Lahat ng Kabanata ng The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]: Kabanata 241 - Kabanata 250

292 Kabanata

Kabanata 241

“Aubrey, please… I’m sorry! Sweetheart?” Nagsusumamo na sabi ni Xion habang nakasunod sa aking likuran. Sa kanyang likuran naman ay nakasunod din ang may nasa sampung bodyguard nito. “Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong susundan!” Galit kong bulyaw habang malaki ang mga hakbang na tinatahak ang sementadong daan, kahit hindi ko naman alam ang aking patutunguhan. Masama ang loob ko sa lalaking ito at ayokong makita ang kanyang pagmumukha. Subalit, ang magaling na lalaki ay mukha yatang walang balak na tigilan ako. Nabubwisit na hinubad ang isa kong sapatos saka ito ibinato sa kanyang direksyon. Sa paghinto niya ay siya ring pagtigil sa paghakbang ng kanyang mga bodyguard. Naningkit ang mga mata ko ng walang hirap na sinalo niya ang hinagis kong sapatos. “Sinabi ng tigilan mo na ako! Wala akong asawa! At kung ang kapirasong papel na ‘yan ang pinanghahawakan mo, huwag kang mag-alala! Dahil sa oras na makapag file ako ng annulment ay mawawalan na rin ng silbi ‘yan!” Mukha na akong dr
last updateHuling Na-update : 2024-12-08
Magbasa pa

Kabanata 242

Mula sa lobby ng WH Mining company, mabilis na gumawa ng tuwid na linya sa magkabilang gilid ng lobby ang mga empleyado, kabilang na sa kanila si Paloma. Makalipas ang ilang minuto ay humimpil ang magarang sasakyan ng kanilang CEO, kaya naman naghanda ang lahat ng mga empleyada ng isang magandang ngiti para sa kanilang boss. Bumukas ang pinto ng sasakyan, bumaba si Mr. William Xion Hilton. Subalit, sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag-iisa, dahil kasunod nitong bumaba ang maganda at bata niyang asawa. Halos sabay napawi ang ngiti sa labi ng lahat, at nagtatanong ang kanilang mga mata kung sino ang babaeng kasama ng kanilang boss. Nang dahil sa kapatid niyang si Winter ay hindi nailabas sa publiko ang nangyaring gulo mula sa kanilang engagement party. Dahilan kung bakit walang nakakakilala kay Aubrey bilang asawa ng CEO nang WH Mining Company. Habang sa dulong bahagi ay nagngingitngit ang kalooban ni Paloma. Sapagkat, iniisip niya na siya dapat ang asawa ng kanilang
last updateHuling Na-update : 2024-12-08
Magbasa pa

Kabanata 243

“Ang mga palad moy tila palito ng posporo, sa tuwing humahaplos sa aking balat ay lumilikha ng apoy, dahilan kung bakit mabilis na nagliliyab ang aking katawan. “Ohhhh…” Ang bawat ungol na umaalpas sayong mga labi ay tila musika sa aking pandinig. Kumibot dili ay hindi maunawaan kung ano ang nais. Mula sa puting pader at sa malamlam na liwanag ng buwan ay iyong maaninag ang isang anino ng katawan ng lalaki. Kay kisig na nagtaas-baba sa ibabaw ng naglulumiyad na katawan ng babae.Wari moy sumasayaw sa saliw ng musika na tanging sila ang may likha. Kapwa pawisan, naghahabol ng hininga, subalit ayaw paawat sa kanilang kapusukan. Ang makisig na asawang lalaki ay lubos na nagpakitang gilas, sa kanyang asawang babae na labis niyang sinisinta. “Manood ka, iyong saksihan, kung paano kong pagpalain ang iyong yaman. Walang sinuman ang makapapantay sa dalisay kong pagsinta. Sapagka’t nais kong malaman mo, ang puso mo ay tumitibok para lang sa akin…“Hmmmm…” umungol ka mahal ko, lasapin mo
last updateHuling Na-update : 2024-12-09
Magbasa pa

