Tessa's POV
HINDI mabuti ang pakiramdam ko at napansin iyon ni Mamang Olga kaya pinayuhan niya akong magpahinga na lang sa kuwarto. Matamlay ako nang pumasok sa sarili kong silid sa maid's quarter. Lahat ng katulong dito ay may kani-kaniyang tulugan na may sariling aircon at banyo. Pabagsak akong naupo sa kama ko at parang maiiyak na kinuha ang unan at niyakap ito. Gusto kong maiyak dahil sa pinaghalong sakit at sama ng loob. Ikakasal na nga sa iba si Senyorito Darius, doon pa sa babaeng m*****a na iyon! Bakit siya pa? Mas matatanggap ko ang kasawian ko sa pag-ibig kung napunta sa mabuting babae si Senyorito Darius, pero sa kaniya? Nakakainis! Natigilan ako sa pagmamaktol nang makita ang maliit na boteng nasa ibabaw ng side table ko. "Ano ito? Wala naman ito dito kanina, ah?" Dinampot ko ang bote at binasa ang maliit na sulat na nakadikit doon. Nang maunawaan ko kung para saan ang laman nito, dali-dali akong tumayo at patakbong bumalik sa kitchen. "Sasa!" tawag ko sa kaibigan ko. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at lumapit sa akin. "Akala ko, masama ang pakiramdam mo? Sabi ni Manang Olga, pinagpahinga ka muna niya sa kuwarto mo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila siya papunta sa sulok ng kusina. Doon sa walang makakarinig sa amin. "May plano ako, Sasa." "Plano? Anong plano?" "Para hindi matuloy ang kasal ni Senyorito Darius." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nagpabaling-baling siya ng tingin sa paligid upang siguruhin na walang nakakarinig sa amin. "Nasisiraan ka na ba? Pipigilan mo ang kasal ni Senyorito Darius?" Desedido akong tumango. "Hindi ako makakapayag na ikasal siya sa babaeng iyon! Kung nakita mo lang kung paano niya ako tingnan kanina, mapangmata siya, Sasa!" Napasapo sa noo si Sasa. "Anong gagawin mo? Baka mapahamak ka!" "Hindi, kung tutulungan mo ako." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Ano? Ako? Tessa, ayokong madamay diyan!" Nilagay ko ant hintuturo sa tapat ng labi ko at pinanlakihan siya ng mga mata. "Huwag kang maingay, ano ka ba!" "Tessa naman, baka mapahamak tayo sa binabalak mo!" "Hindi! Basta sundin mo lang ang sasabihin ko." Matagal niya akong tinitigan na may pag-aalinlangan sa mga mata. Sa huli ay bumubuntonghininga siyang tumango. "Sige na nga. Kaysa naman makita kitang habang-buhay na nagdurusa. At saka, hindi ko rin bet iyong si Martha para kay Senyorito. Mukhang nasa loob ang kulo." "Salamat, Sasa! Kaibigan talaga kitang matalik!" Sandali kaming lumabas at nagpunta sa laundry room para doon pag-usapan ang gagawin. "Ano ito? At saan mo ito nakuha?" takang tanong niya habang hawak ang bote na naglalaman ng likido. "Huwag ka nang magtanong. Basta, ilagay mo iyan sa inumin ni Senyorito Darius, at ako na ang bahala sa lahat!" Napalunok siya sa sinabi ko. Halatang kinakabahan ito. "Sigurado ka ba dito, Tessa? Hindi ba tayo makukulong dito?" "Hindi. Basta sumunod ka na lang." Bumalik kami sa kusina at kumuha ng baso saka sinalinan ito ng alak. Nilagyan na rin namin iyon ng likido mula sa bote. Pagkalabas ni Sasa, kinuha niya ang tray ng mga alak sa isang waiter na nag-iikot sa paligid. Hinalo niya sa mga baso na naroon ang basong para kay Senyorito Darius. Nakita ko kung paano kumuha ng alak ang mga taong kasama ni Senyorito Darius sa iisang table. Kitang-kita ko rin kung paano inabot ni Sasa ang isang baso kay senyorito at ang pag-inom nito roon. Kabado akong ngumiti. Hindi