CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 543Pumasok namam na ang nga photographer atinayos na nga muna nila ang lugar kung saan kukuhaan ng larawan si Amara at pati na rin ang pamilya nito.Pumasok na rin nga muna ang nga make up artist ni Amara para ire-touch ang kanyang make up para na rin makapagsimula na nga ang mga ito na kuhaan ng litrato.Maya maya nga ay nagsimula naman na nga na kuhaan ng larawan si Amara at una nga muna ay puro nga solo muna sya at pagkatapos noon ay kasama naman nya ang kanyang mga magulang at kasunod ay sila ng buong pamilya.Pagkatapos nilang kuhaan ng mga litrato ay sandali pa nga muna silang nanatili sa silid na iyon dahil maaga pa naman at halos nasa labas nga lang din ng hotel ang venue ng kanilang beach wedding.************Sa silid naman ni Dylan ay halos hindi rin naman sya nakatulog magdamag. Dahil na rin siguro sa excited na sya para sa kasal nila ni Amara at dahil na rin siguro sa namimiss na nga nya ito talaga.At dahil nga hindi naman na sya makatulog pa at umaga na rin nam
CHAPTER 542"Mommy wag kang iiyak. Masasayang ang make up mo nyan," agad na sabi ni Amara sa kanyang ina ng mapansin nga niya na naluluha na nga ito habang nakatingin sa kanya.Bahagya naman na natawa si Bianca dahil sa sinabi na iyon ni Amara at napatingin na nga rin sa kanya sila Gino at Amanda."Pasensya ka na anak. Hindi ko lamang talaga kayang pigilan dahil parang hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na. Parang kelan lang ay karga karga ka pa namin ng daddy mo at heto ka ngayon at mag aasawa ka na talaga," sabi ni Bianca at hindi na nga niya talaga napigilan ang kanyang mga luha.Hindi naman nakapagsalita si Amara at pigil nga nita ang kanyang sarili na wag maluha kahit na ang totoo ay gusto na talaga nyang maiyak dahil sa sinabi ng kanyang ina."Naku kayo talagang mag ina. Wagna nga kayong umiyak r'yan. Sige kayo masisira yang nga make up nho magpapapicture pa naman tayo," sabat na ni Gino at saka nga nya inakbayan ang kanyang asawa."Si mommy po kasi dad," nakang
CHAPTER 541Pagkatapos kumain ni Amara ay sakto naman na mayroon ngang kumakatok sa kanyang silid kaya naman agad na nga rin niya iyong binuksan.Pagkabukas nga ni Amara ng pinto ay agad naman na bumungad kay Amara ay ang mga make up artist na mag aayos nga sa kanya. Kaya naman dali dali na nga na nag asikaso ng kanyang sarili si Amara para masimulan na rin kaagad ang pag aayos sa kanya."Ma'am Amara napakaganda nyo naman po. Kahit po yata hindi kayo ayusan ay talagang napakaganda nyo na po talaga," puri ng make up artist kay Amara habang inaayusan nga sya nito."Salamat," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang make up artist. May isa pa nga na kasama ang make up rtist na ito at iyon naman nga ang nag aayos ng buhok ni Amara at kahit nga ito ay gandang ganda rin talaga kay Amara.Nang matapos na nga na ayusan si Amara ay agad na nga siyang pinagbihis ng kanyang traje do boda at tinulungan na nga lamang din siya ng kanyang mga make up artist sa pagbibihis dahil may kabigatan n
CHAPTER 540Araw na nga ngayon ng kasal nila Amara at Dylan. At mamayang hapon pa naman ang kasal nila pero maaga pa lamang nga ay naging abala na talaga ang lahat na mag asikaso ng kanilang mga sarili."Anak kumusta ka? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Bianca kay Amara. Pinuntahan kasi nya muna talaga si Amara sa silid nitonupang kumustahin."Hindi nga po mom. Kahit anong pilit ko na matulog ay nahihirapan po ako at kapag naman po nakakatulog tulog na ako ay bigla naman po akong magiging ng basta na lamang," sagot ni Amara sa kanyang ina at saka nga siya humikab."Hay naku anak. Excited ka lang masyado kaya ka hindi nakatulog ng maayos," agad naman na sagot ni Bianca sa kanyang anak at saka nga nya ito linapitan."Nar'yan na po ba si Dylan, mom?" tanong na ni Amara sa kanyang ina. Bago kasi matulog si Amara ay nag message pa sa kanya si Dylan na pupuntahan nga sya nito sa kanyang silid pero inabot na nga ng umaga ay hindi pa nga rin napunta roon si Dylan."Oo anak. Nandyan na si
