“Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan, bago nagdesisyon na bumaba ng sasakyan. Tahimik kong tinahak ang hallway ng Munisipyo patungo sa opisina ng Mayor nang San Mateo. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, at ngayong araw lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang aking ama tungkol sa aking ina. Karapatan kong malaman ang tungkol sa aking ina, at nais kong alamin kung nasaan na nga ba ito. Ilang beses ko na ring sinubukan na kausapin si Papâ tungkol kay Mamâ ngunit laging paiwas kung sumagot ito. Minsan naman ay idinadaan niya sa galit, dahilan kung bakit ni katiting na idea ay wala akong alam tungkol sa pagkakakilanlan ng aking ina. Ang bawat tao na nakasalubong ko ay pawang mga nakangiti at bumabati sa akin. Tinutugon ko naman ito ng isang simpleng ngiti at tango. Pagdating sa tapat ng opisina ng aking ama ay tumigil ang dalawang bodyguard ko malayo sa akin upang bigyan ng privacy ang pag-uusap naming mag-ama. Nang akmang kakatok na
Nagngangalit ang mga bagâng ni Aubrey habang matalim na nakatitig sa mukha ng kanyang Madrasta. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, marahil kanina pa bumulagta sa sahig si Liza. Parang gusto niyang sakalin ang leeg ng kanyang madrasta habang pinapanood kung paano itong malagutan ng hininga. Kung pwede lang sana, kanina pa niya ginawa. Kumilos ang mga nurse upang kunin ang pasyente na nakayakap sa kanyang katawan. Dahilan kung bakit nagsimulang matakot at mataranta ang babae. “Papatayin nila ang anak ko! Kukunin nila sa akin ang anak ko. Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo, huwag mo akong ibibigay sa kanila. Huwag! Ayoko….” Parang sinasakal ang puso ni Aubrey at tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Nasasaktan siya sa kanyang mga nakikita at ramdam niya sa kanyang sarili na ang babaeng ito ay ang kanyang ina. “Huwag kayong magkakamali na lapitan at hawakan ang babaeng ito! Ako si Aubrey Hilton, ang asawa ng CEO nang WH Mining company. May kakayahan ako na ipinasara ang hospi
AFTER SIX MONTHS “Pagkatapos na isaalang-alang ang lahat ng ebidensya na ipinakita, ang hurado ay nakarating sa isang hatol na natagpuan ang nasasakdal na si Gng. Liza Miller ay nahatulan ng hukumang ito na guilty sa mga kasong isinampa laban sa kanya ni Gng. Florencia Sanchez…”Habang isa-isang binabasa ng sekretarya ang lahat ng mga ikinaso sa kanya at maging ang parusa na kan‘yang haharapin ay mariǐn na ipinikit ni Liza ang kanyang mga mata. Kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.“M-Mommy…” umiiyak na sambit ni Paloma at sinugod ng yakap ang kanyang ina. Hindi na niya nakaya ang matinding emosyon at humagulgol na ito ng iyak. Dahilan kung bakit maging ang kanyang ina ay napaiyak na.“Adjourned!” Sa pagbitaw ng huling salita ng Judge ay sumabay ang malakas na tunog ng kanyang gavel. Kaagad na nilapitan ng mga pulis na babae ng nakaposas na si Liza habang si Paloma ay walang tigil sa pag-iyak. Pilit na inilalayo ito ng mga pulis dahil ayaw nitong bumitaw mula sa pagkakayakap
HEIDI HILTON [BOOK-11] He lived in a world of his own, detached from everyone around him. Viewing himself as a forgotten billionaire, his demeanor toward others was distant and as cold as ice. Para siyang isang patay na buhay, sapagkat ang puso niya ay minsan ng pinatay ng isang babae. Siya si Heidi Hilton, ang ikapito sa mga anak ng business tycoon na si Cedric Hilton. Subalit ni isa ay walang nakakakilala sa kanya dahil ang sarili ay ikinulong mula sa isang liblib na lugar. Kung saan? Tanging siya lang ang nakakaalam… ——————————————- Huh! Huh! Huh! (Mabigat na paghinga) Tanging naririnig sa paligid ay mga kalaskas mula sa mga tuyong dahon na tinatapakan ng kanyang mga paa. Habang hinahawi ng kanyang mga kamay ang makapal na halaman sa kan’yang harapan. Hindi alintana ang matatalas na mga halaman na siyang sumusugat sa kanyang balat. Patuloy lang siya sa pagtakbo. Humihigpit na ang kanyang dibdib habang pilit na hinahabol ang kanyang paghinga. Gusto na niyang tumigil sa p