ako papayag na mapunta si Senyorito Darius sa iba. Sabihin nang makasarili ako, pero nakahanda akong gawin ang lahat upang maging akin siya.Tessa's POV"Senyorito Darius?"Natigilan ako nang matanaw sa bungad ng pinto ng mansion si Senyorito Darius. Hindi ito makalakad nang maayos at parang babagsak na ano mang oras.Lumingon ako sa paligid, nang masiguro kong walang tao, agad ko siyang nilapitan at inalalayan. "Senyorito, anong nangyayari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?"Sinagot niya ako ng isang ungol. Kahit sa pagsasalita ay parang nahihirapan ito. Kinuha ko ang braso niya at nilagay ang sa aking balikat. Kamuntikan pa kaming mabuwal dahil sa kaniyang bigat.Mabigat at matangkad si Senyorito Darius. Batak sa gym ang katawan nito at nasa 6 plus yata ang height niya. Habang ako naman ay 5'5 lang. Hanggang kili-kili niya lang ako.Nag-umpisa na kaming maglakad. Nang malagpasan namin ang hagdanan ay muli akong luminga sa paligid para masigurong walang nakakakita sa amin. Abala kasi ang ibang katulong sa kusina, habang ang iba pa ay nasa labas at tumutulong sa party.Dumiretso kami sa maid's quarter—sa kuwarto ko. Nang makap
Darius' POVNAPIGILAN ang tangkang pagbangon ko dahil sa biglang pagsakit ng ulo. Napaupo ako sa gilid ng kama at wala sa sariling sinapo ang aking ulo gamit ang kamay ko."Fuck this hangover."Gaano ba karami ang nainom ko kagabi at bigla na lang akong nawalan ng malay? Ni hindi ko maalala ang mga nangyari. Kumapit ako sa sidetable at tuloy na sana akong tatayo nang mapansin kong hindi ako nag-iisa sa kama.I glanced around my surroundings. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa babaeng katabi ko. "Shit!" Hindi ko napigilan ang mapamura. It's Tessa, ang pamangkin ng mayordoma namin. Nakadapa ito sa kama at mahimbing na natutulog."What the fuck happened?"Katulad ko ay hubo't hubad din ito. At malaya kong nakikita ngayon ang maganda at makinis niyang katawan na nakalantad sa akin.Damn it! Bakit nasa kuwarto ko ang babaeng ito? Bigla akong natigilan nang mapansin ang paligid ko. Oh, shit. I'm not in my room, at sa tingin ko ay nasa kuwarto niya ako!"Oh, fuck!" I groaned when I n
Tessa's POVKITANG-KITA ko ang pagkadismaya sa mukha ni Mamang Olga. Hindi ito nagsasalita, ni hindi niya ako pinagalitan o pinayuhan sa mga dapat kong gawin. Nanatili siyang tahimik habang inaasikaso ang mga damit ko."Dadalhin ko na sa magiging kuwarto mo sa itaas itong mga damit mo. Ayaw ka nang patulugin ni Don Enrico sa maid's quarter.""Mamang... "Tumayo ako para lapitan siya pero iniwasan niya ako at walang imik na lumabas ng silid. Malungkot akong bumalik sa kama ko at naupo sa gilid.Hindi ko masasabing malungkot talaga ako sa nangyayari dahil ito naman ang pinangarap ko mula pa noon. Pero siguro nakokonsensya ako. Matapos akong pagkatiwalaan ni Mamang Olga, ito pa ang igaganti ko sa kaniya.Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Buong akala ko ay si Mamang Olga ito kaya mabilis akong tumayo at humarap doon, pero natigilan ako nang makita kung sino ang dumating."Miss Martha, ano pong ginagawa n'yo rito?"Matagal niya akong pinagmasdan na parang kinakabisado niy
