All Chapters of Stealing My Husband From His Mistress : Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Chapter 20

Tessa's POVKANINA pa ako pabalik-balik sa harap ng pinto. Hinihintay ko ang pagdating ni Darius, pero lumipas na ang mahabang oras, wala pa siya.Nakapagluto na nga ako ng lunch kanina at ngayon naman ay dinner, pero hindi pa rin siya bumabalik."Buong araw na siyang wala. Bakit ba wala pa rin siya? Anong emergency ba kasi ang nangyari? Nakakainis naman!"Pagsapit ng gabi at wala pa rin ito, pumasok na muna ako sa kitchen para initin ang mga pagkain."Sayang naman, malamig na. Mas masarap ito kapag bagong luto."Habang iniinit ang mga pagkain, panay silip ako sa labas ng bintana. Kinakabahan kasi ako na baka hindi umuwi si Darius."Ganoon ba siya ka-busy sa opisina nila para hanggang ngayon, hindi siya makaalis? Sana man lang, umuwi muna siya kahit sandali para sabihan ako, nang hindi ako nag-aalala nang ganito!"Inis na inis ako dahil pakiramdam ko, may kinalaman ang Martha na iyon dito. Nagkita lang sila, nagbago na naman ang ihip ng hangin."Okay na kami ni Darius. May nangyari na
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter 21

Tessa's POVUMALIS si Darius at pumasok sa kuwarto niya para ayusin ang matutulugan ni Martha. Naiwan akong nakatulala at nag-aapoy ang dibdib sa galit dahil sa letseng kabit niya na iyon."Hahayaan niyang matulog sa kuwarto niya ang babaeng iyon, habang ako, nandito sa guest room?"Sa sobrang inis ay nagmamadali akong lumapit sa pinto para lumabas. Hinanap ko sa buong kabahayan si Martha. Natagpuan ko ito sa loob ng living room, nakaupo sa malaking sofa at parang relax na relax habang umiinom ng juice.Halos umusok ang magkabilang butas ng ilong ko nang lapitan ko siya at sadyang tabigin ang kamay niya. Dahil doon ay nabuhos sa damit niya ang juice na kaniyang iniinom."My God!" bulalas niya saka tumayo.Tiningnan niya ako nang masama, sinalubong ko naman ang mga titig niya. Hindi niya ako masisindak. Laking hirap ako!"Ano bang problema mo?" tanong niya na parang nagtataka kung bakit ko ito ginawa sa kaniya.Ang kapal talaga ng mukha! Kung umasta, akala mo'y walang ginawang masama!
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

Chapter 22

Tessa's POVMATAGAL akong nakatayo sa labas ng kuwarto ni Darius at naghihintay sa paglabas niya. Rinig na rinig ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng babae niya. Ang mga request nito, mga hirit at mga paglalandi na akala mo'y hindi pamilyadong lalaki ang kinakalantari niya.Talagang ginagamit ng Martha na ito ang pagbubuntis niya para masulot sa akin si Darius!Nang sa wakas ay bumukas ang pinto at lumabas si Darius, natigilan pa ito nang makita ako. Wala akong imik, pero alam kong sapat na ang reaksyon sa mukha ko para malaman niyang galit ako.Dali-dali niyang sinarado ang pintuan sa likuran niya at huminga nang malalim. "Tessa... ""Hindi kayo puwedeng magsama sa iisang kuwarto! Ayoko! Hindi ako papayag!""Shhh." Hinawakan niya ako sa isang kamay. Pinisil niya iyon na parang sinasabing huminahon ako at huwag magtataas ng boses dahil maririnig ng babae niya sa loob."Sa akin ka, Darius! Doon ka sa kuwarto ko matulog!"Wala akong pakialam kung sino ang mahal niya sa amin dalaw
last updateLast Updated : 2024-09-13
Read more

