. Tinitigan siya ng ama ngunit hindi siya nagpatalo, kung tumigas ang mukha nito ay sampung beses na mas matigas sa kanya. This time, he doesn’t know defeat. He's at his scariest, which even his father couldn't predict.“This is a voice recorder of your loving wife.”, pagkalipas ng ilang minutong labanan ng titigan ay ipinatong ang hawak na bagay sa harapan ng ama. Bahagya itong natigilan pagkatapos ay inilipa