Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 65: Trying to Cover Up

Share

Chapter 65: Trying to Cover Up

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2024-07-26 15:37:14

Nang maibaba ni Atlas ang telephono kaagad siya napalingon sa pintuan ng bumukas ito. Hindi na siguro napigilan ng assistant niya ang mga ito na makapasok sa kanyang opisina.

Ang dalawang ama-amahan ni Gabriel.

“Magandang umaga Atty. Oxford, magandang umaga, Dr. Seneca.” Bati niya dito na may ngiti sa kanyang labi kahit paano.

“Magandang umaga rin Atlas. Hindi mo kasama si Gabriel?” Si Oxford.

Saka naman naupo ang dalawa sa sofa na tila ba magtatagal sila roon. Kailangan pa namang umalis kaagad ni Atlas.

“Hindi ho,” Bilang tugon sa dalawang pares ng mga mata na nakatitig sa kanya.

“Alam mo bang hindi umuwi ng Manor si Gabriel kagabi? Ang tanong lang namin nagkaroon ba siya ng emergency flight? Na hindi ka kasama?”

Dahil alam nang dalawang ama-amahan ni Gabriel na impossible iyon. Palaging nakabuntot kay Gabriel si Atlas sa tuwinang lumalabas ito ng bansa.

“Wala rin ho.”

Napasenyas siya sa kanyang assistant na lumapit para nga igawa ng tsaa ang dalawang ama-amahan ni Gabriel.

“Wag ka n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 66: His Knight

    Chapter 66: His Knight Isang malakas na hatak ng pagka-umpog ang dahilan upang magising si Serena. Sapat na ata para malusaw ng tuluyan kung ano man ang napanaginipan niya at dalhin na nga siya sa tunay na mundo.Medyo kasi mataas ang kama at hindi nga siya hinayaan ni Gabriel na mahulog doon kagabi.Kaagad na napakamot sa kanyang ulo at ng imulat niya ang kanyang mga mata… Hindi niya kaagad nakilala ang silid na siyang ikinabangon niya.Ngunit…Naalala naman niya kaagad ang nangyari kagabi.Na yung binata…Sinuntok si Liam…Hinila siya nito palabas ng gusali…At pinatakbo nito ng mabilis ang sasakyan dahil hinahabol sila ng tauhan ni Liam…At napadpad nga sila sa hotel na ito.Ngunit napatitig siya sa kama… At sa sofa… Hindi ba sa sofa siya natulog kagabi?At nasaan yung binata?Nanlaki ang mga mata niya dahil sa takot na iniwan siya nito na wala man lang siyang pera para maka-uwi… At paano na kung may kailangan pa bayaran sa hotel?Hinanap nga niya ang binata sa silid pero hindi ni

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 67: At the Hotel

    Ang tungkol sa baril…Hindi aakalain ni Atlas na magdadala ng bagay na iyon kagabi ang boss niya. Ito ang unang pagkakataon at nang dahil lang iyon sa babae.Babae?At si Miss Serena iyon.May nararamdaman na ba ang boss niya sa dalaga? Ngunit halata naman na tanging-tangi parin si Gabriel.“Kailangan namin ipa-verify ang documento Sir. Parating na din ang mga autoridad ngunit sana maunawaan niyo na ginagawa namin ito para walang maging problema. Halata naman na orihinal ang mga papelis na dala niyo tungkol sa baril at ang may ari nga iyong boss mo. Inaalala kasi namin kailangan namin higpitan ang securidad dahil maraming dayuhan ang naririto sa gusali. Ang tanong na kung bakit may dala nito ang boss mo ay ang autoridad ang magsasabi kung reasonable ba talaga na magdala siya nito.”Ngumiti lamang si Atlas sa kanyang narinig. Dahil kung ibang pangalan ang ginamit ng boss niya ngayon, ibig sabihin wala silang magagawa kundi sabihin kung sino nga ba talaga ito. At ang mag-aayos nga ng pro

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine    Chapter 68: Meeting Her in Person

