Semua Bab The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]: Bab 271 - Bab 280

292 Bab

Kabanata 271

“Centro Draconis para la Agencia de Inteligencia” “Señor, el sistema no puede detectar la ubicación de Cenizas. Hay algo que está bloqueando nuestro sistema, y un hacker está intentando ingresar a la página web de nuestra agencia.” (Sir, hindi madetect ng system ang kinaroroonan ni Cenizas. Merong humaharang sa system natin at pilit na pinapasok ng hacker ang website ng ating ahensya) Nababahala na anunsyo ng isa sa mga IT ng Draconis Agency. Mabilis ang bawat pagtipâ ng mga daliri nito sa keyboard ng computer habang nagsasalita. Wari moy nakikipagpatentero ito sa kanyang kalaban. “Qué? Hagan algo! No permitan que hackeen nuestro sistema!” (What? Do something! Huwag ninyong hahayaan na mahack ang system natin!)Matigas na bilin ni Gen. Anselmo, napatayo pa ito mula sa magandang pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair. Subalit ang isang problema ay nasundan pa ng magkakasunod na problema, dahil apat na report na ang kanyang natanggap. Mula sa iba’t-ibang departamento ng kanilang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-23
Baca selengkapnya

Kabanata 272

“Tell me, bakit ayaw mong magpakasal sa akin?” Matigas na tanong ko sa aking nobya. Masama ang loob ko. Parang gusto ko ng isipin na wala talagang balak si Alesha na makasal sa akin. Noong una pa lang ay batid ko na umiiwas siya kapag kasal ang pinag-uusapan.Halos hindi na nga mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses ko na siyang inalok ng kasal. Kahit civil wedding lang sana kung ayaw talaga niya ng engrandeng kasal. Wala namang problema sa akin, basta ang mahalaga ay tuluyan na siyang maging akin. Nababahala kasi ako na baka mawala pa siya sa akin kung hindi kami maikakasal.Nakakatawa mang isipin pero siya dapat ang pagpupursige na maikasal kami dahil buntis n s’ya. Pero baligtad, dahil ako pa itong nagmumukhang desperado sa aming dalawa.Hindi ba naisip ni Alesha ang kinabukasan ng aming mga anak? Dapat maikasal kami bago niya maisilang ang mga bata. Kambal na babae ang kanyang ipinagbubuntis at sabik na akong masilayan ang mukha ng aking mga prinsesa.“Sweetheart, pwede ba na
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-24
Baca selengkapnya

Kabanata 273

Dahan-dahan na nagmulat ng kanyang mga mata si Alesha. Lumitaw ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng masilayan ang nobyo na ngayon ay kasalukuyang nakayukyok sa gilid ng kama na kanyang kinahihigaan. Halatang mahimbing ang kanyang tulog dahil dinig ang mabining paghilik nito.Biglang umingit ang sanggol, nakita niya kung paanong napaigtad ang katawan ni Heidi. Natataranta na tumayo ito kahit na inaantok pa, kaagad na lumapit sa kuna na nasa gilid lang ng kama.“Why Princess? Hmm?” Malambing na tanong nito sa munting sanggol na ngayon ay umiiyak na. Napaka husky ng boses ng ama nito na bahagya pang paos kaya tila musika ito sa pandinig ni Alesha.Kung tutuusin ay hindi kailangan na magpuyat ni Heidi, kaya niyang kumuha ng maraming katulong na mag-aalaga sa kanyang mag-ina. Ngunit, hindi niya ginawa ang bagay na ‘yun dahil gusto niya na personal na alagaan ang kanyang mag-ina. Iyon bang tipo na gusto niyang ipagdamot sa lahat ang kanyang mag-ina?“Mukhang nagugutom ang Princess k
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-25
Baca selengkapnya

