All Chapters of The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]: Chapter 231 - Chapter 240

292 Chapters

Kabanata 232

“Ate, anong meron?” Nagtataka ka na tanong ni Aubrey ng makita niya na halos lahat ng mga katulong ay hindi na magkandaugaga sa paglilinis ng buong kabahayan. Maging ang mga kurtina ay mabilis na napalitan ng mga bagong kurtina. “Oh, gising ka na pala, madali ka, Aubrey maligo ka at magsuot ng pormal na damit, dahil may darating tayong bisita.” Nakangiti na sagot ni Felly. Nagtaka pa si Aubrey ng napansin niya na masyado yatang maaga ang uwi ng kanyang kapatid. Kadalasan kasi ay umuuwi si Felly ng bandang alas otso ng gabi, pero ngayon ay mukhang nag halfday lang ito sa kanyang trabaho. “Presidente ba ang bisita natin?” Curious na tanong pa ni Aubrey na siyang ikinatawa naman ni Felly. Napangiti na rin siya hindi dahil sa kanyang sinabi, kundi dahil sa magandang pakikitungo sa kanya ng kanyang ate Felly. Ramdam niya ang pagiging kapatid nito, hindi tulad noon na lagi silang nag-aaway. Nakakagulat man ngunit labis pa rin niya itong ikinatutuwa. “Well isipin na lang natin na Pre
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Kabanata 233

“No! Hindi ako papayag!” Halos magtaas na ako ng boses dahil sa matinding galit. Kulang na nga lang ay magwala ako sa harap nilang lahat, para lang ipakita sa kanila na seryoso ako. “You see, Papâ? Mapapahiya lang ang pamilya natin kung ipipilit mo ang gusto mo. Bakit hindi na lang ako ang ipakasal mo kay Mr. Hilton? Aubrey was pregnant at kasal na siya sa isang matandang professor.” Si Paloma sabay pukol ng matalim na tingin nito sa akin.Nandito kaming mag-anak sa living room at kasalukuyang nagtatalo. May isang oras na simula ng umalis si Mr. Hilton.“Hindi pa matanda ang asawa ko! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo.” Matigas kong sabi habang pinanlilisikan siya ng mata, kung wala lang ang mga magulang namin sa paligid baka nilamas ko na ang mukha ng babaeng ito. Makita ko lang talaga ang pagmumukha ni Paloma ay kumukulo na ang dugo ko. “Tama ang anak mo, Florence, mapapahiya ang pamilya natin kung si Aubrey ang ipakakasal mo kay Mr. Hilton. Ano na lang ang sasabihin ng ibang ta
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

Kabanata 234

Pagkatapos ng mahalagang meeting na dinaluhan ni Xion ay kaagad siyang nagpalit ng damit. Suot ang gusot at lumang polo na tumungo siya sa Villa ng mga Miller. Ngayon ay haharap siya sa pamilya ng kanyang asawa bilang si Liam. Sa totoo lang ay wala na siyang balak na magpanggap pa sa harap ng pamilyang Miller. Ngunit, nang matuklasan niya ang totoong ugali ng mga ito ay naisipan niya na ilihim muna sa mga ito ang tunay niyang pagkatao. Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe at humimpil ang sasakyan niya sa di kalayuan—may ilang metro ang layo nito mula sa Villa ng mga Miller.Suot ang kanyang peluka at makapal na brace sa ngipin na bumaba siya ng sasakyan. Isinuot muna niya ng makapal sa reading glass sa kanyang mga mata bago naglakad hanggang sa gate ng Villa. Nandito siya ngayon upang sunduin ang kanyang asawa, dahil babalik na sila sa kubo. Idinahilan lang niya na kunwa’y may training siya ng dalawang araw pero ang totoo ay may importante siyang meeting na kailangan ang kanyan
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

Kabanata 235

“Wala na akong ginawa buong maghapon kundi ang magkulong dito sa silid ko habang nakatalungko sa may tapat ng bintana. Hindi ko lubos na matanggap na ganun na lang kadali para sa kanila na manduhan ang buhay ko. Nasa tamang edad na ako pero hindi pa rin ako makapag desisyon para sa sarili ko. Dahil sa mga nangyari ay mas lalo lang lumaki ang hinanakit ko sa aking ama. Pag-angat ko ng aking mukha ay sumalubong sa akin mula sa salamin ng aparador ang namumugto kong mga mata. Dalawang araw na ang lumipas simula ng palayasin ni Papâ ang aking asawa. Ang kinakasama pa ng loob ko ay pati ang aking cellphone ay kinuha ni Papâ, kaya hindi ko na makausap si Liam. Malungkot na niyakap ko ang aking mga tuhod bago muling tumanaw sa labas ng bintana. May limitasyon na ang bawat galaw ko dito sa Villa at sa tuwing lalabas naman ako ng bahay ay laging may nakabantay sa akin. Nakakatawa mang isipin pero mismong ang pamilya ko ang sumisira ng buhay ko. Saan ka nakakita na wala pang isang bu
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Kabanata 236

“Binalot ng matinding kalungkutan ang puso ko ng muli nasilayan ang maliit na kubo na naging tahanan ko ng ilang linggo, kasama ang aking asawa. Pagkatapos ng pakikipag sagutan ko kay Mr. Hilton ay dito ako dinala ng aking mga paa. Mabigat ang mga hakbang na pumasok ako sa maliit na tarangkahan na gawa sa kawayan. Dinampot ko ang walis tingting na nakasandal sa dingding ng kubo at sinimulan ko ng walisin ang mga tuyong dahon. Wala na akong pakialam sa dalawang tauhan ng aking ama na siyang nakatalaga na magbantay sa akin. Nakapwesto ang mga ito sa magkabilang gilid ng sasakyan, tahimik na nagmamasid sa bawat galaw ko. Pagkatapos kong tipunin ang mga tuyong dahon ay pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang posporo. Ngunit, sandali akong natigil sa paghakbang, dahil sa isang alaala na bigla na lang lumitaw sa diwa ko. Kasunod nito ang paglitaw ng isang ngiti sa mga labi ko. Sapagkat nakikita ko ang aking sarili noong mga panahon na hirap na hirap ako sa pag-ihip ng apoy sa kala
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Kabanata 237

“Alas syete na ng umaga ng magising ako. Pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa paningin ko ang isang damit na nakabalot sa puting plastic. Lumipat ang tingin ko sa mula sa bubong na gawa sa pawid. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang mga nangyari sa aming mag-asawa nitong nagdaang gabi. Napakagaan ng pakiramdam ko at talagang maganda ang gising ko ngayong umaga. Hindi katulad ng mga nagdaang umaga na sa tuwing gigising ako ay pakiramdam ko para akong isang lata na walang laman, malungkot at ramdam ko ang pag-iisa. Pero ngayon ay masasabi ko na kumpleto ang araw ko. Masiglang bumangon at nag-inat ng aking katawan. Mas lalong gumanda ang aking ngiti ng mula sa nakabukas na bintana ay nakita ko magandang sikat ng araw. Maaliwalas ang panahon ngayon na wari moy nangangako ng isang magandang buhay. Hinila ko ang kumot at itinakip ito sa aking hubad na katawan. Dinampot ko ang plastic at mula dito ay inilabas ang laman nitong damit. Kumunot ang noo ko ng ma
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 238