Chapter 23

Tessa's POVMADALING-ARAW na akong nakatulog kaya late na rin akong nagising. Nakakainis! Siguradong magkasama na sina Darius at Martha! Agad akong naligo at nagbihis bago patakbong bumaba ng hagdan.Pagdating ko sa kusina, naabutan kong masayang nag-aagahan sina Darius at Martha. Nagtatawanan ang mga ito habang nagsasalo ng agahan."Oh, gising ka na pala," nakangiting sabi ni Martha kaya natuon sa akin ang paningin ni Darius. "Halika, join us.""Tessa." Tumayo si Darius at pinaghila ako ng upuan. Titig na titig ito sa mukha ko na parang binabasa niya ang nilalaman ng isip ko. "Let's eat."Halos magdilim ang paningin ko lalo sa inasal ni Martha. Walang hiyang h*gad na ito, kung makaalok sa akin, akala mo, siya ang asawa at ako ang kabit na bisita. Nakakalimutan na yata niya kung sino ang kausap niya.Nang bumalik sa pagkakaupo si Darius at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Martha, tumikhim ako para makuha uli ang atensyon nila."Hindi na, kayo na lang," malamig kong sabi na ikinatigil
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 24

Darius' POVAFTER how many hours of working, I decided to cancel everything and went home at noontime. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho nang maayos dahil sa mga nalaman mula kay Severino. Idagdag pa si Tessa na nagpapagulo rin sa isip ko."Darius? Darling, you're home!"Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Martha nang makapasok ako ng bahay. Ngumiti ako habang nakayakap siya sa akin.Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Usually, lagi akong sinasalubong ni Tessa sa pagdating ko. Marinig lang niya ang ingay ng aking sasakyan, kumakaripas na siya ng takbo papunta sa akin. But why is she not here?"Why are you home so early? Dito ka ba magla-lunch?"Tumingin ako sa nakangiting mukha ni Martha. "I told my secretary na halfday ako ngayon.""Really? Because of me? I told you, I'm fine. Pero okay na rin na nandito ka. The lunch is almost ready. Sabay tayong kumain, huh?"Hindi ko na nabigyan ng pansin ang mga sinabi niya dahil sa kakaisip kung nakauwi na ba o hindi si Tessa. Damn
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more

Chapter 25

Tessa's POVANG excitement na nararamdaman ko kanina habang inaanunsyo kay Darius ang tungkol sa pagbubuntis ko, mabilis na naglaho nang mapansin kong wala siyang imik.Sa halip kasi na maging masaya at sa akin niya ituon ang atensyon niya, bumaling pa ito kay Martha na noong mga sandaling iyon, biglang nawalan ng kulay ang mukha."Puro na lang Martha, Martha."Pinahid ko ang isang luhang tumulo sa pisngi ko. Pinipigilan ko talagang umiyak dahil ayaw kong ma-stress. Makakasama raw iyon sa baby na nasa loob ng tiyan ko. Hindi ko lang maiwasan dahil nakakapagtampo."Pati ba ang anak namin, mag-a-adjust din? Hindi ba dapat maging masaya siya? Ganoon dapat kapag nalaman mong buntis ang asawa mo."Nagtatampo pa rin ako kaya hindi lumabas ng kuwarto kahit nang tawagin ako ng katulong na kinuha niya para maghapunan. Isa pa iyang katulong na iyan. Porke nandito si Martha, kumuha na ng katulong. Samantalang noon, ako sa lahat ng gawain.Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito habang nakasandal an
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more

Chapter 26

Tessa's POV"Sir, ayaw pong bumaba ni Ma'am Martha. Wala raw po siyang gana kumain. Ni hindi nga po ako pinagbuksan ng pinto."Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Darius matapos marinig ang sinabi ni Manang."Ganoon ba? Sige ho, manang. Hayaan na muna natin.""Babalik na po ako sa trabaho ko, sir."Paalis na si Manang nang tawagin ko ito para yayain kumain. Pero nagpasalamat ito at sinabing tapos na siya kanina.Nang maiwan kaming dalawa ni Darius ay mataman ko itong tinitigan. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. Kasi naman, matapos malaman ni Martha na buntis ako, nagkulong na lang ito sa kuwarto niya. Wala nang ibang ginawa kundi umiyak. Gaga talaga.Ilang araw na rin ang lumilipas, ilang araw na rin itong nakakulong doon. Nagi-guilty at nag-aalala tuloy si Darius. Kaya naman kaunting kibot at iyak lang ng Martha na iyon, nagkukumahog agad si Darius na puntahan ito.Puwes, hindi niya ako maiisahan. Kung nag-iinarte siya, e di mag-iinarte rin ako. Magsasakit-sakitan siya pa
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more

