Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 64: Unusual Morning

Share

Chapter 64: Unusual Morning

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2024-07-26 15:35:50
Dahil mayroong nakasanayan na oras si Gabriel para magising, puyat man o pagod, kinulang man ng tulog, sanay siyang magising ng alas otso ng umaga o maaga pa roon.

At ngayon ng magising siya hindi sa kanya pamiliar ang kisameng namulatan niya. Kaagad naman niyang naunawaan na wala siya sa kanyang sariling silid. Nang lumingon siya sa kanyang katabi…

Nagpakawala siya ng hininga.

Maari naman palang matulog ang dalaga na hindi gumagalaw.

Ganoon parin ang posisyon ni Serena.

Nakaharap sa kanya….

Mahimbing parin ang tulog nito.

At siya itong walang tulog masyado ngunit siya pa itong mas naunang nagising kay Serena. At mas nakakabuti na yun kesa nga gisingin siya nito saka magtanong kung bakit sila magkatabi.

Bumangon na si Gabriel.

Kung nasa mansion siya ang Mayordoma ang sa tuwinang nagbubukas ng mga bintana sa silid niya at pintuan papunta sa may terrace.

Ngayon, siya ang gagawa…

Binuksan nga niya ang pinto ng terrace at sumalubong sa kanyang paningin ang maagang sikat ng araw. Kagabi hin
Death Wish

Hi Readers! This is a comeback series from Deathwish! Drop your comment and Review! Kamsamida!

| 1
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 65: Trying to Cover Up

    Nang maibaba ni Atlas ang telephono kaagad siya napalingon sa pintuan ng bumukas ito. Hindi na siguro napigilan ng assistant niya ang mga ito na makapasok sa kanyang opisina.Ang dalawang ama-amahan ni Gabriel.“Magandang umaga Atty. Oxford, magandang umaga, Dr. Seneca.” Bati niya dito na may ngiti sa kanyang labi kahit paano.“Magandang umaga rin Atlas. Hindi mo kasama si Gabriel?” Si Oxford.Saka naman naupo ang dalawa sa sofa na tila ba magtatagal sila roon. Kailangan pa namang umalis kaagad ni Atlas.“Hindi ho,” Bilang tugon sa dalawang pares ng mga mata na nakatitig sa kanya.“Alam mo bang hindi umuwi ng Manor si Gabriel kagabi? Ang tanong lang namin nagkaroon ba siya ng emergency flight? Na hindi ka kasama?”Dahil alam nang dalawang ama-amahan ni Gabriel na impossible iyon. Palaging nakabuntot kay Gabriel si Atlas sa tuwinang lumalabas ito ng bansa.“Wala rin ho.”Napasenyas siya sa kanyang assistant na lumapit para nga igawa ng tsaa ang dalawang ama-amahan ni Gabriel.“Wag ka n

    Huling Na-update : 2024-07-26
  • Taming the Sunshine   Chapter 66: His Knight

    Chapter 66: His Knight Isang malakas na hatak ng pagka-umpog ang dahilan upang magising si Serena. Sapat na ata para malusaw ng tuluyan kung ano man ang napanaginipan niya at dalhin na nga siya sa tunay na mundo.Medyo kasi mataas ang kama at hindi nga siya hinayaan ni Gabriel na mahulog doon kagabi.Kaagad na napakamot sa kanyang ulo at ng imulat niya ang kanyang mga mata… Hindi niya kaagad nakilala ang silid na siyang ikinabangon niya.Ngunit…Naalala naman niya kaagad ang nangyari kagabi.Na yung binata…Sinuntok si Liam…Hinila siya nito palabas ng gusali…At pinatakbo nito ng mabilis ang sasakyan dahil hinahabol sila ng tauhan ni Liam…At napadpad nga sila sa hotel na ito.Ngunit napatitig siya sa kama… At sa sofa… Hindi ba sa sofa siya natulog kagabi?At nasaan yung binata?Nanlaki ang mga mata niya dahil sa takot na iniwan siya nito na wala man lang siyang pera para maka-uwi… At paano na kung may kailangan pa bayaran sa hotel?Hinanap nga niya ang binata sa silid pero hindi ni

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 67: At the Hotel

    Ang tungkol sa baril…Hindi aakalain ni Atlas na magdadala ng bagay na iyon kagabi ang boss niya. Ito ang unang pagkakataon at nang dahil lang iyon sa babae.Babae?At si Miss Serena iyon.May nararamdaman na ba ang boss niya sa dalaga? Ngunit halata naman na tanging-tangi parin si Gabriel.“Kailangan namin ipa-verify ang documento Sir. Parating na din ang mga autoridad ngunit sana maunawaan niyo na ginagawa namin ito para walang maging problema. Halata naman na orihinal ang mga papelis na dala niyo tungkol sa baril at ang may ari nga iyong boss mo. Inaalala kasi namin kailangan namin higpitan ang securidad dahil maraming dayuhan ang naririto sa gusali. Ang tanong na kung bakit may dala nito ang boss mo ay ang autoridad ang magsasabi kung reasonable ba talaga na magdala siya nito.”Ngumiti lamang si Atlas sa kanyang narinig. Dahil kung ibang pangalan ang ginamit ng boss niya ngayon, ibig sabihin wala silang magagawa kundi sabihin kung sino nga ba talaga ito. At ang mag-aayos nga ng pro

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine    Chapter 68: Meeting Her in Person

    Alam ni Atlas na mauunawaan ni Gabriel kung bakit niya kailangan tawagan si Oxford. Kung hindi baka makarating ang bagay na ito sa taga-media at hindi iyon maganda. Tanging ang mga tauhan lamang ni Oxford ang makakagawa ng bagay para harangin ang impormasyon na makalabas. Dumating naman ang mga tauhan ni Oxford at inayos ang lahat sa legal paraan. Pinakita ang ilang dokumento tungkol sa baril at kung sino talaga ang binatang kumuha ng silid kagabi. Ngunit hindi mawawala ang suhol upang hindi makalabas ang impormasyon na iyon.Alam din ni Atlas na malalaman at malalaman ng ama-amahan ni Gabriel ang nangyari kagabi at kung sino nga ba ang kasama nito. Tiyak mabubunutan ng tinik ang mga ito sa kanilang maririnig.Kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Gabriel ngunit naalala niya na parang wala itong dalang phone dahilan upang gumamit ito ng code niya at tumawag nga sa Customer Service ng Aquinas Group. Sa kailangan ni Atlas makausap ang kanyang boss tumungo siya sa silid nito at

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 69: How Could It Be?

    “Anyway Andrew, ikaw ang maghahatid sa kanya pauwi. Ate Ano, siya ang maghahatid sayo.”Kaagad naman napatitig si Serena kay Gabriel. Nahuli nila ang paningin ng bawat-isa kaya magkasabay nilang inilayo ang paningin nila.Halos nais nang ngumiti ni Atlas sa kanyang nasasaksihan.“Teka naman Justin. Tinawagan mo ba siya para siya ang maghatid sa akin?” Hindi na hinintay pa ni Serena ang sagot niya, lumingon na siya kay Atlas. “Ay hindi. Wag mo na akong ihatid. Nakaabala pa ako sa trabaho.”“At paano ka makakauwi?” Si Gabriel. “Tss.”Humaba bigla ang nguso ni Serena. “Hindi ba ikaw ang dahilan kung bakit andito ako?”“Oo, ako nga ang dahilan ngunit naitanong mo ba sa sarili mo kung bakit. Ahh alam ko na Ate Ano, gusto mong ako ang maghatid sayo?”“Hmmm… Justin naman.” Napabuntong-hininga ang dalaga lalo na nga nanumbalik sa isipan niya ang nangyari kagabi. “Nakakahiya kasi kay Andrew.”“Tsk. Kapag sinabi ko siya ang makakasama mo sa pag-uwi, ay walang iba kundi siya.”“Pakingan mo nga an

