TILA natutupad na nga ang pangarap ni Sabrina, hindi lang siya basta napansin ni Vladimir kundi tila nagkaroon pa ito ng interes na higit siyang makilala. Mula sa kinatatayuan ay tila naparalisa ang dalaga. Ang bawat titig kasi ng binata ay tila nanununuot sa kalamnan ng dalaga, para siyang nakalutang sa alapaap nang yayain siya nitong ihatid pauwi. Ngunit nag-aalalang tinawagan niya si Criselda dahil sa alok ng binata. "Señorita, hindi yata tama." tutol na saad ni Cris, nag-aalala na siya sa pinaggagawa nito. Gusto niyang magsisi na pinagbigyan niya pa ito. "Gusto ko 'yung mumurahing paupahan, malayo sa marami, please. . ." pakiusap ni Sabrina. Naiiling na napabuntong-hininga si Cris saka napilitang sundin ang kagustuhan nito. Nagpahanap si Criselda ng boarding house na mura lang ang upa at matatagpuan sa urban area. Nagpabili ng ilang kagamitan na para lamang sa iisang tao. Lahat ay dapat mumurahin ayon sa alaga niya. At tulad ng inaasahan ni Sabrina, inihatid nga siya ng bi
Read more