All Chapters of The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]: Chapter 251 - Chapter 260

292 Chapters

Kabanata 251

“AY!” Malakas na tili ko ng sumabit ang isang paa ko sa huling baitang ng hagdan dito sa entrance ng Real Estate Investment Corporation. May limang baitang lang naman ang hagdan dito sa entrance, kaya kahit paano ay safe ako kung sakali na nagkamali ako ng bagsak at nagpagulong-gulong pababâ. Lumikha ng malakas na ingay ang mga ilang mga gamit na dala ko ng bumagsak ito sa sahig. Habang ang stainless kong inumin ay tumalbog ng tatlong beses bago gumulong. Napalunok ako ng wala sa oras ng halos sabay na lumingon sa aking direksyon ang lahat ng mga tao sa paligid. Ngunit ang mas lalong ikinabahala ko ay ang matalim na tingin sa akin ng aking boss na si Mr. Heidi Hilton. Ang paraan ng tingin nito sa akin ay parang gusto na niya akong balatan ng buhay o di kaya ay isilid sa sako. Tapos, itapon sa pinakang malayo para lang makaalis sa matinding kahihiyan na nilikha ko. Tumingala ito na wari moy nauubusan na ng pasensya. Kapansin-pansin ang marahas na pagpapawala niya ng buntong
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

Kabanata 252

“Sir, Excuse me, can I use the restroom, n-naiihi na po kasi ako.” Isang matalim na tingin ang natanggap ni Alesha mula sa kanyang boss. Dahil nagmukha silang isang estudyante at teacher sa loob ng opisina nito. Kahit na hindi sumagot si Heidi ay tumayo pa rin si Alesha at pumasok sa loob ng banyo. Hindi lingid sa kaalaman ni Alesha na nakabantay ang mga mata ng kanyang boss sa bawat galaw ng kanyang katawan. “Why was this girl so clumsy? Napaka lampa!” Himutok pa ni Heidi na sinundan ng marahas na buntong hininga. Hindi maikakaila na talagang problemado siya sa kanyang personal maid, iyon bang tipo na gusto na niyang pagsisihan ang pag-hired sa babaeng ito?. Pakiramdam na nga niya ay nagkaroon na siya ng phobia dahil sa madalas na pagkakadisgrasya nito. “And why do you care?” Nang-aasar na tanong ng isang tinig mula sa kanyang isipan. “Of course not! I don’t care about this stupid girl. Nagrereact lang ako dahil nasa poder ko sya. Paano kung may masamang nangyari sa kanya?
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

Kabanata 253

“T-Teka! Bakit pati ako tinali nyo?” Kinakabahan na tanong ni Alesha, kasalukuyan siyang nakaupo sa sahig at nakatali ang dalawang kamay sa kanyang likuran. “Dahil wala kaming tiwala sayo.” Sagot naman ni Maurine sabay tapal ng tape sa kanyang bibig. Walang nagawa si Alesha kundi ang umungol ng pagtutol. Pagkatapos kay Alesha ay lumapit si Maurine sa kanyang ate Miles at Samara na kasalukuyang pinagtutulungan hatakin si Heidi patungo sa tabi ni Alesha. “One, two, three, hmp…” pagkatapos na bumilang ni Miles ay sabay na hinatak nila Samara at Maurine ang walang malay na si Heidi. Tulak naman ni Miles ang mga paa nito. Habang sa isang tabi ay tahimik lang na nakamasid si Song-I. Hindi kasi siya pwedeng tumulong sa paghatak sa binata, dahil buntis ito sa kanilang panganay na anak ni Xaven. “OMG! What happened?” Gulat na tanong ni Misaki na kalalabas lang sa pintuan ng kusina. Sa kanang braso nito ay kipkip ang isang tupperware na puno ng ice cream at sa kaliwang kamay nito ay is
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

