Hi readers! Mind to drop comments and Review! Also, you might want to share your votes! Thank you so much! More votes, more updates!
Dala ang pinamili ni Atlas dumiretso siya papunta sa silid at nadatnan niyang nakikipagsagutan ang dalaga kay Gabriel. Na ni minsan hindi ito nangyari kailan man lalo na sa isang babae…Ano nga bang mahika ang mayroon kay Serena kung bakit nagagawa ni Gabriel ang mga bagay na ito?Makipagsagutan sa mga bagay na wala namang kinalaman tungkol sa kompanya…Magsayang ng oras…At higit sa lahat ang iligtas si Serena sa panganib. “Yung laway mo halos matuyo na sa damit ko—.”“Kasalanan ko bang tumabi ako sayo? Nakita mo nang natutulog na ako sa sofa, ikaw yung naka-isip na gawin yun. Kaya wag mo akong sisihin kung sa tingin mo nga naging bangungot ang gabi mo.”“Tsk. Kung alam ko lang talaga. Tsk. Naglalaway ka, hindi ko nga ginawa iyon at hinayaan ka na maging mop ng sahig.”“Ngunit wag mo akong sisihin sa bagay na—”Napaubo si Atlas para makuha ang attention ng dalawa. Napalingon naman ang dalawa sa kanya ngunit napa-iling si Gabriel dahil…“Ayan. Pabaya ka. Hindi mo man lang sinarhan an
Nang makaalis si Serena at si Atlas napa-iling na lamang si Gabriel sa kanyang sarili.Yung babaing iyon…May kung ano sa kanyang kahiwagaan na ginagawa…Napabuntong-hininga siya.At hindi niya maunawaan kung anong hiwaga nga ang nangyayari sa kanya. Tipong hindi niya makilala ang kanyang sarili.Sa pagpasok niya sa hotel… Natigilan siya sa paglalakad… At ipinikit ang kanyang mga mata.“Tsk.”Sa likuran lang naman niya ang mga tauhan niya… At kung hindi rin siya nagkakamali mga tauhan din ni Oxford. Napangisi si Gabriel. Ang mga tao sa paligid nagtataka kung sino siya hangang sa may nakakilala nga sa kanya. Lalo na ang mga tauhan ng hotel. Sa lugar na iyon marami ang nakakita na kasama niya yung dalaga. At natitiyak niyang nakarating na ang balitang ito sa mga ama-amahan niya.Ama-amahan niya na nagkakamali ng iniisip kung lumulundag na ito sa tuwa.Kaya naman hindi na niyang nagawang bumalik sa silid. Ano naman ang gagawin niya roon kung andito na nga ang mga tauhan niya? At sa labas
Halatang kinakabahan na si Serena. Iniisip niya kung ano ba talaga ang madaratnan niya sa kanilang bahay. Kung andoon ba ang mga tauhan ni Liam at inimpake na ang mga gamit nila para palayasin sila sa bahay na iyon.Kung mangyari man iyon hindi alam ni Serena kung saan niya dadalhin ang kanyang pamilya.Malalim ang iniisip niya kung ano ba ang dapat niyang idadahilan at lahat ng iniisip niya may mga butas. Hindi siya nito makakalusot ng basta-basta kay Liam.Napasabunot siya bigla sa kanyang sarili.Bakit nga ba hindi na lang niya ininom yung Juice? Eh iinom lang naman ng Juice. Pero hindi nga siya tanga… Mga happy-go-lucky ang mga kasama niya noong gabing iyon. Natitiyak niya na may kung anong gamot ang inilagay nito sa inumin niya. Kaya kahit ano nga ang mangyari hindi niya ininom ang inumin na inaalok sa kanya. Kahit nga mamatay pa siya sa sobrang uhaw.“Miss Serena.” Gising sa kanya ni Atlas. Napalingon naman kaagad siya dito. “Ako na ang bahala. Wag na po ninyo masyado isipin. Aal
Nang makalabas si Serena at babae sa sasakyan kaagad sanang tatawagan ni Atlas si Gabrie ng maalala niya na hindi ito marunong mag-charge ng phone nito. Kalimitan palaging bago ang phone nito dahil sa isang taon ilang ulit kaya nito binabato ang hawak na phone kapag timing na nawawalan ng battery. Nakakapanghinayang ngunit may kakayanan naman na bumili ng sandamakmak na phone ang isang kagaya ni Gabriel.Kaya tinawagan na lamang ni Atlas ang kanyang assistant para alamin ang kalagayan ng kanyang boss. Nalaman niya na sinundo na ito ng mga tauhan nito at dumiretso ng kompanya.“Connect me with him after his arrival.”“Yes Sir.”Saka itinuon ni Atlas ang paningin niya sa labas. Umaasa na walang aberya para nga hindi siya magsayang ng oras. Naka-set ang audio sa babaeng kinuha ni Atlas para marinig niya ang pag-uusap sa paligid nito. Bago pa man mabuksan ni Serena ang gate binuksan na ito ng kapatid niyang si Ryan. Napailing ito sa kanya na mula ulo hangang paa tinitigan.Nang hindi pa n
