Home / Romance / My Sister's Lover is my Husband / Kabanata 221 - Kabanata 230

Lahat ng Kabanata ng My Sister's Lover is my Husband: Kabanata 221 - Kabanata 230

414 Kabanata

Chapter 221

CHAPTER 221Abala naman ngayon si Dave sa kanyang opisina dahil tambak ang kanyang trabaho ngayon ng biglang tumunog ang kanyang phone at ng makita nya na si attorney ang natawag ay dali dali na nya iyong sinagot."Attorney napatawag ka? May balita na ba kay Trina?" agad na tanong ni Dave habang nakatutok ang kanyang mata sa kanyang laptop."Mr. Lim nakita na po ang sasakyan na sinasabi ni Mr. Paulo na ginagamit ni Ms. Trina pero wala po sya roon at mukhang sinadya na po nya itong iwanan doon," pagbabalita ni attorney kay Dave.Napabuntong hininga naman si Dave. Ilang araw na rin kasi ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ng mga pulis si Trina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila mapalagay ni Aira. May mga tao naman ng nagbabantay sa kanyang mag iina pero hindi pa rin sya pwedeng magpaka kampante."Sige. Balitaan mo na lamang ulet ako. Wag nyong patitigilin ang mga pulis sa paghahanap kay Trina," sagot ni Dave saka nya pinutol ang kanilang tawag.Napahilot n
Magbasa pa

Chapter 222

CHAPTER 222"Tumawag nga pala si attorney kanina at ibinalita nya na nakita na raw ang sasakyan na ginagamit ni Trina pero wala ang kapatid mo roon," pagbabalita ni Dave kay Aira pagkatapos nyang kumain.Napatigil naman si Aira sa kanyang ginagawa at saka nya seryosong tiningnan si Dave."Nasaan na kaya ang kapatid ko na yun? Hindi ko na talaga sya maintindihan. Sana ay mahuli na kaagad sya dahil baka kung ano na naman ang maisipan nyang gawin," seryosong sabi ni Aira. Tumango tango naman si Dave."Sana nga ay mahuli na sya sa lalong madaling panahon para naman matahimik na tayo. Sana ay makunsensya na rin sya sa mga ginawa nya kagaya ni Paulo," sagot ni Dave.Muli ay itinuon na lamang nila ang kanilang atensyon sa kanilang mga ginagawa para naman matapos na kaagad nila ito.***********"Kumusta ang pinapagawa ko sa inyo? Nakita nyo na ba?" tanong ni Edward sa isa sa mga tauhan nya."Yes boss. Nakita na namin sya at mamaya ay susundan na rin namin sya para malaman namin kung saan ito
Magbasa pa

Chapter 223

CHAPTER 223"A-anong sabi mo? Si P-Paulo sumuko na?" kunot noo na tanong ni Trina sa kaibigan."Oo sumuko na si Paulo sa mga pulis. Kahit nga ako ay kinausap na ni ate Aira tinatanong nya na baka alam ko raw kung nasaan ka pero hindi ko naman talaga alam kung nasaan ka e," sagot ni Karen.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Trina at hindi sumagot sa kaibigan. Dahil kung gayon ay talaga palang sumuko na si Paulo at wala na talaga syang ibang mapupuntahan pa."Wala ka bang balak na sumuko na lamang? Trina baka sakaling bumaba pa ang sintensya mo kapag ginawa mo yun. Sabi ko naman kasi sa'yo dati pa pabayaan mo na lamang si Dave at wag ka ng gumawa pa ng kalokohan e," panenermon pa ni Karen sa kaibigan."Alam mo naman kung gaano ako nasaktan noon diba. At alam mo rin kung gaano ko kamahal si Dave noon pa lang kaya hindi ko basta basta na lamang makakalimutan ang pinagsamahan namin dalawa," sagot ni Trina sa kaibigan. "Oo alam ko naman yun Trina. Pero nag aalala la
Magbasa pa

