Lahat ng Kabanata ng Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her: Kabanata 81 - Kabanata 90

274 Kabanata

Chapter 79

SA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
Magbasa pa

Chapter 80

KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
Magbasa pa

Chapter 81

GULAT ding nakatingin si Zia ng mga sandaling iyon kay Louie. Ilang sandali pa ay tumatawag na ito sa cellphone.May kaba pa rin sa dibdib si Zia ng sagutin ang tawag at bumungad kaagad sa kanya ang galit na boses ni Louie sa kabilang linya, “Get out of the car!”Huminahon at kinakalma ni Zia ang sarili ng sumagot, “Louie, ilang beses ko bang ipapaalala sa’yong hiwalay na tayo? Kung ano o sino man ang kasama ko ay wala ka ng pakialam doon. Kakain lang ako sa labas kung gusto mo ng matinong rason kung bakit ko kasama si Patrick ngayon. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga kaibigan kong nag-aayang makipag-bonding ng dahil sa’yo.”“Sigurado kang kaibigan lang siya? Alam mong may gusto ang Patrick na ‘yan sa’yo, Zia.”“So what? May gusto rin naman si Bea sa’yo pero umiwas ka ba, hindi naman ‘di ba?” saad ni Zia at pagkatapos ay binabaan ito ng tawag.Through the windshield, ay napansin ni Louie na naluluha ang asawa. Bakit? Anong dahilan? Si B
Magbasa pa

Chapter 82

ILANG KATOK ang ginawa ni Alice saka marahang binuksan ang pinto ng opisina ni Louie, at nakitang abala ito sa pagbabasa ng ilang dokumento.Sandaling nag-angat ng tingin si Louie at nagtanong, “Ano na’ng balita?”Umiling naman si Alice. “Kani-kanina lang po ay nakipag-usap ako sa assistant ni Mr. Samuel at ayaw po nilang tanggapin ang investment niyo, Sir.”Napasandal at natahimik sa kinauupuan si Louie ng ilang sandali. “Okay, pwede ka ng umalis,” utos na lamang niya.Umalis naman kaagad si Alice ng mapunang iritado na ang ekspresyon nito.Pagkasara ng pinto ay tahimik na muli ang opisina hanggang sa dinukot ni Louie sa bulsa ang wedding ring at saka tinitigan.Ayaw tanggapin ni Zia ang kotse, ang investment sa concert. Maging ang dating bahay ng pamilya Cruz ay hindi rin nito nais. Hindi na niya alam kung anong gagawin... Wala siyang maisip na paraan para bumalik ito.Ang nais lang nito ay makalayo na ng tuluyan at ma
Magbasa pa

Chapter 83-1

NAKAUWI si Zia sa inuupahang apartment at nang balikan ang kaninang nilulutong pritong tilapia ay inahon lang niya sa kawali saka tinakpan.Matapos ay nagtungo siya sa kwarto, hindi na nag-abalang buksan ang ilaw saka naupo sa sahig habang nakasandal sa kama.Nakayakap sa tuhod nang muli niyang binalikan ang alaala ng nakaraan…Noong mga panahong pat*y na pat*y siya kay Louie at walang ibang iniisip kundi ang makasal dito.Magkaroon ng dalawang anak o kahit ilan pang nais nito at mag-alaga ng aso.Ang binitawang salita kanina ni Louie. Na nagtatanog kung nais niya bang mag-alaga ng aso ay parang patalim na humihiwa sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niyang makasama si Louie habang buhay…Pero hindi pala lahat ng pangarap, saya ang maibibigay.***NANG magsawa sa kwarto ay lumabas si Zia sa apartment at naupo sa labas. Buong gabi siyang naroon, pinagmamasdan ang bituin sa langit. Napapatulala pa nga siya madalas hanggang sa makaramdam ng panunuyot ng lalamunan.Ka
Magbasa pa

Chapter 83-2

NANUNUOT ang tingin ni Louie, may ngiti sa labi at marahan ang salitang sinabi kay Zia, “Bakit hindi mo muna subukan kay Hara? Hahayaan kitang alagaan siya, hindi ako mangingialam. I just want to act as a father.”Napatitig naman si Zia. Kapag ganito si Louie ay mahirap talagang hindian. Bukod roon ay ito talaga ang gusto niya noong maliit pa lang siya.Pangarap na kinalimutan niya gaya ng paglimot sa nararamdaman kay Louie. Para muling bumangon nang paunti-unti sa buhay na dapat noon niya pa pinili.“Sorry,” bulong ni Zia saka nagpatuloy pabalik sa bahay.Kusang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.Habang nanatili namang nakatayo roon si Louie, hindi nakaligtas ang nakitang pagluha ng asawa. Kahit hindi man ito ang inaasahang mangyayari ay masaya pa rin siya at nagkausap sila ni Zia. Sa pag-alis nito ay muling kumahol ang tuta.Mayamaya pa ay napagpasiyahan na ni Louie na umalis. Pagbukas ng pinto at pagkalapag sa tuta ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.Boses
Magbasa pa