Tessa's POVHINDI ko alam kung magsasaya ako na sa wakas, ikinasal na rin ako kay Senyorito Darius—ito ang matagal ko nang pangarap. O magluksa matapos ng mga sinabi niya sa akin kanina.Hindi pa siya nakuntento at ngayong nasa reception na kami, hindi man lang niya ako magawang samahan. Sinundan ko siya ng tingin habang abala siyang nakikipag-usap sa mga bisita, at ako naman, heto, mag-isang nakaupo sa table namin.Puro paglunok at pag-iwas sa mga mapanuring tingin ng mga tao ang ginagawa ko. Ni hindi ko na magawang salubungin ang tingin nila dahil napapansin ko ang awa at pangungutya sa kanilang mga mata. Kinakaawaan at pinagtatawanan nila ako."Gagawa-gawa pa kasi ng eksena ang Martha na iyon. Ako tuloy ang lumabas na masama." Mariin na pagkuyom ng mga kamay ang ginawa ko.Hindi namin alam kung paano lumabas, pero alam na ng lahat na si Martha ang girlfriend ni Senyorito Darius at ito dapat ang pakakasalan niya. At napilitan lang siyang magpakasal sa akin dahil may nangyari sa amin
Tessa's POVMATAGAL akong nakasandal sa pinto ng mansion matapos ng mga narinig. Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Gusto kong bumagsak sa sahig at umiyak, pero hindi ko ginawa."Ginusto ko ito. Bakit ako iiyak?"Huminga ako nang malalim at umakyat sa hagdan. Hindi na ako bumalik sa reception dahil paniguradong kukutyain lang ako ng mga bisita. Dumiretso ako sa silid ni Senyorito Darius, pero agad akong natigilan nang makita ang taong nasa loob.Si Martha, nakaupo ito sa gilid ng kama ni Senyorito Darius at namumutla. Namumula rin ang mga mata niya na parang galing sa pag-iyak. Nang mabaling sa akin ang paningin niya ay mabilis na nag-iba ang kaniyang reaksyon."Anong ginagawa mo dito?"Uminit agad ang ulo ko. Kinukutya na ako ng mga kaibigan ni Senyorito Darius, at pinagtatawanan ng mga bisita nila. Hindi ko hahayaan na pati siya, bastusin ako."Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo sa kuwarto ng asawa ko?""Asawa mo?" Napatayo siya mula sa pagkakaupo.Pina
Tessa's POVNAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Dali-dali akong tumayo at pupungas-pungas na tiningnan ang orasan sa sidetable ko.12:51 AM."Open this door! Damn it!"Napasinghap ako nang marinig ang galit na boses ni Darius. Nagmadali ako sa pagtayo at nilapitan ang pinto saka ito binuksan."S-senyorito Darius?"Nakatayo ngayon sa harap ko si Senyorito Darius—ang asawa ko na hindi ko man lang matawag na akin. Magulo ang buhok niya, nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng damit, nakaluwag ang necktie at pulang-pula ang mukha."Lasing ka?"Napadaing ako nang tinulak niya ako palayo sa kaniya."Umalis ka sa dinadaanan ko! Ba't nandito ka sa kuwarto? Get out of here!"Kagat-labi ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa bumagsak siya sa ibabaw ng kama."Pero senyorito, kuwarto ko ito. Nasa kabila ang kuwarto mo."Hindi siya sumagot. Maya-maya ay nakaring na ako ng mahihinang paghilik.Bumuntonghininga ako bago lumapit sa kama. Sandali kong pina
Tessa's POVMADALING-ARAW na pero gising pa rin ako. Hindi na ako nakatulog matapos ng nangyari kanina. Ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Senyorito Darius, parang kutsilyong bumaon sa likod ko.Ang sakit pala. Mas masakit ang mga salitang binitiwan niya kaysa sa totoong sugat. Mas mahapdi, mas malalim.Pagsikat ng araw, huminga ako nang malalim at saka naligo. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako sa kusina at nag-umpisang magluto.Hindi ako basta-bastang susuko na lang. Ano ako? Hilo? Matapos ko siyang pikutin, susuko na lang ako sa ganitong kaliit na bagay? Mas lalo niya akong pinagtutulakan palayo, mas lalo lang akong kakapit sa kaniya.Habang nagluluto ay nakarinig ako ng mga yabag na pababa ng hagdan. Napangiti ako nang maisip si Senyorito Darius.Nakangiti akong lumingon nang marinig kong pumasok siya sa kusina. "Gising ka na pala."Tiningnan niya lang ako gamit ng seryosong paningin. Kahit na parang kakainin niya ako nang buhay sa paraan ng pagtitig niya, masaya pa rin ako. Bum