“Master Gabriel Aquinas…” Mahinang naibulalas ni Atlas sa kanyang sarili. Dahil hindi siya nabibigo ng kanyang boss na palagi siyang magtaka kung ano ba talaga ang pagkatao nito? Alam niya ang mga bagay na inayawan ni Gabriel. Siya lang naman ang dakilang sekretarya nito.Mga babae. Nang tuluyan na itong maging CEO ng kompanya kaagad nito pinatagal ang mga babaeng empleyado sa kompanya. Mapa-Aquinas Group man at sa Wilford Corporation. Kahit nga clienteng babae ng Aquinas Group hindi ito pinapa-unlakan ni Gabriel ngunit sa Wilford Corporation kung mayroon mang kliyenteng babae mga tauhan niya ang nakikipag-usap dito.Ang punto ayaw ni Gabriel ng mayroon siyang engagement pagdating sa mga babae.Ngunit ano ito? Kaya nga inakala rin talaga ni Atlas na iba ang paningin ni Gabriel o sadyang wala lang talagang interest na makipagrelasyon. Saka diring-diri talaga ito sa mga babae.Naalala pa niya noong interview niya bilang namamasukan ngang Executive Secretary ng Aquinas Group. Tinanong
Pinagmamasdan ni Atlas ang nangyayaring pag-uusap sa may tarangkahan. Alam niyang wala nang maitatanong pa ang pamilya ni Serena sa maririnig ng mga ito sa binayarang babae na siyang tatakpan ang lahat ngang nangyari kagabi.Ngunit ang hindi niya inaasahan ng makita niya si Liam…Sa narinig niyang pag-uusap at sa narinig niya pangyayari kagabi…Si Liam hahayaan niyang may gawin na kabalastugan ang mga kaibigan niya kay Serena.Napa-iling na lamang si Atlas.Kaya naman nakikita niyang halos pumutok ang butsi ni Gabriel dahil nga sa kagagawan ni Liam.Ngunit ang itinatanong ni Atlas sa kanyang sarili, mismo ba ang tadhana ang gumawa ng paraan para makilala ni Serena ang isang kagaya ni Gabriel para mailigtas ito sa katarantaduhan ni Liam?Napaka-swerte naman ni Serena kung kakampi nga nito ang tadhana. Dahil talagang may magagawa si Gabriel laban kay Liam.Bumalik ang babae sa sasakyan at sinabi ang lahat kay Atlas na napag-usapan. Humingi daw ng kapatawaran si Liam kung ano man ang naga
Dahil sa inis na nararamdaman ni Gabriel, pina-kansela niya ang pagpunta sa abroad. Kailangan niyang atupagin ang tungkol kay Liam. Nais niya itong bumagsak… At mawala ang nakikitang kakayanan nito ni Serena na tulungan ang kanyang pamilya na sa totoo naman talaga hindi ito ang tumutulong dito kundi siya.Paulit-ulit na napapamura sa isipan si Gabriel lalo na… Alam niya sa kanyang sarili na may kailangan siyang gawin. Saka hindi niya maitatangi na mayroon ngang punto si Atlas sa mga sinabi nito.Kailangan niyang sabihin kay Serena ang totoo.Hindi man siya sigurado sa salitang bahala na, ngunit wala naman siyang mapagpipilian na iba kundi hayaan bang may masamang mangyari kay Serena?Para sa kaligtasan ng tangang dalaga, gagawin niya iyon.Pero hindi sa ngayon.Inatupag muna ni Gabriel ang trabaho sa kompanya at higit sa lahat ang pag-utos niya kay Atlas na maghanap ng butas tungkol nga sa pamilyang Lim at kabalastugan na ginagawa ni Liam upang mapabilis na mawala ito sa kompanya.Ngun
Pagkatapos ng conference meeting, pabalik na si Gabriel sa kanyang opisina nang matigilan siya.“Excuse me, President.” Ang boses na iyon.Kanina lang narinig niya iyon.Ang boses na ayaw niyang marinig ngunit walang ibang representative ang Wilford corporation kundi ito.Si Liam.“Can I have a minute to talk with you?”Lumingon si Gabriel.Ang pagmumukha ng gago ang sumalubong sa kanya.Sino pa nga ba. Si Liam.“You have the stage, Vice-President Lim.”Na-awkward man magsalita si Liam dahil akala niya yayain siya nito sa executive office para doon mag-usap ngunit wala siyang magagawa kundi sabihin na iyon sa kanya. Sa harapan ng mga tauhan ni Gabriel, at ilang myembro ng board na nagkataon na lumabas din ng conference room.Ngumiti si Liam.Sinalubong ang paningin ni Gabriel.Hindi ito nailang kahit kunti man lang. Tipong napaka-inosente nito na walang ginagawang kagaguhan.“I personally to invite you to my parents wedding anniversary. They want you to partake the special guest. At ku
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy