Chapter 128 Cooperation Kumilos na ang mga tauhan ng dalawang ama-amahan ni Gabriel, habang si Atlas ay pumayag na makipag-cooperasyon sa mga ito. Hinahanap nila si Serena.Huling nakita ito ng tauhan na nagmamatyag sa dalaga ay sumakay ito sa kulay itim na van. Kaya naman lahat ng CCTV footage ay kailangan nila tignan para nga mahanap kung saan dinala ng itim na van ang dalaga. Wala ito sa night club na pinupuntahan parati ni Liam. Ang CCTV footage at signal ng phone ni Serena ang makakatulong sa kanila na matrace ito… at ang mas mainam ang phone ni Liam. “Sir.” Tawag sa kanya ng isa sa tauhan. Saka inabot sa kanya ang isang dokumento na… Napabuntong-hininga si Atlas… Nasa panganib si Serena. At kinuha naman ang attention niya ng isa pang tauhan at kumpirmado na kung nasaan si Liam. Sa isang Casino. Lalong lumakas pa ang pruweba na naroon din si Serena ng matrace doon ang signal ng phone ng dalaga… At ang van ay naka-park nga sa labas. Kaagad itong pinaalam ni Atlas
Chapter 129 With a Necessary Things to DoHabang ang dalawang ama-amahan ni Gabriel kalmadong nagtsa-tsaa sa may Lanai ng Aquinas Manor. Malalim na ang gabi at nanatili silang nakaupo roon para hintayin kung kaninong tauhan ang unang tatawag. Para itong isang paligsahan ngunit isa lamang ang tanging hinahangad ng dalawa, ang magbunga ang pinaplano nila ngayong gabi. Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan kaya naman wala sa dalawa ang may gusto pang magsalita. Sa hindi naman sila kinakabahan dahil tiwala sila sa mga tauhan nila na magagawa nito ng maayos ang kanilang inutos. At kapag nagkakasalubungan ang paningin ni Seneca at Oxford napapangisi na lamang silang dalawa. Masyadong matagal ang patak ng bawat segundo…Mahaba nga siguro ang gabing ito para sa kanila. Ang kuliglig sa kanilang paligid ay parang musikang inaaliw ang kanilang tenga habang pinapalipas nga ang oras. Nang may tumawag na.At ang tumunog ay ang phone ni Oxford. Bago niya ito sinagot, napangisi si
Chapter 130 To Go On “Kailangan na maging disidido tayong may mangyari sa kanilang dalawa ngayong gabi. Kailangan na kailangan ito mangyari para matapos na nga itong problema ni Gabriel. Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa suhesyon niya o sa gagawin niyang mag-ampon na lamang. Nasaan ang hiya niya sa mga ninuno niya?” Napangisi lamang si Oxford kay Seneca. “Umiinit ang ulo ko kapag naalala ko ang kayabangan niyang ito. Hangang ngayon hindi parin tinatangap ng isipan ko na ibang dugo ang magmamalakad ng ari-arian ng Aquinas balang araw. Hindi.”“Ikaw talaga Seneca… Kaya ata binibigyan ng ganitong mabigat na problema si Gabriel dahil masyado mong sineseryoso ang manatiling tapat sa pamilyang Aquinas.” “Tsk. Wag mo namang sabihin Oxford na sumasang-ayon ka sa ideya niya.” “I am in the same boat with you. And I am glad na sinubukan natin ito kesa nga sundin natin ang kagustuhan niya na maghanap ng batang aampunin.” “Tsk. Hindi ka ba natatakot na baka sunduin ka ng pamilyang Aq
Chapter 131 That Night… “Tsk.” Singhal ni Gabriel ng magising siya. Ramdam niyang malamig ngunit bakit parang umaalingasaw ang paligid? Ang pakiramdam na hindi niya maunawaan ang kanyang sarili.Madilim ang paligid at walang liwanag na nangagaling sa labas ang pumapasok sa kanyang silid. Siguro dahil naisipan ata ng mga utusan na ibaba iyon upang makatulog nga siya ng maayos sapagkat ito naman ang gusto niya. Madilim at tahimik. Ngunit ang hindi niya maunawaan kung bakit umiinit ang kanyang katawan.Nakaroba siya… Kailangan ba niyang maghubad para lang makalabas ang init ng kanyang katawan? Tsk. Hindi na niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman. Dati rati naman komportable siyang niyayakap ng kanyang silid… Ngayon parang hindi niya makilala kung yun ba talaga ang kanyang silid. Nang pumasok sa kanyang isipan ang ginawa niya kanina… Oo, nakipag-inuman siya. Kaya siguro ganito ang nararamdaman niya. Ngunit anong klase bang alak ang pinainom sa kanyang ng magaling niyang m
