SA PAGLABAS ni Zia sa restaurant at pagbalik sa kotse ay saka lang niya naalalang kanina pa naghihintay ang driver nilang si Lito.
“Babalik na po ba tayo, Ma’am?” anito.Napabuntong-hininga siya ng mukhang hindi naman ito nainis. Bumaling siya sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang madilim na paligid.“Manong Lito, gusto ko pong maglakad pauwi at kayo na lang po ang bumalik sa subdivision,” ani Zia.Mula sa rearview mirror ay kitang-kita ang pagkunot-noo nito. “Masiyado na pong malalim ang gabi para maglakad kayo sa labas, Ma’am. Paniguradong magagalit po si Sir ‘pag nalaman niya ‘to.”“Hindi niya naman po malalaman kung hindi niyo sasabihin,” saad ni Zia.Natahimik ang driver hanggang sa napagdesisyunang pagbigyan siya sa nais. Ngunit hindi ito umalis, bagkus ay sinundan lamang siya habang naglalakad sa kalsada.Wala ng ideya si Zia kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang old grafNAGING matalim ang tingin ni Louie nang mapagtanto na matagal na palang alam ng asawa na sa private banquet ang punta niya at hindi sa kompanya. Humakbang siya palapit at mahigpit na hinawakan ang braso nito.“Don’t touch me,” mababala ngunit kalmadong saad ni Zia. Nagpumiglas at nang makawala ay umatras. “Nasa’n na ‘yung pangako mong hindi na makikipagkita sa kanya? Tinanong kita kanina, binigyan ng chance pero ang kompanya pa rin ang ginawa mong rason sa kasinungalingan mo. Ang dami mong pagkakataon para maging totoo pero hindi mo ginawa. Ginagawa mo ‘kong tanga.”Muli siyang hinawakan ni Louie. “Tumigil ka, Zia!”Napaismid siya. Wala pa siyang ginagawa pero pinapatigil na, nage-eskandalo ba siya? Hindi.Kahit nanginginig na sa galit ay hindi niya iyon gagawin. Waste of time.“Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kahit ano pang gawin niyong dalawa, wala na 'kong pakialam. Pero Louie, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka
NAGTAGPO ang tingin nilang dalawa. Napagmasdan ni Louie ang ayos ng asawa sa suot nitong hospital dress. Halatang matamlay pati ang mukha ay maputla.Habang si Zia ay walang buhay itong tinitigan. Parang kailan lang nang sinabi niya ang mga katagang ito kay Louie…[“Paano kung sabihin ko sa’yong hindi na babalik pa ang dating ako? Iyong Zia na mahal na mahal ka, anong gagawin mo?”]At nang mga sandaling iyon ay sinabi ni Louie na…[“Ang importante ay kasama kita… na akin ka, iyon lang mahalaga sa’kin, Zia.”]At ginawaran pa siya ng halik sa labi. Ngunit sa huli ay wala rin palang silbi ang binitawan nitong salita.“Z-Zia…” ani Louie na gustong humawak ngunit mabilis na tinulak ni Zia.Naluluha siya at nanginginig ang labi dahil sa emosyong nararamdaman. “Napaka-tang* ko talaga at naniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo, Louie. Umasa akong kahit kaunti ay may nararamdaman ka na sa’kin pero isang malaking kalokoha
BIGLANG nanginig ang kamay ni Louie habang nakahawak sa drawer nang mawala ang diary.Mayamaya pa ay nilingon niya ang terrace kung saan ay may nakikita siyang kakaibang linawag. Lumapit siya at nabigla nang makitang nasa lapag si Zia, pinagmamasdan ang basurahan na may kung anong umaapoy sa loob. Pagsilip ay nasusunog na ang diary maging ang wedding pictures nilang dalawa ni Zia.“Nasisiraan ka na ba?!” hiyaw ni Louie at hindi nagdalawang-isip na kunin ang diary kahit pa walang suot na protective gear.Mainit sa kamay at napapaso siya ngunit hindi alintana ni Louie basta lang maisalba ang diary. Ngunit kalahati na lang ang natira.Binuklat niya upang suriin ngunit hindi niya inaasahang ang mababasang sulat sa loob na eksakto niyang nabuksan…[Hinding-hindi ako magugustuhan ni Louie.]Binalingan niya ng tingin si Zia na tulala pa rin. “Bakit mo sinunog? Mahalaga ‘to sa’yo!”“Hindi na ngayon,” walang kabuhay-buhay na sago
ISANG malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Louie. Natigilan at dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Zia. Saka lang napansin ang ayos nito sa kama. Magulo ang buhok at halos hubad na sa suot na pajama, lantad ang makinis nitong balikat.“Sinampal mo ko…” halos pabulong na wika ni Louie. Matapos ay dinilaan ang labing nagkasugat at dumugo.Nanlilisik ang mga mata ni Zia at mabigat ang paghinga dahil sa pagpupumiglas. Ngunit hindi natinag kahit pa nakitang nasaktan si Louie at matalim ang tingin.Hanggang sa mahigpit muling hinawakan ni Louie ito sa kamay saka mariing idiniin sa unan.Nasasaktan si Zia sa ginagawa nito sa puntong naiiyak na siya. Pero hindi siya pwedeng bumigay at sumuko sa kagustuhan nito, kailangan niyang lumaban. “Pupuwersahin mo ‘ko?! Gagahasa*n?! Kung ayaw mong sumigaw ako’t humingi ng tulong sa mga katulong ay pakawalan mo ‘ko ngayon din, Louie!”Ngunit hindi siya pinakawalan ni Louie at bahagya lang lumuwag ang p