Kabanata 254

“Oh my God! Cedric!” Nahintakutan na tawag ni Mrs. Lexie sa kanyang asawa. Habang ang mga kapatid ni Heidi ay napatda sa kanilang mga kinatatayuan. Halos manlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig sa kapatid nilang walang malay. Makikita sa itsura nito na mukhang masaklap ang sinapit ng kapatid nila sa kamay ng kanilang mga asawa. “Vernice…” matigas na tawag ni Zac sa kanyang asawa sa tono na nagtatanong. “T-Teka, wala akong alam dito kararating ko lang, Sweetheart.” kaagad na sagot ni Vernice at mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa sahig. Halos sabay na napalunok si Miles, Song-I, Maurine at Samara. Habang si Yashveer ay kagat ang ibabang labi, dahil na isip niya na isa rin siya na nakitali sa kanilang bayaw. Unang napansin Timothy ang reaksyon ng kanyang asawa kaya batid niya na may ginawa itong hindi maganda. “Yashveer, ano na naman ang ginawa mo?” Seryosong tanong ni Timothy, masama ang tingin nito sa asawa. “Huh? Wala akong alam dito, Sweetheart, tu
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

Kabanata 255

Lulan ng mamahaling sasakyan ay tumungo sina Heidi at Alesha sa kumpanya ng isa sa kanyang mga kliyente. Makalipas ang halos trenta minuto ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali. Tahimik na bumaba ang dalawa—naglalakad.Sa tabi ni Heidi ay kasabay niyang naglalakad si Alesha. Ngunit, kapansin-pansin ang tila pananamlay ng dalaga. Medyo hindi kasi siya komportable sa kanyang pakiramdam. At parang wala siya sa kanyang sarili dahil tinatamad siyang kumilos. Dahil sa lalim na kanyang iniisip ay hindi na napansin ni Alesha ang salaming pinto sa kanyang harapan. Hanggang sa lumagabong na lang ang pagmumukha niya sa salamin. Nayanig ang buong salamin kaya labis na nabahala ang lahat ng tao sa paligid, ngunit may ilan sa kanila ay natawa. Pakiramdam ni Alesha ay bigla siyang nahilo, at hindi na niya napigilan ang biglaang pagbalik ng kanyang katawan dahil sa lakas ng pagkakauntog ng kanyang nood sa salamin. Mabuti na lang ay mabilis siyang nasalo ng kanyang boss.
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Kabanata 256

“Centro Draconis para la Agencia de Inteligencia” “¡Felicidades, lo lograste! Todo el departamento está orgulloso de ti, Cenizas. Eres realmente impresionante, por eso no me sorprende que hayas completado tu misión tan rápido. “ (Congratulations, you made it. Proud sayo ang buong ahensya,Cenizas (Cenizas as a code name, means Ash). Magaling ka talaga kaya hindi na ako magtataka na matatapos mo ng ganun kabilis ang misyon mo.) Masayang bati sa akin ni Feliña. Limang taon ang tanda niya sa akin. Kaya, hindi ko lang siya basta kaibigan kundi siya rin ang nagsisilbing ate ko sa aming grupo. “Gracias! Y todo esto es gracias a ti.” (Thank you! At ang lahat ng ito ay dahil sa sayo.) Nakangiti kong sagot bago kami nagbitiw mula sa mahigpit na pagkakayakap. “Cenizas, Tienes que reportarte a la oficina del señor. Por cierto, felicidades.” (kailangan mong mag report sa opisina ni Sir, by the way congratulations.) Ani ng isang kasamahan ko sabay lahad ng kanyang palad sa aking harap
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Kabanata 257

“S-Sir Heidi!” Naibulalas ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Sir at parang gusto na ako nitong sakalin. Halatang galit ito dahil sa nagngangalit niyang mga bagang.“Where have you been? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi kang mag-isa dito sa Mansion!?” Sunod-sunod na tanong nito na parang akala moy isang takure na nag-aalburuto. Napalunok ako ng ng wala sa oras, bumuka-sara ang aking bibig ngunit tila natatakot naman ako sa mga salitang lalabas sa aking bibig. “S-sorry po, masama talaga ang pakiramdam ko dahil talagang masakit na ang pusôn ko. Kaya hindi na ako nakabalik sayo para sana magpaalam.” Ewan ko lang kung narinig niya ang sagot ko dahil sa hina ng boses ko. “Uminom ka na ba ng gamot?” Masungit niyang tanong, para akong tanga na biglang napangiti sa tanong nito. Kasi naman, kahit pa-suplado ang pagkakatanong niya sa akin ay ewan ko ba, parang kinilig pa yata ako.“Yes, Sir.” Nakangiti kong sagot.“What’s funny?” Muling tano
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Kabanata 258