Kabanata 274

“Kulang na lang ay mapunit ang mga labi ko dahil sa lapad ng ngiti ko. Marunong na kasing tumawa ang aking mga anak. Ang nakakatuwā pa ay malaman na ang kanilang mga braso at hita. Pati ang mga pisngi nila ay nakakagigil na dahil mas lalo pa itong tumambok.They are such cute and adorable babies. Kamukha ko ang aming mga anak ngunit ang kanilang mga mata katulad ng sa kanilang ama. “Look, Sweetheart, nakikipaglaro na sa akin ang mga anak natin.” Natawa ako dahil sa reaksyon ni Heidi, para kasi itong bata na binigyan ng isang malaking regalo—bahagya pa nga siyang kinikilig. Nangibabaw ang tawa nito sa buong silid ng sumimangot ang mukha ni baby Amihan—ang panganay sa kambal. Mas lalong natuwa pa ang kanilang ama ng umarko ang kilay nito, marahil ay nagseselos ito dahil lagi na lang si baby Aera ang nilalaro ng kanyang ama. Humiga ako sa tabi ni baby Amihan at nanggigigil na hinalikan ko ang matambok niyang pisngi. Tumawa pa ito ng sinadya kong patunugin ang halik. Natatawa na ini
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-25
Baca selengkapnya

Kabanata 275

SPAIN “Cariño, la cena ya está lista!” (Honey, nakahanda na ang dinner!) Nakangiti na sigaw ni Feliña habang ibinababa ang isang bandehadong fasta sa gitnang bahagi ng lamesa. Sinadya niyang lakasan ang boses upang marinig ng kanyang mag-ama na nasa loob ng silid nilang mag-asawa. Hinubad na niya ang suot na apron at isinabit ito sa sabitan. Gumuhit ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang niluto niya na tatlong klase ng putahe na nakahain sa pabilog na lamesa na yari sa kahoy na narra. Simula ng magresign siya sa kanyang trabaho ay naging full time house wife na sya. Labis naman itong ikinatuwa ng kanyang asawa. They have a simple life, ang asawa niya ay isang mekaniko na sapat lang ang kita para sa kanila. Maliit lang ang kanilang apartment dahil mas pinili nila na mamuhay ng simple. Pero, hindi ibig sabihin nun na walang-wala na ang kanilang pamilya. They have a million dollars na savings bukod pa sa dalawang rest house na kanilang pinagkakakitaan. Mas p
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-27
Baca selengkapnya

Kabanata 276

“Hindi ko na alam kung ilang baldeng luha na yata ang iniyak ko. Pakiramdam ko ay tila dumating na ang kamatayan ko. Sobrang bigat ng dibdib ko habang naka tanglaw sa aking mga anak.Dumating na kasi ang kinatatakutan ko. Kailangan ko ng harapin ang lahat. Kung makasarili lang ako ay pwede naman akong manatili na lang dito sa Mansion at hayaan ang grupo ni Anselmo sa kung ano ang gusto nilang gawin. Pero, hindi pwede, hindi ko pwedeng hayaan na lang na mamatay ang pamilya ng kaibigan ko. Namumugto na ang aking mga mata ng lingunin ko ang maliit na orasan na nakapatong sa side table. Six o’clock na ng hapon at siguradong parating na ang asawa ko. Dinampot ko ang handle ng intercom upang tawagan ang mga Yaya ng aking mga anak. Minuto lang ang lumipas ay dumating kaagad ang mga ito. “Pakidala na sa kanilang silid ang mga anak ko.” Malumanay kong utos. Tahimik na sumunod ang mga Yaya. Maingat na binuhat nila ang aking mga anak, nakasunod ang tingin habang naglalakad ang mga ito pal
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-27
Baca selengkapnya

Kabanata 277

“Parang siraulo na nakangiti na mag-isa sa loob ng aking opisina habang nakatanga sa kawalan. Simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin maalis ang saya at kilig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay para akong isang halaman na bagong dilig. Napakagaan ng bawat kilos ko, iyong tipo na wari moy nakalutang sa alapaap? Sa loob ng maghapon na lumipas ay hindi na mawala sa aking isipan ang naganap sa pagitan naming mag-asawa. Buong gabi naming inangkin ang isa’t-isa, pakiramdam ko’y nakadikit pa rin ang katawan ng asawa ko sa aking katawan. Sulit ang ilang buwan na ipinagtiis ko, kaya naman parang sasabog na ang aking puso dahil sa labis na kaligayahan. Natawa akong bigla, nang mula sa binabasa kong dokumento ay nakikita ko ang magandang mukha ni Alesha. Damn! Para akong teenager na kinilig bigla. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako sumaya ng ganito, iba talaga kapag mahal ninyo ang isa’t-isa—masarap sa pakiramdam. Ito na yata ang pinaka mabagal na oras para
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-27
Baca selengkapnya

