Home / Romance / The Billionaire's Wife / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Billionaire's Wife: Chapter 11 - Chapter 20

61 Chapters

CHAPTER 10

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—Nawalan ako bigla ng gana umuwi sa apartment kaya pinatigil ko ulit ang taxi. Buti nalang at isang malaking eco bag na puno ang laman lang ang dala ko. Tumigil ako sa isang maliit na grocerihan at sa tabi nito ay mga parks na, may mga nakatayong stall at kahit ano. Alas singco na ng hapon pero marami pa ring tao sa paligid, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Pumasok ako sa grocerihan at napagisipan kong bumili ng graham crackers at ibang ingredients para sa mango graham na gagawin ko. Ibibigay ko bukas Kay Arkien para naman makabawi ako.Nasasaktan pa nga ako ngayon dahil ano pa nga ang reaksiyon niya ngayong Hindi ko siya tinignan at nagpasalamat man lang. Naaalala ko pa rin ang mukha niya noong tumingin ako sa kaniya. How to unsee ba?Pagkalabas ko ay mas dumami ang tao sa paligid at ang daming sasakyan ang dumadaan sa kalsada. Ito na uuwi na ako para magawa ko itong mango graham na ibibigay ko sa kaniya. Habang naghihintay ng nasasakyan sa gili
Read more

CHAPTER 11

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Mag le-leave ako ng 2 days siguro or 3?” Bungad ko kay Arkien na kararating lang galing bumili ng makakain.“Saan punta mo?” sabi niya habang tuwang tuwa sa pagbubukas ng ice cream.“Sa probinsiya, bisitahin ko lang kung ano ng nangyayari roon.”“Uhm, it's up to you. 2 days wouldn't hurt,” biglang sabi niya na ikinataka ko. “Wouldn't hurt you say? Layuan mo ako Arkien may sumanib nanaman sa 'yo.” Tumawa ako pagkatapos ngunit napatigil din nang samaan niya ako ng tingin.“Hatid na kita gusto mo?” Umiling iling ako agad sa sinabi niya. Alam ko kasi na marami pa siyang gagawin, may trabaho pa siya na dapat pasukan, alam kong marami siyang nagastos this past few days kaya dapat lang na mabawi niya iyon.“Bilhan nalang kita ng special recipe from probinsiya. Baka kasi hindi mo pa natitikman eh.” Pagbibiro ko na hindi ko namalayang sineryuso niya.“Is there's something like that?” Ako naman ang nagulat ngayon at tinitigan pa siya mabuti. “Seryuso ka tal
Read more

CHAPTER 12

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“UUWI na ako,” sabi ko sa kapatid ko nang mahatid ko siya sa tapat ng pinagtatrabahuhan niya kung saan siya nakatira ngayon.“Bakit ate?” “Ano pang saysay kung sa bahay ako dederetso? Hindi ko pa sila kayang harapin. Siguro sa susunod nalang ako bibisita.” Napapabuntong hininga ako habang inaayos ang iba kong gamit. Alas otso na ng gabi.“Oo nga eh. 'Wag ka mag-alala ate, ibibigay ko 'to sa kanila. Alam ko na time kung kailan sila nagkakasama sa bahay at hindi. Pero sayang naman ang pinunta mo rito kung uuwi ka rin lang.” Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.“Hayaan mo na. Next time nalang ulit. Mag aral ka mabuti ha? Patapos na school year, tiisin mong pumasok kahit bumibigat na budhi mo—”“Ate naman eh.”“Sige na, para maabutan ko pa last trip baka maiwan na ako.” Tumango siya sa akin. Tinalikuran ko na siya nang makapasok na siya sa loob. Patakbo naman akong pumunta sa waiting shed para maghintay ng sasakyan.Uuwi na rin lang ako. Imbis na two
Read more

