Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of Taming the Sunshine: Chapter 121 - Chapter 130

190 Chapters

Chapter 120 Of His Silliness

Chapter 120 Of His SillinessMabigat ang pakiramdam ni Gabriel ng imulat niya ang kanyang mga mata. Masakit ang kanyang ulo. At ang katawan niya napakabigat. Tsk. Sinubukan niyang bumangon ngunit kaagad naman siya nahilo. Kaya naman nanatili siya ng ilang minuto sa higaan ngunit napamulat ulit dahil sa napakasariwang alaala na siyang dahilan kung bakit nga siya… Nagpakalasing. Napamura si Gabriel.Mamahalin na lang pala ni Serena si Liam dahil mabuti naman itong tao. Tsk. “Napakasinungaling siguro.” At napatitig siya sa bintana… na siyang pamiliar sa kanya… Ang silid niya… Nasa loob siya ng kanyang silid. Natitiyak niya na mga tauhan ng dalawa niyang ama-amahan ang sumundo sa kanya. At muli na naman bumulong sa kanya ang mga salitang binitiwan ni Serena. Kaya naman mas minabuti niyang bumangon kahit nga nahihirapan. Nais niyang makalimutan ang mga salitang iyon. Kung hindi baka may masama pa siyang magawa laban sa dalaga. Yun ang ayaw niyang mangyari. Ewan nga ba niya
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 121 Not to Make Havoc

Chapter 121 Not to Make Havoc Kinabukasan ng magising nga si Gabriel… Lumala ang nararamdaman niya. Parang patay na siya sa lagay na iyon… Ngunit nagagawa parin niyang imulat ang kanyang mga mata. At napansin niya na may gumamot ng kamay niya kagabi… Bumukas ang pinto ng kanyang silid… Nang makita siya ni Agatha kaagad itong ngumiti ulit at binati siya ng…“Magandang umaga Master Gabriel.” Napamura sa isipan si Gabriel. Ano ba ang maganda sa umagang iyon?Wala. “Nasaan si Oxford at Seneca?” Ang naitanong na lamang niya dito.“Nasa lanai sila.” “Ganito kaaga?” Ngunit napatitig ang Mayordoma sa orasan na nasa nightstand, sinundan naman ni Gabriel ang paningin nito… Akala niya… Maaga pa… Nagkakamali siya. Ilang minuto na lang tanghali na. “Yun din ang sinabi nila kagabi na kapag nagising ka at hinanap sila doon mo sila matatagpuan, Master Gabriel. Nga pala anong gusto mong pananghalian?” Ngunit bago pa man lumingon ito sa kanya bumangon na si Gabriel at pumunta
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 122 Anxious

Chapter 122 AnxiousPagdating na pagdating ni Serena sa tapat ng bahay nila napabuntong hininga na lamang siya. Ang bahay na iyon ay ibang tao ang naghirap para maibigay lamang yun sa kanila.Si Liam… Hindi niya masasabing bahay nga nila iyon. Saka bakit nga ba nagagalit siya kay Gabriel kung totoo naman ang sinabi nito? At kung naninikip man ang dibdib niya sa sakit na kanyang nararamdaman deserve lang ata niya ito. Masyadong mataas ang kanyang pride. Hindi man lang niya magawang akuin ang mga sinabi sa kanya ni Gabriel dahilan upang nakakaramdam siya ng bugso ng damdamin na hindi nga niya maunawaan. Tahimik na lamang siyang pumasok ng bahay. “Sera…” Si Rozzie na may sasabihin sa kanya pero natigilan dahil may kung anong nakita nga sa kanyang mukha. Kaya ngumiti na lang si Serena ng pilit at umakyat na ng hagdan. At bago pa man siya maka-akyat…“Bakit ka umiiyak?” Natigilan siya. At mayroong napa-ubo… Paglingon niya si Rozzie nasa ibaba at ang kuya Ryan niya nakatitig
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 123 Was to Delay