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 70: Special Woman

    Pansin ni Atlas kung paano sakyan ni Serena ang pagkatao ni Gabriel. Hindi ito kaagad nasisindak kundi inaasar pa ito ng dalaga. Sa nakikita niya, nahanap na ng boss niya ang pangpang nito.Pagkatapos nilang kumain, kusang kumilos si Serena para iligpit ang pinagkainan nila kahit nga nagpatawag na ng Room Service si Gabriel. Tumulong parin ito sa pagliligpit.Kaya nakausap ni Atlas si Gabriel sa ilang detalye na maaring maibigay nito sa kanya.Nang makalabas na ang mga tauhan ng hotel sa silid kaagad naman lumapit si Serena sa kanila. Ngunit dismayado siya dahil wala siyang maunawaan sa pinag-uusapan ng dalawa. Gumagamit kasi ito ng lengwahe na hindi niya maunawaan.Hangang sa lumingon ang mga ito sa kanya.“Anong pinag-usapan ninyo? At anong lengwahe iyon?”“Tss.” Yun ang tugon ni Gabriel habang nanatili namang nakangiti si Atlas sa kanya.“Ibang klase din talaga ang bangungot. Kina-career ang pagiging bangungot.”“Miss Serena, sumama na kayo sa akin.” Si Atlas.“Uuwi na ako?”Napatan

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 71: His Informant

    Habang papunta sa malapit na boutique si Atlas tinawagan niya ang tauhan na kinuha upang sundan at alamin kung ano nga ang ginagawa ng dalaga sakali man magtanong si Gabriel tungkol sa dalaga. Isang babae na mahusay ngang ginagawa ang trabaho nito. Tiyak alam na alam nito ang pangyayari kagabi. At yun ang kailangan na alamin ni Atlas upang ma-analisa niya ang sitwasyon at mabigyan ng nararapat na sulosyon ang problema ni Serena. Kung ano nga ba ang idadahilan sa pamilya nito, kung bakit nga ito hindi umuwi kagabi. At kung sakali man na naalarma din si Liam sa pangyayari.Nang marinig niya ang kwento pagkatapos nga tangayin ni Gabriel si Serena, may kailangan lamang siyang linawin.“Sigurado ka ba na hindi nakilala ni Sir Liam si Master Gabriel?”“Walang nakakilala Sir, kung hindi niyo nga rin sinabi sa akin na si Master Gabriel ang lalaking tumangay kay Miss Serena hindi ko rin siya makikilala. Walang sino man ang nakakilala sa kanya lalo na ang mga tauhan na kasama niya noong gabing i

    Huling Na-update : 2024-07-28
  • Taming the Sunshine   Chapter 72: Her Tasks and Promises

    Dala ang pinamili ni Atlas dumiretso siya papunta sa silid at nadatnan niyang nakikipagsagutan ang dalaga kay Gabriel. Na ni minsan hindi ito nangyari kailan man lalo na sa isang babae…Ano nga bang mahika ang mayroon kay Serena kung bakit nagagawa ni Gabriel ang mga bagay na ito?Makipagsagutan sa mga bagay na wala namang kinalaman tungkol sa kompanya…Magsayang ng oras…At higit sa lahat ang iligtas si Serena sa panganib. “Yung laway mo halos matuyo na sa damit ko—.”“Kasalanan ko bang tumabi ako sayo? Nakita mo nang natutulog na ako sa sofa, ikaw yung naka-isip na gawin yun. Kaya wag mo akong sisihin kung sa tingin mo nga naging bangungot ang gabi mo.”“Tsk. Kung alam ko lang talaga. Tsk. Naglalaway ka, hindi ko nga ginawa iyon at hinayaan ka na maging mop ng sahig.”“Ngunit wag mo akong sisihin sa bagay na—”Napaubo si Atlas para makuha ang attention ng dalawa. Napalingon naman ang dalawa sa kanya ngunit napa-iling si Gabriel dahil…“Ayan. Pabaya ka. Hindi mo man lang sinarhan an

    Huling Na-update : 2024-07-28

Pinakabagong kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 195 That bad...

    Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit

  • Taming the Sunshine   Chapter 194 Death Hope

    Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas

  • Taming the Sunshine   Chapter 193 Don’t Provoke Him

    Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k

  • Taming the Sunshine   Chapter 192 Why Him?

    Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma

  • Taming the Sunshine   Chapter 191 Too Mean

    Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy

  • Taming the Sunshine   Chapter 190 Talked With

    Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um

  • Taming the Sunshine   Chapter 189 Lexie? Her Tutor

    Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da

  • Taming the Sunshine   Chapter 188 Sabotaging Her?

    Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang

  • Taming the Sunshine   Chapter 187 Mrs. Gabriel Aquinas

    Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status