Pagkatapos ng nangyaring eksena sa pagitan namin ni Sir Heidi ay muli siyang bumalik sa pagiging suplado. Ang mas ikinalulungkot ko pa ay tila iniiwasan na rin ako nito. Kakausapin lang niya ako kapag may kailangan siyang ibilin sa akin. Kung tutuusin, dapat wala akong pakialam kahit balewalain niya ako dahil hindi ko naman siya kaano-ano. And besides mas mainam na ito, dahil darating ang panahon na kailangan kong umalis ng bansa upang harapin ang problemang kinakaharap ko. Pero, bakit ganun? Parang pinipiga ang puso ko, lalo na sa tuwing dadaan siya sa aking harapan na para bang hindi ako nag-exist sa kanyang paningin. Sa tuwing iniiwasan niya namagawi ang kanyang paningin sa aking mukha ay ibayong sakit ang kaakibat nito sa puso ko. Kung tutuusin ay wala naman akong maalala na ginawa kong kasalanan sa kanya para pakitunguhan ako ng ganito. “Ahm, excuse me, Sir. Gusto ko sanang magpaalam na mag day-off bukas.” Paalam ko pa sa malumanay na tinig habang nakatayo sa harap nito. N
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Kabanata 259

Natapos na kami’t lahat sa pamimili ng mga gamit na kailangan ko ay hindi pa rin ako pinapansin ni Sir Heidi. At ngayon ay kasalukuyan na tinatahak namin ang direksyon patungo sa isang mamahaling restaurant na matatagpuan pa rin dito sa loob ng Mall. Habang da aming likuran ay bitbit ng dalawang tauhan ni Sir Heidi ang aming mga pinamili. Halos si Sir ang nagbayad ng lahat nang mga pinamili namin kaya naman mas lalo akong hindi matahimik. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago mabilis na inabot ko ang kanang kamay ni Sir— sabay lingon sa ibang direksyon. “Sorry.” Isang simpleng salita ang tanging namutawi sa bibig ko at sinadya ko pang higpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Wala akong natanggap na anumang sagot mula sa kanya, kaya naman mas lalo akong nainis. “Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong masamang ginagawa sayo ah.” Malungkot kong tanong, natigilan ako ng humigpit ang kapit ng kamay niya sa kamay ko. Ang lalaking ito masyadong pakipot.
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Kabanata 260

Kahit kalmado ako habang naglalakad ay palihim kong pinakikiramdaman ang dalawang tauhan ni sir Heidi na nakasunod sa aking likuran—may tatlong dipâ ang layo nila sa akin.Pasimple kong sinisipat ng tingin ang bawat pader na aking madaanan. Nang makita ko ang isang fire alarm ay lumingon-lingon ako sa paligid na kunway hinahanap ang pangalan ng restroom. Hanggang sumabit ang kanang paa ko sa kaliwang paa ko. Na out of balance ako, mabilis akong kumapit sa pader upang hindi matumba sa sahig. Naramdaman ko ang akmang paglapit sa akin ng mga tauhan ni Sir Heidi kaya bago pa man sila tuluyang makalapit ay mabilis ko ng napindot ang fire alarm. Lumikha ito ng malakas na ingay at nabulabog ang lahat ng tao sa loob ng Mall. Sinamantala ko ang pagkakataon, mabilis akong humalo sa mga taong nagkakagulo na ngayon ay papunta sa direksyon ko. Nakita ko na nataranta ang dalawang tauhan ni Sir Heidi ng bigla akong nawala sa kanilang paningin.Tinahak ko ang direksyon kung saan ay walang madadamay
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more
PREV
1
...
2425262728
...
30
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status