Martha's POV"Tessa, huh? That's the name of that bitch? Don't tell me, hinayaan mo lang na agawan ka ng lalaki ng kung sinong babae?"Mariin akong umiling habang nagpapabalik-balik ng lakad sa harap ni Ate Dahlia. Nasa loob kami ng malawak niyang living room."Of course, not. I tried to stop Darius, and I even talked to that woman but she didn't listen, ate. Nagmakaawa ako sa kaniya.""My God!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Now she's standing right in front of me, disappointed. "You did what? I swear, if our parents were alive, malalagot ka sa kanila. We don't beg, Martha!""E, ano ngang magagawa ko? Ayaw kong mapunta sa kaniya si Darius kaya ko nagawa iyon!"Mabilis kong pinahid ang luhang biglang kumawala mula sa mata ko. Naiinis pa rin ako sa fact na hindi nagawang humindi ni Darius sa papa niya. He chose to obey him than me."Mahirap kalaban ang magulang, ate. Ayaw suwayin ni Darius si Tito Enrico.""Well then he doesn't have balls! How could he do this to yo
Tessa's POVMALAPAD ang ngiti sa mukha ko habang sakay ng bridal car at nakatingin sa aking wedding bouquet. Sa wakas, matapos ng apat na buwan, ikakasal na kaming muli ni Darius.Theo wants my wedding to be grand, kaya kinuha nito ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas, nag-hire ng limang magagaling na wedding planner, nagbayad ng isang dosenang kilalang chef, at kinuha ang pinakamahal na designer para sa aking wedding dress.He wanted the wedding to be in Canada, pero ang gusto namin ni Darius ang nasunod na dito na lang sa Pilipinas. Ang honeymoon naman ay sa Maldives. Iiwan namin si Maddy sa pangangalaga ni Theo at ng stepmother ko na ex-wife nito. I think they're rekindling their love.Tumigil ang kotse sa harap ng malaking simbahan. Maraming tao sa labas, pero karamihan ay security. Nagtataka ako nang mapansin na parang nagkakagulo sila.Maya-maya pa ay patakbong lumabas si Darius kasama si Theo. May hawak silang cellphone sa kani-kanilang kamay."Darius, what's happening?""T
Darius' POVSINUNDAN ko si Tessa hanggang sa makalabas ito ng banquet hall at maabot ang lobby ng hotel. She's with her driver. Inaalalayan nito si Tessa. Kaya nang mapansin kong parang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo kong binilisan ang paglalakad para lapitan siya."Sweetheart!"Natigilan ako nang pumasok sa entrance ng hotel si Theo Afeconciado. Kumuyom bigla ang mga kamao ko nang lumapit dito si Tessa at yumakap dito.Bigla na lang nagdilim ang aking paningin. Parang nawala ako sa sarili at mabilis silang nilapitan."I heard about what happened. And it's all over the news—"Hindi na natapos ni Theo ang sinasabi niya nang makita ako. Kinuwelyuhan ko siya gamit ng isang kamay at malakas na sinuntok sa mukha."Oh my God!" tili ni Tessa."Don't you dare lay your hands on my wife, you sick bastard!"Biglang pumagitna sa amin si Tessa at gulat na gulat na tumingin sa akin."What's wrong with you, Darius! Bakit mo iyon ginawa!"Sa pagkakataong iyon ay nilapitan na ako ng driver ni