Kabanata 244

Mula sa lobby ang lahat ng mga empleyado ay pawang mga nakayuko ang ulo, kabado at hindi kayang magtaas ng tingin. Sapagkat sa kanilang harapan ay nakatayo ngayon ang asawa ng kanilang boss, si Mrs. Aubrey Hilton.Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito halatang galit. Mula naman sa hilera ng mga empleyado ay hindi na maipinta ang mukha ni Paloma. Masama ang tingin nito kay Aubrey. Iniisip kasi niya na masyado na itong mayabang at mapapel. Akala mo kung sino, porke naka tuntong lang sa likod ng kalabaw ay umaasta na itong may-ari ng kumpanya. “Listen everyone, marahil lahat kayo ay nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ko sa buhay ng inyong boss na si Mr. Hilton. Dahilan kung bakit hindi ko kayo masisisǐ na mag-isip ng hindi maganda patungkol sa akin. Iniisip niyo na isa akong gold digger? na pera lang ang habol ko sa asawa ko. In that case, nais kong personal na ipakilala sa inyong lahat kung sino si Aubrey. I’m Aubrey Miller, ang bunsong anak ni Mayor Miller ng San Mateo. Marahil hi
last updateHuling Na-update : 2024-12-09
Magbasa pa

Kabanata 245

“Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan, bago nagdesisyon na bumaba ng sasakyan. Tahimik kong tinahak ang hallway ng Munisipyo patungo sa opisina ng Mayor nang San Mateo. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, at ngayong araw lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang aking ama tungkol sa aking ina. Karapatan kong malaman ang tungkol sa aking ina, at nais kong alamin kung nasaan na nga ba ito. Ilang beses ko na ring sinubukan na kausapin si Papâ tungkol kay Mamâ ngunit laging paiwas kung sumagot ito. Minsan naman ay idinadaan niya sa galit, dahilan kung bakit ni katiting na idea ay wala akong alam tungkol sa pagkakakilanlan ng aking ina. Ang bawat tao na nakasalubong ko ay pawang mga nakangiti at bumabati sa akin. Tinutugon ko naman ito ng isang simpleng ngiti at tango. Pagdating sa tapat ng opisina ng aking ama ay tumigil ang dalawang bodyguard ko malayo sa akin upang bigyan ng privacy ang pag-uusap naming mag-ama. Nang akmang kakatok na
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Kabanata 246

Nagngangalit ang mga bagâng ni Aubrey habang matalim na nakatitig sa mukha ng kanyang Madrasta. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, marahil kanina pa bumulagta sa sahig si Liza. Parang gusto niyang sakalin ang leeg ng kanyang madrasta habang pinapanood kung paano itong malagutan ng hininga. Kung pwede lang sana, kanina pa niya ginawa. Kumilos ang mga nurse upang kunin ang pasyente na nakayakap sa kanyang katawan. Dahilan kung bakit nagsimulang matakot at mataranta ang babae. “Papatayin nila ang anak ko! Kukunin nila sa akin ang anak ko. Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo, huwag mo akong ibibigay sa kanila. Huwag! Ayoko….” Parang sinasakal ang puso ni Aubrey at tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Nasasaktan siya sa kanyang mga nakikita at ramdam niya sa kanyang sarili na ang babaeng ito ay ang kanyang ina. “Huwag kayong magkakamali na lapitan at hawakan ang babaeng ito! Ako si Aubrey Hilton, ang asawa ng CEO nang WH Mining company. May kakayahan ako na ipinasara ang hospi
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Kabanata 247

AFTER SIX MONTHS “Pagkatapos na isaalang-alang ang lahat ng ebidensya na ipinakita, ang hurado ay nakarating sa isang hatol na natagpuan ang nasasakdal na si Gng. Liza Miller ay nahatulan ng hukumang ito na guilty sa mga kasong isinampa laban sa kanya ni Gng. Florencia Sanchez…”Habang isa-isang binabasa ng sekretarya ang lahat ng mga ikinaso sa kanya at maging ang parusa na kan‘yang haharapin ay mariǐn na ipinikit ni Liza ang kanyang mga mata. Kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.“M-Mommy…” umiiyak na sambit ni Paloma at sinugod ng yakap ang kanyang ina. Hindi na niya nakaya ang matinding emosyon at humagulgol na ito ng iyak. Dahilan kung bakit maging ang kanyang ina ay napaiyak na.“Adjourned!” Sa pagbitaw ng huling salita ng Judge ay sumabay ang malakas na tunog ng kanyang gavel. Kaagad na nilapitan ng mga pulis na babae ng nakaposas na si Liza habang si Paloma ay walang tigil sa pag-iyak. Pilit na inilalayo ito ng mga pulis dahil ayaw nitong bumitaw mula sa pagkakayakap
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Kabanata 248