Chapter 27

Tessa's POVILANG katok ang narinig ko sa pinto pero hindi ako sumagot. Nakairap ako habang nakatingin sa salaming bintana ng kuwarto ko. Maya-maya, bumukas na iyon at iniluwa si Darius."Hindi ka bumaba para mag-agahan. Are you not feeling well?"Hindi pa rin ako sumagot kaya lumapit na siya sa akin at naupo sa tabi ko.Kinapa niya ang noo ko na parang inaalam kung may lagnat ako o wala."Galit ka?""Doon ka sa kuwarto niya natulog," nakasimangot kong tugon.Lalo pa siyang lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko na parang bata. "Galit na naman ang batang ito. Hindi ko sinasadya iyon. Nakaidlip ako sa paghihintay sa kaniya na makatulog. Huwag ka nang magalit."Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng mukha. Nagdadahilan na naman. Idlip bang matatawag iyon, e umaga na siya nagising?"Sige na, papasok pa ako sa trabaho. Huwag ka nang magalit, okay?"Nagkagat-labi ako sa pagpipigil ng inis. Bakit kasi hindi pa bangungutin ang Martha na iyon, e? Nakakaasar talaga."Anong gusto mong pasalubong
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 28

Tessa's POVMALALIM na ang gabi pero gising pa rin ako at nagmamagandang nakaupo sa gitna ng kama. Hindi ako natutulog dahil alam kong papasok sa kuwarto ko si Darius.Ibang klase talaga iyong parlor kung saan nagtatrabaho ang kaibigan ko. Talagang napaganda nila ako na kahit ako, hindi makapaniwala. Ang kilay ko, mga pilikmata, buhok, buong mukha. Sulit na sulit ang ilang libong binayad ko."Kung ganda rin lang, wala nang maipagmamalaki si Martha. Pantay na kami! Baka nga lamang pa ako ng isang paligo sa kaniya, e."Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang paggalaw ng doorknob. Mabilis kong inayos ang buhok ko at umayos din ng pagkakaupo."Tessa." Natigilan si Darius nang matuon sa akin ang paningin.Pinaghandaan ko talaga ang gabing ito. Bumili lang naman ako ng nakakaakit na damit pantulog. Nakalimutan ko lang ang tawag dito, e. Sinabi iyon sa akin ng kaibigan ko. Lingerie ba iyon?"Kanina pa kita hinihintay," malambing kong sabi.Napalunok siya habang nakatayo sa tapat ng nak
last updateLast Updated : 2024-09-25
Read more

Chapter 29

Darius' POVNAKATUTOK ang paningin ko sa daan habang nakikipag-usap kay Tessa. Panay kasi ang tanong nito tungkol sa lugar na pupuntahan namin at kung sinong mahalagang tao ang tinutukoy ko na sadya ko pang dadayuhin sa halip na ito ang pumunta sa kompanya."Boss ka, di ba? Ikaw dapat ang pinupuntahan nila. Sino ba kasi iyan?" parang bata niyang pangungulit. May kasama pang paghila sa kanan kong braso."He's actually a distant relative from my mother side. Malaki ang naipapasok na pera ni Uncle sa kompanya. At nakagawian ko nang puntahan siya once in a while to discuss some things about the company. Ginagawa ko ito dahil gusto ko rin siyang dalawin.""Ah," sinabayan niya nang pagtango-tango ang sinabi.Natatawa ko itong sinulyapan. "Why? You look worried?""Distant relatives mo pala. Okay lang ba na kasama ako?""Bakit naman hindi?""Hmm... kasi... katulong lang ako sa inyo, di ba? Hindi ba iyon magagalit na nagpakasal ka sa katulad ko lang?"Kulang na lang ay maipreno ko ang sasakyan
last updateLast Updated : 2024-09-25
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status