Darius' POVNABALING kay Martha ang paningin ng mga tao sa loob ng event. Tumayo siya at namimilog ang mga matang umiling.I was about to grab her arm to get her to sit again, but she was furiously screaming like a mad maniac. Mabilis itong umakyat sa stage at galit na nilapitan si Tessa."Liar! Liar!"May lumapit sa kanilang mga security. Tumayo na rin ako para kunin si Martha pero sinenyasan ni Tessa ang mga security na hayaan ito kaya wala akong nagawa kundi tumigil sa kinatatayuan ko."What? Owner of Golden Rose? Are you fucking kidding me?" Tumawa si Martha nang malakas. "Paano ka magiging may-ari ng jewelry brand na ito kung isa kang dukha, mangmang at cheap! Ah! Isa ka nga palang dakilang kabit! Kailangan mo pang pumatol sa mga lalaking may pera para mabili ang gusto mo!"Nagtagis ang bagang ko. "Martha!"Bumaling sa akin si Tessa at ngumiti. "It's okay, Darius.""Stop calling my husband's name! Ang kapal ng mukha mo! Kilala na kita! Kumabit ka sa matandang mayaman na negosyant
Tessa's POVMABILIS akong kinumutan ni Darius at itinago ako sa likuran niya. I wrapped the white blanket around my body and turned to looked at Martha's angry face."That's why you're not answering my calls!" Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Darius na noo'y nakahubo't hubad pa rin. "Kaya ka pala nanlalamig sa akin dahil sa iba ka na nag-iinit! At kung hindi pa ipinadala sa akin ni Sheena ang litrato n'yo, hindi ko pa malalaman na niloloko mo na ako!""Enough, Martha," mahinahon na saad ni Darius, pero lalo lang nalukot ang mukha ni Martha. "You don't have the right to tell me what to do! How dare you cheat on me! At sa katulong pa!"Dinuro niya si Darius bago bumaling sa akin. Bigla itong natigilan nang makita ako."T-Tessa?" Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Animo'y isa akong multo na nagpakita sa araw ng undas.Sa pagkakataong iyon ay tumayo na ako at taas-noo. Nakapulupot pa rin ang kumot sa katawan ko.Nagpabalik-balik ang ting
Tessa's POV"Tessa, what's that?"Dali-dali kong pinasok ang mga dokumento sa loob ng bag ko at saka humarap kay Darius. Nginitian ko ito bago inilingan."Wala lang ito. N-nasaan si Maddy? Tuloy ba tayo?""Yeah." Lumapit siya sa akin at pinatong ang kamay sa isa kong balikat. "I want to make it up to her. I realized I was wrong for treating her the way I did.""I-I'm happy na naisip mo iyan.""Puwede mo ba akong tulungan bumawi kay Maddy?"Matagal ko siyang tinitigan sa tanong niya. Hinanap ng mga mata ko si Maddy at nakita ito sa passengers seat na nakaupo at nakatanaw sa amin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita ako."Oo naman. Let's go? Gusto ko na rin mag-malling."Pumunta kami sa pinakamalaking mall sa pinakamalapit. Lahat ng ituro ni Maddy, binibili ni Darius. Ako naman ay panay abot din ng matipuhan ng mga mata ko.Darius offered to pay my stuff, but I didn't let him. May pera ako at kaya ko nang bayaran ang lahat ng gusto ko. Kahit naman noon pa, hindi ko inaasa
Tessa's POVNAGULAT ako nang sa pagbukas ng pinto ng silid ni Maddy, pumasok si Darius at bigla akong hinalikan sa mga labi.Agad akong kumawala sa mga halik niya dahil alam kong nakikita kami ni Maddy. "Ano ka ba? Ang anak mo, nakikita tayo.""Hindi iyan." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas, pero pinigilan ko siya.I can see the longing in his eyes. Ako rin naman, nananabik na makasama siya. Nananabik akong magawa ang plano ko sa kanila."Ngayon pa lang kita masosolo, Tessa. I missed you." Hinapit niya ako sa baywang at niyakap. "Kahit kasama na kita sa iisang bubong, parang hindi pa rin sapat."I forced a smile before distancing myself from him. "Darius, I want to tell you something."Lalapitan niya sana ako pero umatras ako. He stood in front of me, smiling. Namumungay ang mga mata niya."It's about Maddy."Nang marinig niya ang pangalan ng anak niya, parang nawawalan ng gana na nagbuga siya ng hangin"That can wait."Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "This is im