“Nagtaka ako kung bakit walang imik na tinalikuran ako ng lalaking ito, saka walang pakialam na humakbang papasok sa loob ng malaking bahay. Kahit wala siyang sinasabi ang dating ng kilos nito para sa akin ay parang, bahala na ako sa buhay ko. Inikot ko ang tingin sa paligid at tila ngayon ko lang napansin ang mga armadong lalaki sa paligid. Ang samâ ng tingin nila sa akin, habang sa bungad ng bahay ay nakatayo ang anim na katulong. Pawang mga nakayuko ang mga ito, habang sa bandang sikmura ay nakalagay ang magkasalikop nilang mga kamay. Maganda at napakalinis ng kanilang mga itsura dahil sa suot nilang puting uniporme. “S-Sir! Sandali, pwede po bang maki-ligo muna bago ako umalis?” Nakikiusap kong tanong, ngunit ang lalaki ay tila nagbibingi-bingihan. Patuloy lang siya sa paghakbang, halatang walang pakialam sa kanyang paligid. Batid kong kalabisan na ang gagawin kong ito pero nagbabakasakali ako na makuha ko ang loob ng lalaking ito. Pakiramdam ko kasi ay wala ng mas lili
Nagngangalit ang kanyang mga bagâng habang pinapanood kung paano magpumiglas ang katawan ni Alesha. Naninigas ang katawan nito habang ang likod ay umaangat mula sa kama. Patuloy sa pag tirik ang kanyang mga mata na tanging puti na lang ang nakikita. Halos hindi na magkandatuto ang apat na nurse habang ang isang doctor ay pilit na maging kalmado. Inabot ng isang nurse sa doctor ang isang syringe na may laman na likidong gamot. Kaagad na ibinaon nito ang karayom sa kaliwang braso ni Alesha habang mahigpit na hawak ng tatlong nurse ang katawan nito. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting kumalma ang katawan ng dalaga, kaya maayos na naisagawa nila ang kanilang mga trabaho. Sinimulan ng alisin ng doctor ang bala mula sa kanang balikat ni Alesha. Habang ang mga nurse ay inaayos ang lahat ng mga kakailanganin ng pasyente sa oras na matapos ang operasyon. Ilang oras na naghihintay sa labas ng operating room si Heidi. Nang makita mula sa salaming bintana na maayos na ang lagay ni A
“AY!” Malakas na tili ko ng sumabit ang isang paa ko sa huling baitang ng hagdan dito sa entrance ng Real Estate Investment Corporation. May limang baitang lang naman ang hagdan dito sa entrance, kaya kahit paano ay safe ako kung sakali na nagkamali ako ng bagsak at nagpagulong-gulong pababâ. Lumikha ng malakas na ingay ang mga ilang mga gamit na dala ko ng bumagsak ito sa sahig. Habang ang stainless kong inumin ay tumalbog ng tatlong beses bago gumulong. Napalunok ako ng wala sa oras ng halos sabay na lumingon sa aking direksyon ang lahat ng mga tao sa paligid. Ngunit ang mas lalong ikinabahala ko ay ang matalim na tingin sa akin ng aking boss na si Mr. Heidi Hilton. Ang paraan ng tingin nito sa akin ay parang gusto na niya akong balatan ng buhay o di kaya ay isilid sa sako. Tapos, itapon sa pinakang malayo para lang makaalis sa matinding kahihiyan na nilikha ko. Tumingala ito na wari moy nauubusan na ng pasensya. Kapansin-pansin ang marahas na pagpapawala niya ng buntong
“Sir, Excuse me, can I use the restroom, n-naiihi na po kasi ako.” Isang matalim na tingin ang natanggap ni Alesha mula sa kanyang boss. Dahil nagmukha silang isang estudyante at teacher sa loob ng opisina nito. Kahit na hindi sumagot si Heidi ay tumayo pa rin si Alesha at pumasok sa loob ng banyo. Hindi lingid sa kaalaman ni Alesha na nakabantay ang mga mata ng kanyang boss sa bawat galaw ng kanyang katawan. “Why was this girl so clumsy? Napaka lampa!” Himutok pa ni Heidi na sinundan ng marahas na buntong hininga. Hindi maikakaila na talagang problemado siya sa kanyang personal maid, iyon bang tipo na gusto na niyang pagsisihan ang pag-hired sa babaeng ito?. Pakiramdam na nga niya ay nagkaroon na siya ng phobia dahil sa madalas na pagkakadisgrasya nito. “And why do you care?” Nang-aasar na tanong ng isang tinig mula sa kanyang isipan. “Of course not! I don’t care about this stupid girl. Nagrereact lang ako dahil nasa poder ko sya. Paano kung may masamang nangyari sa kanya?
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a