Chapter 123 Was to Delay “Ate…” May pag-aalala sa boses ni Allison. Saka narinig ni Serena sa ibaba na nagkakasagutan si Rozzie at Ryan. “Kahapon pa sila nag aaway. Natatakot ako na baka manakit si Kuya Ryan.” Kaya naman pinuntahan nga nila ang dalawa… At habang papalapit si Serena malinaw na naririnig niya ang galit ni Ryan.“Pu*ng ina!” sigaw nito. “Alam niyo ang ginagawa niyo sa kapatid ko! Kayo ang naglagay nito sa kanya sa sitwasyon na ito! Pinapasubo niyo siya ng husto!” “O tapos? Ikaw ba may naitulong sa pamilyang ito? Malaki ang tulong na inabot ni Liam dito, kaya nasaan ang hiya mo sa ginawa mo sa kanya?!” Sigaw naman ni Rozzie… Natigilan si Serena. “Ah, oo nga pala ang hinayupak ang dahilan kung bakit andito tayo sa pamamahay na ito. Hindi dahil sa kapatid ko na pinasubo ninyong lahat! Ang layunin lang naman ng tarantadong yun ay paglaruan ang kapatid ko. Maghihintay pa ba ako na may masamang mangyari sa kanya. Hindi! Ano naman kung nasuntok ko siya, eh kailangan n
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 124 The Truth Behind

Chapter 124 The Truth Behind Palubog na ang araw ng nakarating sila sa lugar kung nasaan si Liam… At hindi aakalain ni Serena kung nasaan sila ngayon. Isang casino. “Andito si Liam?” Tumango ito. “Maglalaro ata kayo.” Natatawa nitong sagot. “Maglalaro?” “Tara. Sumunod ka sa akin.” Kahit nga nagtataka si Serena sumunod siya dito sa kagustuhan nga na maisagawa niya ang kanyang layunin kung bakit siya makikipagkita sa binata. Pumasok siya… Na halata naman siya ang kakaiba sa mga naroroon. May napapalingon sa kanya, dahil siguro sa suot niya. Para siyang nasa bahay at hindi nga mahalaga itong pinuntahan niya.Nang pumasok sila sa isang elevator, at dinala sila nito sa isang lugar na… napaka-ingay. Isang night club sa loob ng casino. Ang lakas ng sound system na halos dumoble nga ang kabang nararamdaman niya. Akala niya itong huling pagkikita nila sakali ni Liam ay sa maayos ng lugar ngunit akala lang niya iyon. Ano ang ini-expect niya? Sa isang parke? Na hindi nga siya
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 125 Wanna Play?

Chapter 125 Wanna Play? Muling binalikan ni Liam ang leeg ni Serena. Pinag-fiestahan ito ng dila niya saka bahagyang kinakagat… At sobra na ngang nanginginig ang katawan ng dalaga. Kaya naman sa huling pagkakataon di na napigilan ni Serena pwersahan na niyang tinulak si Liam. Naitulak niya ito at dahil nga medyo lasing, natumba ito… at di nga nabalanse ang sarili. Pinagtawanan bigla si Liam ng kanyang mga kaibigan. At nagmamadaling aalis na sana si Serena ng biglang hilain siya pabalik ni Liam. Galit na galit ang mga mata ni Liam…At ngumisi ito ng parang isang tuso. Saka pwersahan na hiniga ang dalaga sa may sofa… at dinaganan si Serena. Itong pangyayaring ito… Pinakamalalang bangungot na mangyayari kay Serena. Basang-basa na ang kanyang pisngi… Kahit anong iyak niya, hindi naririnig dahil nga sa lakas ng musika at tawanan na parang tinalikuran na nga siya ng mundo. “Serena… ngayon lang pagbigyan mo ako. At pagkatapos nito siguradong hindi mo na ako iiwan…” Masuyong
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 126 With the Bad Boys

Chapter 126 With the Bad Boys “Wag ka nang pumalag Miss Beautiful, masasaktan ka lang at kami matatakam ng husto sayo. O ano mga pare, game?” “Game!” Sigaw ng isang lalaki. “Game din naman ang bebot ko oh…” “Mas masarap parin ako sa kanya.” Ani ng babae na nagpakita nga ng binti nito. “Sige. Mukhang di naman siya importante kay Liam tulad din naman siya ng ibang babae riyan na pwedeng paglaruan.” “Tumigil kayo! Bitawan mo ako!” Na tinakpan nga ng lalaki ang bibig ni Sera ngunit kinagat niya ito. Kamuntikan na siyang makatakas pero may nakahuli na naman sa kanya. Sinubukan niya itong tadyakan… ngunit… habang tumatagal siya roon, nanghihina ang katawan niya. “Haha. Di yan uubra sa akin. Gusto ko ang mga babaeng palaban. Masarap nga ang birhen na ito.” “Sino ang mauuna sa kanya?” “Bakit may mauuna, pwede naman magsabay-sabay tayo.” At lumapit nga sa kanila ang tatlong lalaki. Pinisil ng isa ang pisngi niya, at may humaplos naman ng kanyang binti… At hindi na niya main
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 128 Cooperation