Tessa's POVMAAGA akong bumangon at naligo para mapuntahan si Darius sa kanilang kuwarto. I heard, ngayong umaga ang flight ni Martha papuntang ibang bansa. She's leaving for, she was hired as a model of a famous jewelry brand.And I will use this against her. Tingnan lang natin kung may balikan pa siyang asawa't anak sa gagawin ko.Napangiti ako nang makapasok sa kuwarto nina Darius at Martha. malawak iyon, at puro luxury appliances ang makikita sa paligid.Nasa gilid ng kama si Darius, nakatalikod mula sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Narinig ko naman ang pagragasa ng tubig mula sa shower. Alam kong si Martha iyon.Tahimik akong lumapit kay Darius at saka yumakap mula sa likuran niya."Martha, I'm in a hurry—"Natigilan siya nang makita ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, pero sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang mukha.He cupped my face and quickly kiss me. Ilang segundo kaming naghalikan bago tuluyan naming pinakawalan ang isa't isa."What are you doing here?" he wh
Tessa's POV"Hello, I'm your new yaya. I'm Tessa. What's your name?"Nakatingala sa akin ang cute na bata habang nakangiti ito. Parang siopao ang pisngi nito kaya nanggigil akong hawakan iyon at pisilin.Tumawa siya. "Maddy.""Maddy? What a cute name. Just like you."Ngumiti na naman ito nang pagka-cute-cute. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako malapit sa mga toys niya. Natigilan ako nang mapansin ang maliit nitong braso."What happened to your arm? Nahulog ka ba?"Lumuhod ako sa sahig at tiningnan ang pasa sa braso niya. Umiling sa akin ang bata.Naluha ako habang nakatitig sa kaniyang mukha. Sa tuwing nakakakita na lang ako ng bata, lagi na lang akong nagkakaganito.***Abalang nanonood ng cartoon si Maddy nang magdesisyon akong lumabas para ikuha siya ng makakain. Hapon na at hinihintay ko rin ang pag-uwi ni Darius.Hindi pa ako nakakalabas, natigilan ako nang marinig ang boses ni Martha."Why is he not answering! Nakakainis!" Mukhang mainit ang ulo nito."Si Mommy!" masiglang b
Darius' POV"Where's Maddy? At nasaan na ba ang yaya ng batang iyon? Bakit hindi pa rin sila bumababa?"Umagang-umaga ay nakakunot na ang noo ni Martha sa harap ng hapag. We are eating breakfast and was almost done before she noticed her daughter's absence.Nakapag-usap na kami ni Tessa. Nagkasundo rin kami na hindi puwedeng malaman ni Martha na magiging yaya siya ni Maddy. Siguradong magwawala si Martha kapag nakita si Tessa.I won't let her hurt Tessa again. At gagawin ko ang lahat para makasama ito."Umalis na si Manang Cecil."Natigilan siya sa pag-inom ng juice niya na hindi ko alam kung anong klaseng prutas. She bought in Mexico, nakakaganda raw lalo ng katawan."What? Bakit daw?""May sakit ang anak niya.""My God! At hindi nagpaalam sa akin? Stupid! E, sinong mag-aalaga kay Maddy ngayon?" Malakas niyang hinampas ang mesa gamit ang kaniyang palad. "Hindi ako puwede, Darius! I'll get busy with my job.""Don't worry, nakahanap na ako ng papalit sa kaniya.""Sino naman? Did you ch