Share

Kabanata 256

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2024-12-15 21:08:17

“Centro Draconis para la Agencia de Inteligencia”

“¡Felicidades, lo lograste! Todo el departamento está orgulloso de ti, Cenizas. Eres realmente impresionante, por eso no me sorprende que hayas completado tu misión tan rápido. “

(Congratulations, you made it. Proud sayo ang buong ahensya,Cenizas (Cenizas as a code name, means Ash). Magaling ka talaga kaya hindi na ako magtataka na matatapos mo ng ganun kabilis ang misyon mo.)

Masayang bati sa akin ni Feliña. Limang taon ang tanda niya sa akin. Kaya, hindi ko lang siya basta kaibigan kundi siya rin ang nagsisilbing ate ko sa aming grupo.

“Gracias! Y todo esto es gracias a ti.” (Thank you! At ang lahat ng ito ay dahil sa sayo.)

Nakangiti kong sagot bago kami nagbitiw mula sa mahigpit na pagkakayakap.

“Cenizas, Tienes que reportarte a la oficina del señor. Por cierto, felicidades.” (kailangan mong mag report sa opisina ni Sir, by the way congratulations.) Ani ng isang kasamahan ko sabay lahad ng kanyang palad sa aking harap
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 257

    “S-Sir Heidi!” Naibulalas ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Sir at parang gusto na ako nitong sakalin. Halatang galit ito dahil sa nagngangalit niyang mga bagang.“Where have you been? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi kang mag-isa dito sa Mansion!?” Sunod-sunod na tanong nito na parang akala moy isang takure na nag-aalburuto. Napalunok ako ng ng wala sa oras, bumuka-sara ang aking bibig ngunit tila natatakot naman ako sa mga salitang lalabas sa aking bibig. “S-sorry po, masama talaga ang pakiramdam ko dahil talagang masakit na ang pusôn ko. Kaya hindi na ako nakabalik sayo para sana magpaalam.” Ewan ko lang kung narinig niya ang sagot ko dahil sa hina ng boses ko. “Uminom ka na ba ng gamot?” Masungit niyang tanong, para akong tanga na biglang napangiti sa tanong nito. Kasi naman, kahit pa-suplado ang pagkakatanong niya sa akin ay ewan ko ba, parang kinilig pa yata ako.“Yes, Sir.” Nakangiti kong sagot.“What’s funny?” Muling tano

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 258

    Pagkatapos ng nangyaring eksena sa pagitan namin ni Sir Heidi ay muli siyang bumalik sa pagiging suplado. Ang mas ikinalulungkot ko pa ay tila iniiwasan na rin ako nito. Kakausapin lang niya ako kapag may kailangan siyang ibilin sa akin. Kung tutuusin, dapat wala akong pakialam kahit balewalain niya ako dahil hindi ko naman siya kaano-ano. And besides mas mainam na ito, dahil darating ang panahon na kailangan kong umalis ng bansa upang harapin ang problemang kinakaharap ko. Pero, bakit ganun? Parang pinipiga ang puso ko, lalo na sa tuwing dadaan siya sa aking harapan na para bang hindi ako nag-exist sa kanyang paningin. Sa tuwing iniiwasan niya namagawi ang kanyang paningin sa aking mukha ay ibayong sakit ang kaakibat nito sa puso ko. Kung tutuusin ay wala naman akong maalala na ginawa kong kasalanan sa kanya para pakitunguhan ako ng ganito. “Ahm, excuse me, Sir. Gusto ko sanang magpaalam na mag day-off bukas.” Paalam ko pa sa malumanay na tinig habang nakatayo sa harap nito. N

    Huling Na-update : 2024-12-16
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 259

    Natapos na kami’t lahat sa pamimili ng mga gamit na kailangan ko ay hindi pa rin ako pinapansin ni Sir Heidi. At ngayon ay kasalukuyan na tinatahak namin ang direksyon patungo sa isang mamahaling restaurant na matatagpuan pa rin dito sa loob ng Mall. Habang da aming likuran ay bitbit ng dalawang tauhan ni Sir Heidi ang aming mga pinamili. Halos si Sir ang nagbayad ng lahat nang mga pinamili namin kaya naman mas lalo akong hindi matahimik. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago mabilis na inabot ko ang kanang kamay ni Sir— sabay lingon sa ibang direksyon. “Sorry.” Isang simpleng salita ang tanging namutawi sa bibig ko at sinadya ko pang higpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Wala akong natanggap na anumang sagot mula sa kanya, kaya naman mas lalo akong nainis. “Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong masamang ginagawa sayo ah.” Malungkot kong tanong, natigilan ako ng humigpit ang kapit ng kamay niya sa kamay ko. Ang lalaking ito masyadong pakipot.

