Home / Romance / The Billionaire's Unloved Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Billionaire's Unloved Wife: Chapter 31 - Chapter 40

114 Chapters

CHAPTER 31.

Sebastian Masakit ang ulo ni Seb kinabukasan pagkagising niya. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Naalala niya na naparami pala ang nainom niyang alak kagabi. Ang alam din niya ay nakatulog siya sa sofa kagabi sa sobrang kalasingan. At kung paano siya napunta rito sa masters bedroom sa taas ay 'yon ang hindi niya maalala. Hinilot-hilot niya ang sintido dahil kumikirot ito. Gusto man niyang muling ipikit ang mga mata para matulog ay hindi na niya magawa. Napatingin sa gilid ng kama at naalala niya si Abi. Hanggang ngayon nakikinita pa rin niya sa isip ang mukha ng asawa niya. Kung paano ito pasalampak na umiiyak at nasasaktan sa harap niya dahil sa kagaguhang ginawa niya. Alam niya na walang kasing sakit ang nagawa niyang kasalanan dito. At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Abi sa mga nagawa niya. Pero umaasa siya na darating ang araw na maiintindihan din siya ng asawa sa nagawa niyang pagkakamali. Mahal pa rin naman niya sa Abi at hindi iyon basta-basta mawawa sa
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

CHAPTER 32.

ABIGAIL Ilang araw ang lumipas ay agad na naghanap ng trabaho si Abi. Gustuhin man siyang ipasok ni Lyca sa cafe na pinagtatrabahuan nito ay wala pang bakante. Kaya naman naghanap siya ng ibang maaplayan. Hindi siya pwedeng pumirmi lang sa bahay dahil nakakahiya naman sa kaibigan niya at nakikitira lamang sila rito. Kahit pa sinasabi nitong saka na siya magtrabaho kapag talagang okay na siya. Pero hindi pwede iyon lalo pa at may batang umaasa sa kanya. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay baby Gavin. Kahit anong trabaho ay ayos lang sa kanya ang mahalga ay marangal. Sanay siya sa hirap kaya lahat kakayanin niya para sa kanila ng anak niya. Nakapagtapos naman siya ng college sa kursong business administration. At meron din naman siyang experience sa pagiging sekretarya noon sa probinsya. Lumuwas siya sa manila galing probinsya para maghanap ng mas malaking sahod. Nag-apply din siya noon na maging secretary sa mga malalaking kompanya sa manila pero laging walang bak
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

CHAPTER 33.

Kinabukasan ay maagang nagising si Abi, para maghanda sa unang araw na pagpasok niya sa mall bilang cashier. Tulog pa ang anak at si Lyca. Nakayakap pa ang anak niya sa ninang nito. Kaya napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Parehong nakanganga pa ang mag-ninang. Maingat siyang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay naligo naman siya. Inihanda na rin niya ang gamit ng anak para hindi na mahirapan pa si aling Belen mamaya. "Hmmn, bango, naamoy mo ba iyon baby Gav? Mukhang masarap ang niluto ni mommy Abi ah," sambit ni Lyca sa anak na hindi naman nakaintindi. Papalapit ang mga ito lamesa at karga-karga ni Lyca ang anak niya. Halatang kagigising lang ng mag-ninang at kinukusot-kusot pa ng anak niya ang mga mata nito. "Sus, nambola pa, akin na nga si baby Gav at maupo ka na rito, para makapag almusal na tayo," natatawang sambit niya. "Aling Belen, kayo na po ang bahala kay baby Gav ha," aniy
last updateLast Updated : 2024-06-25
Read more

CHAPTER 34.

"Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Bakit siya nandirito?" kunot-noong kausap ni Abi sa sarili habang naglalakad palapit sa tapat ng pintuan ng apartment. Pagbukas niya sa pintuan ng apartment ay agad na bumungad sa paningin niya si Seb na nilalaro si baby Gav. Tawa naman ng tawa ang anak niya na nilalaro ni Seb. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na itong nilapitan at kinuha ang anak mula rito. Halatang nagulat si Seb sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ni Abi kay Seb. Tumikhim muna si Seb, bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na sambit ni Seb. "Tumingin si Abi sa relo na suot saka sumagot. "The last time I check, wala na tayong dapat pang pag-usapan," walang emosyong tugon ni Abi. Ano pa ba ang sasabihin ng lalaking to? Hindi ba at siya na ang umalis sa bahay nito. Siya na ang nagparaya para sa ikakasaya nito, pero bakit may nababakas siyang lungkot sa mga mata ng asawa. "Umalis ka na Seb,"
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

CHAPTER 35.

"Anong ginaawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa kaibigan ko? Nandito ka ba para dagdagan iyon? Utang na loob Seb, umalis ka na! Alis!" bulyaw ni Lyca sa kay Seb, kaya wala itong nagawa kundi ang umalis na. "Ang kapal ng mukha!" nangagaliiting sambit ni Lyca at mabilis na sinarado ang nakabukas na pintuan. Nakatukod pa rin ang mga kamay ni Abi sa dingding na semento. Umiikot pa rin kasi ang paningin niya at nanghihina ang pakiramdam niya. Ilang beses na itong nangyayari sa kanya, kaya hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Besh, ayos ka lang ba?" tanong ni Lyca. "Teka lang sandali! Anog nangyayari sa'yo? Bakit namumutla ka?" nag-alalang wika ni Lyca saka siya nito inalalayan papunta sa sofa para makaupo. Isinandal ni Abi ang ulo sa sandalan ng sofa at hinilot-hilot ang sentido niya habang mariing nakapikit ang mga mata niya. Narinig naman niya ang mga yabag ng kaibigan niya palayo at ilang segundo lang ay muli itong bumalik sa pwesto niya. "Abi, inom ka
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more

CHAPTER 36.

SEBASTIAN☆ Tahimik na bahay ang sumalubong kay Seb sa pag-uwe niya galing sa bar. Pagka galing niya kanina sa apartment ng kaibigan ni Abi ay nagtungo siya sa bar para uminom. Kakauwe niya lang din ngayon. Dati rati, merong asawa na sumasalubong sa kanya sa pag-uwe niya ng bahay. Kahit na gabihin pa siya sa pag-uwe galing sa trabaho. Asawa na nag-aabang sa pagdating niya sa bahay. Asawa na agad kukunin ang dala niyang attache case, huhubarin ang suot niyang coat. Asawa na tatanggalin ang ang suot niyang sapatos pati na ang medyas. Asawa na palaging may inihahandang dinner para sa kanya. Asawa na palaging nakangiti kahit pa nasasaktan na niya. Ipinikit ni Seb ang mga mata. Saang mang sulok ng bahay mapadako ang paningin niya, mukha ni Abi ang nakikita niya. Ang magandang mukha ng asawa at masayang ngiti sa mga labi. Ang pagiging hands on na asawa at ina kay baby Gav. Nasasaktan din naman siya, alam niyang kasalanan niya. Pero nangyari na. Ang dapat na lang niyang gawin ay pan
last updateLast Updated : 2024-06-29
Read more

CHAPTER 37.

Kinabukasan nagising si Abi sa mabangong amoy na nalalanghap niya. Pagdilat niya ng mga mata ay hindi niya nakita sa higaan si Lyca kaya napabalikwas siya ng bangon. Agad siyang napatingin sa cellphone niya at nakitang maaga pa pala kaya nakahinga siya ng maluwag. Ang akala niya ay late na siya nang makita niya na wala na si Yca sa tabi nila ni baby Gav. Sakto rin naman na narinig niyang tumunog ang alarm niya. Mabuti na lang at hindi nagising si baby Gav sa naging kilos niya. Inayos niya ang pagkakahiga ng anak at pinalibutan niya ng mga unan ang gilid nito. Patayo na sana siya nang makaramdam siya ng pagkahilo kaya muli siyang napaupo sa kama. Napahawak si Abi sa sentido niya at bahagyang hinilot-hilot ito. Ito na naman iyong pakiramdam niya na kapareho nang kahapon. Maya-maya pa ay tumayo na siya at kailangan na niyang maghanda para mamaya sa pagpasok niya sa trabaho. Nakakahiya naman kay Yca nauna pa itong nagising sa kanya. Paglabas niya sa kwarto ay nakita niyang
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