    Alam ni Atlas na mauunawaan ni Gabriel kung bakit niya kailangan tawagan si Oxford. Kung hindi baka makarating ang bagay na ito sa taga-media at hindi iyon maganda. Tanging ang mga tauhan lamang ni Oxford ang makakagawa ng bagay para harangin ang impormasyon na makalabas. Dumating naman ang mga tauhan ni Oxford at inayos ang lahat sa legal paraan. Pinakita ang ilang dokumento tungkol sa baril at kung sino talaga ang binatang kumuha ng silid kagabi. Ngunit hindi mawawala ang suhol upang hindi makalabas ang impormasyon na iyon.Alam din ni Atlas na malalaman at malalaman ng ama-amahan ni Gabriel ang nangyari kagabi at kung sino nga ba ang kasama nito. Tiyak mabubunutan ng tinik ang mga ito sa kanilang maririnig.Kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Gabriel ngunit naalala niya na parang wala itong dalang phone dahilan upang gumamit ito ng code niya at tumawag nga sa Customer Service ng Aquinas Group. Sa kailangan ni Atlas makausap ang kanyang boss tumungo siya sa silid nito at

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 69: How Could It Be?

    “Anyway Andrew, ikaw ang maghahatid sa kanya pauwi. Ate Ano, siya ang maghahatid sayo.”Kaagad naman napatitig si Serena kay Gabriel. Nahuli nila ang paningin ng bawat-isa kaya magkasabay nilang inilayo ang paningin nila.Halos nais nang ngumiti ni Atlas sa kanyang nasasaksihan.“Teka naman Justin. Tinawagan mo ba siya para siya ang maghatid sa akin?” Hindi na hinintay pa ni Serena ang sagot niya, lumingon na siya kay Atlas. “Ay hindi. Wag mo na akong ihatid. Nakaabala pa ako sa trabaho.”“At paano ka makakauwi?” Si Gabriel. “Tss.”Humaba bigla ang nguso ni Serena. “Hindi ba ikaw ang dahilan kung bakit andito ako?”“Oo, ako nga ang dahilan ngunit naitanong mo ba sa sarili mo kung bakit. Ahh alam ko na Ate Ano, gusto mong ako ang maghatid sayo?”“Hmmm… Justin naman.” Napabuntong-hininga ang dalaga lalo na nga nanumbalik sa isipan niya ang nangyari kagabi. “Nakakahiya kasi kay Andrew.”“Tsk. Kapag sinabi ko siya ang makakasama mo sa pag-uwi, ay walang iba kundi siya.”“Pakingan mo nga an

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 70: Special Woman

    Pansin ni Atlas kung paano sakyan ni Serena ang pagkatao ni Gabriel. Hindi ito kaagad nasisindak kundi inaasar pa ito ng dalaga. Sa nakikita niya, nahanap na ng boss niya ang pangpang nito.Pagkatapos nilang kumain, kusang kumilos si Serena para iligpit ang pinagkainan nila kahit nga nagpatawag na ng Room Service si Gabriel. Tumulong parin ito sa pagliligpit.Kaya nakausap ni Atlas si Gabriel sa ilang detalye na maaring maibigay nito sa kanya.Nang makalabas na ang mga tauhan ng hotel sa silid kaagad naman lumapit si Serena sa kanila. Ngunit dismayado siya dahil wala siyang maunawaan sa pinag-uusapan ng dalawa. Gumagamit kasi ito ng lengwahe na hindi niya maunawaan.Hangang sa lumingon ang mga ito sa kanya.“Anong pinag-usapan ninyo? At anong lengwahe iyon?”“Tss.” Yun ang tugon ni Gabriel habang nanatili namang nakangiti si Atlas sa kanya.“Ibang klase din talaga ang bangungot. Kina-career ang pagiging bangungot.”“Miss Serena, sumama na kayo sa akin.” Si Atlas.“Uuwi na ako?”Napatan

    Huling Na-update : 2024-07-27
  • Taming the Sunshine   Chapter 71: His Informant