    Huling Na-update : 2024-12-16
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 260

    Kahit kalmado ako habang naglalakad ay palihim kong pinakikiramdaman ang dalawang tauhan ni sir Heidi na nakasunod sa aking likuran—may tatlong dipâ ang layo nila sa akin.Pasimple kong sinisipat ng tingin ang bawat pader na aking madaanan. Nang makita ko ang isang fire alarm ay lumingon-lingon ako sa paligid na kunway hinahanap ang pangalan ng restroom. Hanggang sumabit ang kanang paa ko sa kaliwang paa ko. Na out of balance ako, mabilis akong kumapit sa pader upang hindi matumba sa sahig. Naramdaman ko ang akmang paglapit sa akin ng mga tauhan ni Sir Heidi kaya bago pa man sila tuluyang makalapit ay mabilis ko ng napindot ang fire alarm. Lumikha ito ng malakas na ingay at nabulabog ang lahat ng tao sa loob ng Mall. Sinamantala ko ang pagkakataon, mabilis akong humalo sa mga taong nagkakagulo na ngayon ay papunta sa direksyon ko. Nakita ko na nataranta ang dalawang tauhan ni Sir Heidi ng bigla akong nawala sa kanilang paningin.Tinahak ko ang direksyon kung saan ay walang madadamay

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 261

    Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid ni Alesha. Eleven thirty na ng gabi, ngunit hindi pa rin siya makatulog. Ang tanging naririnig lang niya ay ang tibôk ng kanyang puso na sumasabay sa tunog ng orasan. “Huh…” isang mahabang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago muling pumihit ng higa paharap sa kabilang side ng kama. Wala pang segundo ay muli na naman siyang nagpakawala ng mabigat na buntong hininga at bumalik sa dating posisyon. Pagkatapos ng apat na tunog mula sa galaw ng orasan ay muli na naman siyang kumilos. Tumihaya ng higa at tumitig sa maputing kisame. Mula sa dilim ay dilat na dilat ang kanyang mga mata. Kay damot ng antok sa kanya, at sa tuwing susubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata, ang imahe naman ng kanyang boss ang lumilitaw sa kanyang diwa. “Ano bang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko ay para na akong masisiraan ng bait.” Himutok pa ni Alesha bago muling nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga.SA kabilang banda, mula

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 262

    Naalimpungatan ako dahil sa isang halik na dumampi sa mga labi ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko ng yakapin ng aking mga braso ang leeg ni Heidi. Nakadapa kasi ito sa ibabaw ko. Marahil, kahit sinong babae ang nasa sitwasyon ko ay siguradong maganda ang gising kung ganito kalambing at ka-gwapo ang gigising sayo. “How’s your feeling?” Malambing niyang tanong. “Not good.” Nakangiti kong sagot, masakit kasi ang katawan ko dahil sa maraming beses na may nangyari sa amin. Alas kwatro na nga kami nakatulog at sa tingin ko ay alas nueve na ng umaga. Ilang araw na kaming ganito, para kaming mag-asawa na tanging kasal na lang ang kulang. Pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa paningin ko ang masiglang mukha ng boss ko. Para itong isang halaman na bagong dilig, nakakahawa ang magandang ngiti niya sa labi. Finally, nakita ko rin ang totoong Heidi, ngayon ko napatunayan na hindi talaga siya masama na tulad ng nakikita ko sa kanya noon. “I’m sorry.” Malambing niyang samb

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 263

    “Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang madilim na kwarto. Nagtataka na hinagilap ko ang switch ng ilaw,. Ngunit, bago ko pa man ito mapindot ay biglang gumapang ang liwanag mula sa maliit na lampshade. “Happy Anniversary!" Masayang bati ni Divina, napangiti ako ng makita ko ang magandang mukha nito, lalo na ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi. Mula sa mukha ng aking fiance ay lumipat ang tingin ko sa hawak nitong maliit na box na may lamang cake na hugis puso. Ito na ang ikapitong anniversary naming magkasintahan. She’s not my first girlfriend, pero bukod tanging siya lang ang sineryoso ko at inalok ng kasal. Siya lang din ang babae na nakikita kong karapat dapat na iharap sa dambana. Last year pa ako nag proposed ng kasal sa kanya ay ngayong buwan pa lang magkakaroon ng katuparan ang aming kasal. Dapat nung araw na inalok ko siya ng kasal ay sunod na buwan na dapat gaganapin ang ang aming kasal. Subalit, hindi nangyari ang gusto ko, dahil nakiusap siya na ipagpali

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 264

    Mabilis na nag-init ang ulo ni Heidi ng makita ang pagmumukha ng babaeng pumasok sa pintuan ng kanyang opisina. After four years muli na naman itong nagpakita sa kanya. Mabilis na pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin ito nagbabago, medyo nag matured lang ang mukha nito. Siya pa rin ang dating Divina, isang babaeng liberated, maluho at manloloko. Sa muli nilang paghaharap ay ngayon niya napagtanto, na dapat ay magpasalamat pa siya sa ginawang pang-iiwan ng babaeng ito sa kanya. Sapagkat mula sa kanyang isipan ay lumitaw ang inosenteng mukha ng kanyang nobya. Hindi niya magawang pagkumparahin ang dalawang babae, dahil para sa kanya ay hindi mapapantayan ng babaeng ito ang kanyang si Alesha sa kahit na saang aspeto. “Sino ang nagbigay pahintulot sayo na pumasok dito sa aking opisina ng walang appointment?” Matigas na tanong ni Heidi habang isang nakamamatay na tingin ang ipinupukol niya dito—ang pagtrato niya kay Divina ay isang ordinaryong tao lam

    Huling Na-update : 2024-12-19

Pinakabagong kabanata

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Author’s note

    Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 290

    “Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 289

    Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 288

    “Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 287

    “Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 286

    “Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Author’s note

    Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 285

    ““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa

  • The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]   Kabanata 284

    (Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status