Chapter 128 Cooperation Kumilos na ang mga tauhan ng dalawang ama-amahan ni Gabriel, habang si Atlas ay pumayag na makipag-cooperasyon sa mga ito. Hinahanap nila si Serena.Huling nakita ito ng tauhan na nagmamatyag sa dalaga ay sumakay ito sa kulay itim na van. Kaya naman lahat ng CCTV footage ay kailangan nila tignan para nga mahanap kung saan dinala ng itim na van ang dalaga. Wala ito sa night club na pinupuntahan parati ni Liam. Ang CCTV footage at signal ng phone ni Serena ang makakatulong sa kanila na matrace ito… at ang mas mainam ang phone ni Liam. “Sir.” Tawag sa kanya ng isa sa tauhan. Saka inabot sa kanya ang isang dokumento na… Napabuntong-hininga si Atlas… Nasa panganib si Serena. At kinuha naman ang attention niya ng isa pang tauhan at kumpirmado na kung nasaan si Liam. Sa isang Casino. Lalong lumakas pa ang pruweba na naroon din si Serena ng matrace doon ang signal ng phone ng dalaga… At ang van ay naka-park nga sa labas. Kaagad itong pinaalam ni Atlas
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 129 With a Necessary Things to Do

Chapter 129 With a Necessary Things to DoHabang ang dalawang ama-amahan ni Gabriel kalmadong nagtsa-tsaa sa may Lanai ng Aquinas Manor. Malalim na ang gabi at nanatili silang nakaupo roon para hintayin kung kaninong tauhan ang unang tatawag. Para itong isang paligsahan ngunit isa lamang ang tanging hinahangad ng dalawa, ang magbunga ang pinaplano nila ngayong gabi. Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan kaya naman wala sa dalawa ang may gusto pang magsalita. Sa hindi naman sila kinakabahan dahil tiwala sila sa mga tauhan nila na magagawa nito ng maayos ang kanilang inutos. At kapag nagkakasalubungan ang paningin ni Seneca at Oxford napapangisi na lamang silang dalawa. Masyadong matagal ang patak ng bawat segundo…Mahaba nga siguro ang gabing ito para sa kanila. Ang kuliglig sa kanilang paligid ay parang musikang inaaliw ang kanilang tenga habang pinapalipas nga ang oras. Nang may tumawag na.At ang tumunog ay ang phone ni Oxford. Bago niya ito sinagot, napangisi si
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Chapter 130 To Go On

Chapter 130 To Go On “Kailangan na maging disidido tayong may mangyari sa kanilang dalawa ngayong gabi. Kailangan na kailangan ito mangyari para matapos na nga itong problema ni Gabriel. Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa suhesyon niya o sa gagawin niyang mag-ampon na lamang. Nasaan ang hiya niya sa mga ninuno niya?” Napangisi lamang si Oxford kay Seneca. “Umiinit ang ulo ko kapag naalala ko ang kayabangan niyang ito. Hangang ngayon hindi parin tinatangap ng isipan ko na ibang dugo ang magmamalakad ng ari-arian ng Aquinas balang araw. Hindi.”“Ikaw talaga Seneca… Kaya ata binibigyan ng ganitong mabigat na problema si Gabriel dahil masyado mong sineseryoso ang manatiling tapat sa pamilyang Aquinas.” “Tsk. Wag mo namang sabihin Oxford na sumasang-ayon ka sa ideya niya.” “I am in the same boat with you. And I am glad na sinubukan natin ito kesa nga sundin natin ang kagustuhan niya na maghanap ng batang aampunin.” “Tsk. Hindi ka ba natatakot na baka sunduin ka ng pamilyang Aq
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
19
DMCA.com Protection Status