“Alas syete na ng umaga ng magising ako. Pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa paningin ko ang isang damit na nakabalot sa puting plastic. Lumipat ang tingin ko sa mula sa bubong na gawa sa pawid. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang mga nangyari sa aming mag-asawa nitong nagdaang gabi. Napakagaan ng pakiramdam ko at talagang maganda ang gising ko ngayong umaga. Hindi katulad ng mga nagdaang umaga na sa tuwing gigising ako ay pakiramdam ko para akong isang lata na walang laman, malungkot at ramdam ko ang pag-iisa. Pero ngayon ay masasabi ko na kumpleto ang araw ko. Masiglang bumangon at nag-inat ng aking katawan. Mas lalong gumanda ang aking ngiti ng mula sa nakabukas na bintana ay nakita ko magandang sikat ng araw. Maaliwalas ang panahon ngayon na wari moy nangangako ng isang magandang buhay. Hinila ko ang kumot at itinakip ito sa aking hubad na katawan. Dinampot ko ang plastic at mula dito ay inilabas ang laman nitong damit. Kumunot ang noo ko ng ma
“Ma’am kailangan n’yo na pong umuwi. Tumawag ang iyong ama at ang bilin ay iuwi na kayo sa Villa.” Nang marinig ko ito ay isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Biglang bumigat ang dibdib ko. Four thirty na ng hapon at plano ko sanang takasan ang mga bantay ko upang pumunta sa address na ibinigay sa akin ni Liam. Pero mukhang hindi matutuloy ang tangka kong pagtakas. Isang problemadong buntong hininga ang aking pinakawalan saka tahimik na sumunod. Inilock ko muna ang kubo bago sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay iniisip ko kung paano ko matatakasan ang aking mga bantay. Hindi ako kinakabahan sa gagawin kong ito, bagkus ay matinding excitement ang nararamdaman ko dahil makakasama ko na ang aking asawa. Kahit pa sinabi ni Papâ na walang bisâ ang aming kasal ay mananatili pa ring si Liam ang asawa ko. At hindi ako papayag na maikasal ako sa Hilton na ‘yun, kahit maghalo pa ang balat sa tinalupan! Makalipas ang mahabang biyahe ay pumasok sa loob gate ang
“My god, Aubrey, pati ba naman dito ay ipapahiya mo pa kami!?” Matigas na sabi ni Paloma na pilit hinihinaan ang boses upang hindi marinig ng ibang tao ang kanyang sasabihin. Halatang nagpipigil lang ito na huwag sumabog sa galit. “Aubrey, what are you doing here?” Naguguluhan na tanong naman ng kanyang ate Felly. Nagtataka ito kung ano ang ginagawa ng kanyang bunsong kapatid dito sa party, gayung kanina lang ay nakiusap pa ito sa kanya para lang matakasan ang kanilang ama. Pero bakit nandito ito ngayon? At ngayon lang din niya naisip na ang suot pala nito ay katulad ng uniporme ng mga waiter dito sa party.Nagtatanong ang mga mata na tumitig siya sa mata ni Aubrey, pero mukhang wala itong maisagot sa kanya. Halatang maging siya ay walang ideya sa mga nangyayari. “Look, what have you’ve done, sinira mo ang gabi ko.” Naiiyak na sa galit na muling sabi ni Paloma. Basâ na kasi ng iba’t-ibang klase ng alak ang maganda niyang damit. Maging ang kanyang paa ay dumudulas na sa suot niyang
“Nagimbal ako at napako sa aking kantatayuan ng mahantad sa harap naming lahat ang tunay na pagkatao ni Liam. Si Mr. Hilton at Liam ay iisang tao lamang. Ito ang paulit-ulit na umuukilkil sa isip ko. Nanikip bigla ang dibdib ko at parang nahirapan akong huminga. Iyon bang pakiramdam na tila may malaking bato na nakadagân sa dibdib ko? Hindi kaagad ako nakahuma. “A-Anong, anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong ng medyo nahimasmasan ako. Ngunit, ang mga mata ko ay halos hindi na kumukurap sa pagkakatitig sa mukha ni Mr. Hilton. Maging siya ay nakatitig din sa akin na parang kami lang ang tao sa hardin na ‘to. Para sa akin ay napaka tahimik ng paligid at tanging ang malakas na tibôk ng puso ko ang nangingibabaw. Wari moy nagpapakiramdaman lang kami sa isa’t-isa. Maging ang pamilya ko ay halos hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan, ni hindi rin nila magawa magtaas ng tingin, marahil dala ng matinding kahihiyan. Habang sa likod ni Mr. Hilton ay tahimik lang na nakama
Octav Bibi, Nakita ko na, ang ikapito sa magkakapatid si Heidi, ngayon ko lang sya na alala. Ibig sabihin hindi ko pa pwedeng ilagay ang ending. Hahahaha thank you sa pagremind sa akin. Guy’s okay lang ba kung idagdag ko na dito ang story ni Heidi? Naisip ko lang na baka boring na para sa inyo ang takbo ng kwento. Favor naman po, baka pwede, pakibigyan ng review ang libro kong ito sa pinakang page n’ya, masaya na ako kahit isang star na lang. hahaha… Thank you so much, sa mga readers ko na patuloy na tumatangkilik ng mga akda ko kahit na hindi ko maabot ang mataas na expectation n’yo. Kung ano po ang inyong mga nababasa ay iyon lang ang kakayahan ko. MARAMING 4x SALAMAT PO!!!!
