All Chapters of Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her: Chapter 61 - Chapter 70

274 Chapters

Chapter 60-1

NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
Read more

Chapter 60-2

PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
Read more

Chapter 61

MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit
Read more

Chapter 62

DAHIL sa madalas na pagpunta ni Louie sa ospital ay nakarating ang balita kay Maricar sa tuwing nagpupunta silang mag-asawa para sa rehabilitation ni Arturo.Kaya inaya niya minsan si Zia sa isang coffee shop para makausap. Malinaw pa sa kanya ang huling pagpunta ng manugang sa apartment at inakalang nagbago na nang tuluyan si Louie ngunit hindi pala. Ngayon ay hindi niya maiwasang mabahala sa kaawa-awang anak.“Iyon na nga ang nasagap kong balita na may malubhang sakit ang babaeng ‘yun,” aniya saka tinanong si Zia. “Ayos ka lang ba anak, anong plano mo ngayon?” patuloy niya pa kahit nangangati na siyang magpayo na kung hindi nito makuha ang puso ng asawa ay mas mabuti pang ang bulsa na lamang nito.Ngunit sa huli ay pinayuhan na lamang itong magbuntis para kahit anong mangyari sa hinaharap ay ito pa rin ang kikilalaning legal.Walang reaksyon si Zia at napatungo na lamang habang hinahalo-halo ang inumin sa harapan. Walang balak sabihin na gusto r
Read more

Chapter 63

SA PAGLABAS ni Zia sa restaurant at pagbalik sa kotse ay saka lang niya naalalang kanina pa naghihintay ang driver nilang si Lito.“Babalik na po ba tayo, Ma’am?” anito.Napabuntong-hininga siya ng mukhang hindi naman ito nainis. Bumaling siya sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang madilim na paligid.“Manong Lito, gusto ko pong maglakad pauwi at kayo na lang po ang bumalik sa subdivision,” ani Zia.Mula sa rearview mirror ay kitang-kita ang pagkunot-noo nito. “Masiyado na pong malalim ang gabi para maglakad kayo sa labas, Ma’am. Paniguradong magagalit po si Sir ‘pag nalaman niya ‘to.”“Hindi niya naman po malalaman kung hindi niyo sasabihin,” saad ni Zia.Natahimik ang driver hanggang sa napagdesisyunang pagbigyan siya sa nais. Ngunit hindi ito umalis, bagkus ay sinundan lamang siya habang naglalakad sa kalsada.Wala ng ideya si Zia kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang old graf
Read more

Chapter 64

NAGING matalim ang tingin ni Louie nang mapagtanto na matagal na palang alam ng asawa na sa private banquet ang punta niya at hindi sa kompanya. Humakbang siya palapit at mahigpit na hinawakan ang braso nito.“Don’t touch me,” mababala ngunit kalmadong saad ni Zia. Nagpumiglas at nang makawala ay umatras. “Nasa’n na ‘yung pangako mong hindi na makikipagkita sa kanya? Tinanong kita kanina, binigyan ng chance pero ang kompanya pa rin ang ginawa mong rason sa kasinungalingan mo. Ang dami mong pagkakataon para maging totoo pero hindi mo ginawa. Ginagawa mo ‘kong tanga.”Muli siyang hinawakan ni Louie. “Tumigil ka, Zia!”Napaismid siya. Wala pa siyang ginagawa pero pinapatigil na, nage-eskandalo ba siya? Hindi.Kahit nanginginig na sa galit ay hindi niya iyon gagawin. Waste of time.“Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kahit ano pang gawin niyong dalawa, wala na 'kong pakialam. Pero Louie, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka
Read more