CHAPTER 38.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Abi. Kung buntis siya, paano nangyari iyon gayong baog siya? At walang kakayahan na magbuntis. Pero may malaking parte sa puso niya ang nagsasabing sana nga ay buntis siya. Na sana nga ay totoo! Iniling-iling ni Abi ang ulo niya. Ayaw niyang umasa dahil sa huli siya ang higit na masasaktan. "Impossible! Dahil ang doctor mismo ang nagsabi na baog siya. Pero paano kung nagkamali lang pala ito noon? At paano niya ipapaliwanag itong mga nararamdaman niyang kakaiba sa katawan niya," gulong-gulo niyang tanong sa isip. "Besh, sandali lang ha, babalik ako agad," wika ni Lyca at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nagtatakang sinundan naman niya ng tingin ang kaibigan habang nagmamadali itong umalis. Napaupo naman siya sa upuan dahil tila nanghihina pa siya dala ng sunod-sunod niyang pagsusuka kanina. "Alam mo anak, sigurado talaga ako na buntis ka. Malakas ang kutob ko. Iyang pagduduwal mo at pagiging maselan mo sa amoy, isa lang ang ibig sabihin niyan,
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more

CHAPTER 39

Makalipas ang isang araw matapos na malaman ni Abi na buntis siya sa tulong ng pregnancy test ay nagdesisyon siya na pumunta sa doctor para mas makumpirma niya ito. Mabuti na lang din at pinayagan siyang umabsent ngayong araw. Siya lang ang mag-isa na nagpunta sa isang ob gyne clinic na malapit lang naman sa tinitirhan nila. Hindi na niya inabala pa si Lyca at may trabaho rin ang kaibigan niya. Kinakabahan na kinikiskis ni Abi ang dalawang palad na namamawis na. Excited at kabado ang nararamdaman niya at hindi maalis sa kanya ang mag-isip ng kung ano-ano. Halos hindi siya mapakali sa inuupuan habang hinihintay ang tawag ng doctora. Kanina pagdating niya agad naman siyang inasikaso ng nurse at kinuhanan ng vital signs pati na ng urine sample na gagamitin para sa pregnancy test niya. At ngayon ay hinihintay na lang niyang tatawagin ang kanyang pangalan. "Ms. Gutierez?" tawag ng nurse sa pangalan niya. Agad siya tumayo at ngumiti rito. Kakaunti lang naman ang pila ng mga mommy n
last updateLast Updated : 2024-07-07
Read more

CHAPTER 40.

Habang naghihintay ng masasakyan na pampasaherong jeep ay isang magarang kotse ang huminto sa tapat ni Abi. Mukhang natatandaan niya ang sasakyan na ito dahil sa plate number na nakikita niya. At bakit naman kaya ito huminto at sa mismong tapat pa niya? Bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas ang sakay niyon. Tama nga ang kutob niya. Si Harry ang sakay ng kotse. Naka pang office attire pa ang lalaki at nakasuot ng mamahaling shades. Umikot ito mula sa kabila at lumapit sa kanya. "Hi," nakangiting bati sa kanya ni Harry sabay tanggal ng suot nitong sunglasses. "Hi," tugon naman niya sa lalaki at tipid na ngumiti. Napansin ni Abi na matamang nakatitig sa kanya si Harry kaya naman naisipan niyang tanungin ang lalaki. "May kailangan ka ba?" tanong ni Abi kay Harry. Naiilang kasi siya sa mga tingin nito. Napansin naman niyang napakamot muna ito sa dulo ng kilay ang lalaki bago ito nagsalita. "Ahmf, actually, pauwe na rin ako. Kagagaling ko lang kasi isang meeting sa labas
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status