“Aubrey, please… I’m sorry! Sweetheart?” Nagsusumamo na sabi ni Xion habang nakasunod sa aking likuran. Sa kanyang likuran naman ay nakasunod din ang may nasa sampung bodyguard nito. “Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong susundan!” Galit kong bulyaw habang malaki ang mga hakbang na tinatahak ang sementadong daan, kahit hindi ko naman alam ang aking patutunguhan. Masama ang loob ko sa lalaking ito at ayokong makita ang kanyang pagmumukha. Subalit, ang magaling na lalaki ay mukha yatang walang balak na tigilan ako. Nabubwisit na hinubad ang isa kong sapatos saka ito ibinato sa kanyang direksyon. Sa paghinto niya ay siya ring pagtigil sa paghakbang ng kanyang mga bodyguard. Naningkit ang mga mata ko ng walang hirap na sinalo niya ang hinagis kong sapatos. “Sinabi ng tigilan mo na ako! Wala akong asawa! At kung ang kapirasong papel na ‘yan ang pinanghahawakan mo, huwag kang mag-alala! Dahil sa oras na makapag file ako ng annulment ay mawawalan na rin ng silbi ‘yan!” Mukha na akong dr
Mula sa lobby ng WH Mining company, mabilis na gumawa ng tuwid na linya sa magkabilang gilid ng lobby ang mga empleyado, kabilang na sa kanila si Paloma. Makalipas ang ilang minuto ay humimpil ang magarang sasakyan ng kanilang CEO, kaya naman naghanda ang lahat ng mga empleyada ng isang magandang ngiti para sa kanilang boss. Bumukas ang pinto ng sasakyan, bumaba si Mr. William Xion Hilton. Subalit, sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag-iisa, dahil kasunod nitong bumaba ang maganda at bata niyang asawa. Halos sabay napawi ang ngiti sa labi ng lahat, at nagtatanong ang kanilang mga mata kung sino ang babaeng kasama ng kanilang boss. Nang dahil sa kapatid niyang si Winter ay hindi nailabas sa publiko ang nangyaring gulo mula sa kanilang engagement party. Dahilan kung bakit walang nakakakilala kay Aubrey bilang asawa ng CEO nang WH Mining Company. Habang sa dulong bahagi ay nagngingitngit ang kalooban ni Paloma. Sapagkat, iniisip niya na siya dapat ang asawa ng kanilang
“Ang mga palad moy tila palito ng posporo, sa tuwing humahaplos sa aking balat ay lumilikha ng apoy, dahilan kung bakit mabilis na nagliliyab ang aking katawan. “Ohhhh…” Ang bawat ungol na umaalpas sayong mga labi ay tila musika sa aking pandinig. Kumibot dili ay hindi maunawaan kung ano ang nais. Mula sa puting pader at sa malamlam na liwanag ng buwan ay iyong maaninag ang isang anino ng katawan ng lalaki. Kay kisig na nagtaas-baba sa ibabaw ng naglulumiyad na katawan ng babae.Wari moy sumasayaw sa saliw ng musika na tanging sila ang may likha. Kapwa pawisan, naghahabol ng hininga, subalit ayaw paawat sa kanilang kapusukan. Ang makisig na asawang lalaki ay lubos na nagpakitang gilas, sa kanyang asawang babae na labis niyang sinisinta. “Manood ka, iyong saksihan, kung paano kong pagpalain ang iyong yaman. Walang sinuman ang makapapantay sa dalisay kong pagsinta. Sapagka’t nais kong malaman mo, ang puso mo ay tumitibok para lang sa akin…“Hmmmm…” umungol ka mahal ko, lasapin mo
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a