CHAPTER 13

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Wahhhhh nakakaiyak HAHAHAHA!”“'Yong totoo te? Pinagluluko mo ba kami? Nakakaiyak tapos tumatawa ka riyan,” sabi ni Kath sa akin. Napatawa naman ako. Nakapasa kasi ako sa board exam last week pa iyon. Despite of having too much problem makakapasa pa pala ako. Sinubukan kong 1 week mag review at ilahad lahat ng time ko sa pag-aaral at hindi muna isipin ang problema.“Hala te, g*gu ka yata. Totoo nga kasi oh, look at Velier umiiyak siya pero nakangiti. Tears of joy ba,” sabi ni Jerin at nagsisimula na ring tumawa.“Masaya lang ako. Kasi matatapos na ako sa college eh tapos nakapasa ako, te 'yong saya ko abot hanggang langit.” Napatawa nanaman ako habang nakatitig sa result. “Ay teka may tumatawag.” Tumayo muna ako at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.“Hello?”[“Hey, where are you?”] It's Arkien.“Nasa trabaho ko, bakit?”[“Nagtatrabaho ka ba?”]“Ah no, binisita ko lang sila. Papunta na ako riyan. Nasaan ka ba?”Narinig ko ang mahina niyang p
Read more

CHAPTER 14

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Te, tulala ka riyan?” “Hayaan mo Kath, buang 'to baka masaya lang siya.”“Ay oo nga 'no baka sa subrang saya niya sa utak nalang siya nakakatawa—” Napatigil ang dalawa sa pag bulong na naririnig ko naman nang tumingin ako sa kanila. Panay ako sa buntong hininga at pag-iisip kung tatanggapin ko ba 'yong offer.Tumawag kasi ang kapatid ko kagabi at sinabi niya na nasa Hospital si lolo, itinakbo raw siya noong nakita niya ang magulang ko na nag aaway at nagsasakita. Minsan na nga lang makabisita si Lolo sa hina na ng katawan niya e gano'n pa ang bubungad. Inatake pala siya, may sakit kasi siya sa puso.Kaya ngayon ay namomroblema ako kung saan nanaman kukuha ng pera para pambayad ng bill sa hospital. Kung tatanggapin ko ba ang offer ni sir Andrius, biglaang yaman talaga ang mapapala ko roon kaso ang problema ay mamahalin ba ako ng tao? Tatratuhin niya ba ako ng tama? Paano kung nasa iisang bubong na kami ay roon niya na ako sasaktan at tatratuhin na
Read more

CHAPTER 15

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“If I give you a chance to freely marry someone, who would it be?” Basa ko sa aklat na nakita ko rito sa pinagta-trabahuhan ko. May mga libro pala rito sa likod ng restaurant. Cafe naman itong sa likod niya at sa bandang kanan ay bar.Nandito ako sa cafe dahil nagsasawa na ako sa harapan. Biro lang, ayaw ko lang munang ma expose sa dati kong puwesto at gusto kong subukan dito sa cafe. Pinayagan naman ako at okay naman daw.“Ay te, alam ko kung sino 'yan!” Biglang may nagsalita mula sa likuran ko na pabito. Sinara ko na ang libro at binalik.“Anong sinasabi mo?”“Sis, ikaw kung patuloy mong ide-deny 'yang nararamdaman mo talo ka. Hanggat maaga pa aminin mo na. Sige baka maunahan ka. Kaysa naman sa kinimkim mo ang nararamdam mo, habang buhay mo 'yang dadalhin,” sabi niya at tinapik tapik pa ako. Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala. Isa siya sa nagtatrabaho rito sa cafe.Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Paano niya naman nalaman? Manghuhula ba a
Read more

CHAPTER 16

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Enjoy the tea Ma'am and Sir. Have a good day!” ngiting ngiti kong sabi sa costumer, nang makapasok ako sa kusina ay nawala nanaman ang ngiti ko. Napakahirap naman ngumiti kapag peke.Nandito ako sa may cafe ngayon at ako ang nag se-serve ngayon dahil absent ang waiter. Isa lang ang natira rito hindi niya naman kakayanin sa dami ng tao. May alam naman ako sa serving kaya keri na.“Ano te kaya pa ba? O pasuko na ang puso mo?” Nagulat ako sa tanong Jerin na nandito pala. Masiyado naman 'to. “Ba't nandito ka?”“Wala lang. Tapos na trabaho namin doon eh gusto lang kitang kamustahain. Anyway nagpaalam si Kath if puwede kami mag trabaho rito ngayon.” Napabuntong hininga naman ako dahil sana ay payagan sila. Kaunti lang ang pumsok ngayon at straight 5 hours na kaming nakatayo, nag se-serve at gumagawa ng mga order nila. Hindi sa nagrereklamo ako pero kasi hindi kaya ng powers naming nandito sa dami ng tao. Late ko nalaman na Friday pala kaya maraming cos
Read more

