CHAPTER 461Nasa ganoong naman silang sitwasyon ng lumapit nga sila Jenny at Greg sa pwesto nila Shiela at Rayver."Wow ang sweet naman. Mukhang magkakaroon na yata kaagad ako ng pamangkin ah," nakangisi pa na sabi ni Jenny kila Shiela.Bigla naman siniko ni Shiela si Rayver ng bigla ngang may nagsalita sa kanilang harapan ni Rayver."Ate naman. Dapat ay ikaw ang unang magbigay sa akin ng pamangkin," sagot naman ni Shiela sa kanyang ate Jenny."Don't worry dahil bibigyan talaga kita ng pamangkin soon," sagot naman ni Jenny. "Diba babe?" baling naman ni Jenny kay Greg."Oo naman. Bibigyan natin sila ng maraming pamangkin," game na game naman na sagot ni Greg kay Jenny kaya naman nagkatawanan na nga lamang silang apat roon at napapailing na lang nga talaga si Shiela dahil sa walang prenong bunganga ng kanyang ate Jenny."Congrats nga pala ulit sa inyo ate Jenny at kuya Greg," bati ni Shiela sa kanyang kapatid at tinawag na nga rin nya na kuya si Greg."Salamat. Congrats din sa inyong da
Huling Na-update : 2024-12-17 Magbasa pa