Chapter 224

CHAPTER 224 Agad na ring umalis si Trina doon sakay ng kotse ni Karen. Saka sya dumiretso sa kumpanya nila Dave dahil balak nyang abangan ito at sundan sa pag uwi nito para malaman nya kung saan ito nakatira ngayon dahil malamang ay kasama nito si Aira at ang mga bata sa bahay. Ilang oras din na naghintay sa hindi kalayuan si Trina hanggang sa makita na nya ang paglabas ni Dave sa kumpanya nito at nakita pa nya na kasama nito si Aira. Hindi pa nya maiwasan na maikuyom ang kanyang kamao dahil doon. "Kung sinuswerte ka nga naman. Malalaman ko na ngayon kung saan kayo nakatira," nakangisi pa na sabi ni Trina saka nya inistart ang sasakyan. Agad na nyang sinundan ang sasakyan ni Dave pagka alis nito at medyo dumistansya pa sya rito dahil baka mahalata nito na sinusundan nya ito. Nang makita nya na pumasok ito sa parking lot ng isang condominium ay napapangisi na lamang sya dahil ngayon ay alam na nya kung saan nakatira ang mga ito ngayon at ang kailangan na lamang nyang malaman
Magbasa pa

Chapter 225

CHAPTER 225"Wala pa rin po dad. Wala pa rin pong balita kay Trina. Nagpakatago tago po talaga yata sya at takot managot sa batas," sagot ni Dave sa ama. Tumango tango naman si Clint sa naging sagot sa kanya ni Dave."Sana ay mahuli na kaagad ang babae na yun para naman maayos nyo na ang pamilya nyo. Nakakaawa ang mga bata dahil hindi man lang sila makalabas sa tinitirhan nyo," sagot ni Clint kay Dave. "Kung gusto nyo ay pwede naman na dito na lamang muna kayo tumira marami namang bantay dito at safe naman kayo rito," suhestyon pa nya. Nagkatinginan naman sila Dave at Aira dahil sa sinabi ng ama ni Dave."Naku. Hindi na po kailangan. Ayos lang naman po kami sa tinitirhan namin at isa pa po ay baka madamay pa po kayo kapag dito pa po kami tumira. Mabuti na po na doon na lamang po kami dahil wala naman pong ibang nakakaalam kung saan kami nakatira ngayon ng mga bata," sagot na ni Trina."Sige kayo ang bahala pero bukas ang pinto namin para sa inyong pamilya. At kung may kailangan kayo o
Magbasa pa

Chapter 226

CHAPTER 226Abala naman si Trina sa pagtingin tingin sa paligid nya habang naglalakad sa hallway ng condominium kung saan nakatira sila Aira ng biglang tumunog ang kanyang phone. Pagkatingin nya sa caller ay napapairap na lamang sya ng makita nya na si Edward ang tumatawag sa kanya."Napatawag ka?" pahintamad na sabi ni Trina pagkasagot nya sa tawag ni Edward."Ang sungit mo naman. May good news pa naman ako sa'yo tapos sinusungitan mo ako," sagot ni Edward mula sa kabilang linya."Ano yun? Sabihin mo na dahil may ginagawa ako," mataray pa na sagot ni Trina. "Istorbo," dagdag pa nya kasabay ng pag irap nya."Tsk. Ang sungit talaga. Ibabalita ko lang sa'yo na nagawa na ng mga tauhan ko ang pinapagawa mo. Nahanap na namin ang kotse ng ate Aira mo at gaya ng gusto mong mangyare ay tinanggalan na iyon ng preno ng mga tauhan ko," pagbabalita ni Edward kay Trina.Natigil naman sa paghakbang nya si Trina at saglit na tumingin sa paligid dahil baka may makarinig sa mga sasabihin nya. Nang map
Magbasa pa

Chapter 227

CHAPTER 227 Pagkalabas ni Trina sa building kung saan nya hinanap ang unit nila Aira ay dumiretso na sya na sumakay sa sasakyan na hiniram nya kay Karen. Balak ni Trina na bumalik na muna sa rinentehan nya pansamanatala na bahay. Maghihintay na lang muna sya ng balita kapag naaksidente na ang ate Aira nya. "Hay naku. Mabuti pa na maghintay na lang ako ng good news kesa mahilo ako kakahanap sa unit ng magaling kong kapatid," kausap ni Trina sa kanyang sarili pagkasakay nya sa sasakyan. Agad na rin nya itong pinaandar at agad na umalis doon. ******** "Boss umalis na po ang sasakyan ni ms. Aira," pagbabalita ng tauhan ni Edward sa kanya. Hindi kasi kaagad umalis ang mga ito roon at nagmasid masid pa muna sila at hinintay talaga na makaalis ang sasakyan ni Aira para makasigurado na aalis nga ito ngayon. "Good. Sige na. Pabayaan nyo na yan. Baka mahalata pa kayo kapag dinundan nyo pa yan. Umalis na kayo r'yan," sagot ni Edward mula sa kabilang linya. "Sige po boss," sagot ng
Magbasa pa