Chapter 84

NAUPO naman si Zia sa kandungan ni Louie na hiyang-hiya at mapula ang pisngi. Talagang nakabukaka siyang umupo at tungong-tungo ang ulo.Inilapit naman ni Louie ang katawan para mapagmasdan ang mukha ng asawa. Nakangiti pa siya at natutuwa na tila ito pa lang ang unang beses na gagawin ni Zia ang ganitong bagay kahit matagal na silang mag-asawa. “Natatakot ka o hindi ka lang talaga sanay sa ganitong bagay?” aniya.“H-Hindi,” mahinang tugon ni Zia. Matapos ay idinantay ang ulo sa balikat nito para hindi makita ang kanyang mukha.Humaplos naman si Louie sa buhok ng asawa saka sinilip ang mukha nitong pilit iniiwas kaya hinawakan na niya ang pisngi nitong nag-iinit sa hiya. Tuluyan siyang hindi nakatiis at binuhat si Zia patungo sa hospital bed na naroon.Sumaboy ang itim at mahabang buhok nito sa puting kama. Saka niya ginawaran ng marahan na halik sa labi. Matapos ay makailang ulit na hinaplos ang pisngi. “Matulog ka muna, alam kong pagod ka.” Sabay ayos ng kumot sa lantad nitong kataw
Magbasa pa

Chapter 85

PAGLINGON ay nabigla si Zia ng makita si Austin. Sa article na nabasa ay nakangiti pa ito ngunit iba naman ang nakikita niyang itsura ngayon ng binata.Malalim at nangingitim ang mga mata. Halata rin hindi nakapag-shave ng bigote at ang buhok ay bahagyang magulo. Maging ang damit ay tila ilang araw ng suot.“Nasaan si Lindsay?” ani Austin sa namamaos na boses.Napangiwi si Zia dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. “Nagkausap pa kami kahapon, ang sabi niya’y nasa bahay lang siya. Ano bang kailangan mo? Mai-engage ka na, kaya ‘wag mo na siyang guluhin pa.” Inis naman pinakawalan ni Austin ang braso nito. “Hindi ko siya makontak simula pa kagabi. Kaya, Zia… hindi sa nanggugulo ako pero hindi ko lang talaga kaya siyang bitawan. Ikasisira ng bait ko.”“Pero Austin, you’re getting engage! Anong mangyayari kay Lindsay, gagawin mong kabet? Ano sa tingin mo ang posibleng gawin ng fiancee sa oras na malaman nitong hindi mo kayang bitawan ang kaibigan ko? Alam mong walang kalaban-
Magbasa pa

Chapter 86

TULALA si Zia habang naghihiwa ng mansanas kaya napagsabihan ni Maricar, “Mag-ingat ka’t baka mahiwa ang kamay mo."Saka lang natauhan si Zia at awkward na nangiti sa Ina.Lumingon naman si Maricar sa natutulog na asawa saka mahinang nagtanong, “Nakita ko mula sa bintana ang kotse ni Louie, hinatid ka ba niya? Nagkausap ba kayo?”“Tumutulong lang siyang mahanap si Lindsay.”Nang marinig ang pangalan ng dalaga ay biglang nakaramdam ng awa si Maricar. Masiyado ng nakakaawa ang dinanas nitong hirap para muli pang masaktan ng ganito sa isang lalakeng mai-engage sa iba.“Maiba tayo ng paksa anak at baka mas lalo ka pang mag-alala kay Lindsay. May nagpunta ritong nurse, dalawa sila at ang sabi ay kinuha sila ni Louie na siyang mag-aalaga kay Arturo kapag nakalabas na ito ng ospital. Hindi ako tumanggi at hindi rin pumayag dahil gusto kong ikaw ang magdesisyon. Ayos lang ba sa’yo ang pagtulong na ginagawa ni Louie? Pinag-iisipan mo na bang makipagbalikan sa kanya?” ani Maricar na muling tini
Magbasa pa

Chapter 87

MALALIM na ang gabi nang bumalik si Austin sa ospital. Nakainom siya ngunit hindi naman lasing.Hindi na niya binuksan ang pinto at nakuntento na lamang na sumilip sa see-through portion ng pinto.Lumingon naman si Lindsay na yakap-yakap ng mga sandaling iyon ang tuhod. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ni Austin hanggang sa itago niya ang mukha sa may tuhod.Mula sa puwesto ay ramdam ni Austin na natatakot ito sa kanya kaya umatras siya at lumayo sa kwarto. Naglakad siya patungo sa pinakadulo ng pasilyo at binuksan ang maliit na bintana. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin na inaalis ang mabahong amoy ng alak sa kanyang katawan.Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang yabag ng paa na papalapit. Hindi na kailangan lumingon dahil nakikita niya ng bahagya sa repleksyon ng bintana kung sino ang taong nasa likod.Si Louie.Napabuntong-hininga si Austin saka naglabas ng sigarilyo sabay sindi at kumalat sa hangin ang usok. “She was stunning when I first saw her,” panimula niyang k
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
28
DMCA.com Protection Status