Chapter 132 This Man Pakiramdam ni Serena parang nauubusan na ng hangin ang kanyang katawan. Hindi siya makahinga ng maayos. Kasama ng pakiramdam na iyon para bang may mabigat na nakadagan sa kanya. May nararamdaman din siyang humihinga malapit sa kanyang tenga. Napamulat siya. Sumalubong sa kanyang paningin ang napakalaking chandelier na sinasaliwan lamang ng liwanag. Kumikislap ito… At naaninag din niya ang aesthetic na desenyo ng kisame. Ngunit lahat ng mga detalyeng iyon ay hindi pumasok sa kanyang isipan at nakuntento na lamang ng maisip niya na umaga na pala. Dahan-dahan sana niyang isasara ulit ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya pagod na pagod ng husto ang kanyang katawan. Nais nitong magpahinga at kalimutan saglit na kailangan niyang bumangon sa oras na iyon. Kaya ng muling isara ang kanyang mga mata, pilit niyang huminga ng malalim ngunit… hindi talaga siya makahinga. Sa muli niyang pagmulat ng kanyang mata, pilit siyang kumawala sa mabigat na nakadagan sa
Chapter 133 His Happiness Ito na ata ang pinakamagandang umaga na nangyari sa buhay ni Gabriel. Ang nangyari kagabi sa pagitan nilang dalawa ni Serena ay parang isang napakagandang pangyayari sa buhay niya. At ngayon niya napagtanto kung gaano nga kahalaga sa kanya ang babaing nasa harapan niya. Dumating ito sa buhay niya ng hindi inaasahan. Ang hindi niya inaasahan na kaligayahan dahil nga sa nararamdaman niya dito. Mahal niya ito… At sigurado siya sa kanyang nararamdaman. Makasarili man isipin ngunit nais niya itong makasama habang buhay. Ang lahat ng tinik na nakabaon na malalim ay lahat ng ito ay naibsan. Pakiramdam niya lumaya siya sa kanyang mundo na puno ng poot. “Gabriel!” Tili ulit ni Serena para mahimasmasan siya. Sinalubong niya ang paningin nito ng bigla siya hampasin ng unan. Hinugot naman niya ang unan mula sa kamay ng dalaga at hinila ito saka itinapon kung saan. Kaagad naman nakalayo si Serena sa kanya kaya naman si Gabriel wala siyang pakialam kung wala nga siya
Chapter 134 Dominated Nang makapasok si Gabriel sa banyo, narinig niya ang tili ni Serena bilang tugon sa sinabi niya. Napa-iling na lamang siya sa kanyang narinig at nakita niya ang kanyang refleksyon sa salamin na nakangiti. Saka tuluyan niyang binuksan ang gripo upang maghilamos.Iniisip niya kung sino sa dalawang ama-amahan niya ang gumawa nito. Ngunit impossible na hindi nga nagtulungan ang mga ito para mangyari ang planong ito para sa kanya. Habang si Serena pilit na inaalala kung bakit nga ba naroroon siya sa isang silid kasama si Gabriel. Wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya naroroon. Saka sumasakit lamang ng husto ang ulo niya kapag pinipilit niya ang kanyang sarili. Ano nga ba ang nangyari sa kanya at napadpad siya sa silid ng binata? Oo, silid ng binata… Dahil ang mga larawan na nasa paligid niya, ito ang kanyang nakikita. Ngunit ni isa sa mga larawang iyon wala man lamang siyang nakitang nakangiti ito. Parang inilagay lamang iyon upan
Chapter 135 Proprietor Nang makalabas si Gabriel sa kanyang silid, sinalubong siya ng ilang utusan sa labas. Napayuko ang mga ito sa presensya niya lalo na si Agatha. “Magandang umaga Master Gabriel.” Napatango ang binata. Alam niyang alam nito ang nilalaman ng kanyang silid… Alam din nito na may possibilidad ngang may mangyaring milagro sa kanyang silid. “Si Serena, puntahan ninyo at asikasuhin ninyo. Ang aking mga ama-amahan, nasaan sila?” “Nasa Lanai sila ngayon, Master Gabriel.” Saka nga tumalikod si Gabriel kay Agatha. Sinundan ito ng matandang mayordoma ng paningin hangang sa napa-iling na lamang ito. Nauunawaan niya kung bakit ito nangyari, wala nang ibang paraan dahil wala nang dapat na panahon na kailangan aksayahin. Nakita naman niya kay Gabriel kung paano nito sinubukan pigilin ang sarili sa kapangahasan nito sa dalaga, ngunit dahil nga wala nang oras kailangan isantabi ang mga bagay na kailangan iyon ang inuna ng binata. Ang makuha ang puso ng dalaga at idaan
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala