“Anyway Andrew, ikaw ang maghahatid sa kanya pauwi. Ate Ano, siya ang maghahatid sayo.”Kaagad naman napatitig si Serena kay Gabriel. Nahuli nila ang paningin ng bawat-isa kaya magkasabay nilang inilayo ang paningin nila.Halos nais nang ngumiti ni Atlas sa kanyang nasasaksihan.“Teka naman Justin. Tinawagan mo ba siya para siya ang maghatid sa akin?” Hindi na hinintay pa ni Serena ang sagot niya, lumingon na siya kay Atlas. “Ay hindi. Wag mo na akong ihatid. Nakaabala pa ako sa trabaho.”“At paano ka makakauwi?” Si Gabriel. “Tss.”Humaba bigla ang nguso ni Serena. “Hindi ba ikaw ang dahilan kung bakit andito ako?”“Oo, ako nga ang dahilan ngunit naitanong mo ba sa sarili mo kung bakit. Ahh alam ko na Ate Ano, gusto mong ako ang maghatid sayo?”“Hmmm… Justin naman.” Napabuntong-hininga ang dalaga lalo na nga nanumbalik sa isipan niya ang nangyari kagabi. “Nakakahiya kasi kay Andrew.”“Tsk. Kapag sinabi ko siya ang makakasama mo sa pag-uwi, ay walang iba kundi siya.”“Pakingan mo nga an
Last Updated : 2024-07-27 Read more