Chapter 65

NAGTAGPO ang tingin nilang dalawa. Napagmasdan ni Louie ang ayos ng asawa sa suot nitong hospital dress. Halatang matamlay pati ang mukha ay maputla.Habang si Zia ay walang buhay itong tinitigan. Parang kailan lang nang sinabi niya ang mga katagang ito kay Louie…[“Paano kung sabihin ko sa’yong hindi na babalik pa ang dating ako? Iyong Zia na mahal na mahal ka, anong gagawin mo?”]At nang mga sandaling iyon ay sinabi ni Louie na…[“Ang importante ay kasama kita… na akin ka, iyon lang mahalaga sa’kin, Zia.”]At ginawaran pa siya ng halik sa labi. Ngunit sa huli ay wala rin palang silbi ang binitawan nitong salita.“Z-Zia…” ani Louie na gustong humawak ngunit mabilis na tinulak ni Zia.Naluluha siya at nanginginig ang labi dahil sa emosyong nararamdaman. “Napaka-tang* ko talaga at naniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo, Louie. Umasa akong kahit kaunti ay may nararamdaman ka na sa’kin pero isang malaking kalokoha
Read more

Chapter 66

BIGLANG nanginig ang kamay ni Louie habang nakahawak sa drawer nang mawala ang diary.Mayamaya pa ay nilingon niya ang terrace kung saan ay may nakikita siyang kakaibang linawag. Lumapit siya at nabigla nang makitang nasa lapag si Zia, pinagmamasdan ang basurahan na may kung anong umaapoy sa loob. Pagsilip ay nasusunog na ang diary maging ang wedding pictures nilang dalawa ni Zia.“Nasisiraan ka na ba?!” hiyaw ni Louie at hindi nagdalawang-isip na kunin ang diary kahit pa walang suot na protective gear.Mainit sa kamay at napapaso siya ngunit hindi alintana ni Louie basta lang maisalba ang diary. Ngunit kalahati na lang ang natira.Binuklat niya upang suriin ngunit hindi niya inaasahang ang mababasang sulat sa loob na eksakto niyang nabuksan…[Hinding-hindi ako magugustuhan ni Louie.]Binalingan niya ng tingin si Zia na tulala pa rin. “Bakit mo sinunog? Mahalaga ‘to sa’yo!”“Hindi na ngayon,” walang kabuhay-buhay na sago
Read more

Chapter 67

ISANG malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Louie. Natigilan at dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Zia. Saka lang napansin ang ayos nito sa kama. Magulo ang buhok at halos hubad na sa suot na pajama, lantad ang makinis nitong balikat.“Sinampal mo ko…” halos pabulong na wika ni Louie. Matapos ay dinilaan ang labing nagkasugat at dumugo.Nanlilisik ang mga mata ni Zia at mabigat ang paghinga dahil sa pagpupumiglas. Ngunit hindi natinag kahit pa nakitang nasaktan si Louie at matalim ang tingin.Hanggang sa mahigpit muling hinawakan ni Louie ito sa kamay saka mariing idiniin sa unan.Nasasaktan si Zia sa ginagawa nito sa puntong naiiyak na siya. Pero hindi siya pwedeng bumigay at sumuko sa kagustuhan nito, kailangan niyang lumaban. “Pupuwersahin mo ‘ko?! Gagahasa*n?! Kung ayaw mong sumigaw ako’t humingi ng tulong sa mga katulong ay pakawalan mo ‘ko ngayon din, Louie!”Ngunit hindi siya pinakawalan ni Louie at bahagya lang lumuwag ang p
Read more

Chapter 68

GABING-GABI na nang makauwi ng bahay si Louie. Sumalubong naman ang ilang katulong na gising pa ng mga oras na iyon at nagtanong, “Sir, ipaghahanda po ba namin kayo ng pagkain?”Hinubad ni Louie ang suot na jacket saka sumagot, “Kahit anong light snack. Si Zia, tulog na ba?”Maingat namang kinuha ng katulong ang jacket mula sa kanya saka tumugon, “Bumaba lang po saglit para kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagtungo sa theater room para magpractice saglit tapos bumalik na sa kwarto.”Napatango naman si Louie. Pag-alis ng katulong ay saka siya nagtungo sa dining area. Habang naghihintay sa pagkain ay nanigarilyo muna siya sandali.Kumalat ang usok na unti-unting naglalaho sa hangin. Sumagi sa isip ni Louie na dati-rati, sa tuwing uuwi siya ay laging nakaabang si Zia. Pinaghahanda siya ng lutong pagkain at excited makita ang reaksyon niya sa tuwing titikman ang niluto nito. Palaging malawak ang ngiti habang tinitingnan siyang kumain.Dati pa
Read more
PREV
1
...
56789
...
28
DMCA.com Protection Status