“Ma’am kailangan n’yo na pong umuwi. Tumawag ang iyong ama at ang bilin ay iuwi na kayo sa Villa.” Nang marinig ko ito ay isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Biglang bumigat ang dibdib ko. Four thirty na ng hapon at plano ko sanang takasan ang mga bantay ko upang pumunta sa address na ibinigay sa akin ni Liam. Pero mukhang hindi matutuloy ang tangka kong pagtakas. Isang problemadong buntong hininga ang aking pinakawalan saka tahimik na sumunod. Inilock ko muna ang kubo bago sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay iniisip ko kung paano ko matatakasan ang aking mga bantay. Hindi ako kinakabahan sa gagawin kong ito, bagkus ay matinding excitement ang nararamdaman ko dahil makakasama ko na ang aking asawa. Kahit pa sinabi ni Papâ na walang bisâ ang aming kasal ay mananatili pa ring si Liam ang asawa ko. At hindi ako papayag na maikasal ako sa Hilton na ‘yun, kahit maghalo pa ang balat sa tinalupan! Makalipas ang mahabang biyahe ay pumasok sa loob gate ang
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 239

“My god, Aubrey, pati ba naman dito ay ipapahiya mo pa kami!?” Matigas na sabi ni Paloma na pilit hinihinaan ang boses upang hindi marinig ng ibang tao ang kanyang sasabihin. Halatang nagpipigil lang ito na huwag sumabog sa galit. “Aubrey, what are you doing here?” Naguguluhan na tanong naman ng kanyang ate Felly. Nagtataka ito kung ano ang ginagawa ng kanyang bunsong kapatid dito sa party, gayung kanina lang ay nakiusap pa ito sa kanya para lang matakasan ang kanilang ama. Pero bakit nandito ito ngayon? At ngayon lang din niya naisip na ang suot pala nito ay katulad ng uniporme ng mga waiter dito sa party.Nagtatanong ang mga mata na tumitig siya sa mata ni Aubrey, pero mukhang wala itong maisagot sa kanya. Halatang maging siya ay walang ideya sa mga nangyayari. “Look, what have you’ve done, sinira mo ang gabi ko.” Naiiyak na sa galit na muling sabi ni Paloma. Basâ na kasi ng iba’t-ibang klase ng alak ang maganda niyang damit. Maging ang kanyang paa ay dumudulas na sa suot niyang
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Kabanata 240

“Nagimbal ako at napako sa aking kantatayuan ng mahantad sa harap naming lahat ang tunay na pagkatao ni Liam. Si Mr. Hilton at Liam ay iisang tao lamang. Ito ang paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko. Nanikip bigla ang dibdib ko at parang nahirapan akong huminga. Iyon bang pakiramdam na tila may malaking bato na nakadagân sa dibdib ko? Hindi kaagad ako nakahuma. “A-Anong, anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong ng medyo nahimasmasan ako. Ngunit, ang mga mata ko ay halos hindi na kumukurap sa pagkakatitig sa mukha ni Mr. Hilton. Maging siya ay nakatitig din sa akin na parang kami lang ang tao sa hardin na ‘to. Para sa akin ay napaka tahimik ng paligid at tanging ang malakas na tibôk ng puso ko ang nangingibabaw. Wari moy nagpapakiramdaman lang kami sa isa’t-isa. Maging ang pamilya ko ay halos hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan, ni hindi rin nila magawa magtaas ng tingin, marahil dala ng matinding kahihiyan. Habang sa likod ni Mr. Hilton ay tahimik lang na nakama
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Author ‘s note

Octav Bibi, Nakita ko na, ang ikapito sa magkakapatid si Heidi, ngayon ko lang sya na alala. Ibig sabihin hindi ko pa pwedeng ilagay ang ending. Hahahaha thank you sa pagremind sa akin. Guy’s okay lang ba kung idagdag ko na dito ang story ni Heidi? Naisip ko lang na baka boring na para sa inyo ang takbo ng kwento. Favor naman po, baka pwede, pakibigyan ng review ang libro kong ito sa pinakang page n’ya, masaya na ako kahit isang star na lang. hahaha… Thank you so much, sa mga readers ko na patuloy na tumatangkilik ng mga akda ko kahit na hindi ko maabot ang mataas na expectation n’yo. Kung ano po ang inyong mga nababasa ay iyon lang ang kakayahan ko. MARAMING 4x SALAMAT PO!!!!
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more
PREV
1
...
2223242526
...
30
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status