Chapter 228

CHAPTER 228Halos padilim na rin ng magpasya sila Aira at Dave na umuwi na sa kanilang unit. Ayaw pa sana silang paalisin ng magulang ni Dave pero kailangan nilang umuwi ngayon dahil may mga kailangan silang gawin bukas at wala na rin extrang damit pa ang mga bata. Kaya naman agad na nilang inayos ni nay Wanda ang mga dala nilang gamit ng mga bata.Halos maghapon din kasi na naglaro ang kambal at tila wala itong kapaguran sa paglalaro at hindi nauubos ang kanilang energy. Marahil ay namiss ng mga bata maglaro sa labas dahil nga sa palagi na lamang nakakulong ang mga ito sa loob ng kanilang unit at walang ibang kalaro roon kundi sila lamang magkapatid. Madalas na lamang din nga silang bigyan ng mga activity ni Janella kagaya ng pagsusulat at pagkukulay para naman malibang sila at gustong gusto rin naman ng kambal ang mga ito pero iba pa rin talaga na nakakapaglaro sila sa labas.Abalang abala si Aira sa kanyang ginagawa at hindi na nya napapansin na kanina pa pala may tumatawag sa kany
Magbasa pa

Chapter 229

CHAPTER 229Hindi na rin naman nagtagal at inilipat na nga si Trina sa ICU kung saan sya inoobserbahang maigi doon. May mga pulis na din na nakabantay sa labas ng ospital kung saan ito naka confine ngayon dahil nga baka may mga kasabwat pa ito at gusto lamang makasiguro nila Dave na maging ligtas sila.Una ng pumasok sa loob ng ICU si Aira dahil hindi kayang makita ng kanyang ina ang kalagayan ni Trina ngayon.Pagkapasok ni Aira ay sinuot na muna nya ang lab gown na sinusuot sa loob ng ICU pinagsuot din sya ng mask bago sya makalapit kay Trina.Dahan dahan pa na lumapit si Aira sa pwesto ni Trina at naluluha naman nyang tinitigan ito na ngayon ay nakahiga na sa hospital bed at napakaraming aparato ang nakakabit sa katawan nito ngayon at napaliligiran pa ng machine ang higaan nito. Dapat nga ay lalagyan pa ito ng posas ng mga pulis pero pinigilan na lamang nila dahil wala namang malay si Trina.Nang makalapit si Aira kay Trina ay hindi na nya napigilan pa ang pagbagsak ng kanyang luha
Magbasa pa

Chapter 230

CHAPTER 230Dalawang araw na ang mabilis na lumipas simula ng masangkot si Trina sa isang aksidente.Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Trina at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin ito ng mga doktor dahil nakakailang beses na rin na nag seizure si Trina kaya labis na nag aalala ang kanyang mga magulang pati na rin si Aira sa kanya."Dok kumusta po ang anak ko? Bakit po hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon?" sunod sunod na tanong ni Cheska sa doktor na sumusuri kay Trina.Pinapunta kasi sila ng doktor ni Trina sa opisina nito dahil gusto raw silang makausap ng masinsinan kaya naman agad na silang nagpunta roon. Kasama rin nila ngayon si Aira dahil simula ng maospital si Aira ay araw araw na rin itong pumupunta roon habang si Dave naman ay pumapasok sa opisina. Ang mga anak naman nila ay bantay sarado pa rin ng mga tauhan ni Dave sa kanilang unit. Hindj pa rin sila kampante ngayon dahil nga baka may mga kasamahan pa si Trina bago sya naaksidente."Misis tatapatin ko na
Magbasa pa
PREV
1
...
2122232425
...
42
DMCA.com Protection Status