HEIDI HILTON [BOOK-11] He lived in a world of his own, detached from everyone around him. Viewing himself as a forgotten billionaire, his demeanor toward others was distant and as cold as ice. Para siyang isang patay na buhay, sapagkat ang puso niya ay minsan ng pinatay ng isang babae. Siya si Heidi Hilton, ang ikapito sa mga anak ng business tycoon na si Cedric Hilton. Subalit ni isa ay walang nakakakilala sa kanya dahil ang sarili ay ikinulong mula sa isang liblib na lugar. Kung saan? Tanging siya lang ang nakakaalam… ——————————————- Huh! Huh! Huh! (Mabigat na paghinga) Tanging naririnig sa paligid ay mga kalaskas mula sa mga tuyong dahon na tinatapakan ng kanyang mga paa. Habang hinahawi ng kanyang mga kamay ang makapal na halaman sa kan’yang harapan. Hindi alintana ang matatalas na mga halaman na siyang sumusugat sa kanyang balat. Patuloy lang siya sa pagtakbo. Humihigpit na ang kanyang dibdib habang pilit na hinahabol ang kanyang paghinga. Gusto na niyang tumigil sa p
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Kabanata 249

“Nagtaka ako kung bakit walang imik na tinalikuran ako ng lalaking ito, saka walang pakialam na humakbang papasok sa loob ng malaking bahay. Kahit wala siyang sinasabi ang dating ng kilos nito para sa akin ay parang, bahala na ako sa buhay ko. Inikot ko ang tingin sa paligid at tila ngayon ko lang napansin ang mga armadong lalaki sa paligid. Ang samâ ng tingin nila sa akin, habang sa bungad ng bahay ay nakatayo ang anim na katulong. Pawang mga nakayuko ang mga ito, habang sa bandang sikmura ay nakalagay ang magkasalikop nilang mga kamay. Maganda at napakalinis ng kanilang mga itsura dahil sa suot nilang puting uniporme. “S-Sir! Sandali, pwede po bang maki-ligo muna bago ako umalis?” Nakikiusap kong tanong, ngunit ang lalaki ay tila nagbibingi-bingihan. Patuloy lang siya sa paghakbang, halatang walang pakialam sa kanyang paligid. Batid kong kalabisan na ang gagawin kong ito pero nagbabakasakali ako na makuha ko ang loob ng lalaking ito. Pakiramdam ko kasi ay wala ng mas lili
last updateHuling Na-update : 2024-12-12
Magbasa pa

Kabanata 250

Nagngangalit ang kanyang mga bagâng habang pinapanood kung paano magpumiglas ang katawan ni Alesha. Naninigas ang katawan nito habang ang likod ay umaangat mula sa kama. Patuloy sa pag tirik ang kanyang mga mata na tanging puti na lang ang nakikita. Halos hindi na magkandatuto ang apat na nurse habang ang isang doctor ay pilit na maging kalmado. Inabot ng isang nurse sa doctor ang isang syringe na may laman na likidong gamot. Kaagad na ibinaon nito ang karayom sa kaliwang braso ni Alesha habang mahigpit na hawak ng tatlong nurse ang katawan nito. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting kumalma ang katawan ng dalaga, kaya maayos na naisagawa nila ang kanilang mga trabaho. Sinimulan ng alisin ng doctor ang bala mula sa kanang balikat ni Alesha. Habang ang mga nurse ay inaayos ang lahat ng mga kakailanganin ng pasyente sa oras na matapos ang operasyon. Ilang oras na naghihintay sa labas ng operating room si Heidi. Nang makita mula sa salaming bintana na maayos na ang lagay ni A
last updateHuling Na-update : 2024-12-12
Magbasa pa
PREV
1
...
2324252627
...
30
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status