Kabanata 278

Nasasabik na bumaba ng sasakyan si Heidi. Pagdating niya sa loob ng bahay ay parang sasabog na ang kanyang puso sa kasiyahan ng makita ang kanyang dalawang Prinsesa. Dagling napawi ang pagod na kanyang nararamdaman ng ngumiti ang kambal habang ang asul nilang mga mata ay nakatingin sa kanya. Magiliw na kinuha niya ito sa kanilang mga Yaya na pawang mga naka face mask, saka buong pagmamahal na hinagkan ang mga ito sa noo—bahagya pa niya itong isinasayaw-sayaw. “Where is Alesha?” Tanong niya sa mga kasambahay nila ng hindi tumitingin sa mga ito. “Nasa kwarto, Sir.” Sagot ng isa sa kanila. Karga sa mga bisig ang kanyang mga anak na pumanhik ng hagdan. Panay ang samyo niya sa ulo ng kanyang mga anak. Mabilis na binuksan ng katulong ang pinto ng silid upang makapasok ang mag-ama. Nagtaka pa ang lahat ng wala silang datnan na tao sa loob ng silid. Naisip na lang ni Heidi na marahil ay nasa loob ng banyo ang kanyang asawa. “Did my Princesses miss me? Hm? Those blue eyes, so cute…” ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-28
Baca selengkapnya

Kabanata 279

SPAIN INTERNATIONAL AIRPORT “Paglabas ko pa lang sa arrival area ay maraming mata na ang nakamasid sa akin. Ramdam ko ang matinding pressure sa paligid, at tulad ng inaasahan ko ay kaagad na akong hinarang ng mga immigration officer. “Freeze!” Ani ng isang officer habang nakatutok sa akin ang baril ng ilang mga kasamahan nito. Pinalibutan nila ako, maingat ang mga hakbang na lumapit sila sa akin. Matapang ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatingin sa kanilang lahat. Bumagsak sa lapag ang hawak kong hand carry bag, saka bukas-palad na umangat sa ere ang aking mga kamay habang dahan-dahan ko itong ipinatong sa batok ko. Nag-igting ang aking mga bagâng, kasabay nito ang pagpupuyos ng aking kalooban. Hindi na ako nagulat ng biglang sumulpot ang mga medya sa harap ko. Mula sa kumpol ng mga medya ay lumitaw si former General Anselmo kasama ang ilang officer na may matataas na katungkulan. “Señorita Alesha Gondizalvus, en virtud de la orden de arresto emitida por el tribunal de pr
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-28
Baca selengkapnya

Kabanata 280

“Cómo pudieron vender sus acciones a otros sin que yo me enterara?” (How did this happened!? Paano nyo nagawang ibenta sa iba ang inyong mga shares ng hindi ko man lang nalalaman?” Galit na tanong ni Gen. Anselmo sa kanyang dalawang kaibigan na siyang mismong kahati niya sa negosyo. Nagkaroon sila ng agarang meeting ng malaman niya ang pagkakabenta ng halos nasa 75% shares ng ahensya. Napakabilis ng mga pangyayari na halos hindi na niya namalayan. Para sa kanya ay hindi dumaan sa maayos na proseso ang lahat, dahil isang oras lang ginanap ang nangyaring bentahan. Ni hindi man lang siya kinunsulta ng kanyang mga kaibigan. “Mira, compadre, sabes que ya estamos viejos y no hay nadie que herede este negocio de mi familia. Esa es la razón por la que acepté lo que el inversionista quería y vendí mis acciones.” (Look, kumpadre, alam mo naman na matanda na kami at wala rin namang magmamana ng negosyong ito mula sa pamilya ko. Dahilan kung bakit pumayag na rin ako sa gustong mangyari ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
252627282930
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status