    Habang papunta sa malapit na boutique si Atlas tinawagan niya ang tauhan na kinuha upang sundan at alamin kung ano nga ang ginagawa ng dalaga sakali man magtanong si Gabriel tungkol sa dalaga. Isang babae na mahusay ngang ginagawa ang trabaho nito. Tiyak alam na alam nito ang pangyayari kagabi. At yun ang kailangan na alamin ni Atlas upang ma-analisa niya ang sitwasyon at mabigyan ng nararapat na sulosyon ang problema ni Serena. Kung ano nga ba ang idadahilan sa pamilya nito, kung bakit nga ito hindi umuwi kagabi. At kung sakali man na naalarma din si Liam sa pangyayari.Nang marinig niya ang kwento pagkatapos nga tangayin ni Gabriel si Serena, may kailangan lamang siyang linawin.“Sigurado ka ba na hindi nakilala ni Sir Liam si Master Gabriel?”“Walang nakakilala Sir, kung hindi niyo nga rin sinabi sa akin na si Master Gabriel ang lalaking tumangay kay Miss Serena hindi ko rin siya makikilala. Walang sino man ang nakakilala sa kanya lalo na ang mga tauhan na kasama niya noong gabing i

    Huling Na-update : 2024-07-28
  • Taming the Sunshine   Chapter 72: Her Tasks and Promises

    Dala ang pinamili ni Atlas dumiretso siya papunta sa silid at nadatnan niyang nakikipagsagutan ang dalaga kay Gabriel. Na ni minsan hindi ito nangyari kailan man lalo na sa isang babae…Ano nga bang mahika ang mayroon kay Serena kung bakit nagagawa ni Gabriel ang mga bagay na ito?Makipagsagutan sa mga bagay na wala namang kinalaman tungkol sa kompanya…Magsayang ng oras…At higit sa lahat ang iligtas si Serena sa panganib. “Yung laway mo halos matuyo na sa damit ko—.”“Kasalanan ko bang tumabi ako sayo? Nakita mo nang natutulog na ako sa sofa, ikaw yung naka-isip na gawin yun. Kaya wag mo akong sisihin kung sa tingin mo nga naging bangungot ang gabi mo.”“Tsk. Kung alam ko lang talaga. Tsk. Naglalaway ka, hindi ko nga ginawa iyon at hinayaan ka na maging mop ng sahig.”“Ngunit wag mo akong sisihin sa bagay na—”Napaubo si Atlas para makuha ang attention ng dalawa. Napalingon naman ang dalawa sa kanya ngunit napa-iling si Gabriel dahil…“Ayan. Pabaya ka. Hindi mo man lang sinarhan an

    Huling Na-update : 2024-07-28
  • Taming the Sunshine   Chapter 73: Curious

    Nang makaalis si Serena at si Atlas napa-iling na lamang si Gabriel sa kanyang sarili.Yung babaing iyon…May kung ano sa kanyang kahiwagaan na ginagawa…Napabuntong-hininga siya.At hindi niya maunawaan kung anong hiwaga nga ang nangyayari sa kanya. Tipong hindi niya makilala ang kanyang sarili.Sa pagpasok niya sa hotel… Natigilan siya sa paglalakad… At ipinikit ang kanyang mga mata.“Tsk.”Sa likuran lang naman niya ang mga tauhan niya… At kung hindi rin siya nagkakamali mga tauhan din ni Oxford. Napangisi si Gabriel. Ang mga tao sa paligid nagtataka kung sino siya hangang sa may nakakilala nga sa kanya. Lalo na ang mga tauhan ng hotel. Sa lugar na iyon marami ang nakakita na kasama niya yung dalaga. At natitiyak niyang nakarating na ang balitang ito sa mga ama-amahan niya.Ama-amahan niya na nagkakamali ng iniisip kung lumulundag na ito sa tuwa.Kaya naman hindi na niyang nagawang bumalik sa silid. Ano naman ang gagawin niya roon kung andito na nga ang mga tauhan niya? At sa labas

    Huling Na-update : 2024-07-28

Pinakabagong kabanata

  • Taming the Sunshine   Chapter 190 Talked With

    Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um

  • Taming the Sunshine   Chapter 189 Lexie? Her Tutor

    Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da

  • Taming the Sunshine   Chapter 188 Sabotaging Her?

    Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang

  • Taming the Sunshine   Chapter 187 Mrs. Gabriel Aquinas

    Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala

  • Taming the Sunshine   Chapter 186 His Dare 

    Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k

  • Taming the Sunshine   Chapter 185 His Words 

    Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at

  • Taming the Sunshine   Chapter 184 Realization

    Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine

  • Taming the Sunshine   Chapter 183 Consequences was Served

    Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige

  • Taming the Sunshine   Chapter 182 His Relatives

    Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy

DMCA.com Protection Status