Tessa's POVARAW ng kaarawan ni Senyorito Darius. Lahat ay nagsasaya sa labas, habang ako ay nandito sa isang sulok ng kusina, pinagluluksa ang patay kong puso."Condolence, friend."Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Sasa, ang isa sa mga katulong na kaibigan ko rin. Magkaedad lang kaming dalawa, at alam niya ang nararamdaman ko para kay Senyorito Darius."Excited pa naman ako sa pag-uwi ni Senyorito Darius, Sasa. Buong akala ko, masasabi ko na sa kaniya ang tunay kong nararamdaman."Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Ikaw naman kasi, e. Buong buhay n'yo, magkasama na kayo. Pero hindi mo man lang naisip na magtapat sa kaniya nang mas maaga?""Sino ba naman kasi ako para gawin iyon, Sasa? Isa lang akong katulong sa pamilya nila. Walang-wala ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto kay Senyorito.""Ayan, kaya ka nasasaktan ngayon dahil sa mindset mo na iyan."Lalong bumuhos ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang masayang tawanan sa labas. Hindi ko yata kakayaning
Huling Na-update : 2024-05-16 Magbasa pa