CHAPTER 17

CHAPTER 17Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Te, anong balak mong gawin after college?” tanong ni Kath habang nagpupunas ng mga baso, napatingin din si Jerin na inaayos ang mga utensils at mga plato.“Mag-aasawa.” Pagbibiro kong sagot Kay Kath ngunit seryuso pa rin ang mukha. Muntik niya namang ihampas sa akin ang baso na hawak niya.“Seryuso nga kasi!”“Seryuso nga ako.” Inihagis ko sa kaniya ang pamunas ko sa Plato dahil tapos naman na ako.“Ano 'yon? Hindi ka ba muna magta-trabaho para yumaman ka malibre mo ako kahit saang bansa—?”“Kapal naman ng mukha natin ngayon te.” Pagpuputol ko sa sasabihin niya. “Yayaman ako kung mayaman mapapangasawaan ko.” Sa dulo ay napangisi nalang ako at umiling iling. Hindi naman siguro gano'n kayaman si Arkien kaya dapat dalawa kaming mangangarap 'di ba? Hala, wait nga bakit ba ganito iniisip ko, sure na ba 'yan magiging kami ba? Ni wala nga kaming label.“Aray! Ba't mo ako hinampas!” angal ko habang hinahaplos ang braso kong hinampas niya.“Kung
Read more

CHAPTER 18

CHAPTER 18Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Kyaaahh—”“Ahh! Ba't ka ba sumisigaw kararating ko lang!” Gulat na tanong ko pagkatapos ay hinampas si Kath na tinawanan lang ako.“Kasi naman te! May party na magaganap ahhhh!” Nginiwian ko nalang siya dahil kakaiba naman ang excitement niya at parang may kilig pa. “Bilis ng announcement ah, kahapon lang sinabi na maghintay ng ilang days. Anyway ba't ganiyan ka kasaya? Party lang naman ah,” ani ko at pinatabi siya para makapasok na ako. Humarang kasi siya tapos ay nagsisigaw na.“Sis, as you can see wala tayong boss right? Si manager lang nandiyan. Ngayon alam mo na?” Napatulala ako saglit at nag-loading.“Ha?” Buong pagtataka kong sabi. Sumimangot naman siya at hinampas ako.“Te siyempre 'yong boss dadati—”“Ano naman?” Napatakip ako agad sa bunganga ko dahil baka may makarinig. Ang bungangang 'to talaga.“Wait lang kasi. Patapusin mo muna ako. 'Yong boss daw natin ay twice palang pumunta rito. pangatlo raw sa Friday, kaya 'wag ka na
Read more

CHAPTER 19

CHAPTER 19Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—NAGPINTIG sa tenga ko ang buses na iyon. Ngayon ay sigurado na talaga akong si Arkien ito. Pero paano nangyari 'yon? Ito ba 'yong trabaho na binabanggit niya? Teka lang. Don't tell me?“V-Velier?” Ramdam ko ang pagkagulat sa buses niya. Napapikit ako ng mariin at halos ayaw pang iangat ang ulo dahil iyon ang sinabi ng manager na 'wag iaangat hanggat hindi niya kami nalalampasan. Ngunit tuluyan na akong napaangat dahil hinawakan niya ako sa balikat at sinisili ang mukha ko kung ako ba talaga 'to.Sabay kaming napaatras at nanlalaki ang mata na nakatingin sa isa't isa. Kumakalabog pa rin ang dibdib ko dahil hindi ko inaasahan ang nalaman ko kahit hindi niya pa sinabi ay alam kong siya ang may ari nitong restaurant.“Ar-Arkien?” Buong pagtataka kong sabi. Nakatitig kami sa isa't isa.“What are you doing here?” sabay naming tanong, nang matauhan ay sabay rin kaming napatawa at hinampas ang isa't isa.“What are you doing here?” Ulit niya haba
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status