GABING-GABI na nang makauwi ng bahay si Louie. Sumalubong naman ang ilang katulong na gising pa ng mga oras na iyon at nagtanong, “Sir, ipaghahanda po ba namin kayo ng pagkain?”Hinubad ni Louie ang suot na jacket saka sumagot, “Kahit anong light snack. Si Zia, tulog na ba?”Maingat namang kinuha ng katulong ang jacket mula sa kanya saka tumugon, “Bumaba lang po saglit para kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagtungo sa theater room para magpractice saglit tapos bumalik na sa kwarto.”Napatango naman si Louie. Pag-alis ng katulong ay saka siya nagtungo sa dining area. Habang naghihintay sa pagkain ay nanigarilyo muna siya sandali.Kumalat ang usok na unti-unting naglalaho sa hangin. Sumagi sa isip ni Louie na dati-rati, sa tuwing uuwi siya ay laging nakaabang si Zia. Pinaghahanda siya ng lutong pagkain at excited makita ang reaksyon niya sa tuwing titikman ang niluto nito. Palaging malawak ang ngiti habang tinitingnan siyang kumain.Dati pa
PASADO alas-onse na ng mga oras na iyon at medyo nahihilo na si Zia kaya nagpasiya na siyang umalis sa club. Matapos mabayaran ang naimon nilang dalawa ni Lindsay ay naglakad na siya palabas.Eksaktong kapapasok lang ni Louie sa bar na pinapagpag ang suot na jacket maging ang buhok.Sa palagay ni Zia ay umuulan sa labas at bahagyang basa ang buhok nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad nagkasalubong ang kanilang mga mata.Matamang tinitigan ni Louie ang mukha ng asawa habang nanlilisik ang tingin nito. Sunod niyang napuna ang suot na dress ni Zia. Maiksi, kita ang cleav*ge at hapit na hapit sa katawan. Nakakaakit mang tingnan pero hindi nagustuhan ni Louie ang nakikita.Mabilis siyang lumapit habang hinuhubad ang suot na jacket saka ibinalot sa katawan ni Zia.Maraming lalake sa paligid na paniguradong madudumi ang isip at handang manloko ng inosenteng babae, maka-score lang.“Tara na,” aniya pero umismid lang si Zia.
MALALIM na ang gabi nang magtungo si Louie sa Rordriguez hospital dahil sa muling pagdurugo ng sugat sa ulo.Ang suot na damit ay may bahid ng dugo at nang masuri ng doctor ay hindi ito makapaniwala. "Mr. Rodriguez, bakit hindi kayo agad nagpunta rito para magpagamot? Nakuha niyo pang mag-work out at binalewala ang sugat niyo,” saad ng doctor habang tinatahi ang sugat.Hindi naman nagsalita si Louie at pinasadahan lang ng tingin ang asawa na sinamahan pa siya na parang hindi ito ang may salarin kung bakit siya ngayon nandito sa ospital.Hindi naman pansin si Zia ang kakaiba nitong tingin dahil abala sa cellphone. Sa hinuha ni Louie ay baka nakikipagmabutihan sa lalakeng nakilala sa club.Mayamaya pa ay nag-angat ng tingin si Zia at nagtaas ng kilay. “Bakit? Tingin mo nakikipaglandian ako sa ibang gaya mo?”“Ikaw lang naman ang nilalandi ko," ani Louie na inirapan lang ni Zia.Nang matapos ang doctor sa pagtatahi ng sugat ay pinay
ILANG katok sa pinto ang nagpabalik kay Louie sa kasalukuyan. Mayamaya pa ay pumasok ang hindi inaasahang bisita, ngunit pinakagusto niyang harapin ngayong gabi…Ang Ina, si Lucia.Kahit gabing-gabi na ay sumadya talaga ito sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari sa anak.Sa hinuha ni Louie ay hindi ito nag-aalala sa kanya, bagkus ay gusto lamang ipangalandakan sa ibang tao ang ayos at postura. Mamahaling damit, alahas at branded bag.Naka-on pa rin ang laptop ng mga sandaling iyon at makikita ang picture. Kaya nang sumilip si Lucia para tingnan kung ano ang pinapanuod ng anak ay bahagya siyang nabigla.Ilang bese siyang napalunok ng laway saka sinabihan ang kasamang assistant na maghintay sa labas. Pagkaalis ay mabilis na ni-lock ni Lucia ang pinto.Matapos ay humarap kay Louie na parang walang nangyari, naroon pa rin ang pagiging sopistikada kahit nakakaramdam na ng kaba.Muling lumapit si Lucia at naupo sa katabing