CHAPTER 539 Kinabukasan naman ay maagang maaga nga na dumating sa naturang beach resort sila Dylan. Ang mga magulang na nga lamang ni Dylan talaga ang nakasabay nya ngayon sa pagpunta roon dahil ang mga kapatid nga niya kasama ang pamilya ng mga ito ay naroon na nga rin kahapon pa dahil wala naman inasikaso ang mga ito at excited na rin kasi talaga ang mga ito sa kasal nila Amara at Dylan. Tinapos kasi talaga muna ni Dylan ang mga kailangan niyang tapusin sa opisina dahil pagkatapos nga ng kanilang kasal ni Amara ay hindi pa nga kasi talaga sya makakabalik kaagad sa trabaho dahil nga mag honeymoon pa nga sila ni Amara sa ibang bansa. Pagkarating nga ni Dylan sa naturang beach resort ay dali dali nga ito na bumaba ng kanyang sasakyan. "Dylan saan ka pupunta?" tanong ni Aira sa kanyang anak dahil nagmamadali na nga ito na pumasok doon. "Mom pupuntahan ko lamang po si Amara," agad naman na sagot ni Dylan sa kanyang ina dahil nga namimiss na nga talaga nya si Amara dahil halos ta
CHAPTER 538Bisperas na nga ngayon ng araw ng kasal nila Dylan at Amara. Nauna naman na nga rin na nagpunta sa Hotel Beach and Resort sa Batángas ang pamilya nila Amara. Sadyang nauna lamang talaga si Amara roon dahil gusto nga niya na makasigurado na maayos na ang lugar na pagdarausan ng kanilang kasal ni Dylan.Susunod na rin naman din kaagad ang pamilya ni Dylan doon dahil sadyang may tinatapos lamang nga ito kaya hindi nakasabay ng pagpunta sa pamilya ni Amara roon.Isang beach wedding kasi ang napili nila Dylan at Amara. Dapat talaga ay sa simbahan nga iyon gaganapin pero dahil nga gusto naman nila Amara at Dylan na maiba naman ay isang beach wedding nga ang naisip nilang dalawa.Pagkarating ni Amara sa naturang lugar ay agad nga syang nag ikot ikot doon sa lugar at nakita nga nya na naglalagay na nga ng ibang mga gagamitin para sa kasal nila kagaya na lamang ng nga upuan.At dahil nga sa tabing dagat gaganapin ang kanilang kasal ni Dylan ay talaga namang umaasa sila na magkakar
CHAPTER 537"Wag kang mag alala Amara dahil hinding hindi ko sasaktan o papaiyakin man lang si Charmaine," sabi ni Zeus kay Amara at saka nga nya inakbayan ang kanyang nobya na si Charmaine."Mahal na mahal ko ang babae na ito. Kaya naman wala akong balak na paiyakin sya. At kapag nangyare nga na umiyak si Charmaine ng dahil sa akin ay malugod kong tatanggapin ang parusa mo sa akin," dagdag pa ni Zeus habang nanatiling nakatingin sa mga mata ni Charmaine.Agad naman na napangiti si Amara dahil sa sinabi na iyon ni Zeus. Kilalang kilala na kasi talaga nya si Zeus at siguro nga rin ay nadala na ito sa nangyare sa kanilang relasyon noon kaya alam nya na hindi nito sasaktan si Charmaine."Aasahan ko yan Zeus. At sana nga ay maging masata kayo ni ate Charmaine," nakangiti pa na sabi ni Maara kay Zeus.Habang nag uusap usap naman silang tatlo roon at sakto naman na bumaba ang ina ni Amara na si Bianca."Charmaine narito ka na pala hija," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Charmaine at hindi
CHAPTER 536Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at naasikaso naman ni Amara ang lahat ng kakailanganin nila sa kasal nila ni Dylan.Talagang sya ang naging punong abala sa kanilang kasal ni Dylan dahil gusto nya na maging perfect talaga ang kasal nila ni Dylan dahil minsan nga lamang naman daw ikasal kaya gusto nya na maging maayos nga talaga ito.Tatlong araw na nga lamang din at araw na nga ng kasal nila Dylan at Amara at halos hindi pa nga rin makapaniwala si Amara na ikakasal na nga talaga sila ni Dylan dahil parang kelan lang ay pinapangarap nga lang nya ang lalaking ito at ngayon nga ay magiging asawa na nya ito sa wakas.Ngayong araw nga ay nakatakdang dumating ng bansa ang pinsan ni Amara na si Charmaine na nakasama nya noon sa London kaya naman ipinasundo nya na lamang nga nya ito sa airport at nagpahanda na rin talaga sya ng makakain nga nila pagdating ni Charmaine.Habang abala nga si Amara na tumuling da paghahanda ng lamesa ay lumapit nga ang isang kadambahay n
CHAPTER 535Mabilis naman na lumipas ang mga araw at namanhikan na rin nga kaagad sila Dylan sa pamilya ni Amara at napagkasunduan nga nila sa limang buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Dylan at Amara.Madalas naman na abala nga nagyon si Amara sa pag aasikaso pra sa kanilang kasal ni Dylan. Inuna na rin nga muna nya ito kesa sa maghanap na muna ng trabaho dahil gusto rin naman nya kasi na maging maayos nga ang kanilang kasal at oinili rin talaga nya na sya ang mag aasikaso rito kaya naman abalang abala talaga sya palagi.Ngayon nga ay pupunta sila Amara at Dylan sa isang reataurant para sa kanilang food tasting at pagkatapos nga nila rito ay puounta naman nga sila sq boutique kung saan nga sila nagpagawa ng kanilang susuotin para sa kanilang kasal.Nasa byahe naman na nga sila ngayon na dalawa at papunta na nga sila sa reataurant pero dahil nga sa traffic ay narito pa nga rin sila sa daan hanggang ngayon at late na nga silang dalawa."Tsk. Ano ba naman yan? Bakit palagi na lam